You are on page 1of 5

Talambuhay ni Andres

Bonifacio

Prepared by:
Mr. Hendrix
• Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng
Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina
Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa
mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang
na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan
siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata
niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay,
inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa
paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang
itininda sa lansangan.

• Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging


isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang
kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda.
Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit ang
kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa
kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang
"Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang
bukod tanging determinasiyon at sipag kaya naging matatag
siya sa kanyang trabaho
• Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at
sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga
nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo,
Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng
Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa
na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'.

• andres the great plebian image


• Ang mga nabasa niyang aklat ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng
Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na
Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Itinatag niya ang Katipunan noong ika-7 ng Hulyo,
1892 kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kanyang
pangalan ay Maypagasa. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng
lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi
ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan
noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay
natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad
Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ,ang Katipunan ay
natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at
ang mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay
nakaranas ng malabong tagumpay at malubhang pagkatalo.
• Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si
Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy
na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si
Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang
Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na
Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si
Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit
niya ang kanyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng
Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Si Bonifacio ay
lumipat sa Naic, Cavite at nag-umpisa siyang gumawa ng sarili
niyang pamahalaan at puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng
tropa ng Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia ay
nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan ni Aguinaldo sila Pio
del Pilar at Noriel na pawang binigyan ng matataas na
katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang
gawain.
TRIVIA TIME

1.Saan nakatira si Andres Bonifacio?


2.Kailan nakatira si Andres Bonifacio?
3.Kailan ipinanganak si Andres Bonifacio?
4.Saan Nakatapos si Andres Bonifacio ?

You might also like