You are on page 1of 16

PAIKOT NA DALOY NG

EKONOMIYA
Konsepto at Ugnayan ng Kita
at Pagkonsumo
Sa panig ng Sambahayan (S) Sa panig ng Bahay-Kalakal
Y=C Y=C
Php 100,000 = Php 100,000 Php 100,000 = Php 100,000

Kung saan:
Y= Kita
C = Pagkonsumo
Ang kalagayang ito ay tinatawag na
makroekonomikong ekwilibriyo kung
saan ang kita (Y) sa panig ng
sambahayan ay katumbas sa
pagkonsumo (C) o kaya
sa panig ng bahay-kalakal, ang kita (Y)
ay katumbas ng pagkonsumo.
•Batay sa modelo ng paikot na daloy, ang mga salik ng produksiyon; lupa,
paggawa, kapital, at kakayahang entrepreneural ay nagmumula sa
sambahayan.
•Ang bahay-kbalakal naman ang responsable upang pagsama-samahin ang
mga salik ng produksiyon upang mabuo ang produkto at serbisyo.
•Sa ating dayagram, makikita na ang halagang Php 100,000 ay napunta sa
sambahayan mula sa bahay-kalakal bilang kabayaran sa mga salik ng
produksiyon. Magsisilbi itong kita ng sambahayan.
•Samantala magagamit ng sambahayan ang naturang halaga bilang
pagkonsumo.
•Ang Php 100,000 ay mapupunta sa bahay-kalakal bilang kabayaran sa mga
nabuong produkto at serbisyo.
•Ang gastos ng bahay-kalakal bilang kabayaran sa nabuong produkto at
serbisyo ay nagsisilbing kita ng bahay-kalakal.
•Ipinapakita sa paikot na daloy ang pag-aasahang naganap sa pagitan ng
sambahayan at bahay-kalakal.
KONSEPTO AT
UGNAYAN NG KITA AT
PAG-IIMPOK
Sa panig ng Sambahayan (S): Sa panig ng Bahay-kalakal (B)
Y=C+S Y=C+I
Php 100,000 = Php 90,000 + 10,000 Php 100,000 = Php 90,000 + 10,000

C+S=Y=C+I
Samakatuwid,
Lumalabas na kita (outflow) = Pumapasok na kita (inflow)
Kung saan: S = Pag-iimpok
l = Pamumuhunan
•Ipininapakita sa diagram na hindi lahat ng kita ng
sambahayan ay ginagamit sa pagkonsumo.

•May bahagi ng kita ng sambahayan na hindi ginagasta


(savings).

•Batay sa ating halimbawa, ang kita ng sambahayan na


Php 100,000 mula sa bahay-kalakal bilang kabayaran sa
mga salik ng produksiyon ay hindi ginagasta lahat. Ang
Php 100,000 ay napupunta sa pag-iimpok kaya ang
kabuuang pagkonsumo ay aabot na lamang sa Php
90,000.
•Mapapansin na ang halagang Php 10,000 bilang
impok ay papalabas (outflow) sa paikot na daloy.

•Ang halagang Php 10,000 na inimpok ng


sambahayan ay maaring gamitin ng mga
institusyong pinansiyal bilang pautang sa bahay-
kalakal bilang karagdagang puhunan. Sa ganitong
pagkakataon, ang pamumuhunan ay nagsisilbing
dahilan upang muling pumasok ang lumabas na
salapi sa paikot na daloy.
KAHALAGAN NG PAG-IIMPOK AT
PAMUMUHUNAN SA PAG-UNLAD NG
EKONOMIYA NG BANSA
• Ang mga salaping inilalagak ng mga depositor sa bangko ay
lumalago dahil sa interes sa deposito. Ipinauutang naman ito
ng bangko sa mga namumuhunan na may na may dagdag na
kaukukang tubo. Ibig sabihin, habag lumalaki ang
naidedeposito sa bangko, lumalaki rin ang maaring ipautang
sa mga namumuhunan. Habang dumarami ang
namumuhunan, dumarami dumarami rin ang nabibigyan ng
empleyo. Ang ganitong sitwasyon ay indikasyon ng masiglang
gawaing pang-ekonomiya (economic activity) ng isang lipunan.

• Ang matatag na sistema ng pagbabagko ay magdudulot ng


mataas na antas ng pag-iimpok (capital formation). Ang
ganitong pangyayari ay nakapagpapasigla ng mga economic
activites na indikasyon naman ng pagsulong ng pambansang
ekonomiya.
• Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay
ang ahensiya ng pamahalaan ng nagbibigay ng proteksiyon
ng mga depositor sa bangko sa pamamagitan ng pagbibigay
seguro (deposit insurance) sa kanilang deposito hanggang
sa halagang Php 250,00 bawat depositor. Ang isang
bansang may sistema ng deposit insurance ay
makapanghihikayat ng mga mamayan na mag-iimpok sa
bangko. Kapag maraming nag-iimpok, lumalakas ang
sektor ng pagbabangko at tumitibay ang tiwala ng publiko
sa katatagan ng pagbabangko.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahulugan ng PDIC?
a. Philippines Deposit Insurance Company
b. Philippine Depositor Insurance Corporation
c. Philippine Deposits Insurance Corporation
d. Philippine Deposit Insurance Corporation

2. Ano ang mga salik ng produksiyon batay sa unang modelo?


a. Lupa, paggawa, at kapital
b. Lupa, kapital, paggawa, at entrepreneurship
c. Lupa, paggawa, kapital, at serbisyo

3. Ang Php 100,000 ay mapupunta sa bahay-kalakal bilang kabayaran sa mga nabuong


produkto at serbisyo.
a. Produkto at kapital b. Produkto at puhunan c. Produkto at pera
d. Produkto at serbisyo
4. Ito ay ang responsable upang pagsama-samahin ang mga salik ng produksiyon upang mabuo
ang produkto at serbisyo.
a. sambahayan b. bahay-kalakal c. serbisyo d. prodyuser

5. Sa unang dayagram, ano ang ibig sabihin ng Y at C?


a. Pagkonsumo at Kita b. Produkto at Serbisyo c. Kita at Pagkonsumo
d. Pag-iimpok at pamumuhunan

6. Ang isang bansang bansang may sistema sa Deposit Insurance ay makapanghihikayat ng mga
mamamayan na mag-____ sa bangko.
a. hiram ng pera b. pataas ng kita c. impok d. nakaw

7. Ang salaping hindi ginagastos ay tinatawag na?


a. Deposit b. impok c. kapital d. kita

8. Kalagayang ito ay tinatawag na makroekonomikong ekwilibriyo kung saan ang kita (Y)
sa panig ng sambahayan ay katumbas sa?
a. Pagkonsumo b. Pagbili c. Pagbebenta sa mataas na halaga d. Pagbagsak ng presyo
9. Ito ay mga salaping hindi ginagastos at ito’y tinatawag na?
a. Pagkonsumo b. kita c. pag-iimpok d. kapital

10. Ito ay ang paggalaw ng halagang Php 10,000 bilang impok sa paikot na daloy.
a. Papalabas b. pagbaba c. pagtaas d. papasok

11. Ang halagang Php 10,000 na naimpok ng sambahayan ay maaring gamitin ng mga? Bilang?
a. May-ari, pagkonsumo b. Institusyong kita, pautang c. Institusyong pinansyal, pautang
d. Institusyong may-ari, karagdagang puhunan.

12.

You might also like