You are on page 1of 15

Kabanata 7

Si Simoun
Tagpuan
Sa gubat

- Nagkita at nagtagisan ng talino at opinyon si Simoun


at Basilio
Talasalitaan
Yabag – Tunog ng lakad
Maaninag – Masilayan;Makita
Kaganapan – Pangyayari
Nilantad – Ibinunyag
Kahangalan – Kaungasan
Pagkakaunawaan – Pagkakaintindihan
Diwa – Kaluluwa
Katwiran – opinyon
Layunin – Adhikain
Nilisan - Umalis
Tauhan
- Simoun

Isang mayamang mag-aalahas, itinatago niya ang


kaniyang tunay na katauhan sa likod ng pangalang
Simoun. Sa katunayan, siya ay si Juan Crisostomo
Ibarra na nagbalik upang magbuo ng isang alyansa,
maghiganti sa kaniyang mga kaaway, at manguna sa
himagsikan laban sa pamahalaang Espanya.
- Basilio

Isang mag-aaral ng medisina, matagumpay na


manggagamot sa kaniyang huling taon sa
unibersidad at naghihintay na mailabas ang
kaniyang lisensya sa kaniyang pagtatapos at siya
rin ang kasintahan ni Juli na anak ni Kabesang
Tales.
Buod
Pauwi na sana si Basilio nang mayroong siyang marinig na
yabag at maaninag na imahe ng tao. Si Simoun, ang mayamang
mag-aalahas. Naalala ni Basilio ang kaganapan sa mismong lugar
na ito labing-tatlong taon na ang nakakalipas. Nilantad ng binata
ang kaniyang sarili upang ibalik ang kabutihan nito sakaniya noon
at namutla si Simoun dahil may nakakaalam na ng iniingatan
niyang lihim. Tinutukan ni Simoun ng baril ang binata at balak
paslangin para mailigtas ang kaniyang mga layunin. Ngunit alam ni
Simoun na parehas silang pinagkakautangan ng lipunan ng
katarungan at sa halip na ito’y kaniyang ipahamak, nararapat na
lang na sila’y magtulungan. Ipinamukha niya rin kay Basilio ang
kahangalan nito sa pagpirma ng kasulatan sa pagpapatayo ng
Akademya ng Wikang Kastila.
Dagdag pa niya na ito’y magiging ugat ng hindi
pagkakaunawaan dahil ang wika ay ang diwa ng bayan at habang
angkin ng bayan ang kaniyang sariling wika ay taglay niya ang
sariling pag-iisip. Pilit binibigyang katwiran ni Basilio ang mga
sinasabi ni Simoun na siya ay isa lamang hamak na mag-aaral ng
medisina ngunit nilaban ni Simoun na walang mas higit na
karamdaman ang papantay sa sakit ng bayan at walang kahulugan
ang buhay kung hindi iaayon sa dakilang layunin. Sinabi ni Simoun
na bukas ang kaniyang tanggapan kung sakaling magbago ang isip
ng binata at bahala na siya kung anong gagawin niya sa nalaman
niyang lihim, at tuluyan nang nilisan ni Basilio ang gubat.
Mahahalagang
Salita
- “Ang wika ay ang diwa ng bayan at habang angkin ng
bayan ang kaniyang sariling wika ay taglay niya ang
sariling pag-iisip”

- “Walang mas higit na karamdaman ang papantay sa sakit


ng bayan”

- “Walang kahulugan ang buhay kung hindi iaayon sa


dakilang layunin.”
Aral
“ Ang pabubulag-bulagan sa tunay na dinaranas ng
lipunan ay isang kasakiman at kaduwagan sa
katotohanan bagkus nararapat lamang nating iparinig
ang ating boses at ipaglaban ang karapatan ng bawat
isa”.

You might also like