You are on page 1of 4

FIL.G1.

RFC

Hindi na Ako Natatakot

Kaarawan ni Ate
FIL.G1-1.Hindi na Ako Natatakot

Malaki na ako. Lalabas ako ng bahay nang mag-isa.


Ang dilim naman!
May nakikita akong malaki at madilim na bagay doon!
Ano kaya iyon?
Ay, balon lang pala. Hindi ako natatakot.
At ang ingay na iyon? Krak, krak, krak!
Ano ba iyon?
Kapatid ko lang pala!
Nag-iigib siya mula sa balon.
FIL.G1-2.Kaarawan ni Ate

Masaya ang aming pamilya.


Lalo na ngayong araw!
Ngayong araw, marami kaming gagawin.
Bawat isa sa amin ay tutulong!
Si Nanay ay nagpapalamuti.
Tinutulungan siya ni Kuya.
Si Tatay ay nagluluto.
Tinutulungan siya ni Lola.
Si Lolo ay humihihip ng lobo.
At tinutulungan ko siya!
Ngayong araw ay kaarawan ni Ate!
FIL.G1.RFC

You might also like