You are on page 1of 1

Ika-30 ng enero nung nagbalita ang isang tv network na may nagpositibo na ng covid 19 virus dito sa

pilipinas. Naalarma ang lahat pati na rin kami. Ako na nababahala noon kasi unang beses ko lang
napanood ang balita na iyon ay talagang tinayuaan ako ng balahibo. Ikaw-1 ng Pebrero ng may mag ulat
ulit sa pangakawang kaso at ito ren ang naging sanhi ng pagkamatay neto na sya naman talgang
ikinaalrma ko. Halos matanggal na ang puso ko sa kaba sapagkat hindi ako sanay sa ganoong sitwasyon...
Makalipas ang ilang araw ay nagkaroon at dumami pa ang kaso hudyat para ilagay ang buong lugar sa
enhance community . Hindi ako sanay sa ganitong uri ng pamumuhay sapagkat ang mga malalakas na
hiyawan, ang paglalaro sa labas at pag gala sa kung saan saan ay napalitan ng nakabjbinging katahimikan
at halos mamatay na dahil nakakulong lamang sa bahay.

"Tay parang bumalik tayo sa panahon ng martial law.. Tahimik ang paligid at alas sais pa lamang ay patay
na ang mga ilaw"sabi ko sa aking tatay ngunit d ako mapakali. "Oo ganito noong martial law.. Tahimik at
maaga palang patay na ang ilaw" sabi ng aking tatay..Nasa kusina kami sapagkat naglilinis ako ng
pinggan. "Hindi po ako sanay ng ganito tay ..Sobrang tahimik at may paikot ikot na pulis..nakakatakot
po.."sabi ko sa aking ama na sya namang ikinatigil nya sa pag inom ng tubig."hindi ka nmn aanuhin ng
mga pulis..basta wag ka nalang lumabas kasi nakalockdown tayo" sabj ni tatay saken. Kaya noong oras
na yun ay nagiging komportable na ako.Makalipas ang araw ay talaga namang siyang mabils na paglobo
ng kaso ng covid19. At sa d kalaunan ,buong pilipinas ay isinailalim na sa lockdown."Hala, paano po si
nanay..Nasa maynila po siya at nagtatrabaho! Edi d ko na po sya makakasama!?"nag aalalang tanong ko
aa aking ama. "Uuwi si nanay bago maglockdown.. ano ka ba?! Wlang kasama si nanay sa maynila kaya
uuwi yun" pagsingit ng panganay naming kapatid. "Ah ganun po ba pero baka hindi po sya makaabot...
Isa pa maynila yun at doon din ang sentro ng unang may kaso.. malamang wlaang masasakyan yun.."nag
aalalang sabi ko na hindi pa mapakali. "Tumigil ka na lang dyan sa kaakimik mo" pasungit na sabi ng
pangalawa kong kapatid...Kaya sa oras na iyon hindi ko alam kung paano ako magiging ayos sa situation
ko.Unang una bata pa ako kaya ganun na lang ang pagmamahal at pag aalala na nararamdaman ko
nokng oras na yun. Ang mga takot at kaba sa bawat oras ay nararamdaman ko noong kras na yun. Hlos
nagbago ang lahat at ang mundo. Halos mga ingay ng ibon ang iyong maririnig sapagkat hindi ka maaring
lumabas kahit sa kapit bahay. Ang nakakaalarma at kinakabahan kong puso ay napalitan ng saya at tuwa
nang dumating si nanay.. alam kong kumpleto na kami ngunit ang problema ay ang panggastos na sya
namang ipinag alala naming lahat. Isa pa may baboy kaming sinusuportahan noon kaya ganub ang aking
naging damdamin. Hanggang dito ko na lang tatapusin ang isa sa mga naging karanasan ko sa pandemya
bunga ng covid 19

You might also like