You are on page 1of 10

Kabanata 17

Mga Kasawian sa Madrid


(1890-1891)
Di Pagkakamit ng Hustisya para sa Pamilya

 Agosto, 1890 - dumating si Rizal sa Madrid.

 Hinamon niya sina Antonio Luna at Wenceslao E. Retana sa duelo.

 Ikinasal si Leonor Rivera sa isang inhinyerong Ingles.

 Kaagad humingi ng tulong si Rizal sa mga grupo ng Pilipino roon,


 Asociacion Hispano-Filipina at mga pahayagang liberal sa Madrid
tulad ng ;
 La Justicia,
 El Globo,
 La Republica,
 El Resumen
 Marcelo H. del Pilar - abogado niya

 Dr. Dominador Gomez - kalihim ng Asociacion Hispano-Filipina

 “Para magbingi-bingihan, buksan ang portamoneda at maghalukipkip”


“Sarahan ang tainga, buksan ang pitaka, at magkibit-balikat
na lamang.”

 Natanggap ni Rizal ang masamang balita ng kaniyang bayaw na si Silvestre


Ubaldo na nakatanggap siya ng kopya ng pagpapatalsik na ipinag-uutos ng
mga Dominiko para kay Francisco Rizal at iba pang kasama.

 Nakatanggap siya ng balita sa kanyang kapatid na si Saturnina na ipinatapon


si Paciano (Rizal), Antonino (Lopez), Silvestre (Ubaldo), Teong (Mateo
Elejorde), at Dandoy (kamag-anak ng mga Rizal) sa Mindoro, noong
Setyembre 6, 1890.
Parangal ni Rizal kay Panganiban

 Ang kaniyang kaibigang si Jose Maria Panganiban na nakasama niya sa


kilusang propaganda ay namatay sa Barcelona noong Agosto 19, 1890.
Naudlot na Duelo kay Antonio Luna

 Sa pagtatapos ng Agosto 1890, dumalo si Rizal ng isang salu- salo ng mga


Pilipino sa Madrid.

 Naging matabil ang mga panauhin at kung anu-ano ang pinagkukuwentuhan. Isa
sa mga nalasing ay si Antonio Luna.

 Mas mahusay sa pamamaril si Rizal kaysa kay Luna, ngunit ang huli'y magaling
sa eskriminahan.
Hinamon ni Rizal si Retana sa Duelo
 Sa isang okasyon, hinamon ni Rizal ang isa pang lalaki sa isang duelo --- si
Wenceslao E. Retana, ang karibal niya sa panulat.

 Sumulat siya ng artikulo sa La Epoca, pahayagang laban sa Pilipino.

 Nainsulto rito si Rizal kaya kaagad siyang kumilos. Nagpadala siya ng


mensahe kay Retana na hinahamon niya ito sa isang duelo.

 Sinulat niya ang unang aklat ng talambuhay ng pinakadakilang bayaning


Pilipino, na ang talino ay hinahangaan niya at ang pagmamartir ay kaniyang
dinakila.
Pagtataksil ni Leonor Rivera
 Taglagas ng 1890, habang nanonood sina Rizal at ang kanyang mga kasama sa
Teatro Apolo sa Madrid ay nawala ang kanyang locket na nagtataglay ng larawan
ni Leonor Rivera.

 “Pipiliin ni Leonor ang pangalang Kipping dahilan sa ito ay malaya at ang Rizal ay
isang alipin.”

 “Tunay na nakikiramay ako sa iyo sa pagkawala ng babaing nais mong pakasalan,


ngunit kung kaya niyang pawalan ang isang Rizal, hindi siya karapat-dapat sa
iyong marangal na diwa. Para siyang isang bata, na nagtapon ng diyamante para
makuha ang isang bato ... Sa madaling salita, hindi siya ang babae para kay Rizal”
Hidwaan nina Rizal at del Pilar
 Sa pagtatapos ng 1890, nagkaroon ng hidwaan para sa pamumuno sina Rizal at
M.H. del Pilar.

 Rizal – walang kaduda-duda ang pagiging pinuno niya sa mga Pilipino sa


Europa dahil siya ang pinakatalentadong Pilipino ng kanyang panahon.

 Del Pilar – isang matapang na abogado at mamamahayag, nakilala sa


Madrid dahil sa kanyang matatapang na editorial sa La Solidaridad, na
naging pag-aari niya.
 Upang magawan ng paraan na huwag lumala ang karibalan; ang mga Pilipino
sa Madrid na may bilang na 90 ay nagkaisang magsagawa ng isang pag-
uusapan na kanilang gaganapin sa Enero 1,1891.

 Pinag-usapan dito na ang editoryal ng La Solidaridad ay mapasailalim sa


samahan ng mga Pilipino, ito ay tinutulan ni del Pilar. Napag-usapan na
magkakaroon ng isang halalan na dito ang makapagtatamo ng 2/3 na boto ang
mananalo.

 Nagsagawa ng halalan ang mga Pilipino sa Madrid noong unang linggo ng


Pebrero 1891 at nahati ang mga Pilipino sa dalawang kampo — Rizalista at
Pilarista.

 Umalis si Rizal sa Madrid na nag-iwan ng maikling sulat ng pagpapasalamat


sa mga kababayan niyang naghalal sa kanya at nagtungo sa Biarritz.
Gracias!
Josephine T. Pobre Desserie M. Lozano

You might also like