Professional Documents
Culture Documents
Arts 5 - Quarter 3 - Week 6-8
Arts 5 - Quarter 3 - Week 6-8
SINING 5
QUARTER 3 – WEEK 5
SINING NG
PAGLILIMBAG
X
ALAMI
N
Ang paglilimbag o printmaking ay isang uri ng
sining. Madalas, ito ay nagpapakita ng mga dibuho
na maaaring gawing paulit-ulit. Ang ilan sa mga
halimbawa ng paglilimbag sa pamamagitan ng
paglalagay ng papel sa ibabaw ng limbagang plato
at pagkukuskos sa likod ng papel na ang dibuhong
gagawin ay nagpapakita ng mito o alamat galing sa
ating mga ninuno.
Ang mitolohiya o mito ay isang halos magkakabit-kabit
na kumpol ng mga tradisyonal na kwento o mito, mga
kwento na binubuo ng isang partikular na tao, relihiyon o
paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kwentong mito
ang mga anito, diyos at diyosa na nagbibigay ng mga
paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa at
kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May
kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kwentong-bayan.
Mga kagamitan:
➢ 2 piraso ng cardboard (8.5 X 11 inches)
➢ Gunting, pandikit o glue, puting papel
➢ Acrycolor o cray pas color
Hakbang sa paggawa:
1. Pag-isipan ang larawan na napili ayon sa iyong imahinasyon.
2. Sa isang cardboard, gupitin ang mga hugis na bubuo sa larawan na iyong napili.
3. Idikit ito sa isang pirasong cardboard at ayusin ang larawan ayon sa iyong nais.
4. Lagyan ng acrycolor ang bahagi ng nakaumbok sa cardboard sa pamamagitan ng maliit na paint brush.
5. Ipatong ang puting papel sa bahaging may kulay at dahan dahang iangat.
6. Patuyuin.
7. Linisin at ayusin ang lugar na pinaggawaan.
TUKLASIN
Ang paglilimbag ay isang gawaing pansining na
magbibigay ng pagkakataon upang lalong malinang
ang iyong pagiging malikhain at maging
kapakipakinabang ang iyong kakayahan sa
paggawa ng mga disenyo. Maraming bagay ang
maaaring ilimbag at gamitin sa paglilimbag tulad ng
bungang gulay at mga patapong bagay. Ang mga
disenyong inilimbag ay ginagamitan ng iba’t ibang
linya, tekstura at kulay upang mas mapaganda pa
ito.
ART EXHIBIT