You are on page 1of 18

Gamit ng Cohesive Devices

o Kohesyong Gramatikal sa
Pagsulat ng Teksto
COHESIVE DEVICES O KOHESYONG
GRAMATIKAL
Mahalaga sa pagbibigay ng malinaw
at maayos na daloy ng mga kaisipan
sa isang teksto.
Mga salitang nagsisilbing pananda
upang hindi paulit-ulit ang mga salita.
LIMANG PANGUNAHING COHESIVE DEVICE O
KOHESYONG GRAMATIKAL

1. reperensiya (reference)
2. substitusyon (substitution)
3. ellipsis
4. pang-ugnay
5. leksikal
1. Reperensiya (reference)
• Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o
maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap.
• Maaari itong maging anapora ( kung kailangang bumalik sa
teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o
kaya’y katapora ( kung nauna ang panghalip at malalaman
lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang
pagbabasa sa teksto).
Anapora
• Halimbawa:
• Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ang maaaring
maging mabuting kaibigan.
• (Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa
aso na nasa unang pangungusap. Kailangang balikan
ang unang pangungusap upang malaman ang
tinutukoy ng panghalip na ito.)
Anapora
 Mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang
panimula sa pinalitang panggalan sa unahan ng
pangungusap.
Halimbawa:
Sina Raha Sulayman at Andres Bonifacio ang mga
bayaning Pilipino. Sila ay mga dakilan Manilenyo.
Katapora
• Halimbawa:
• Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa
umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang
ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para
makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi
ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong
kapatid na mag-iisang taon pa lamang.
• (Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang
bunsong kapatid. Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy
ng siya o niya kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa.)
Katapora
 Mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang
pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan.
Halimbawa:
Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may
makulay na kasaysayan.
2. Substitusyon (Substitution)
 Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling
ulitin ang salita
• Halimbawa:
• Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
• (Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng
salitang bago sa ikalawang pangungusap. Ang dalawang
salita’y parehong tumutukoy sa isang bagay, ang aklat).
3. Ellipsis
 may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit
inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa
rin sa mambabasa ang pangungusap dahil
makatutulong ang naunang pahayag para
matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
 Binubuo ng tatlong magkakasunod na tuldok (…)
Halimbawa:
• Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
• (Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa
bahagi ni Rina subalit naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad ni
Gina, siya’y bumili rin ng tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa uang
bahagi).
• Tumunog ang telepono…Inaasahan kong hindi na ito ang iyong ina.
• Ang galing mo talaga…parang hindi ka na matututo.
4. Pang-ugnay
• Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng
sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa
pangungusap.
• Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa
o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay.
• Halimbawa:
• Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga
anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng
pagmamahal sa kanilang mga magulang.
5. Kohesyong Leksikal
• Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang
magkaroon ito ng kohesyon.
• Maaari itong mauri sa dalawa:
• 1. reiterasyon
• 2. kolokasyon
a. Reiterasyon
• Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauuulit nang ilang
beses. Maaari itong mauri sa tatlo:
• 1. pag-uulit o repetisyon
• 2. pag-iisa-isa
• 3. pagbibigay-kahulugan
1.Pag-uulit o repetisyon

Halimbawa:
Maraming bata ang hindi nakapapasok sa
paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtatrabaho na sa murang gulang pa
lang.
2. Pag-iisa-isa

• Halimbawa:
• Nagtatanim sila ng mga gulay sa
bakuran. Ang mga gulay na ito ay
talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.
3. Pagbibigay-kahulugan
• Halimbawa:
• Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa
mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-
aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang baryang
naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
b. Kolokasyon
• Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o
may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa
ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari
ding magkasalungat
• Halimbawa:
• nanay – tatay, guro – mag-aaral, hilaga – timog,
• doktor- pasyente
• puti-itim, maliit – malaki, mayaman-mahirap

You might also like