magagandang batong ginamit dito at ang mga palamuting inihandog ng mga tao. Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, 6 “Darating ang panahon na ang lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, at walang matitirang magkakapatong na mga bato.” Lucas 21:8 Magandang Balita Biblia Tungkol sa Pagkawasak ng Templo
Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang
8
hindi kayo mailigaw ninuman! Marami ang
darating sa aking pangalan at magsasabi, ‘Ako ang Cristo,’ at, ‘Dumating na ang panahon!’ Huwag kayong susunod sa kanila. Lucas 21:10-11 Magandang Balita Biblia Tungkol sa Pagkawasak ng Templo
At sinabi pa niya, “Maglalaban-laban ang
10
mga bansa at ang mga
kaharian. 11 Magkakaroon ng malalakas na lindol, taggutom at mga salot sa iba't ibang dako. May lilitaw na mga kakaibang bagay at mga kakila-kilabot na kababalaghan buhat sa langit. Lucas 21:34-36 Magandang Balita Biblia Mag-ingat Kayo
“Mag-ingat kayo na huwag kayong malulong sa labis na
34
pagsasaya, paglalasing at matuon ang inyong pag-iisip sa mga
alalahanin sa buhay na ito; kung hindi ay bigla kayong aabutan ng Araw na iyon 35 na tulad ng isang bitag. Sapagkat darating ang Araw na iyon sa lahat ng tao sa ibabaw ng lupa. 36 Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng kalakasan upang malampasan ninyo ang lahat ng mangyayaring ito, at makatayo kayo sa harap ng Anak ng Tao.”