You are on page 1of 15

Lesson 5: Marcos 8 • Ang Gawain ng Nagdurusang Lingkod

Panimula

Sa Panahon ng Ikalawang Templo sa Israel noong panahong humantong sa


Unang Pagdating ni Cristo at nagtapos sa pagkawasak nito noong 70 AD, ang
mga iskolar na Hebreo ay kumuha ng dalawang larawan mula sa Kasulatan ng
darating na Mesiyas na tinawag nilang "HaMashiach Ben Joseph" o "Ang
Mesiyas na Anak ni Jose", at "HaMashiach Ben David" o "Ang Mesiyas na Anak
ni David". Alam nila na ang Mesiyas ay darating na may karakter o katangian ni
Jose bilang isang lingkod o servant at tinawag ang anyong ito ng Mesiyas na
"Ang Nagdurusang Alipin". Ngunit alam din nilana darating Siya na may
karakter o katangian ni David sa anyong tinawag naman nilang "Ang
Mananakop na Hari".
Nagkaroon sila ng malaking pagtatalo kung paano darating ang Mesiyas at
magampanan ang parehong anyo nang sabay. Ang hindi nila napagtanto na
ngayon ay naintindihan natin sa ating isipan ay isang Mesiyas lang Siya na may
dalawang pagdating. Na sa Kanyang Unang Pagdating ay natupad ni Jesus ang
gawain ng isang Nagdurusang Alipin na namatay para sa kasalanan at sa
Kanyang Ikalawang Pagbalik ay tutuparin naman Niya ang gawain ng
Mananakop na Hari at itatatag ang Kanyang kaharian o paghahari. Ang
Ebanghelyo ni Marcos ay nakatuon sa kung paano natapos niJesus ang papel ng
isang Nagdurusang Alipin at ang kabanatang ito ay nagbibigay ng isang
pangkalahatang pananaw sa partikular na gawaing iyon.
TANONG 1 – MAR 8:1-9
Ano ang pangunahing katangian ng Nagdurusang Lingkod na
ipinahayag sa kaganapang ito?
Marcos 8: 1-9
1Pagkatapos ng ilang araw, muling nagtipon ang maraming tao sa kinaroroonan ni Jesus. Nang wala nasilang makain, tinawag ni Jesus ang
mga tagasunod niya at sinabi, 2“Naaawa ako sa mga taong ito. Tatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain. 3Kung
pauuwiin ko naman sila nang gutom, baka himatayin sila sa daan dahil malayo pa ang pinanggalingan ng iba sa kanila.”4 Sumagot ang mga
tagasunod niya,
“Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain dito sa ilang para sa ganito karaming tao?”
5Tinanong sila ni Jesus, “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” Sinabi nila, “Pito po.”
6Pinaupo ni Jesus ang mga tao. Kinuhaniya ang pitong tinapay at nagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, hinati-hati niya ito at ibinigay sa mga
tagasunod niya para ipamigay sa mga tao. 7Mayroon din silang ilang maliliit na isda. Pinasalamatan din iyon ni Jesus at iniutos na
ipamigay din sa mga tao. 8Kumain sila at nabusog.
Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng pitong basket.
9Ang bilang ng mga taong kumain aymga 4,000. Pagkatapos ay pinauwi na ni Jesus ang mga tao

Marcos 6: 34-44
34Kaya nang bumaba si Jesus sa bangka,nakita niya ang napakaraming tao. Naawa siya sa kanila, dahil para silang mga tupa na walang
pastol. Kaya tinuruan niya sila ng maraming bagay 35Nang dapit-hapon na, lumapit kay Jesus ang mga tagasunod niya at sinabi, “Nasa
ilang po tayo at malapit nang gumabi. 36Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa mga karatignayon at bukid para makabili
ng pagkain.”
37Pero sinabi ni Jesus sa kanila, “Kayo ang magpakain sa kanila.” Sumagot sila, “Aabutin po ng walong buwang sahod ang gagastusin para
sa kanila! Bibili poba kami ng ganoong halaga ng tinapay
para ipakain sa kanila?” 38Tinanong sila ni Jesus, “Ilan ba angdala ninyong tinapay? Sige, tingnan nga
ninyo.” Tiningnan nga nila, at sinabi kay Jesus, “Mayroon po tayong limang tinapay at dalawang isda.”
39Pagkatapos, inutusan ni Jesus ang kanyang mga alagad na paupuin ng grupo-grupo ang mga tao sa damuhan. 40Kaya umupo nga sila ng
grupo-grupo, tig-100 at tig-50 bawat grupo. 41Kinuha niJesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit
atnagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, hinatihati
niya ang tinapay at ibinigay sa mga tagasunod niya para ipamigay sa mga tao. Ganoon din ang ginawa niya sa isda. 42Kumain silang lahat
at nabusog. 43Pagkatapos, tinipon nila ang natirangtinapay at isda, at nakapuno sila ng 12 basket. 44Ang bilang ng mga lalaking kumain ay
5,000.
TANONG 2 - MAR 8:1-9
Ito ba ay ang parehong pangyayari sa pagpapakain ng 5,000?
Marcos 6: 32-44 Marcos 8: 1-9
5,000+ katao, karamihan ay mga Hudyo 4,000 katao, karamihan ay Hentil
Kasama si Jesus sa loob ng isang (1) araw Kasama si Hesus sa loob ng 3 araw
Naganap sa Galilea Naganap malapit sa Decapolis
Limang tinapay at 2 isda Pitong tinapay at ilang isda
Labingdalawang basket ng mga natira Pitong basket ng mga natira
TANONG 3 - MAR 8:10-21
Bakit “napabuntong-hininga nang malalim si Jesus” bilang tugon sa
kanilang pagsubok?
TANONG 4 - MAR 8:10-21
Ano kaya ang nasa isip ni Jesus nang idineklara Niya na, "Katotohanang
sinasabi ko sa inyo, walang tanda na ibibigay sa henerasyong ito"?
Tumanggi ba siyang ihayag ang Kanyang sarili sa mga Hudyo?
TANONG 5 – MAR 8:10-21
Ano ang aral na nais ni Jesus na matutunan ng mga alagad? Ano ang
tinuturo sa atin patungkol sa tinapay at pagpapakain ng 5,000 at 4,000
na katao?
TANONG 6 – MAR 8:10-21
Ano ang pangunahing katangian ng Nagdurusang Lingkod na
ipinahayag sa kaganapang ito?
TANONG 7 - MAR 8:22-26
Ano ang kakaiba tungkol sa kung paano pinagaling ni Jesus ang
lalaking bulag dito kumpara sa ibang mga lalaking bulag na naitala sa
mga Ebanghelyo?
TANONG 8 – MAR 8:22-26
Ano sa palagay ninyo bakit nakadalawang patong ng kamay si Hesus
bago tuluyang makakita ang bulag?
TANONG 9 - MAR 8:27-33
Ano ang ipinahayag sa passage na ito kung sino si Hesus sa pananaw
ng mga tao at maging Kanyang alagad?
TANONG 10 – MAR 8:34-38
Ano ang tatlong kundisyon na itinatag ni Jesus mula sa katuruang ito
para sa totoong pagiging disipulo o true discipleship?
TANONG 11 - MAR 8:34-38
Ano ang ibig sabihin ng Markos 8:35?
TANONG 12 - MAR 8:34-38
Anong pangunahing katangian ng Nagdurusang Lingkod ang
ipinapahayag dito?

You might also like