You are on page 1of 11

Leksiyon 14

SAGOT SA TULIGSA SA APOCALIPSIS 7-2-3-UNANG BAHAGI


(ARGUMENTO 1-10)

Argumento Blg. 1
Hindi isinasaalang-alang ng lglesia Ni Cristo sa pagpapaliwanag ng Apoc. 7:2-3 ang
sinusundang talata (Apoc. 6:12-17) o ang sumusunod na talata (Apoc. 7:4-10) sapagkat ito'y
magpapasinungaling sa kanilang Itinuturo.

At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng
Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas Sa apat na anghel na pinagkaloobang
maipahamak ang lupa at ang dagat, Nanagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang
dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga no ang mga
alipin ng ating Dios.
At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na isang daan at apat na put apat na libo, na
natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel: sa angkan ni Juda ay labingdalawang libo ang
tinatakan; Sa angkan ni Ruben ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Gad ay labingdalawang
libo; Sa angkan ni Aser ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Neftali ay labingdalawang libo; Sa
angkan ni Manases ay labing dalawang libo; 7Sa angkan si Simeon ay labingdalawang libo; Sa
angkan ni Levi ay labingdalawang libo; Sa angkan ni lsacar ay labingdalawang libo; Sa angkan
ni Zabulon ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Jose ay labingdalawang libo; Sa angkan ni
Benjamin ay labingdalawang libo ang tinatakan. Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin
ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa
at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa
harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga paima sa kanilang
mga kamay; 1°At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi, Ang pagliligtas ay
sumaaming Dios na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero.
(Apoc. 7:2-3, 4-10)
At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at
ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong
buwan ay naging gaya ng dugo; At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno
ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na
hangin. 1At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't
bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan. 1At ang mga hari sa lupa, at ang mga
prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang
bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok;
At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'yinyong itago sa
mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero: Sapagka't dumating na ang dakilang
araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo? (Apoc. 6:12-17)
Sagot:
1. Ang Apoc. 6:12-17 at Apoc. 7:4-10 ay 1sinasaalang-alang ng lglesia Ni Cristo sa
pagpapaliwanag ng Apoc. 7:1-3.
a. Ang Apoc. 6:14-17 ay ginagamit na batayarn sa pagPapatunav sa panahon ng katuparan ng
hinuhulaan sa Apoc. 7:2-3.
b. Ang Apoc. 7:4-10 ay ginagamit din sa pagpapakilala sa kaugnayan ng gawain ng sugo sa mga
huling araw sa unang Iglesia Ni Cristo.
Argumento Blg. 2
Ang langit na nahawi na binabanggit sa Apoc. 6:14 ay kasingkahulugan din ng pagkaparam
ng langit. Kaya ito ay tumutukoy sa Araw ng Paghuhukom (l1 Ped. 3:7, 10; Apoc. 21:1; 6:14
MB). Paano pa makasusunod dito ang gawain ni G. Felix Manalo?
At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't bundok at
pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan. (Apoc. 6:14)
Nawala ang langit na gaya ng kasulatang biglang nalulon, at naalis sa kinalalagyan ang mga
bundok at mga pulo. (Apoc. 6:14 MB)
Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating
langit at lupa; wala na rin ang dagat.
(Apoc. 21:1 MB)
Ngunit ang sangkalangitan ngayon at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay
iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong
masama. Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang
sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay
sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang
masusunog. (II Ped. 3:7, 10)
Sagot:
1. Ang langit na nahawi na binabanggit sa Apoc. 6:14 ay hindi ang langit na mapaparam na
sinasabi sa II Ped. 3:7, 10 sapagkat may pangyayari pang naganap pagkatapos na mahawi ang
langit (tingnan ang Apoc. 6:14-17). Ito ay tumutukoy sa langit (kaluwalhatian) ng mga hari (Lev.
26:19; Isa. 14:18).
a. Ang langit ng mga hari ay nahawi sa sentidong naalis sila sa kanilang kapangyarihan.
Pinatutunayan ng kasaysayan ang pangyayari na noong Unang Digmaang Pandaigdig ay may
mga hari na naalis a mga kaharian na nalipat sa kapangyarihan ng iba. Gaya ng mababasa sa:
Elson, Henry W., Modern Times And The Living Past: A.M.. Litt, D. American Book of
Company, New York, Boston, Cincinnati, Atlanta, Chicago, 1945, p. 693.
The New Germany- not only the kaiser but all the monarchs of the various German state...
abdicated or were deposed in November, 1918. With the crumbling of the empire it was
necessary for the German people to devise a new form of government. Accordingly on
November 16 a provisional republic was set up with Frederick Ebert (a'bert) as chancellor."
Sa Filipino:
Ang Bagong Alemanya – hindi lamang ang mga emperador (kaiser) kundi lahat ng hari ng iba't
ibang estado na Aleman... ang nagbitiwo inalis noong Nobyembre, 1918. Sa pagguho ng imperyo
kinailangan ng mga Aleman na bumalangkas ng isang bagong uri ng pamahalaan, Kaya noong
Nobyembre 16 isang pansamantalang republika ang itinatag na ang kansilyer (chancellor) ay si
Frederick Ebert.
b. Ito rin ang sinasabi sa Apoc. 6:14 na "ang bawat bundok... ay naalis sa kanilang
kinatatayuan'". Ang "bundok ay tumutukoy rin sa hari at sa kaharian (Apoc. 17:9-10). Ang
pagkahawi ng langit at ang pagkaalis ng mga bundok sa kanilang kinata-tayuan ay naganap sa
digmaang pandaigdig (Isa. 34:1-4).
Argumento Blg. 3
Ang pangyayaring magaganap na hinuhulaan sa Apoc. 6:16-17 MB ay ang paghuhukomn
sapagkat sinasabi roon na nakita ang mukha ng Cordero kaya sinasabi ng mga tao sa mga bundok
at sa mga bato, "tabunan ninyo kami" at binanggit din na "dumating na ang dakilang araw ng
pagbubuhos ng kanilang poot," Ito ay tumutukoy sa dakilang araw ng kapootan ng Diyos o sa
Araw ng Paghuhukom (Zef. 1:14, 18; II Ped. 3:7, 10). Paano pa makasusunod dito anggawain ni
G. Manalo?
At sinabi nila sa mga bundok at mga bato, "Tabunan ninyo kami para hindi namin
makita ang mukha ng nakaluklok sa trono, at di madama ang poot ng Kordero! 17Sapagkat
dumating na ang dakilang araw ng pagbubuhos ng kanilang poot, at sino ang makatatagal?
(Apoc. 6:16-17 MB)
Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, malapit na at nagma-madaling
mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao
ay sumisigaw roon ng kalagimlagim.
Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa
kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain ay masusupok sa pamamagitan ng
apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka't wawakasan niya, o0, 1sang kakilakilabot na wakas.
nilang lahat na nagsisitahan sa lupain. (Zefanias 1:14, 18)
Nguni't ang sangkalangitan ngayon at ang lupa, sa pamamagitan na gayon ding salita ay
iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong
masama.
Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw: na ang
sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay
sa langit ay mapupugnaw sa matindina init at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang
masusunog. ( Ped. 3:7, 10)

Sagot:
1. Ang kagalitang binabanggit sa Apoc. 6:16-17 ay hindi ang Araw ng Paghuhukom, kundi ang
digmaan. Pinatutunayan ng Biblia na ang digmaan ay tinatawag ding kagalitan o kapootan ng
Diyos (Jer. 4:8, 19, Isa. 34:1-4).
2. Ang banggit na "dakilang araw ng kanilang kagalitan" ay bahagi ng sasabihin ng mga tao
kapag naganap na ang digmaang hinuhulaan (Apoc. 6:16-17 MB).
a. Gaya rin ito ng nangyari sa Israel nang sila ay nasa pakiki-pagdigma (Ose. 10:8 MB):
...Sasabihin nila sa kabundukan, Takpan ninyo kami,...
Ang katunayang ito ay digmaan ay ang sinasabi sa talatang 9:
Sinabi ni Yahweh, 'Ang lsrael ay patuloy sa pagkakasala mula pa sa Gabaa. Dahil dito
siya'y mahuhuli ng digmaan sa Gabaa.
Argumento Blg. 4
Sa Apoc. 7:4-10 ay tinitiyak na ang mga natatakan ay ang 144,000 mula sa 12 angkan ng
Israel at ang mga ito'y natawag noong unang siglo. Paano sila matatatakan ni G. Manalo kung
siya ang tinutukoy sa Apoc. 7:2-3?
Ang banggit na "ibang anghel" ay tumutukoy kay Cristo sapagkat Siya at hindi si G. Felix
Manalo ang nagtatak sa 144,000 (Apoc. 7:4; 14:1).
At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang
tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na
pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak
ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa
kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.'At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na
isang daan at apat na pu't apat na libo, na natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel.
(Apoc. 7:2-4)
'At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya'y
isang daan at apat na pu't apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na
nasusulat sa kanikaniyang noo. (Apoc. 14:1)
Sagot:
Hindi sinabi sa Apoc. 7:4 na ang nagtatak sa 144,000 ay ang "ibang anghel" na hinuhulaan sa
Apoc. 7:2-3. Kaya bagaman totoo na ang 144.000 ay bunga ng gawain ni Cristo at ng mga
apostol ay hindi nangangahulugangs si Cristo ang "ibang anghel na tinutukoy sa Apoc. 7:2-3.
2. Ang 144,000 ay ang pangunahing bunga ng pangangaral ng Cordero (Apoc. 14:1, 4; Sant. 1:1,
18). Ito ay sa unang tatak o unang yugto ng panahong Cristiano. Samantalang ang panahon ng
pagtatatak ng "ibang anghel" ay sa dulo ng ikaanim na tatak o yugto ng panahongCristiano.
3. Kaya lamang binanggit ang natatakan sa panahon ng unang Iglesia (Apoc. 74) ay upang
ipakita ang pagkakaugnay rito ng gawain ng ibang anghel (Apoc. 7:2-3). Ang dalawang gawaing
ito ay kapuwa pagtatatak at kapuwa gawaing pagliligtas ng Diyos.
Argumento Blg. 5
Hindi ba sa Heb. 1:13-14 ay sinasabing lahat ng mga anghel ay mga espiritu? Paano
mangyayaring si G. Manalo na isang tao áy naging anghel? Ngunit kanino sa mga anghel sinabi
niya kailan man, lumuklok ka sa aking kanan, Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin
kong tungtungan ng iyong mga paa? Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod,
na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?
(Heb. 1:13-14)
Sagot:
1. Ang binabanggit sa Heb. 1:13-14 na "lahať" ay mga anghel na nasa palibot ng luklukan ng
Diyos sa langit (Apoc. 5:11). Subalit, hindi lahat ng anghel na binabanggit sa Biblia ay mga
espiritu. May mga tao na tinatawag na anghel, dahil sa tungkulin (bilang sugo).
Kaugnay na Argumento
Saan mababasa sa buong Biblia na ang isang tao ay tinawag na anghel?
Sagot:
L. Sa Santiago 2:25; Lucas 7:24 at 9:52 ay isinalin ang salitang Griegong angelos na sugo at ang
tinutukoy ay mga tao, Ang terminong "sugo" sa Filipino ay siyang katapat ng salitang angelos sa
wikang Griego (angel sa Ingles).
a. Sa Santiago 2:25 (Greek), ang terminong ginamnit ay angelos, ang tinutukoy ay ang mga tao
(tiktik) na sinugo (angelos sa Griego) sa Jerico.
b. Sa Lucas 7:24 ay mga sugo ni Juan Bautista at sa Lucas 9:52 ay mga tao na sinugo (angelos
din sa Griego) ni Cristo sa isangnayon ng mga Samaritano.
2. Sa Malakias 2:7 (Douay-Rheims Version), ang saserdote ay tinawag na anghel ng Panginoon
at sa footnote ay tiniyak pa na ang banggit na anghel ay tumutukoy sa ministro at sugo.
“For the lips of the priest shall keep knowledge, and they shall seek the law at his mouth,
because he is the angel of the Lord of hosts."
Footnote:
‘’2,7: The angel: the minister and messenger...”
3. Sa Mateo 11:7-10 (salin ni Juan Trinidad) ay tinawag ni Cristo ang sugong si Juan Bautista na
anghel.
At pagkaalis nila ay nagsimula si Jesus na magsalita sa karamihang tao tungkol kay
Juan: Ano ang nilabas ninyo sa ilang upang makita?lsang tambo baga na pinapaspas ng hangin?
Ano nga ang nilabas ninyo upang makita?lsang tao bagang mahusay ang pananamit?Alam na
ninyo na ang mga nagdadamit ng gayon ay nasa bahay ng mga hari. "Kaya't ano ang nilabas
ninyo upang makita?lsang propeta baga?Tunay, pinatototohanan Ko sa inyo, na mahigit pa sa
isang propeta. Sapagkat siya ang binabanggit sa nasusulat: Narito, sinugo Ko ang Aking anghel
na magpapauna sa lyo. Upang ihanda ang lyong daraanan.
Nota: Si Juan Bautista ay tao. "Naparito ang isang tao, na sugong mula sa Dios, na ang kaniyang
pangalan ay Juan."Juan 1:6).
Argumento Blg. 6
Kung"sugo" ang talagang kahulugan ng salitang"anghel," ang dapat na sinabi ng Diyos sa Mal.
3:1 ay "aking inaanghel ang aking anghel." Ang nasa talata ay: "aking sinusugo ang aking sugo."
'Narito, aking sinusugo ang aking sugo, at siya'y maghahanda, ng daan sa harap ko, at ang
Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang templo, at ang sugo ng tipan
na inyong kinaliligayahan, narito, siyay dumaating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. (Mal. 3:1)
Sagot:
1. Talagang ang kahulugan ng salitang"anghel'" ay sugo.
Rev. Clement H. Crock. Discourses On The Apostles' Creed, Nihil Obstat: Arinue Scanlan.
Imprimatur: Patrick Cardinal Hayes. New York: Joseph F. Wagnels 1938, p. 72.
They are called 'Angels, from a Greek word which means messenger. The word 'Angel',
therefore, does not express the nature of these spirits, but rather the offices...
Sa Filipino:
Sila ay tinatawag na mga 'Anghel', mula sa salitang Griyego na nanganga-hulugang sugo. Ang
salitang 'Anghel', samakatuwid, ay hindi nagpapahayag ng kalikasan ng mga espiritung ito, kundi
manapa'y ng mga tungkulin.
2. Ang terminong Griego na ginamit sa pandiwang send (sending sa progressive form) ay
apostello (verb) samantalang ang terminong Griego na ginamit sa terminong anghel ay angelos
(noun):
[Luke 1:19 Interlinear Greek-English New Testament]
kai apokritheis ho angelos (noun) eipen autou, Ego eimi Gabriel ho parestikos enopion tou theou,
kai apestalin (verb)...
Sa Ingles:
In reply the angel said to him " Am Gabriel, who stands near before God, and I was sent forth...
3. Maling isalin na "I angelize my angel" o "Aking inaanghel ang aking anghel. "Nang isalin ng
mga Bible Scholars ang terminong Griego na angelos (noun) sa Ingles ay angel, subalit nang
isalin namarn nila ang apostello (apestalin sa talata) ay send at hindi angelize o "inaanghel."
Hindi nila isasalin ang apestalin na angelize dahil sa hindi naman terminong angelos ang
nakalagay sa Bibliang Griego.
4. Kaya, maging sa Mal. 3:1 Douay Version, isinalin ito ng Iglesia Katolika na, "Behold I send
my angel..."
Argumento Blg. 7
Kung ang kahulugan ng terminong "anghel" ay sugo, lumilitaw na anghel din ang mga langaw na
isinugo ng Diyos (Exo. 8:21).
Saka kung hindi mo payayaunin ang aking bayan ay magsusugo ako ng pulupulutong na
langaw sa iyo, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan, at sa loob ng iyong mga bahay: at ang
mga bahay ng mga Egipcio ay mapupuno ng pulupulutong na langaw, at gayon din ang lupa na
kinaroroonan nila. (Exo. 8:21)
Sagot:
1. Walang doktrina ang Iglesia Ni Cristo na lahat ng isinusugo ay anghel. Hindi anghel ang mga
hayop at insekto na isinugo ng Diyos. Hindi dahil arng mga íto ay sinabing isinusugo ay mga
anghel na rin.
2. Magkaiba ang mga terminong ginamit sa wikang Hebreo sa send (verb) at sa angel (noun).
Ang send ay shalack (Exo. 8:21 Hebrew) samantalang ang angel ay malakh. Narito ang mga
katibayan:
a. Nagsugo ang Diyos ng anghel o sugo (Exo. 23:20 at KJV)
Behold, I send an Angel before thee, to keep thee in the way, and to bring thee into the
place which I have prepared. (KJV)
b. Ang katumbas sa Hebreo ng verb na "send" at noun na "angel"
(Exo. 23:20 Hebrew Bible)
Hineeh 'aanokiy sholeeach mal'aak paaneykaa lishmaarkaa badaarek wlahabiy'"kaa 'el-
hamaaqowm 'asher hakinotiy.
Nota: Hindi dapat paghaluin ang verb at noun. Hindi lahat ng isinusugo
(shalack) ay anghel (malakh).
Argumento Blg. 8
Si Cristo ang tinutukoy na "ibang anghel" sa Apoc. 7:2-3 sapagkat ang sikatan ng araw na
binabanggit sa talatang 2 ay ang silanganan na pinagmulan ni Cristo (Mat. 2:1-2).
At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang
tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na
pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak
ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa
kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios. (Apoc. 7:2-3)
"Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si
Herodes, narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan, na
nagsisipagsabi, 2Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio?Sapagka't aming nakita ang
kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya'y sambahin. (Mateo 2:1-2)
Sagot:
1. Hindi si Cristo, kundi si Kapatid na Felix Y. Manalo, ang katuparan ng hinuhulaang "ibang
anghel" sa Apoc. 7:2-3. Ang dalawang banggit na "silanganan" sa Mat. 2:1-2 ay ang: (1)
silanganan na pinagmulan ng mga pantas at, (2) ang dakong kinakitaan sa bituin.
2. Hindi ginamit ang banggit na "silanganan' upang iugnay pinagmulan ni Cristo bagaman si
Cristo ay talagang mula sa Silangan (Palestina) na nasa Gitnang Silangan (Near East sa dating
pagkakahati ng Silangan).
Comparison: Pagkakaiba ng ginamnit na terminong Griyego sa Mat. 2:1-2 at Apoc. 7:2-3.

Mat. 21-2 Apoc, 7:2-3

anatolê anatoles heliou

Nota: Bagama't sa dalawang talatang ito ay parehong east ang terminong ginamit, gayunmay ang
point of referenCe sa Mat. 2:1-2 ay ang Judea at Jerusalem. Samantalang ang east na binabanggit
sa Apoc. 7:2-3 ay east ng buong mundo. Gaya ng mababasa sa Apoc. 7:1-3, Cassirer Version na:
"What I saw after this was four angels taking their stand at the world's four corners.."
[emphasis ours].
Argumento Blg. 9
Sinasabi ng Iglesia Ni Cristo na ang east na binabanggit sa Apoc. 7:2-3 na pagmumulan ng
"ibang anghel" ay mizrach subalit hindi alam ng mga ministro na ang east na birnabanggit sa
Mat. 2:1-2 na pinagmulan ni Cristo ay mizrach din sa Bibliang Hebreo.
At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak
ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang
maipahamak ang lupa at ang dagat, Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang
dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang
mga alipin ng ating Dios. (Apoc. 7:2-3)
Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes,
narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan, na
nagsisipagsabi, Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio?sapagka't aming nakita ang
kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya'y sambahin. (Mateo 2:1-2)
Sagot
1. Ang east na binabanggit sa Apoc. 7:2-3 ay mizrach shemesh sa Bibliang Hebreo (raiti malak
aher olem mim-mizrach shemesh ubirshuto hotam elohim hay-yim) [emphasis ours].
2. Kaya, sa RSV isinalin ito (mizrach shemesh) na rising of the sun na isa sa mga kahulugan ng
terminong mizrach (Gesenius' Hebrew-Chaldee Lexicon To The Old Testament, p.462). Ang isa
sa mga tinutukoy ng terminong mizrach ay far east (Smith's, p. 637).
3. Bagama't mizrach din ang itinapat sa east na binabanggit sa Mat. 2:1-2. subalit maliwanag sa
konteksto na ang "silanganan" na binabanggit sa talatang ito áy hindi ang Israel na
pinanggalingan ni Cristo kundi ang enst na pinanggalingan ng mga pantas na lalake.
4. Marami ang pala-palagay tungkol sa kung alin ang silanganan na pinanggalingan ng mga
pantas na lalake. Gayunman, walang sinasabi ang Biblia kung aling mga bansa sa Slangan ang
pinanggalingan nila.
5. Dapat maunawaan na ang bawat dako tulad ng mga kontinente, bansa,rehiyon, probinsiya at
mga siyudad ay may kani-kaniyang itinuturone direksiyon na north, south, east, at west. At
sapagkat ang mga ito ay may mga east o silanganan, ang pinakamalayong dakong pasilangan ng
mga ito mula sa kanilang point of reference ay matatawag din na far east malayong silangan
katulad ng Sakhalin Island na FarEast, Russia.
[ElectronicDatabase:http://www.rosneft.com/news/photogallery/Upstream/Produck
on_and_development/Sakhalinmorneftegaz]
…Sakhalin lsland (Russia's Far East)...
6. Ang mizrach na nasa Mat. 2:1 ay hindi "malayong silangan" na pambuong mundo kundi ang
malayong silangan mula sa point ofreference rnito - ang Jerusalem at Juda (Mat. 2:1). Kaya, ito
ay Silangan mula sa Lungsod ng Jerusalem at Juda at hindi malayong silangan na pambuong
mundo. Sa kabilang dako, ang mizrach na nasa Apoc. 7:2 ay malayong silangan na pambuong
mundo-"world's four corners" (Cassirer Version).
Nota: Ang binabanggit naman sa Isa. 43:5 Moffatt na mizracho malayong silangan ay pambuong
mundo sapagkat binanggit ang apat na sulok ng lupa-ang north, south, east, at west (Isa. 43:5-6 at
MB).
Argumento Blg. 10
Si Cristo ang sinasabi sa Apoc. 7:2-3 na nagmula sa sikatan ng araw sapagkat Siya ay nagmula
sa Diyos at ang Diyos ang tinutukoy na sun rising (Awit 84:11).
Sapagka't ang Panginoong Dios ay araw at kalasag: Ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya
at kaluwalhatian: Hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng
matuwid. (Awit 84:11)
At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios
na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang
maipahamak ang lupa at ang dagat, Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang
dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang
mga alipin ng ating Dios. (Apoc. 7:2-3)
Sagot:
1. Ang banggit sa Apoc. 7:2-3 na sun rising o sikatan ng araw ay hindi sumasagisag sa Diyos
kundi tumutukoy sa direksiyon gaya ng pagkakasalin ni G. Lamsa: "And I saw another angel,
and he ascended from the direction of the rising sun..
2. Sa Awit 84:11 ang pagpapakilala sa Diyos ay araw (sun) at hindi sikatan ng araw, at ang
pagkakagamit nito ay metaporiko (metaphor).
Leksiyon 15
SAGOT SA TULIGSA SA APOCALIPSIS 7:2-3-
UNANG BAHAGI (ARGUMENTO 11-20)
Argumento Blg. 11
Bakit dalawa ang itinuturo ng Iglesia Ni Cristo na tatak: ang Espirtu Santo at ang ebanghelyo?
Kaugnay na Argumento
Ang pangangaral at pagtatatak ay dalawang (2) magkaibang gawain. Kaya maling
pagbatayan ang Efe. 1:13 upang sabihin na ang pangangaral ay pagtatatak ng Espiritu Santo.
Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong
kaligtasan, - na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng
Espiritu Santo, na ipinangako. (Efeso 1:13)
Sagot:
1. Dalawa ang tatak na itinuturo ng Iglesia Ni Cristo sapagkat dalawa rin ang itinuturo ng Biblia.
Ang pangangaral ng sugo ay pagtatatak, ngunit hindi lahat ng pagtatatak ay pangangaral
sapagkat ang Diyos ay nagtatatak sa pamamagitan ng pagkakaloob ng Espiritu Santo.
2. Kaya, ang pangangaral ng sugo at ang pagtatatak ng Diyos ay dalawang (2) magkaibang
gawain bagaman kapuwa pagtatatak.
a. Ang katunayang ang pangangaral ng ebanghelyo ay pagtatatak ay ang sinasabi sa Heb. 8:10:
..Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pag-isip, At sa Kanilang mga puso'y
aking isusulat ang mga ito...
b. Sa saling The Twentieth Century New T'estament, ito ay isinalin na:
... will impress my laws on their minds and write them on their hearts...
C. Sa Young's Analytical Concordance Of The Bible, p. 846, ang katumbas ng impress ay
tatakan: To seal, impress (Eph. 1:13; Rev. 7:3).
2. To seal, impress
Matt 27.66 made the sepulchre sure, sealing the stone
John 3.33 He.. hath set to his seal that Gd is true
6.27 the Son.. him hath God the Father sealed
Rom 15.28 When therefore I.. have sealed to them th.
2 Co. 1.22 Who hath also sealed us, and given the ea.
Eph. 1.13 ye were sealed with the Holy Spirit of
4.30 whereby ye are sealed unto the day of
Rev. 7.3 till we have sealed the servants of G.
7.4 which were sealed: (and there were) sealed

3. Sa Efe. 1:13, ang napangaralan ng ebanghelyo na suumampalataya ay tinatakan ng Espiritu


Santo. Ang Diyos naman ang nagtatatak sa puso (II Cor. 1:21-22). Ang halimbawa nito ay noong
bumaba ang Espiritu Santo sa panahon ng pangangaral ni Apostol Pedro (Gawa 10:44-45)
4. Ministro ang kasangkapan ng Diyos sa pagsasagawa nito (1 Cor. 3:9- nCor. 6:1).
Samakatuwid, ang ebanghelyo ay tatak sa noo o sa pag-iisin. ang Espiritu Santo naman ay tatak
sa puso.
5. Kaya ang binabanggit sa Heb. 8:10 na I will impress my laws ay pagtatatak na pangangaral ng
ebanghelyo. Bakit sinabi ng Diyos na Siya ang magtatatak nito gayong hindi naman Siya mismo
ang nangangaral? Sapagkat ang magsasagawa ng pangangaral ay mga kasangkapan ng Diyos (1I
Tes. 2:14; II Cor. 5:18-20). Kung gayon, hindi maling iugnay ang Efe. 1:13 sa Apoc. 7:2-3
sapagkat may pagtatatak na pangangaral ng ebanghelyo na may kalakip na Espiritu Santo.
Argumento Blg. 12
Maling iugnay ang Efe. 1:13 sa Apoc. 7:2-3 sapagkat ang tatatakan ng binabanggit sa Apoc. 7:2-
3 ay ang noo samantalang ang tatak na binabanggit sa Efe. 1:13 ay ang Espiritu Santo. Ayon sa II
Cor. 1:21-22, sa puso itatatak ang Espiritu Santo at ang magtatatak nito ay ang Diyos.
Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, na evangelio ng
inyong kaligtasan, - na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y
tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako. (Efeso 1:13)
At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng
Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang
maipahamak ang lupa at ang dagat, Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang
dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang
mga alipin ng ating Dios. (Apoc. 7:2-3)
Ngayon, siya na ang nagpapatibay sa amin na kasama ninyo kay Cristo, at nagpahid sa atin,
ay ang Dios, 2Na siyang nagtatak naman sa atin, at nagbigay ng patotoo ng Espiritu sa ating mga
puso. (| Cor. 1:21-22)
Sagot:
1. Ang atak na binabanggit sa Apoc. 7:2-3 na itatatak sa pamamagitan pagkasangkapan sa "ibang
anghel" ay siya ring tatak na Espiritu Santo na binabanggit sa Efe. 1:13,
a. Ang tatatakan sa Apoc. 7:2-3 ay magiging mga alipin o lingkod ng Diyos; ang tatak na
Espiritu Santo na binabanggit sa Efe. 1:13 ay patotoo sa sariling pag-aari ng Diyos (alipin ng
Diyos). Ang tinatatakan sa alipin ng Diyos ay noo at puso.
Ang pagtatatak sa puso ay pagtatatak ng Diyos (II Cor. 1:21-22) na ang paraan ay sa
pamamagitan ng pangangaral muna ng ebanghelyo (Efe. 1:13). Ang may karapatang mangaral ng
ebanghelyo ay ang taga-pangaral na sugo (Roma 10:14-15). Ang matatatakan ay ang
sasampalataya sa ipinangaral ebanghelyo na (Efe. 1:13).
2. Ang pangangaral ng mga sugo ng Diyos -tulad ni Apostol Pablo – ay hindi dumarating na
salita lamang kundi sa kapangyarihan din naman at sa Espiritu Santo (1 Tes. 1:5). Kaya sa
pagtatatak sa noo-na ito nga ang pangangaral ng sugo (Heb. 8:10)ay naisasagawa rin ang
pagtatatak ng Espiritu Santo sa puso. Hindi ito sumasalungat sa sinasabi sa II Cor. 1:21-22 na
ang Diyos ang nagtatak sa atin at nagbigay ng patotoo ng Espiritu sa ating mga puso, sapagkat
ang tagapangaral na sugo ay kamanggagawa ng Diyos (I Cor. 3:9) at kalakip Niyang gumagawa
sa gawaing pagtatatak (II Cor. 6:1).
a. Ang isang halimbawa nito ay ang pangangaral ni Apostol Pedro na habang siya'y nagsasalita o
nagtatatak sa noo ay bumaba ang Espiritu Santo sa mga nangakikinig ng salita (Gawa 10:44).
Argumento Blg. 13
Hindi mnagagamit ang Roma 15:28 para patunayan na may anghel na tao nà magtatatak dahil
ang tinutukoy rito na tinatakan ay ang abuloy ng mga kapatid.
Kung maganap ko nga ito, at aking matatakan na sa kanila ang Dungang ito, ay
magdaraan ako sa inyong patungo sa Espana. (Roma 15:28)
Sagot:
1. Magagamit ang Roma 15:28 para patunayan na may anghel na tao na magtatatak. Ang
katunayan sa talata mismo ay sinabi ni Apostol Pablo na: "Kung maganap ko nga ito, at aking
matatakan na sa kanila ang bungang ito.. , "Si Apostol Pablo na nagtatatak ay tao.
Nota: Kung sasabihin ng tumutuligsa na ang tinatakan dito ay abuloy at hindi tao. Dapat basahin
ang Roma 15:16, 19, 28, dito ay maliwanag na mababasa na kapuwa ito ginawa ni Apostol
Pablo.

You might also like