You are on page 1of 15

ARALIN 3 -TRIBU

Filipino-8
Pinakilala ang mga Ifugao sa kanilang Hagdang-
hagdan palayan sa Banaue( Banaue Rice Terraces).
kaya naman ang kanilang kultura-mga ritwal, sayaw
at pagdiriwang ay may kaugnayan na sa kanilang
kabuhayan, sa palay at pagsasaka. Mula sa
pagbubungkal ng lupang tinataniman hanggang sa
pagkain ng bigas na isinasaing ay may kwento at
ritwal.
Ang mga Ifugao ay matatapang dahil din ito sa
tradisyong kanilang kinagisnan. simbolo ng kanilang
lakas bilang isang tribo ang pugot n ulo ng kanilang
kalaban. Nang mga panahong iyon, wari para sa
Ifugao ay walang puwang ang mahihina ang loob.
pangunahing hinihingi iyon sa pakikidigma. Bunga
nito, hindi maiiwasan ang madalas na digmaan sa
pagitan ng mga Ifugao at kalabang tribo.
EPIKO

Ito ay salaysay ng mga pakikipagsapalaran at


pakikitunggali ng isang bayani laban sa kanyang
mga kaaway. Kuwento ito ng kabayanihang
punong-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari,
mga labanan at pagsubok na halos ay hindi
mapaniwalaan dahil sa mga tagpuan at mga
pangyayaring di-kapani-paniwala.
• Itinuturing na tulang pasalaysay ag epiko sa porma
nitong patula. Ngunit ang buhay din ng epiko ay
nasa salaysay o naratibo nito. Bawat rehiyon sa
Pilipinas ay may Epiko. Magkakahiwalay na pulo
subalit, mahihinuhang umuugat sa iisang pusod
lamang sa halos pagkakatulad ng padron(pattern)
na matatagpuan sa mga ito.
• Sa pag-aaral ni Isagani Cruz, Kritiko at Iskolar
ng panitikan, inisa-isa nya ang anda ng epiko.
Hango ang salitang “anda” sa “andar” na ang
tumbasan sa ingles ay function(s). Ito ang
anda ng epiko:
1. Pag-alis o paglisan ng bayani.
2. Paghahanap ng bayani sa minamahal
3. Pakikipaglaban ng bayani
4. Pagkatagpo sa mga bathala
5. Pamamagitan ng mga bathala sa labanan
6. Pagbubunyag ng mga bathala sa
kaugnayan ng bayani sa kalaban.
7. Pagkamatay ng bayani
8. Pagkabuhay na muli ng bayani
9. Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan
10. Pag-aasawa ng bayani
• Sa kritikong katulad ni Joseph Campbell na tumuon
sa pagsusuri ng mga mito, aniya bagamat may
padron ang mga mito at maging ang mga epiko,
hindi ito dapat basahin sa literal na kahulugan
lamang kundi bilang talinhaga.
• Kung gayon ang ilang mahalagang andang tulad ng
paglisan, kamatayan at muling pagkabuhay ay mga
metaporikong pangyayaring binibigyang tinig ng
epiko.
• Sa bulubundukin ng Hilagang Luzon binibigkas
ang hudhud- isang mahabang salaysay na
karaniwang inaawit sa panahon ng anihan.
Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga

Ang bawat pangyayari sa buhay ng tao ay may


kaakibat na sanhi o kadahilanan. Sabi nga ng mga
nakatatanda, walang walang mangyayari kung walang
dahilan. Bawat pangyayari, pagpili at pagpapasya ay
maaaring magbunga ng kasamaan o kabutihan. Ika
nga sa ingles lahat may consequence. Halimbawa, ang
pagpili na mag-aral kaysa magbolakbol o gumimik
nang gumimik ay makapagdudulot ng pagtaas ng
marka sa mga asignatura, o ang paglikha ng
mga proyektong pangkalusugan ay
magbubunga ng kaginhawaan sa mga
mamamayan, at ang walang habas na
pagpuputol ng mga puno sa kabundukan ay
magdudulot ng mga pagbaha.
• Ang paglalahad sa pamamagitan ng sanhi at
bunga ay nakatutulong sa mambabasa na
maunawaan ang ugnayan ng mga pangyayari
o impormasyon. Naipaliliwanag dito kung
bakit ang isang kilos o pangyayari ay naging
sanhi o bunga ng iba pang kilos o pangyayari.
• Sa paglalahad ng sanhi at bunga, ginagamit ang mga
salitang hudyat tulad ng dahil sa/ dito, dulot ng,
bunga nito, kaya, sapagkat, resulta nito, sanhi
nito, di maglalaon, magdudulot ito, sa ganang ito,
samakatuwid, sa kadahilanang ito at iba pa.
HALIMBAWA:
• Tuwang-tuwa ang aking mga magulang nang nakita nila
ang aking report card kahapon. Halos lahat ng aking
marka ay tumaas. Mabuti nalang at nagbuhos ako ng
oras sa pag-aaral at pinahalagahan ang pagsali sa mga
talakayan sa klase.
HALIMBAWA:

• Dahil ito sa binago ko ang aking mga masamang


gawi o habit. Tuwing pag-uwi ko sa bahay galing
sa paaralan, nagpapahinga ako ng kaunti at
pagkaraan ay gagawa na ng aking mga takdang-
aralin. Iniwasan ko ang matagal na panonood ng
TV. Ginugol ang oras sa pagbabasa ng aking mga
libro. Bunga nito, naitaas ko ang aking mga marka.
• Dulot din ng pakikisangkot sa mga talakayan sa
klase ang pagtaas ng aking mga marka. Kapag
nagtatanong ang guro, hindi ako nahihiyang
magtaas ng kamay at sagutin ang kanyang mga
tanong. Kung nagkakamali man ako, hindi ako
nasisiraan ng loob na sumubok sa pagsasagot nang
muli. Samakatwid, masasabing ang pagbabago ng
aking mga marka ay dahil pinili kong may baguhin
sa aking sarili.

You might also like