You are on page 1of 15

ANG MATAGUMPAY NA

ENTREPRENEUR
INUMIN
PAGKAIN
GAMIT
INUMIN
GAMIT
PAGKAIN
TIRAHAN
PASYALAN
•ENTREPRENEUR- ay hango sa salitang
French na ENTREPRENDE na ang ibig
sabihin ay “ISAGAWA”
-ay isang tao na nagmamay-ari o namamahala ng isang
Negosyo upang kumite sa kaniyang sariling kusa.
-ang tawag sa isang nagmamay-ari ng Negosyo na may
angking talino at kahusayan sa pagpapatakbo nito at
mga katangiang makatulong sa kanyang tagumpay.
•ENTREPRENEURSHIP – ay isang
siyensiya at arte ng pangangalakal
ng mga produkto at serbisyo.
KAHALAGAHAN NG ENTREPRENEUR SA
PAMAYANAN

• Malaking tulong din sa lokal na pamahalaan ang


isang Negosyo dahil ang buwis na ibinabayad ay
nakakatulong sa pagpapaunlad ng pamayanan,
nakakatulong ito sa pag-ikot ng puhunan ng bansa
at makalilikha ng mga hanapbuhay.
MGA KATANGIAN NG ISANG ENTREPRENEUR

• MATAPAT- napakahalaga ang katapatan sa isang Negosyo.


Huwag gumawa ng anumang pandaraya na maaaring
maging sanhi ng pagkawala ng tiwala ng mamimili.
• MASIPAG- hindi natatakot sa mga gawain, madali man o
mahirap. Lahat ng ito ay natutugunan.
• MALIKHAIN- nakakapag-iisip at nakagagawa ng mga
produktong kakaiba sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t
ibang materyales.
• MAAGAP- tinutupad ang lahat ng gawain sa lalong madaling
panahon. Tinatapos ang lahat ng gawain dahil may pagpapahalaga
sa oras.
• TIWALA SA SARILI- may tiwala at positibong pagtingin sa
sariling kakayahan o abilidad.
• PAGKAMAPARAAN- may kawilihang saliksikin ang kaniyang
kapaligiran upang humanap ng kalutasan sa problema o humahanap
ng mga oportunidad na pag-aralan at pagkakitaan.
• KAKAYAHANG MAKIPAGSAPALARAN- bago pumasok sa
larangan ng pagnenegosyo, nakapagsagawa na ng malalim na pag-
aaral at pagsusuri tungkol sa mga oportunidad at panganip na
maaaring makamit sa pagnenegosyo.
• KAKAYAHANG MAGPATUPAD NG MGA INOBASYON-
nakakatuklas at nakakapag-isip ng kakaiba o mas mabuting
produkto o serbisyo.
• MAY KABABAAN ANG LOOB- mapagkumbaba kahit pa
naka-aangat na sa buhay
• MATULUNGIN- nagpapakita ng malasakit sa mga tao sa
paligid, lalo na sa mga manggagawa.
• HUMINGI NG FEEDBACK- bukas ang taong ito sa mga
sinasabi ng ibang tao tulad ng mga komento, solusyon, at
kagustuhan ng mga mamimili ayon sa kanilang panlasa,
interes, at pangangailangan

You might also like