You are on page 1of 8

MAGSASAKA AT SIYENTIPIKO PARA SA PAG-UNLAD NG AGRIKULTURA

Ano ang Enterprenor?


Ano ang Enterprise?
Ang NEGOSYO o ENTERPRISE ang tawag sa mga gawaing
kinapapalooban ng pera. Ito ay isang uri ng hanapbuhay na may
kinalaman sa produksyon at pagdadaLa ng serbisyo, ginagamitan ng
salapi, na ang layunin ay kumita.

Ang ENTREPRENOR ay isang negosyante na may kakayahan sa


pagnenegosyo na may layuning mapalago ang negosyo at
maipagpatuloy ang hangaring kumita. Siya ay gumagawa ng mga
pagbabago ayon sa mga oportunidad sa paghahangad na kumita.

Ang ENTREPRENEURSHIP ay ang paggamit ng kakayahan sa


pagnenegosyo at laging nakatuon na pangangalakal (market-
oriented).
MAGSASAKA AT SIYENTIPIKO PARA SA PAG-UNLAD NG AGRIKULTURA

MGA URI NG NEGOSYO


Uri ng negosyo Dami ng Tauhan Laki ng Puhunan Mga Gawain

Micro 1-4 P50,000 pababa Pang-isahang pamamahaia.


Walang factory

Cottage 5-9 Mula P51,000 hindi Pambahay na gawasn lamang


hihigit sa P500,000
Small 10-99 Mula P501,000 hindi Pang-isahang gawain (na may
hihigit sa P5 Milyon ilang katuwang) na siya ang lahat-
lahat na umuukupa sa gawaing
pamamahala ng tauhan,
pagbebenta, paggawa ng
produkto, tagahawak ng pera,
atbp.
Medium 100-199 P5.1 M – P10 M Pang-isahang gawain pero may
nakalaan nang tauhan sa bawat
uri ng trabaho (Simpleng
balangkas ng organisasyon).
Large 200 pataas P10.1 M Pataas Kabaliktaran ng Micro, Cottage,
Small at Medium Enterprise
MAGSASAKA AT SIYENTIPIKO PARA SA PAG-UNLAD NG AGRIKULTURA

MGA URI NG SMALL AT MEDIUM ENTERPRISES:


1. May kinalaman sa pagtutustos ng mga gamit (input-Oriented)
* Agro-based
* Resource based
* Utility-based
* Skill-based

2. May kinalaman sa pagtitinda ng mga gamit (Market-Oriented)


* Panindang Pambahay (Household Market) - pagkain, damit, sapatos at atbp.
* Panindang industriyal (Industrial Market) - Mga paggawa ng makinarya at "spare parts”
* Sub-Contracting - Trabahong tanggap mula sa mga kompanyang pang-industriyal.

3. May kinalaman sa heograpiya (Geography-Oriented)


• Nakabase sa lungsod (Urban-based) - ang paggawa ng produkto ay kalimitang nasa
lungsod
* Nakabase sa bukid (Rural-based) - ang paggawa ng produkto ay kalimitang
malapit sa pinagmulan ng pangunahing sangkap
* Nakabase sa kahit saan lamang (Footloose) - ang paggawa ay hindi kritikal kung saan dapat
gawin (walang pinipiling lugar).

4. May kinalaman sa teknolohiya (Technology Oriented)


* Produktong pisikal (Physical product) - paggawa ng mga produktong ang pamamaraan ay sa
pamamagitan ng tiyak na teknolohiyang paggawa ng produkto
* Serbisyo (Service) - pagkukumpuni at pagmimintina
MAGSASAKA AT SIYENTIPIKO PARA SA PAG-UNLAD NG AGRIKULTURA

MGA PANSARILING KATANGIANG PANG-ENTERPRENURYAL


(Personal Entrepreneurial Competencies)

Pumpon ng Kahanga-hangang Magagawa (Achievement Cluster)


• Paghahanap ng Oportunidad (Opportunity-Seeking)
• Pagkamatiyaga o Pagkapursigido (Persistence)
• Pangako ng Pagtupad sa Kasunduan (Commitent to Work Contract)
• Pakikipagsapalaran (Risk Taking)
• Paghahangad para sa Mataas na Kakayahan at Uri (Demand for
Efficiency and Quality)

Pumpon ng Paghahanda at Pagpaplano (Planning Cluster)


• Pagtatakda ng Layunin (Goal-Setting)
• Pangangalap ng Impormasyon (Information-Seeking)
• Sistematikong Pagpaplano at Pagsubaybay (Systematic Planning
and Monitoring)

Pumpon ng mga Kakayahan (Power Cluster)


• Paghimok at Pakikipag-ugnayan (Persuasion and Networking)
• Pagtitiwala sa Sarili (Self-Confidence)
MAGSASAKA AT SIYENTIPIKO PARA SA PAG-UNLAD NG AGRIKULTURA

PANGUNAHING PRINSIPYO SA PAGNENEGOSYO

• Moderate Risk taker


Ang negosyante ay karaniwang lumalagay sa alanganing uri ng negosyo
o Katamtamang sitwasyon ng buhay nito (moderate risk) hindi
sa sitwasyong sigurado ang pagsulong o mababa ang panganib na
malugi (low risk) at hindi rin sa sitwasyong napakataas ang
posibilidad na bumagsak (high risk)
• Personal na Responsibilidad ang negosyo
Tinuturing niyang persona! na responsibilidad ang negosyo upang lalo
niyang pag-ibayuhin ang pagpapaunlad nito. Lahat ng pananagutan
ay kanyang aakuim upang malaman niya ang kagandahan at kasamaan
ng lahat ng kanyang galaw, dito aanihim niya ang Iahat maganda man ito
o hindi at dito siya matututo.
MAGSASAKA AT SIYENTIPIKO PARA SA PAG-UNLAD NG AGRIKULTURA

•May Tiwala sa Sarili

•Tumatanggap ng Puna
Tumatanggap siya ng kongkretong puna sa iba upang
malaman niya ang mga kagandahan at kasamaan na hindi niya
nakikita at dito ay makagawa siya ng maayos/may direksyon:
hindi lamang galing sa kanyang ideya kundi galing din sa iba -
upang malaman niya kung mayroon ba siyang dapat baguhin o
idagdag.

•Objective at hindi Subjective


Objective not subjective, sabi nila sa ingles. Ito ay ang
direktang pagtingin sa sitwasyon kung ang layunin ba ay
nakuha o hindi. at hindi sa kung anong ginawa o nangyari
sa proseso.
MAGSASAKA AT SIYENTIPIKO PARA SA PAG-UNLAD NG AGRIKULTURA

•May Pagpapahalaga sa lahat ng Gawain at kakayahan ng Manggagawa


Ang negosyante ay may pagpapahalaga sa Iahat ng gawain
at kakayahan ng isang manggagawa at hindi sa uri o klase
ng antas ng tao

•Malayang Pag-iisip, sipag at tiyaga, may desisyon


Makikita natin na importante sa isang negosyante ang may
kalayaang mag-isip tungo sa ikauunlad ng negosyo. marunong
magdesisyon tungo sa kanyang negosyo, masipag sa kanyang
hanap-buhay. Sa ganitong paraan siya ay nakakatulong sa
paglago ng isang bansa.
MAGSASAKA AT SIYENTIPIKO PARA SA PAG-UNLAD NG AGRIKULTURA

MGA DAPAT GAMPANAN NG ISANG NEGOSYANTE

 Maghanap ng anumang pagkakataon o opportunidad na sa tingin niya


ay makakatulong ng lubos sa negosyo at sa ikabubuti ng kanyang
kapaligiran

 Nakahandang tanggapin ang anumang panganib na darating sa


kanya sa larangan ng negosyo.

 Magbuo at mag-ipon ng kapital o salapi para sa negosyo

 Magpakilala o rnaglabas ng makabagong produkto

 Mag-organisa o magtatag ng trabaho at produkto para sa tao

 Gumawa ng desisyon para sa gagawing negosyo

 ibenta ang produkto sa halagang kikita ang negosyo

You might also like