You are on page 1of 34

ARALING PANLIPUNAN 9

Ekonomiks
SIR. WIL DE LOS REYES
JR.
PROSESO

Input Output
Gawain 1 (5 minuto)

“ Nais kong mag-isip ang bawat isa sa inyo ng


produktong nais ninyong ibenta o pagkakaitaan itala
sa inyong papel (1/4) kung ano ang mga sangkap na
gagamitin ninyo sa paggawa ng produkto.
Pangkatang Gawain

Sa Mga larawan na nasa inyong pangkat tukuyin


kung anong sangkap/kagamitan ang ginamit sa
pagbuo ng produkto, kung anong proseso ang
ginamit sa paggawa at ano-anong salik ng
produksyon ang kaylangan, Ipaliwanag.
Unang Pangkat
Ikalawang Pangkat
Ikatlong Pangkat
Ika-apat na Pangkat
Paksa

Produksyon: Mga Salik ng


Produksyon
Produksyon

 Ito ay ang proseso ng pagsama-sama ng mga salik o hilaw na materyales upang makabuo ng produkto.

Ito ay ang proseso ng pagsama-sama ng mga salik


o hilaw na materyales upang makabuo ng
produkto.
Mga Antas ng Produksyon

Primary Stage

 Pagkalap ng mga hilaw na sangkap (raw materials)

Secondary Stage

 Pagproproseso ng hilaw na sangkap (refining process)


Final Stage

 Pagsasa-ayos ng mga tapos na produkto (packaging, labelling and


distribution) para mapakinabagnan ng tao.
INPUT
Tinatawag ding mga materyales at paglilingkod ng
mga salik ng produksyon

Uri ng Input

Fixed Input at Variable Input


OUTPUT
Mga kalakal o paglilingkod na resulta ng proseso ng
produksyon
Production Function

Nagkakaroon ng pagbabago ang output kapag may idinagdag sa input


na may salik na nag-iiba o variable

Production
Function MAKINARYA

MANGGAGAWA OUTPU YARING


T PRODUKTO
INPUT SERBISYO

HILAW NA
MATERYAL
Mga Salik ng Produksyon
 Tumutukoysa mga sangkap sa paggawa ng isang kalakal hindi
mabubuo ang isang kalakal kung wala ang kahit isa sa mga ito.

LUPA

Produkto LAKAS PAGGAWA

KAPITAL

ENTREPRENEURSHI
P
LUPA
 Tinataniman ng mga magsasaka o
pinagtatayuan ng bahay
 Kasama ang lahat ng yaman

likas sa ibabaw at ilalim nito,


pati ang yamang tubig, yamang
mineral, at yamang dagat.
 May naiibang katangian sapagkat ito

ay fixed o takda ang bilang kaya


kailangan ang wastong paggamit
ng lupa ay mahalaga.
 Maliit man o Malaki kailangang tiyakin

ang pagkakaroon ng produktibong paggamit.


PAGGAWA
 Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa
kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal
o serbisyo
 Mahalaga ang ginagampanan ng mga
manggagawa sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay sapagkat ang kanilang paggawa
ng mga produkto at serbisyo ang tumutustos
at tumutugon sa ating pangangailangan.
 Kabayarang natatanggap mula sa paggawa
ay sahod osweldo.
2 Uri ng Lakas-Paggawa
KAPITAL
Tumutukoy sa kalakal na nakalilikha
ng iba pang produkto.
Magiging mabilis ang paggawa kung
may makinarya o kasangkapang
gagamitin ng mga manggagawa.
Maaring iugnay sa salapi at
imprastraktura tulad ng mga gusali,
kalsada, tulay pati na ang mga
sasakyan
KAPITAL

Ayon sa artikulo ni Edward F. Denison na may pamagat na “


The Contribution of Capital to Economic Growth” (1962)
Ang capital ay isa sa mga salik sa pagtamo ng pagsulong ng
isang bansa. Sa makabagong ekonomiya, nangangailangan
ang mga bansa na mangalap ng malaking capital upang
makamtan ang pagsulong.
Uri ng kapital ayon sa pagpapalit anyo

Circulating Capital

 Kapital
na mabilis magpalit-anyo at mabilis
maubos (hal. Langis, kuryente, asukal)

Fixed Capital
 Kapital
na hindi mabilis magpalit ng anyo
at matagal ang gamit ( gusali, makinarya,
sasakyan).
ENTREPRENEURSH
IP
 Tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng
isang tao na magsimula ng isang Negosyo.
 ENTREPRENEUR ang tagapag-ugnay ng mga
salik ng produksiyon upang makabuo ng
produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-
oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran
sa mga desisyon sa mga bagay na
makaaapekto sa produksiyon. Tinatawag din
na Negosyante
 Tubo o profit ang kabayarang nakukuha.
Katangian ng isang Entrepreneur

 Kakayaan sa pangangasiwa ng Negosyo


 Matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan
 May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa
kahihinatnan ng Negosyo.

 Tubo o profit- tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur. Ito


ay kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa
pakikipagsapalaran sa Negosyo.
Ano ang mga salik ng produksyon,
at ang kahalagahan nito sa pang-
araw-araw na pamumuhay?

Bakit mahalaga ang ginampanan ng


bawat salik sa proseso ng
produksyon?
Pagpapahalaga

“ Sa inyong palagay, alin sa mga


salik ang pinakamahalaga sa
proseso ng produksiyon?

 “ Bilang mag-aaral, bakit


mahalaga sa inyo ang pag-
uugnay-ugnay ng mga salik sa
pang-araw-araw na buhay?
Ebalwasyon

Panuto: Ilista ang mga bagay na ginamit sa


paggawa ng sumusunod na produkto.Ihanay
ang mga sumusunod kung ang salik ay lupa,
paggawa, capital, o enterpreneurship. ( 15
minuto)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
1.Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang
salik ng produksyon?
a. tinataniman ng mga magsasaka
b. patayuan ng mga imprastraktura
c. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
d. pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon
2.Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:
a. paggamit ng mga hilaw na sangkap
b. pagtayo ng mga pabrika
c. pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
d. pagkamalikhain ng mga manggagawa
3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa
paggamit ng capital sa proseso ng produksyon? a. interes b.
kita c. pera d. regalo
4. Paano nakakatulong ang paggamit ng makinarya sa
produksyon?
a. maraming hilaw na sangkap ang magagamit
b. maraming output ang mabubuo
c. mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
d. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer
5. Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang
sumusunod ay katangiang taglay niya MALIBAN sa:
a. puno ng inobasyon
b. maging malikhain
c. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
d. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo
6. Paano mo patunayan na kakambal ng paggawa ang capital?
b. paggawa at capital ay parehong salik ng produksyon
b. kaakibat ng lakas at galling sa paggawa ang kalidad at dami ng capital
c. teknolohiya na gawa ng tao ay magagamit rin bilang kapital
d.magkapareho ang dami ng manggagawa at capital sa pagnenegosyo
7. Ito ay nanggagaling sa kakayahan at kasanayan ng isang
taong nagtatrabaho.
a. kapital b. lupa c. paggawa d. produksyon

8. Alin sa sumusunod ang kita ng entrepreneur matapos


magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo?
a. interes . sahod c. subsidy d. tubo o profit
9. Ang input ay mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto. Sa
nabuong output na “mesa at silya”, alin sa sumusunod ang mga
input nito?
a. kagamitan, makinarya, manggagawa
b. kahoy, kagamitan, makinarya
c. kagamitan, makinarya, manggagawa, kahoy
d. tabla, makinarya1
10. Sa produksyon, nagaganap ang transpormasyon ng mga raw
materials sa pagbuo ng bagong produkto sa pamamagitan ng
kahusayan at sipag ng mga
a. kapitalista b. landlord c. manggagawa d. opisyales, teknolohiya
Key answer
1. C
2. C
3. A
4. C
5. C
6. B
7. C
8. D
9. C
10. C
Produkto Mga ginamit sa pagbuo ng Klasipikasyon ng Salik ng
produksyon Produksyon
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
1. 5. 5.

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
2
5. 5.

1. 1
2. 2
3. 3
3 4. 4
5. 5
Takdang Aralin

Isulat sa kuwaderno

Ano-ano ang mga Salik Nakakaaapekto sa


Pagkonsumo

You might also like