You are on page 1of 2

GAWAING PAMPAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 9

Unang Markahan – Ikalimang Linggo

Pangalan: Jaci Kaylie D. Cequina Baitang: 9


Seksiyon: Titanium Petsa:

Gawain 1: Susing Konsepto


Panuto: Basahin nang mabuti at suriin ang mga susing konsepto.

PRODUKSIYON AT MGA SALIK NITO

Hindi lahat ng bagay sa kapaligiran ay maaring ikonsumo agad ng tao. Minsan kailangan pang idaan sa
proseso ang isang bagay upang maging higit na mapakinabangan. Halimbawa ang kahoy o troso ay maaaring
gamiting panggatong upang mapakinabangan. Ngunit, maari din itong gamitin upang makabuo ng mesa. Ang
produksiyon ay ang paglikha ng mga bagay o serbisyo upang ,matugunan ang pangangailangan ng tao. Isa
itong proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang
makabuo ng output.
Ang mga salik na ginagamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input. Ang mga input ay ang mga bagay
na kailangan upang mabuo ang produkto. Ang mga input na kahoy, makinarya, kagamitan, at mga
manggagawa na ginginagamit sa pagbubuo ng produktong mesa at silya ay mga salik ng produksiyon.

Mga antas ng Produksiyon:


Ang produksiyon ng kahit na anong bagay ay dumadaan sa iba’t-ibang antas:
Primary Stage – pagkalap ng mga hilaw na sangkap (raw materials)
Secondary Stage – pagpoproseso ng hilaw na sangkap (refining process)
Final Stage - pagsasaayos ng mga tapos na produkto (packaging, labelling and distribusyon para
mapakinabangan ng tao.

Salik ng Produksiyon:

Tumutukoy sa mga sangkap sa paggawa ng isang kalakal. Hindi mabubuo ang isang kalakal kung wala ang kahit isa
sa mga ito; lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship
GAWAIN 2: Concept Mapping

Panuto: Batay sa binasang teksto, punan ng angkop na salik ng produksiyon ang Concept Map. Isulat sa
loob ng bilog ang kahalagahan ng bawat isa sa proseso ng produksiyon at pagkatapos ay sagutan ang
tanong na nasa kahon at ang mga pamprosesong tanong. Gamiting gabay ang rubric sa iyong pagsagot.

LUPA
ito ay hindi lamang
tumutukoy sa
tinataniman ng mga
magsasaka o
pinagtatayuan ng bahay.
KAPITAL

LAKAS-PAGGAWA Ang kapital ng tao ang


pinakamahalagang salik
Mahalaga ito
ng produksyon sapagkat
dahilnatutunan
kung walang
natinggawing
mapagkukunang pantao
makabuluhan ang isang
ay hindi tayo
materyales atgawing
makakagawa ng
produkto.
anumang produksyon.

ENTREPRENEURSHIP

Mahala ito sa ating


pamumuhay dahil may alam
tayo sa pagnenegosyo lalo
na sa pakikipagkalakalan at
pagpapatupad ng mga
produkto at maari rin tayong
kumita ditto.

GAWAIN 3: Ano Ito?


Panuto: Tukuyin kung ano ang isinasaad sa bawat pahayag batay sa binasang teksto.
1. Tawag sa mga salik na ginamit sa pagbuo ng mga produkto. Mga Salik ng Produksiyon.
2. Proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang
makabuo ng output. Produksiyon
3. Ito ang nabubuo sa pagsasama-sama ng mga salik ng produksiyon. Output
4. Salik kung saan napabilang ang lahat ng likas na yaman. Lupa
5. Tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo. Lakas Paggawa
6. Tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. Entrepreneur
7. Tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng tao na magsimula ng produksiyon. Entrepreneurship
8. Antas ng produksiyon na nakapaloob ang pagkalap ng mga hilaw na sangkap. Primary Stage
9. Tagapag-ugnay ng lupa, paggawa, at kapital upang makabuo ng produkto at serbisyo. Paggawa
10. Antas ng produksiyon na nakapaloob ang pagsasaayos ng mga tapos na produkto.
Final Stage

You might also like