You are on page 1of 5

LICEO DE CALAMBA

School Year 2021-2022


ARALING
JUNIOR HIGH SCHOOL PANLIPUNA
N
ARALING PANLIPUNAN 9 9
Modyul Q2 W5-6

Pangalan:_____________________________________ Guro:_________________________________________
_____ ___
Baitang/Pangkat:_______________________________
_____

LEARNING KIT FOR GRADE 9 EKONOMIKS


A. DISKRIPSYON: Ang Learning Kit na ito ay makabagong paraan sa pagtuturo at pag-aaral na inilapat ng San Pablo
Diocesan Catholic Schools System upang matugunan ang panuntunang K-12 Kurikulum sa taong panuruang 2020-2021.

B. LAYUNIN: Napapaigting ang kahalagahan ng kahandaan , disiplina at kooperasyon bilang pagtugon sa mga suliraning
pangkapaligiran.

Curriculum Information:

Education Type: K-12


Grade Level: Grade 9
Learning Area: Ekonomiks
Content/Topic: Produksiyon
Intended Users: Educators and Learners
Competencies: Nasusuri ang Pangangailangan at Kagustuhan ng Tao

Naipaliliwanag isa-isa ang kahalagahan ng Pangangailangan at kagusthan


ng Tao

Copyright Information:

Copyright: San Pablo Diocesan Catholic Schools System


Copyright Owner: Yes
Condition: Use, Copy and Print

C. Learning Material/Module

Month: SECOND QUARTER ( Week 5-6)

Online: Learning Management System - Genyo e-Learning

Offline: Powerpoint Presentation/Website

Inaasahang makakamit sa modyul na ito ang sumusunod na pamantayan sa pagkatuto:

A. Ang mga mag-aaral ay naiiuugnay ang mahalagang gampanin ng mamamayan sa pangangailangan at


Kagustuhansa araw araw.
B. Ang mga mag-aaral ay napapahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa tamang paggamit sa
likas na yaman upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan sa araw araw at kung paano ito
iniuugnay sa paggawa ng mga produkto.

Overview

Paano nagagawa ang ang mga produkto na iyong kinukunsumo? Ang lahat ng naprosesong produkto ay
dumadaan sa sistemang tinatawag na produksiyon. Ang produksiyon ay isang proseso ng pagbabago sa anyo at gamit ng
mga likas na yaman sa pamamagitan ng paggawa (labor) at kapital upang makalikha ng produkto na naaayon sa
pagkonsumo ng mga tao. Ang mga yaman ay maaring dumaan sa prosesong pisikal at molekyular upang magkaroon ng
pagbabago. Dahil sa proseso ng produksiyon, mas madaling magagamit at makokonsumo ng mga tao ang mga yaman
ayon sa kanilang mga pangangailangan.

Sa bawat Gawain mo bilang isang tao, mahalaga na maging mahusay ka. Hindi maaaring hindi pansinin ang mga ginagawa o
hindi bigyan ng buong pagsisikap ang gagawin. Ang paggawa ng maraming bagay sa pinaka maiklin oras ay mas dapat kompara sa
walang gawa sa isang araw. Ang pagiging mahusay ng isang tao sa kaniyang mga ginagawa ay tinatawag na produktibidad

Preliminary Activities (Application)

Panoorin at suriin ang video

https://www.youtube.com/watch?v=QXtWuyRDVMg
https://www.youtube.com/watch?v=9KAXKbdvwnE
https://www.youtube.com/watch?v=L2yz8C3IxA0

Mga pamprosesong Tanong


1. Mahalaga ba ang produksiyon sa ating ekonomiya?
2. Anong indikasyon sa bawat isa kung magkulang ng mga produkto?
3. Mahalag baa ng negosyo sa ating ekonomiya?

SELF-PACED LEARNING/LESSON

Ang produksyon ay ang proseso ng


pagsasama ng iba't-ibang materyal at di-materyal na
bagay upang makagawa ng produkto na maaaring
gamitin ng tao. Ito ay ang paraan ng paggawa ng
gamit o serbisyo na may halaga at importansya sa
buhay ng tao.
Ang kalagayan ng ekonomiya ay nakabatay
sa proseso ng produksyon na ang layunin ay
maibigay ang pangangailangan ng bawat tao. Dito
nasusukat ang kaginhawaan o kagalingan ng
ekonomiya. Sa produksyon, may dalawang kategorya
na nagpapaliwanag ng pag-angat ng ekonomiya. Ito
ay ang pagtaas ng kalidad ng produkto sa
binabayarang presyo, at pagtaas ng kita ng produkto
mula sa epektibong distribusyon sa merkado publiko.
OUTPUT- Tumutukoy sa tapos na produkto
Mga natapos na nalikhang produkto mula sa Input.
Hindi mabubuo ang output kung wqalang Input.

Gawain sa Pagkatuto bilang 1

PANUTO: INPUT/OUTPUT. Isulat sa loob ng kahon ng input ang mga bagay na kailangan upang mabuo ang produktibong
makikita sa output.

Mga Salik ng Produksiyon

Mayroong apat na salik ng produksyon – lupa,


kapital, paggawa, at ang entrepreneur. Ang apat na salik
na ito ay ang mga pangunahing sangkap (input) na
kinakailangan ng kahit anong lipunan upang makabuo ng
produkto (output) na ninanais nito.

LUPA
Ito ay ang mga likas na yaman at iba pang bagay na galing sa
kapaligiran na ginagamit sa produksyon tulad ng mismong lupa,
deposito ng mineral, kahoy, at tubig.

Dito itinatayo ang mga pabrika at mga imprastraktura ng produksyon.


Dito nanggagaling ang mga hilaw na materyales na ginagamit sa
produksyon

KAPITAL
Ito ay tumutukoy sa likas nayaman, mga kasangkapan at mga
paraan na maaaring magamit upang simulan at ipagpatuloy ang
produksyon. Ilan sa halimbawa nito ay hilaw na materyales, makinarya,
pabrika, gusali, mga truck, at opisina.

Isa sa dapat linawin ay ang pagkakaiba ng physical capital (mga bagay


na ginagamit sa produksyon) at ang finance capital (salapi). Ang
finance capital ay tumutukoy sa pera na ginamit upang bilhin ang mga
capital goods at ginagastos sa pagpapatakbo ng  isang negosyo.

LAKAS-PAGGAWA
Ang lupa at kapital ay walang silbi kung walang tao
na kikilos upang maging produktibo ito, kailangan natin ng
paggawa. Ang paggawa ay tumutukoy sa mental at pisikal
na kakayahan ng mga manggagawa at empleyado na mga
maglingkod at lumikha ng produkto.

Bahagi ng paggawa ang lahat ng tao na


naghahanapbuhay. Ito ay tumutukoy din sa “lakas
paggawa”(labor force) ng isang bansa. Ito ay ang bilang ng
mga tao na nasa wastong edad na maaaring magtrabaho
sa isang bansa.

ENTREPRENEURSHIP
Ang tatlong salik ng produksyon ay dapat
maorganisa at mapagsama upang magkaroon ng
produksyon. Ang mga manggagawa ay dapat na mabigyan
ng layunin bago pa nito gamitin lupa at kapital sa
paggawa.

Dito natin kailangan ang entrepreneur. Ang entrepreneur


ang utak ng produksyon. Siya ang kumikilala sa
pangangailangan at mga opurtunidad na maaaring 
makuha sa pagbuo ng isang produkto.

Ilan sa mga ginagampanan ng isang entrepreneur ay:


 siya ang nag-iisip ng mga ideya at nagpapatupad nito,
 pinagsasama niya ang mga salik ng produksyon,
 siya ang naghahanap ng pera at puhunan,
 siya ang bumubuo sa istraktura ng negosyo,
 siya ang bumubuo sa mga patakaran ng negosyo,
 siya ang aani ng tagumpay at ang malulugi sa bigong negosyo

Ang pera ay hindi tinuturing na bahagi ng salik ng produsyon dahil hindi ito maaaring ituring na productive
resource. Kahit na ginamit mo ang salapi upang bilhin ang capital goods (mga kasangakap at hilaw na
materyales) para sa produksyon, ang capital goods pa rin ang ginagamit upang lumikha ng produkto at
serbisyo.

Halimbawa, ang isang karpentero ay bumili ng lagari na gagamitin niya sa pagputol ng kahoy na gagamitin sa
pagtatayo ng bahay. Sa sitwasyon na iyon ang salapi ay ginamit lamang para makamit ang kasangkapan para
sa pagtatrabaho dahil hindi naman magagamit ng karpentero ang limang-daang pisong papel o barya para
hatiin ang kahoy. Ang salapi ay nakakatulong sa palitan ng produkto at serbisyo ngunit salapi ay hindi
nagagamit sa kahit anong proseso ng produksyon.

Production Function

Ito ay naglalarawan sa ugnayan ng dami ng production input sa dami ng production output.

Sa ekonomiya, ang isang pagpapaandar sa produksyon ay nagbibigay ng ugnayan na panteknolohiya sa pagitan ng dami
ng mga pisikal na input at dami ng output ng mga kalakal. Ang pag-andar ng produksyon ay isa sa mga pangunahing
konsepto ng mga pangunahing teoryang neoclassical, ginamit upang tukuyin ang marginal na produkto at upang makilala
ang mapagkakatiwalaang kahusayan, isang pangunahing pokus ng ekonomiya. Ang isang mahalagang layunin ng pag-
andar ng produksyon ay upang matugunan ang mapagkakatiwalaang kahusayan sa paggamit ng mga input ng kadahilanan
sa paggawa at ang nagresultang pamamahagi ng kita sa mga salik na iyon, habang nakaalis sa mga problemang
panteknolohiya ng pagkamit ng kahusayan sa teknikal, tulad ng maaaring maunawaan ng isang inhinyero o propesyonal na
tagapamahala.

Gawain sa Pagkatuto bilang 2

TRAIN MAP: Ayusin ang mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagkakabuo ng produkto. Ilagay ang bilang ng
larawan sa mga kahon sa ibaba.

Gawain sa Pagkatuto bilang 3

Mga Pamprosesong Tanong

1. Sa iyong palagay, paano nagkakaugnay- ugnay ang mga larawan?


2. ano ang nagging batayan mo sa pagsasaayos ng larawan?
3. Ano ang tawag sa prosesong naganap mula sa una hanggang sa ikaapat na larawan?

You might also like