You are on page 1of 11

Balik-aral

Magbigay kaisipan o natutunan


tungkol sa
mga batas na may kinalaman sa
pagsasarili ng mga Pilipino.
May alam ba kayo tungkol sa
Pamahalaang Komonwelt?
Ano alam mo tungkol sa
Pamahalaang Komonwelt?
Ayon sa Batas Tydings-McDuffie, layunin ng
pamahalaang Komonwelt na masubok ang
kakayahan ng mga Pilipno sa pangangasiwa
ng sariling pamahalaan. Sampung taon ang
ibinigay ng mga Amerikano upang mahasa ang
mga Pilipino sa mga kasanayan g pampolitika
at panlipunan. Magsasanay sila sa pagkilala
ng mga suliranin, pagsusuri ng sa mga ito, at
pagbibigay ng kalutasan sa mga ito. Kung
mapayapa na ang bansa at matatag na
pamahalaan, nangangahulugan na maaari nang
magsarili ang mga Pilipino.
Task Card
Pangkat 1,2,3,4
Layunin ng Saligang Batas ng 1935 na
mabigyan ng pantay na mga karapatan ang mga
mamamayan. Alinsunod dito, naglunsad si Pangulong
Quezon ng mga programa na tutugon sa katarungang
panlipunan. Nagpatibay siya ng mga batas na
nakatuon sa pangangalaga sa kapakanan ng mga
mamamayan. Ilan sa mga batas na ito ang sumusunod.
Minimum Wage Act – Nagtakda na hindi bababa sa
piso ang sahod sa isang araw na paggawa.
Pagkatapos ito ay itinaas sa Ᵽ1.25 ang
pinakamababang sahod sa Maynila.
Task Card
Eight-Hour Labor Act – nagtakda na walong oras
lamang ang dapat ipagtrabaho ng isang manggagawa
sa isang araw. Ito ay upang mabigyan siya ng
pagkakataon na makapagpahinga at makapaglibang.
Ang mga manggagawa na nagtatrabaho ng lagpas sa
walong oras ay binibigyan ng overtime pay.
Tenacy Act – nagtakda ng pagkakasundo ng
umuupa at ng nagpapaupa sa pamamagitan ng isang
kontratang lalagdaan ng dalawang panig. Kailangang
maunawaan ng umuupa ang mga probisyon ng kontrata
bago niya ito lagdaan.
Public Defender Act – nagtakda na bibigyan ng
libreng serbisyo ng abogado ang mahihirap na
manggagawa na may usapin sa paggawa.
TANONG
1.Ano ang Saligang Batas 1935? Ano ang layunin
nito?
2.Sino ang pangulo ng Pamahalaan Komonwelt?
.
3.Anong program ang inilunsad ni pangulong
Quezon
4.Anu-anong mga batas ang ipinagtibay niya?
Batas na nakatuon sa
pangangalaga sa
. kapakanan ng mga
mamamayan
Pagsusuri-

1.Ano ang pamahalaang Komonwelt?

2.Ano ang layunin ng pamahalaang Komonwelt?

3.Ano ang Katarungang Panlipunan?


.
4.Ilang taon ang ibinigay ng mga Amerikano upang mahasa ang

mga Pilipino sa mga kasanayan g pampulitika at panlipunan.

5.Sa iyong sariling pananaw o opinyon, sang-ayon ka ba sa mga

batas na ipinagtibay ni Pangulong Quezon? Bakit?


Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
1.Anong batas na ang layunin ay mabigyan ng pantay
na mga karapatan ang mga mamamayan.
. ____________________
2.Sino ang naglunsad ng mga programa na tutugon sa
katarungang panlipunan. ___________________________
Nagpatibay si pangulong Quezon mga batas na
nakatuon sa pangangalaga sa kapakanan ng mga
mamamayan, anu-ano ang mga batas na ito?
3. Minimum Wage Act, __________________
Takdang Aralin
.
Magsaliksik tungkol sa Patakarang

Homestead.

You might also like