Pasasalamat sa
Ginawang
Kabutihan ng Kapwa
Ano ang Pasasalamat?
Sa salitang ingles ay gratitude.
Nagmula sa salitang latin na gratus (nakakalugod), gratia
(pagtatangi o kabutihan) at gratis (libre o walang bayad)
Isang gawi o kilos na kinakailangan ng patuloy na pag sasagawa
hanggang ito ay maging birtud.
Pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa ng kabutihang
loob.
Pagkakaroon ng masigla at magiliw na pakiramdam sa taong gumawa
ng kabutihan.
Mungkahi ni Susan Jeffers na may akdang Practicing
Daily Gratitude:
“Simulan ang kasanayan sa pag sasabi ng
pasasalamat kahit sampung beses sa bawat araw.”
Ayon kay Aesop,” Gratitude is the sign of noble
souls”
Ayon kay Santo Tomas de Aquino:
May 3 Antas ng Pasasalamat:
1. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
2. Pagpapasalamat
3. Pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa
abot ng makakaya
Ang Pasasalamat ay isa sa mga
pagpapahalaga ng mga Pilipino.
Naipapakita ang Utang-na-loob
Nangyayayari ang utang-na-loob sa panahong ginawan ka ng
kabutihan ng iyong kapwa
Pagkilala at pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa lalo na
sa oras ng matinding pangangailangan.
Ang Utang-na-loob sa Maling Paraan o Pang-aabuso
May mga oras na dahil marunong tayong tumanaw ng
utang-na-loob ay minsan nagagamit natin ito sa maling
paraan o pang-aabuso na hinahandugan natin nito.
Napakahalaga na magamit ang pasasalamat o utang
na loob nang may pananagutan at sa tamang paraan.
Ayon kay Fr. Albert E. Alejo S.J.
Ang utang-na-loob ay kapag tumanggap na biyaya
mula sa sinuman ay nakadarama ng matinding
pananagutang mahirap tumbasan.
Ang pagtanaw ng mabuting kalooban ng ibang tao
ay maaaring matumbasan ng pagganti ng
mabuting kalooban sa iba.
Samakatuwid, maaaring ituon ang pasasalamat sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting puso
at paggawa ng mabuti sa ibang tao.
Mahalaga na marunong kang
mag pakumbaba
at kilalanin mo na sa tulong ng
ibang tao, ikaw ay naging
matagumpay.
Ang pagpapakita ng ng pasasalamat ay
hindi lamang sa taong pinag kakautangan
ng loob, maaari ituon ang pasasalamat sa
pamamagitan ng pagkakaroon nng
Mga Ilang Paraan ng Pagpapakita ng
Pasasalamat
1) Magkaroon ng ritwal na pasasalamat
2) Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong
nagpapakita ng kabutihan o higit na
nangangailangan ng iyong pasasalamat
3) Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung
kinakailangan
4) Magpasalamat sa bawat araw
5) Ang pangongolekta ng mga quotations ay
magpapabuti sa iyong pakiramdam
6) Gumawa ng kabutihang loob sa kapwa ng walang
hinihinging kapalit
Kawalan ng Pasasalamat (Ingratitude)
-isang masamang ugali na nakapagpapababa sa
pagkatao.
3 Antas ng Kawalan ng Pasasalamat
1) Hindi pagbabalik ng kabutiha ng kabutihang loob
sa kapwa sa abot ng makakaya
2) Pagtatago sa kabutihang ginawa ng kapwa
3) Hindi pagkilala o pagkalimot sa kabutihang
natanggap mula sa kapwa
Ang Kabaligtaran ng Pagiging
Mapagpasalamat
Entitlement Mentality
-isang paniniwala o pag-iisip na anumang
inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan
ng dagliang pansin.
Hal. Dahil sa pag-iral ng materyalismo, ang mga
kabataan ngayon ay hapit sa mga bagay na ito
at nais nilang makuha [Link] hindi
maibigay ng mga magulang nila ,pagsasalitaan
nila ito ng masasakit at hindi maganda salita.
Magandang Dulot ng Pasasalamat sa
Kalusugan
(base sa Institute for Research on Unlimited
Love IRUL)
1) Ang paglaan ng 15 minuto bawat araw sa mga bagay na
pinasasalamatan ay nakapagdaragdag ng likas na antibodies
na responsable sa pagsupo sa mga bacteria sa katawan.
2) Ang mga likas na mapagpasalamat na tao ay mas pokus ang
kaisipan at may mababang tsansa na magkaroon ng
depresyon.
3) Nagkakaroon ng maayos na sistema ng katawan at
pagkakaroon ng mas malusog na presyon ng dugo o pulse
rate.
4) Nagiging mas malusog ang pangangatawan at mas mahusay
sa mga gawain.
8 Dahilan kung bakit nagdudulot ng kaligayahan sa
tao ang pasasalamat
(by:Sonja Lyubommirsky)
1)Nagtataguyod sa tao upang namnamin ang mga
positibong karanasan sa buhay.
2)Nagpapataas ng halaga sa sarili.
3)Nakatutulong upang malampasan ang masamang
karanasan.
4)Nagpapatibay ng Moral na pagkatao.
5)Tumutulong sa pagbuo ng samahan ng kapwa,pinalakas ang
kasalukuyang ugnayanAt hinuhubog ang bagong ugnayan.
6)Pumipigil sa tao na maging mainggitin sa iba.
7)Hindi sumasang-ayon sa negatibong emosyon.
8)Tumutulong upang hindi masanay sa pagkahilig sa mga
materyal na bagay o kasiyahan.
AYON KAY EPESO 1:6
“Magbigay ng
pasasalamat sa
Panginoon, siya ay
mabuti, ang pag-ibig
Niya ay walang
hanggan.”
QUIZ
TIME!
Panuto: Tama o Mali isulat ang Tama kung tama ang sinasabi
ng pahayag at Mali kung mali ang sinasabi ng pahayag.
_____________1. Nararapat
magpasalamat tayo sa lahat
ng bagay ba mayroon tayo.
_____________2. Ang pagiging
mapapasalamat at tanda ng
taong puno ng biyaya.
Panuto: Tama o Mali isulat ang Tama kung tama ang sinasabi
ng pahayag at Mali kung mali ang sinasabi ng pahayag.
_____________3. Di kinikilala ng taong
mapagpasalamat ang mga taong
tumutulong sa kanya na nagbibigay
suporto upang marating niya ay
tagumpay.
_____________4. Ang pagpapakita ng
pasasalamat ay maaring ituon sa
pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa
ibang tao.
Panuto: Tama o Mali isulat ang Tama kung tama ang sinasabi
ng pahayag at Mali kung mali ang sinasabi ng pahayag.
______________5. Ang utang na
loob ay utang na pera na
dapat mong bayaran.
______________6. Ang
pasasalamat sa salitang
Ingles ay gratus.
Panuto: Tama o Mali isulat ang Tama kung tama ang sinasabi
ng pahayag at Mali kung mali ang sinasabi ng pahayag.
______________7. Ang pasasalamat ay
isang gawi o kilos na hindi na
kailangan ipagpapatuloy hanggang
maging isang birtud.
______________8. Ang utang na loob ay
minsan nagagamit din ng ilang tao
sa maling paraan ng pang – aabuso.
Panuto: Tama o Mali isulat ang Tama kung tama ang sinasabi
ng pahayag at Mali kung mali ang sinasabi ng pahayag.
_______________9. Ayon kay Sto
Tomas de Aquino Gratitude is the
sign of noble souls.
_______________10. Mahalaga na
marunong kang magpakumbaba at
kilalanin mo na sa tulong ng ibang
tao ikaw ay nagging matagumpay.
Panuto: Tama o Mali isulat ang Tama kung tama ang sinasabi
ng pahayag at Mali kung mali ang sinasabi ng pahayag.
TAMA
_____________1. Nararapat
magpasalamat tayo sa lahat
ng bagay ba mayroon tayo.
TAMA
_____________2. Ang pagiging
mapapasalamat at tanda ng
taong puno ng biyaya.
Panuto: Tama o Mali isulat ang Tama kung tama ang sinasabi
ng pahayag at Mali kung mali ang sinasabi ng pahayag.
_____________3.
MALI Di kinikilala ng taong
mapagpasalamat ang mga taong
tumutulong sa kanya na nagbibigay
suporto upang marating niya ay
tagumpay.
TAMA
_____________4. Ang pagpapakita ng
pasasalamat ay maaring ituon sa
pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa
ibang tao.
Panuto: Tama o Mali isulat ang Tama kung tama ang sinasabi
ng pahayag at Mali kung mali ang sinasabi ng pahayag.
MALI
______________5. Ang utang na
loob ay utang na pera na
dapat mong bayaran.
______________6.
MALI Ang
pasasalamat sa salitang
Ingles ay gratus.
Panuto: Tama o Mali isulat ang Tama kung tama ang sinasabi
ng pahayag at Mali kung mali ang sinasabi ng pahayag.
MALI
______________7. Ang pasasalamat ay
isang gawi o kilos na hindi na
kailangan ipagpapatuloy hanggang
maging isang birtud.
TAMA
______________8. Ang utang na loob ay
minsan nagagamit din ng ilang tao
sa maling paraan ng pang – aabuso.
Panuto: Tama o Mali isulat ang Tama kung tama ang sinasabi
ng pahayag at Mali kung mali ang sinasabi ng pahayag.
MALI
_______________9. Ayon kay Sto
Tomas de Aquino Gratitude is the
sign of noble souls.
TAMA
_______________10. Mahalaga na
marunong kang magpakumbaba at
kilalanin mo na sa tulong ng ibang
tao ikaw ay nagging matagumpay.
1. Ang birtud ng
pasasalamat ay gawing
________.
A. kalooban B. isip
C. damdamin
[Link]
2. Sa bawat araw ng iyong
paggising, mahalagang alisin sa
isipan ang mga negatibong
kaisipan bagkus isaisip ang
kagandahan at_________.
A. problema sa buhay
B. mga gawaing bahay
C. layunin sa buhay
[Link] sa buhay
3. Isa sa mga simpleng
pamamaraan ng
pagpapasalamat ay sa
pamamagitan ng___________.
A. Yakap at tapik sa balikat
B. Yakap at tapik sa hita
C. yakap at kurot sa mukha
D. yakap at pagmano
4. Ano ang ibig sabihin ng entitlement
mentality?
A. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa
isang tao
B. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na
anumang inaasam mo ay karapatan mo na
dapat bigyan ng dagliang pansin.
C. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga
pangunahing pangangailangan ng mga tao.
D. Ito ay ang pang-aabuso ng mga
mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na
tustusan ang kanilang pangangailangan.
5. Ano ang tamang pagpapakita ng
pasasalamat?
A. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapuwa
kahit naghihintay ng kapalit.
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng
kapuwa at pagsasabi ng pasasalamat
C. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapuwa
kahit alam mong ginagawa lang niya ang
trabaho nito.
D. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat
sa gawa.
6. Ayon kay Sonja Lyubommirsky, isang
sikologo sa pamantasan ng California may
walong dahilan kung bakit nagdudulot ng
kaligayahan sa tao ang pasasalamat. Alin sa
mga pagpipilian ang hindi kabilang sa mga
dahilan na iyon?
A. Nagpapatibay ng moral na pagkatao
B. Tumutulong sa pagbuo ng samahan ng
kapuwa
C. Nagpapataas ng halaga sa sarili
D. Nagpapalakas ng kumpyansa sa sarili
7. Kung ikaw ay tunay na nagpapasalamat sa
anumang biyayang mayroon ka (hal. pamilya,
kalusugan,tahanan,at trabaho),hindi ka mag-
iisip na ikumpara mo sa ibang tao ang iyong
buhay. Ikaw ay isang taong _______________?
A. mapagpigil na maging mainggitin sa iba
B. makisama sa lahat ng ikasasaya ng kapuwa
C. hindi sumang-ayon sa negatibong emosyon
D. marunong umunawa
8. Alin ang tanda ng isang taong marunong
magpasalamat?
A. Si Jose ay madalang makatanggap ng mga bagay na
kaniyang inaasam-asam subalit kapag siya ay
nakatanggap na, maliit man o malaki ay hindi niya
magawang ipagsawalang bahala lang ito bagkus
walang katapusang pasasalamat ang kaniyang
ipadama din sa taong nagbigay nito sa kaniya.
B. Si Lea ay laging magpasalamat kahit ito ay hindi
bukal sa kaniyang kalooban.
C. Si Pedro ay tanggap ng tanggap pero walang kibo
sa natanggap na biyaya.
D. Mag-aaral ng mabuti para maabot ang mga
pangarap.
9. Sa oras ng pagsubok, at lubhang
napakahirap bigkasin ang salitang
salamat, maaaring idaan muna sa
repleksiyon at___________.
A. pagninilay- nilay sa buhay
B. mataimtim na panalangin upang
tulungan kang mabuksan ang iyong puso
C. pagmumuni-muni sa sarili
D. pakikipagusap sa kapuwa nang
maliwanagan sa buhay.
10. Alam mong ginagawan ka ng kabutihan,
ibinabalik mo ang kabutihang iyon sa
pamamagitan ng mabuting salita o kilos. Ang
pahayag na ito’y nagpapakita ng_____________.
A. pagtulong sa pagbuo ng samahan ng
kapuwa
B. nagpapatibay ng moral na pagkatao
C. pumipigil sa tao na maging maiinggitin
siya
D. hindi sumasang-ayon sa negatibong
emosyon.
1. Ang birtud ng
pasasalamat ay gawing
________.
A. kalooban B. isip
C. damdamin
[Link]
2. Sa bawat araw ng iyong
paggising, mahalagang alisin sa
isipan ang mga negatibong
kaisipan bagkus isaisip ang
kagandahan at_________.
A. problema sa buhay
B. mga gawaing bahay
C. layunin sa buhay
[Link] sa buhay
3. Isa sa mga simpleng
pamamaraan ng
pagpapasalamat ay sa
pamamagitan ng___________.
A. Yakap at tapik sa balikat
B. Yakap at tapik sa hita
C. yakap at kurot sa mukha
D. yakap at pagmano
4. Ano ang ibig sabihin ng entitlement
mentality?
A. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa
isang tao
B. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na
anumang inaasam mo ay karapatan mo na
dapat bigyan ng dagliang pansin.
C. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga
pangunahing pangangailangan ng mga tao.
D. Ito ay ang pang-aabuso ng mga
mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na
tustusan ang kanilang pangangailangan.
5. Ano ang tamang pagpapakita ng
pasasalamat?
A. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapuwa
kahit naghihintay ng kapalit.
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng
kapuwa at pagsasabi ng pasasalamat
C. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapuwa
kahit alam mong ginagawa lang niya ang
trabaho nito.
D. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat
sa gawa.
6. Ayon kay Sonja Lyubommirsky, isang
sikologo sa pamantasan ng California may
walong dahilan kung bakit nagdudulot ng
kaligayahan sa tao ang pasasalamat. Alin sa
mga pagpipilian ang hindi kabilang sa mga
dahilan na iyon?
A. Nagpapatibay ng moral na pagkatao
B. Tumutulong sa pagbuo ng samahan ng
kapuwa
C. Nagpapataas ng halaga sa sarili
D. Nagpapalakas ng kumpyansa sa sarili
7. Kung ikaw ay tunay na nagpapasalamat sa
anumang biyayang mayroon ka (hal. pamilya,
kalusugan,tahanan,at trabaho),hindi ka mag-
iisip na ikumpara mo sa ibang tao ang iyong
buhay. Ikaw ay isang taong _______________?
A. mapagpigil na maging mainggitin sa iba
B. makisama sa lahat ng ikasasaya ng kapuwa
C. hindi sumang-ayon sa negatibong emosyon
D. marunong umunawa
8. Alin ang tanda ng isang taong marunong
magpasalamat?
A. Si Jose ay madalang makatanggap ng mga bagay na
kaniyang inaasam-asam subalit kapag siya ay
nakatanggap na, maliit man o malaki ay hindi niya
magawang ipagsawalang bahala lang ito bagkus
walang katapusang pasasalamat ang kaniyang
ipadama din sa taong nagbigay nito sa kaniya.
B. Si Lea ay laging magpasalamat kahit ito ay hindi
bukal sa kaniyang kalooban.
C. Si Pedro ay tanggap ng tanggap pero walang kibo
sa natanggap na biyaya.
D. Mag-aaral ng mabuti para maabot ang mga
pangarap.
9. Sa oras ng pagsubok, at lubhang
napakahirap bigkasin ang salitang
salamat, maaaring idaan muna sa
repleksiyon at___________.
A. pagninilay- nilay sa buhay
B. mataimtim na panalangin upang
tulungan kang mabuksan ang iyong puso
C. pagmumuni-muni sa sarili
D. pakikipagusap sa kapuwa nang
maliwanagan sa buhay.
10. Alam mong ginagawan ka ng kabutihan,
ibinabalik mo ang kabutihang iyon sa
pamamagitan ng mabuting salita o kilos. Ang
pahayag na ito’y nagpapakita ng_____________.
A. pagtulong sa pagbuo ng samahan ng
kapuwa
B. nagpapatibay ng moral na pagkatao
C. pumipigil sa tao na maging maiinggitin
siya
D. hindi sumasang-ayon sa negatibong
emosyon.
PAGSUNOD AT
Week 3-
PAGGALANG SA MGA
MAGULANG,
NAKATATANDA, AT
MAY AWTORIDAD
Sapat na ba ang pagtugon ng “Po” at
“Opo” upang maipakita mo ang
paggalang sa magulang, nakatatanda
at may awtoridad?
Ano ang iyong gagawin kung ang
kanilang ipinag-uutos ay labag sa
iyong kalooban?
Ano-ano ang iyong isasaalang-alang
upang maipakita ang marapat na
pagsunod at paggalang sa kanila?
Bakit nararapat
isabuhay ang mga birtud
ng pagsunod at
paggalang sa magulang,
nakatatanda at may
awtoridad?
Maraming aral ang nagsasabi na
igalang ang lahat ng tao, igalang
ang mga magulang at nakatatanda
pati na ang mga taong may
awtoridad sa lipunan o estado. (Sa
Bibliya: I Pedro 2:17; Efeso 6:2;
Mateo 15:4; Levitico 19:32;
Kawikaan 20:29; Roma 13:7; Sa
Koran, 17:23-24; Mga Tinipong
Wikain ni K’ung Fu Tze, 1:2; 2:5-7).
Ang salitang “paggalang” ay
nagmula sa salitang Latin na
“respectus” na ang ibig sabihin
ay “paglingon o pagtinging
muli,” na ang ibig sabihin ay
naipakikita ang paggalang sa
pamamagitan ng pagbibigay ng
halaga sa isang tao o bagay.
Ang Pamilya Bilang Hiwaga
Kung ugnayan ang
isasaalang-alang, isang
hiwagang maituturing ang
pagiging sabay na malapit
at malayo ng pamilya sa
iyong pagkatao.
Kung ugnayan ang
isasaalang-alang, isang
hiwagang maituturing
ang pagiging sabay na
malapit at malayo ng
pamilya sa iyong
pagkatao.
Ang pamilya ay malapit sa iyo dahil sa:
• Nakasentro sa iyo ang mga ugnayan na
maaaring ikinatutuwa mo o ikinaiinis mo.
• Ang iyong pag-iral ay bunga ng
pagtugon sa dalawang taong pinagbuklod
ng pagmamahalan.
• Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o
husga sa mga taong nagpalaki sa iyo.
Ang pamilya ay malayo sa
iyo dahil nagmula ang
iyong pag-iral sa
magkakasunod at
makasaysayang proseso
na mula sa mga relasyong
nauna sa iyong pag-iral.
Ibig sabihin, ang iyong
pagkilala at pakikipagugnayan
sa iyong mga lolo at lola, mga
magulang ng iyong lolo at lola,
mga tiyuhin at tiyahin, iba
pang mga kamag-anak at ka-
angkan, ang nagpapatunay ng
pagiging malayo ng pamilya.
Gayunpaman, malaki pa rin ang
impluwensya ng iyong mga ka-angkan sa
iyong pagkatao. Hindi ba’t may mga
tinataguriang “angkan ng mga doktor o
guro,” “angkan ng matatalino o
masisipag” o “lahi ng mga palaaway o
mga basagulero?” Hindi maaaring
ipagwalang-bahala ang nagiging
implikasyon ng ganitong
pagkakakilanlan sa iyong pamilya at sa
iyong pagkatao.
Ang Pamilya Bilang Halaga
Sa mga bahay na iyong napuntahan,
napansin mo ba ang mga nakadisplay na
larawan ng pamilya, mga medalya, mga
diploma, mga tropeo at mga patunay ng
pagkilala? Nakadisplay din ba ang mga
katulad nito sa iyong tahanan? Ano ang
iyong nararamdaman kapag nakikita mo
ang mga ito?
GintongAral:
Anuman ang gawin
mo sa iyong kapwa
ay ginagawa mo
rin sa iyong sarili.
Ang Pamilya Bilang Presensiya
Ang Hamon sa Pamilya
Maaaring humina ang ugnayan dahil sa mga
pagbabagong nararanasan ng mga kasapi sa pamilya.
Kadalasan, ito rin ang nagiging sanhi ng di
pagkakaunawaan, paghihiwalay, at minsan ay
humahantong pa sa pananakit, dahil unti-unti nang
nawawala ang paggalang at pagbibigay ng halaga sa
pamilya at sa mga kasapi nito. Nakalulungkot isipin na
may mga pamilyang hindi naiingatan ang mga kasapi
laban sa karahasan mula sa mga tao o bagay sa labas
at maging sa loob ng pamilya. Unti-unti na ring
dumarami ang insidente ng karahasan at pangaabuso
sa mismong kasapi ng pamilya.
Kung ang pansariling interes ng mga tao
ang patuloy na mangingibabaw,
magdudulot ito ng kaguluhan. Dahil dito,
tungkulin ng lipunan na mapangalagaan
ang kapayapaan, disiplina at kapakanan ng
mga taong kaniyang nasasakupan, alang-
alang sa kabutihang panlahat. Sa
pamamagitan ng mga batas na
ipinatutupad, maiingatan at maipaglalaban
ang dignidad at karapatan ng mga tao at
mapagbubuklod sila tungo sa pagkamit ng
layuning maging ganap.