0% found this document useful (0 votes)
7 views45 pages

AP10

Ang dokumento ay naglalaman ng mga paksa sa Araling Panlipunan para sa mga mag-aaral ng Rosario Technical High School, kabilang ang kasaysayan ng Asya at kontemporaryong isyu. Tinalakay din ang kahulugan ng kontemporaryong isyu, mga halimbawa nito, at ang mga elemento ng lipunan at kultura. Bukod dito, inilarawan ang mga institusyon, social groups, status, at gampanin ng mga indibidwal sa lipunan.

Uploaded by

Franco Andallon
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
7 views45 pages

AP10

Ang dokumento ay naglalaman ng mga paksa sa Araling Panlipunan para sa mga mag-aaral ng Rosario Technical High School, kabilang ang kasaysayan ng Asya at kontemporaryong isyu. Tinalakay din ang kahulugan ng kontemporaryong isyu, mga halimbawa nito, at ang mga elemento ng lipunan at kultura. Bukod dito, inilarawan ang mga institusyon, social groups, status, at gampanin ng mga indibidwal sa lipunan.

Uploaded by

Franco Andallon
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd

ROSARIO TECHNICAL HIGH SCHOOL

Handa
kana
ba?
Ano ang tinalakay o
paksa sa Araling
Grade
Panlipunan noong:
Kasaysayan ng Asya
7: Kasaysayan ng
Grade Daigdig
8: Ekonomiks
Grade Kontemporaryong
Isyu
Bumuo ng 5 salita gamit
ang salitang:

ARALING
PANLIPUNAN
Mga Topic na
matatalakay sa Unang
Markahan
1. Kahalagahan ng
Kontemporaryong Isyu
2. Mga Suliraning
Pangkapapaligiran
Loop A Word
Panuto: Hanapin ang
mga salita sa ibaba
sa loob ng kahon.
Ang mga salitang
iyong mahahanap ay
lubhang mahalaga
para sa talakayan.
Isulat ang iyong
sagot sa sagutang
papel.

Rosario Technical High Sch


Ano ba ang ibig sabihin ng
Kontemporaryong Isyu?
Ang kontemporaryo (contemporary) ay
mula sa salitang Latin na com na
nangangahulugang “may kasama” at
temporarius mula sa salitang tempus na ibig
sabihin ay “oras”.
Ang salitang kontemporaryo
(contemporary) ay naglalarawan
sa takdang panahon hanggang
sa kasalukuyan. Ito ay tumutukoy
sa katangian na nagpapakilala sa
kasalukuyan
Samantalang ang salitang isyu
(issue) ay nangangahulugang
mga pangyayari, mga sigalot o
problema na pinag-uusapan sa
lipunan.
Kaya’t kung pagsasamahin,
ang kontemporaryong isyu ay
mga usapin o pangyayari na
pinag-uusapan o
pinagdedebatihan ng bansa na
sangkot ang bawat Pilipino.
Mga halimbawa ng mga
kontemporaryong isyu ay may
kinalaman sa relihiyon,
kalusugan, ekonomiya, pulitika
at kultura.
Paano ba masasabi na ang isang
pangyayari ay mahalaga: 1. kung ito ay
makabuluhang isyu para sa bansa. 2.
kung ito ay lubhang nakaiimpluwensiya
sa lipunan ng ating ginagalawan. 3. kung
ito ay nagaganap sa kasalukuyang
panahon.
Dalawang mahalagang pinagmumulan
ng impormasyon:
Primaryang Sanggunian – ibig sabihin
ang pinagmumulan ng impormasyon ay
mula sa orihinal na nagsulat o
nakaranas ng pangyayari.
Sekondaryang Sanggunian – ang
pinagmulan ng babasahin ay hindi
nanggaling sa primaryang
sanggunian at maaaring magamit na
batayan sa kasalukuyan.
ANG LIPUNAN
Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-
samang naninirahan sa isang organisado at
sistematikong lugar o pamayanan. Sila ay
may pagkakaiba sa kani–kanilang mga
interes ngunit naniniwala sa isang batas
kaya’t nagkakaroon ng kasunduan.
Mga pilosopo ang nagpahayag ng
kahulugan ng lipunan
A. Emile Durkheim– Ayon kanya, ang lipunan ay
isang buhay na organismo na patuloy na
kumikilos at nagbabago na kung saan nagaganap
ang mga pangyayari. Binubuo ng iba’t ibang
institusyon na nag-uugnay sa isa’t isa upang
bumuo ng lipunan.
B. Isabel Panopio–Ayon sa kanya ang lipunan
ay isang sistematikong komunidad na binubuo
ng balangkas at gampanin. Ang balangkas ay
tumutukoy sa organisasyon ng mga
mamamayan na gagawa ng mga batas upang
sundin ng lipunan habang ang gampanin
naman ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na
gawin ang kanyang bahagi sa lipunan.
C. Karl Marx–Ang lipunan ay kakikitaan ng
tunggalian ng interes sa kapangyarihan. Ito
rin ay kakikitaan ng hindi pagkakasundo
dulot ng pagkakaroon ng limitadong
pinagkukunang yaman ng bansa. Bunga
nito, nagkakaroon ng hindi pantay na antas
ng pamumuhay sa lipunan.
D. Charles Cooley – Ang lipunan ay
magkakawing na ugnayan ng tao sa kanyang
kapaligiran. Mas nakikilala ng tao ang
kanyang sarili sa kanyang pakikisalamuha sa
kanyang kapaligiran. Ang maayos na
pakikipag-usap ay isang paraan upang
maging mapayapa ang interaksyon ng bawat
isa.
Dalawang bahagi ng Lipunan:

Unang bahagi ay ang institusyong


panlipunan at ang ikalawang bahagi
ay ang kultura.
MGA ELEMENTO NG
ISTRUKTURANG PANLIPUNAN
1. INSTITUSYON- ito ay mga
organisadong komunidad na
bumubuo sa isang lipunan.
Ang institusyon ay binubuo ng sumusunod:
A. Pamilya - ang pamilya ay ang pinakamaliit na
bahagi ng lipunan na kung saan ay nagsisimulang
mabuo ang isang pamayanan. Ang unang humuhubog
sa bawat sanggol na isinisilang sa mundo. Ang mga
magulang ang siyang unang guro ng mga bata. Ang
tahanan ay siyang ugnayan ng mga institusyong
panlipunan.
B. Paaralan - ito ang lugar kung saan
nahuhubog ang kakayahan ng mga bata.
Itinuturo rin sa paaralan ang mga
impormasyon sa pagitan ng tama o mali. Ito
ang institusyon na katulong na humuhubog
sa karunungan ng mga mag aaral upang
maging isang mabuting mamamayan.
C. Ekonomiya - mahalaga sa bahagi ng
ekonomiya ay ang kakayahan ng bawat isa na
maging bahagi ng lakas-paggawa. Dito
tinatalakay ang palitan ng serbisyo o produkto ng
mga prodyuser at konsyumer, demand at supply.
Pinag-aaralan din ang dami ng yamang-likas na
tugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng
mga mamamayan.
D. Pamahalaan - ang institusyon na
nagtatalaga ng mga batas para sa
ikaaayos ng isang lipunan. Ito rin
ang siyang nakatalaga na tumulong
sa mga nangangailangan sa
kanyang nasasakupan.
E. Pananampalataya - ang institusyon
na sandigan ng mga mamamayan, ang
paghahangad na ligtas sa maghapon
maging sa trabaho o sa loob ng bahay.
Ang usaping panrelihiyon ay bahagi ng
usaping panlipunan.
2. SOCIAL GROUP – ito ay ang mga
institusyong panlipunan na binubuo
ng dalawa o higit pang tao na may
magkakaugnay na katangian at
nagkakasundo sa kanilang mga
hangarin. Ito ay nahahati sa dalawa:
A.Primary Group - ito ay kinabibilangan ng mga
taong malalapit sa iyo katulad ng pamilya, kamag-
anak o mga taong may impormal na pakikipag-
ugnayan tulad ng kaibigan o kabarkada, habang
ang;
B.Secondary Group - kinabibilangan ng mga taong
may pormal na ugnayan sa isa’t isa halimbawa ay
kasamahan sa trabaho o kapitbahay.
3. STATUS - ang status ay tumutukoy
sa posisyong kinabibilangan ng isang
indibidwal sa lipunan. Malaki ang
kinalaman ng status sa iyong
pagkakakilanlan sa lipunan. May
dalawang pagkakaiba sa status ng tao:
A.Ascribed Status - ito ay tumutukoy sa
iyong posisyon sa lipunan mula ng ikaw ay
ipanganak o isinilang.
B.Achieved Status - ito ay iyong posisyon
na dulot ng iyong pagsisikap o mga
pagbabago sa iyong buhay sa mahabang
panahon.
4. Gampanin (Roles) – ito ay tumutukoy
sa gawain, obligasyon, responsibilidad at
karapatan ng indibidwal sa kanyang
lipunan. Ang bawat indibidwal ay may
posisyong kinabibilangan at nagtatalaga
sa kanyang gampanin para maging
bahagi ng lipunan.
ANG KULTURA
 Ayon kay Margaret Andersen at Howard Taylor,
ang kultura ay isang komplikadong sistema ng
ugnayan na nagbibigay–kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan sa
kabuuan.
 Ito ay sistema o paraan ng pamumuhay ng
isang pamayanan na naniniwala sa iisang ugnayan
upang magkaroon ng organisadong lipunan.
DALAWANG URI NG KULTURA
A. MATERYAL - ito ay bahagi ng kultura
na nagbibigay ng kahulugan at
mahalaga para sa pag-unawa ng kultura
halimbawa ay mga likhang–sining, tula,
mga kagamitan at maging mga gusali.
B. HINDI MATERYAL -mga bahagi
ng pang-araw–araw na pamumuhay
ng mga tao katulad ng awit, batas,
ideya at mga paniniwala.
MGA ELEMENTO NG KULTURA

A. PANINIWALA (Belief) – ito ay ang


batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo
o lipunan.
B. PAGPAPAHALAGA (Values) – ito ay
ang batayan ng isang pangkat o grupo kung
ano ang katanggap-tanggap para sa kanila.

Halimbawa: PAGBIBIGAY NG MGA REGALO AT


BULAKLAK PAGMAMANO
C. NORMS - ito ay ang pamantayan ng
pagkilos ng isang lipunan. Nahahati sa
dalawa ang norms:
a. Folkways –itinuturing na
pangkahalatang batayan ng kilos ng
mga tao sa isang lipunan.
b. Mores na ang paglabag ay may
kaukulang ligal na parusa halimbawa
ay pagnanakaw o pagpatay.
D. SIMBOLO (Symbols) - ang
paglalapat ng kahulugan sa isang
kilos o bagay ayon sa gamit nito sa
isang indibiwal.
Ilang halimbawa ay sumusunod:
- ang pagtango na nangangahulugang pagpayag;
- pagkikipagkamay na ang ibig sabihin ay pakikipagkasundo;
- ang pagsusuot ng itim na ang ibig sabihin ay pagluluksa;
- ang pagsusuot ng polka dots tuwing sasapit ang Bagong
Taon;
- ang paggamit ng tsek bilang tama o ekis na
nangangahulugang mali at
- ang mga kumpas ng ating mga kamay na siyang nagsasalita
para sa atin.
SOCIOLOGICAL IMAGINATION
 Isyung Personal- maaaring maituring na
isang isyung personal ang suliranin kung ito ay
sa pagitan ng isang indibidwal at malapit sa
kanya. Ang mga tunggalian sa isyung personal
ay maaaring masolusyonan sa kamay ng
indibidwal. Ito ay mga personal na usapin o isyu
 Isyung Panlipunan - ang isang isyung
panlipunan ay suliranin na kinakaharap ng
lipunan. Ang mga suliranin o isyung panlipunan
ay mga problema na kinaharap ng sambayanan
at pinagtutuunan ng pansin ng pangkat ng tao o
ng pamahalaan. At ang solusyon sa mga isyung
ito ay lubhang makakaapekto maging mabuti
man o hindi sa sambayanan.
 Sociological Imagination – ito ay ugnayan
sa pagitan ng isyung personal at isyung
panlipunan. Kung makikita na ang isyung
kinakaharap ng isang tao ay maaaring
makaapekto sa isyung kinakaharap ng lipunan o
ang isyu ng lipunan ay maaaring maging isyu ng
iisang tao o lupon ng tao. Ito ay pinagtutuunan
ng pansin ng pamahalaan upang hindi maging
pambansang suliranin. -

You might also like