You are on page 1of 12

Ang Misa ng Sambayanan

Pasimula
Awiting Pambungad
PARI (P): Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. BAYAN (B): Amen! P: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo naway sumainyong lahat B: At sumaiyo rin!

P: B: P:

B:

Panginoon, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami. Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. Amen.

Gloria/Papuri sa Diyos sa Kaitasan


(kapag nakatakdang ganapin, aawitin ang awit na ito).

P & B: Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

Pagsisisi sa Kasalanan
P: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayoy maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang. Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala
(ang lahat ay dadagok sa dibdib)

P & B:

P:

B:

sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na akoy ipanalangin sa Panginoong ating Diyos. Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. Amen.

Panginoon, Kaawan mo Kami


P: B: P: B: Panginoon, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami. Kristo, kaawaan mo kami. Kristo, kaawaan mo kami.

Panalangin Pambungad
P: Manalangin tayo. Ama naming makapangyarihan, ......... sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

B:

Amen.

P & B:

Pagpapahayag ng Salita ng Diyos


Unang Pagbasa
TAGAPAGLAHAD (T): T: Ang unang pagbasa mula sa ..
(Pagkatapos ng unang Pagbasa)

T: B:

Ang Salita ng Diyos! Salamat sa Diyos!

Psalmo Responsorio
(Ito ay maaring awitin ng Koro)

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa karoroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto't maghuhukom sa nangabubuhay at nangamamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal; sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Ikalawang Pagbasa
T: T: B: K: Ang ikalawang pagbasa mula sa ..
(Pagkatapos ng ikalawang Pagbasa)

Ang Salita ng Diyos! Salamat sa Diyos! Magsitayo po ang lahat bilang pagbibigaygalang sa Mabuting Balita ng Panginoon.

Aleluya Mabuting Balita


P: B: P: B: P: B: Sumainyo ang Panginoon. At sumaiyo rin! Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay __. Papuri sa iyo, Panginoon!
(Pagkatapos ng ebanghelyo)

Panalangin ng Bayan
(Itoy sumusunod sa panahon)

Pagdiriwang ng Huling Hapunan Paghahanda ng Mga Alay


Awiting Pag-aalay
(Prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon! Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo!

P:

Homiliya Pagpapahayag ng Pananampalataya


P:
2|Page

B:

Let us now profess our faith sand saying:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sasanlibutan. Sa Iyong kagandahang-loob, narito angaming maiaalay, mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaingnagbibigay buhay. Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kaylanman.

P:

B: P:

B:

P:

B:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha sasanlibutan. Sa iyong kagandahang loob, narito angaming maiaalay, mula sa katas ng ubas at bungang aming paggawa ang alak na ito para maginginuming nagbibigay ng Iyong Espiritu. Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kaylanman. Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kamingmga makasalanan. Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kamiy matutong sumunod sa Iyo ng buong puso. O Diyos kong mahal, kasalanan koy hugasan at linisin Mong lubusan ang nagawa kong pagsuway. Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan. Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

Prepasyo at Pagbubunyi
P: Ama naming makapangyarihan, . . . . . . . . . Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kamiy nagbubunyi sa iyong kadakilaan: Santo, santo, santo, Panginoong Diyos na makapangyarihan! Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian mo! Osana sa kaitaasan! Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon! Osana sa kaitaasan!

P & B:

Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat


P: Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanang kabanalan. Kayat sa pamamagitan ng iyong Espiritu gawin mong banal ang mga kaloob na ito upang para sa amiy maging Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo. Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging handog, hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

Panalangin Ukol sa Mga Alay


P: Ama naming Lumikha, . . . . . . . . . sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

B:

Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat


P: B: P: B: P: B:
3|Page

Tanggapin ninyong lahat ito at kanin: ito ang aking katawan na ihahandog para sa inyo.
To God be the glory To God be the glory To God be the glory for the things He has done. Gayun din naman, noong matapos ang hapunan, hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang pi-

Sumainyo ang Panginoon. At sumaiyo rin! Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. Itinaas na namin sa Panginoon! Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. Marapat na siya ay pasalamatan!

nasalamatan, iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:

P & B:

Tanggapin ninyong lahat ito at inumin: ito ang kalis ng aking dugo ng bago at walang hanggang tipan, ang aking dugo na ibubuhos para sa inyo at para sa lahat sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.
With His blood, He has saved me By His power, He has raised me. To God be the glory for the things he has done. K: P: P & B: P: Magsi-tayo po ang lahat. Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya. Si Kristo'y namatay, si Kristo'y nabuhay Si Kristo'y babalik sa wakas ng panahon. Ama, . . . . . . . . . Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen. (Maaring kantahin ang Dakilang Amen) P & B: P:

Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo, dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon, ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin, sa nagkakasala sa amin at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masama. Hinihiling naming kamiy iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo. (with hands raising): Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailan man! Amen.

Pagbibigayan ng Kapayapaan
P: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming mga pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen. Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo. At sumaiyo rin! Magbigayan po tayo ng kapayapaan sa isat isa. Peace be with You (Shalom!)

B:

Ang Pakikinabang
Panalangin ng Panginoon
P: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-loob, awitin natin ang Ama Namin: B: P: B: P: K:

4|Page

I Love You with the Love of the Lord Oh I bless you with the love of the Lord Yes, I love you with the love of the Lord I can see in you the glory of my King and I love you with the love of the Lord. Love Me, Love You Love Me, Love You, God said it so! Love one another, Love me, Love You! Love Me, Love You, God said it so! Love one another, Love me, Love You! Love God with all your heart With all your mind and strength Love your neighbors as your Love yourself and your enemies too Love Me, Love You, God said it so! Love one another, Love me, Love You! Love me, Love You! B:

Awit sa Pakikinabang Panalangin Pagkapakinabang


P: Manalangin tayo. Ama naming mapagmahal, . . . . . . . . . sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo pagpasawalang hanggan. Amen.

Paghayo sa Pagwawakas
P: B: P: B: P: Sumainyo ang Panginoon. At sumaiyo rin! Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos (), Ama, at Anak, at Espiritu Santo. Amen! Tapos na ang Misa. Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran. Salamat sa Diyos!

Paghahati-hati sa Tinapay at Pagsasalo


P & B: Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan. Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inanyayahan sa kanyang piging. Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

B:

Awiting Pangwakas

Mga Awit
1. PURIHIN ANG PANGINOON
Koro: Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan; At tugtugin ang gita--ra at ang kaaya-ayang lira, Hipan ninyo ang trompeta. Sa ating pagkabagabag, sa D'yos tayo'y tumawag. Sa ating mga kaaway, tayo ay kanyang iniligtas. (Koro) Ang pasaning mabigat sa 'ting mga balikat Pinagaan nang lubusan ng D'yos na Tagapagligtas. (Koro) Kaya Panginoon'y dinggin, ang landas n'yay tahakin; Habambuhay ay purihin kagandahang-loob n'ya sa 'tin. (Koro)

P:

B:

5|Page

2. PAPURI SA DIYOS (GLORIA)


Papuri sa Diyos (3x) sa kaitaasan At sa lupa'y kapayapaan (2x) sa mga taong kinalulugdan N'ya Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin Sinasamba Ka namin ipinagbubunyi Ka namin Pinasasalamatan Ka namin Dahil sa dakila Mong angking kapurihan Panginoong Diyos hari ng langit Diyos Amang makapangyarihan sa lahat Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak Panginoong Diyos Kordero ng Diyos, Anak ng Ama Papuri sa Diyos (2x) Papuri sa Diyos sa kaitaasan Ikaw na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan Maawa Ka, Maawa Ka, Maawa Ka, sa amin lkaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan Tanggapin Mo ang aming kahilingan Tanggapin Mo ang aming kahilingan Tanggapin Mo ang aming kahilingan Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama maawa Ka, maawa Ka, maawa Ka sa amin Papuri sa Diyos, Papuri sa Diyos, Papuri sa Diyos sa kaitaasan Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang Kataastaasan Ikaw lamang o Hesukristo ang Panginoon Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen (2x) Papuri sa Diyos (3x) sa kaitaasan

Ang kaluluwa kot nauuhaw, sa iyo O Panginoon ko. Ang kaluluwa kot nauuhaw, sa iyo O Panginoon ko. Ang kagandahang loob mo, higit sa buhay sa mundo Kaya akoy magpupuri, ngalan moy aking sasambitin (Koro)

4. ALELUYA
Aleluya, Aleluya. Wikain Mo, Poon, nakikinig ako sa Iyong mga Salita. Aleluya, Alelu, Aleluya. O Alelu, Alelu, Aleluya. Alelu, Alelu, Aleluya Purihin ang Diyos, Aleluya Purihin ang Diyos, Aleluya

5. PAGHAHAIN NG ALAY
Koro: Buhay, pagmamahal, alak at tinapay. Sanay tanggapin mo, Amang mapagmahal. Nayon sa Yong hapag, kamiy nag-aalay Alak at tinapay, alay ng Yong bayan (Koro) Buhay, pag-iisip, kalulwat katawan, Ang lahat-lahat na taglay ng Yong bayan (Koro) Itoy sa Yo galing, kayat muling hain Upang sa biyaya, Iyong patibayin. (Koro)

6. SANTO, SANTO
Santo, Santo, Santo. Panginoon Diyos na makapangyarihan Napupuno ang langit at lupa, ng kaluwalhatian Mo Osana, Osana, sa kaitaasan. Osana, Osana ...sa kaitaasan Pinagpala ang naparirito, sa ngalan ng Panginoon. Osana, Osana, sa kaitaasan. Osana, Osana ...sa kaitaasan

3. ANG KALULUWA KOY NAU-UHAW


Katulad ng lupang tigang, walang tubig akoy nauuhaw O Diyos hangad kitang tunay, sa iyo akoy nauuhaw. (Koro) Kaya kita'y minamasdan, doon sa iyong dalanginan Nang makita kong lubusan, lakas mo't kaluwalatian. (Koro) Koro: 6|Page

7. PAGBUBUNYI NG MISTERYO NG PANANAMPALATAYA


Si Kristoy namatay, si Kristoy nabuhay, Si Kristoy babalik sa wakas ng panahon. (Ulitin)

O Si Kristo ay gunitain, sarili ay inihain bilang pagkai't inumin pinagsasaluhan natin, hanggang sa S'ya'y dumating, hanggang sa S'ya'y dumating.

8. PAGBUNYI SA AMA NAMIN


Sapagkat sa iyo nagmumula ang kaharian Ang kapangyarihan, at kalwalhatian, Magpasawalang hanggan.

Ang liwanag mo ang sumindak sa dilim Buong kalangitan, nagsayat nagningning Kumislap unimindak ang mga bituin Nalikha ang lahat ng mga lupain Pag-ibig mo Ama ay hatid mo sa amin Malayat matindi hindi magmamaliw.

11.

MAGPASALAMAT KAYO SA PANGINOON

9. KAIBIGAN, KAPANALIG
Ang atas ko sa inyo, mga kaibigan ko, Ay magmahalan kayo, tulad ng pagmamahal ko sa inyo May hihigit pa kayang dakila sa pag-ibig na laang Ialay ang buhay alang alang sa kaibigan Kayo ngay kaibigan ko Kung matutupad ninyo ang iniaatas ko. Kayoy di na alipin, kundi kaibigan ko Lahat nagmula sa Amay nalahad ko na sa inyo Kayoy hinirang ko, di ako ang hinirang nyo Loob kong humayo kayo at magbunga ng ibayo Ito nga ang syang utos ko nabilin ko sa inyo Magmahalan kayo, magmahalan kayo.

10.

PAG-IBIG MO AMA

Ang liwanag mo ang sumindak sa dilim Buong kalangitan, nagsayat nagningning Kumislap unimindak ang mga bituin Nalikha ang lahat ng mga lupain Pag-ibig mo Ama ay hatid mo sa amin Malayat matindi hindi magmamaliw. Dinilig sa tuwa ang mga nilikha Pinuno ng aliw ang aba at ang dukha Ng magmamahal binigay mong sadya Matupad sa gawa ang iyong salita 7|Page

Magpasalamat kayo sa Panginoon Na S'yang lumikha ng lahat ng bagay dito sa mundo. S'yay gumawa ng buwan at mga bitwin Upang magbigay ng liwanag sa pagsapit ng dilim O magpasalamat sa Kanyang mga biyaya at awa Magpasalamat kayo sa Panginoon Dahil sa kagandahang loob Nya'y magpakailan man At pagpalain ang Diyos habambuhay Na S'yang nagligtas sa Kanyang hinirang bayang Israel O ating purihin ang Poon na mahabagin na mahabagin sa atin O magpasalamat sa Kayan mga biyaya at awa S'ya'y gumawa ng buwan at mga bitwin Upang magbigay ng liwanag sa pagsapit ng dilim At ating purihin ang Poon na mahabagin sa atin At pagpalain ang Diyos habambuhay Na S'yang nagligtas ng Kanyang hinirang bayang Israel O magpasalamat sa Kayan mga biyaya at awa S'ya'y gumawa ng buwan at mga bitwin Upang magbigay ng liwanag sa pagsapit ng dilim

12.

MAPAPALAD

Mapapalad kayong mahihirap, ang kaharian ng Diyos sa inyo Mapapalad kayong nagugutom, sapagka't bubusugin kayo Mapapalad kayong nahahapis, sapagka't aaliwin kayo Mapapalad, Panginoon ang mga katulad mo Mapapalad kayong maawain, kaaawaan kayo ng Diyos

Mapapalad kayong tumatangis, sapagka't liligaya kayo Mapapalad kayong inuusig, maghahari ang Diyos sa inyo Mapapalad, Panginoon ang mga katulad mo

Sabay-sabay ngang mag-aawitan, Ang mga bansa Tayo'y tinuring ng Panginoon, Bilang mga anak (Koro)

13.

HINDI KITA MALILIMUTAN

16.

PURIHIT PASALAMATAN

Hindi kita malilumutan, Hindi kita pababayaan Nakaukit magpakailanman, Sa 'king palad ang 'yong pangalan Malilimutan ba ng ina, Ang anak na galing sa kanya? Sanggol sa kanyang sinapupunan, Paano n'yang matatalikdan? Ngunit kahit na malimutan ng ina, Ang anak n'yang tangan Hindi kita malilimutan, Kailan ma'y hindi pababayaan Hindi kita malilimutan, Kailan ma'y hindi pababayaan

Koro: Purihi't pasalamatan sa masayang awit Purihin natin at pasalamatan ang D'yos ng pag-ibig Sa 'Yo Ama salamat sa mayamang lupa't dagat at sa magandang kalikasan at sa aking tanang buhay (Koro) Salamat din kay Kristo sa Kanyang halimbawa. at sa buhay Niyang inialay sa ating kaligtasan (Koro) At sa Espiritu Santo salamat sa 'Yong tanglaw na nagbibigay ng liwanag sa taong humahanap (Koro)

17.

PAGHAHANDOG NG SARILI

14.

ANG PANGINOON ANG AKING PASTOL

Koro: Ang Panginoon ang aking pastol Pinagiginhawa akong lubos Handog niyang himlayay sariwang pastulan Ang pahingaan koy payapang batisan, Hatid sa kalulwa ay kaginhawahan, Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay. (Koro) Madilim na lambak man ang tatahakin ko, Wala aking sindak, Siyay kasama ko. Ang hawak niyang tungkod ang siyang gabay ko. Tangan niyang pamalo, siglat tanggulan ko. (Koro)

Kunin mo O Diyos at tanggapin mo, Ang aking kalayaan, ang aking kalooban, isip at gunita ko Lahat ng hawak ko, ng loob ko, ay aking alay sa lyo Nagmula sa Yo ang lahat ng ito, muli kong handog sa Yo Patnubayan Mo't paghariang lahat ayon sa kalooban Mo Mag-utos ka Panginoon ko, Dagling tatalima ako lpagkaloob Mo lamang ang pag-ibig Mo At lahat ay tatalikdan ko

18.

PANALANGING MAGING BUKAS -PALAD

15.

PANANAGUTAN

Walang sinuman ang nabubuhay, Para sa sarili lamang Walang sinuman ang namamatay, Para sa sarili lamang Koro: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya Sa ating pagmamahalan, At paglilingkod kanino man Tayo ay nagdadala ng balita ng kaligtasan (Koro) 8|Page

Panginoon turuan mo akong maging bukas palad Turuan mong maglingkod sa Iyo Na magbigay ng ayon sa nararapat Na walang hinihintay mula sa 'Yo Na makibakang di inaalintana, Mga hirap na dinaranas Sa twina'y magsumikap na hindi humahanap Ng kapalit na kaginhawahan Na di naghihintay kundi ang aking mabatid Na ang loob Mo'y s'yang sinusundan Panginoon turuan mo akong maging bukas palad Turuan mong maglingkod sa Iyo Na magbigay ng ayon sa nararapat Na walang hinihintay mula sa 'Yo

19.

PAG-AALAY NG PUSO

Aking buhay at kakayahan. Ito'y para lamang sa 'Yong kalwalhatian. Ang tanging ninanais ko, ay matamo lamang ang pag-ibig Mo. Lahat ay iiwanan ko, wala nang kailangan sapat na ito. (Koro) Koro: Panginoon, narito ako. Naghihintay sa utos Mo. Lahat ng yaman ko, ay alay ko sa 'Yo, Ikaw an tanging buhay ko. Batid ko nga, at natanto, Sa kasulatan 'Yong turo. Pakikinggan at itatago, sa sulok ng puso. (Koro) 'Yong pagligtas, ihahayag, Hanggang sa dulo ng dagat. Pagtulong Mo't pusong dalisay, aking ikakalat. (Koro) Manatili ka kahit sandali, Hihilumin Ko ang iyong hapdi Bakit lagi nang nagmamadali, Di malilisan ang 'yong pighati Isaysay sa 'Kin lahat mong pait, Yayakapin Ko lahat mong sakit Manahimik na't mata'y ipikit, Bubulungan ka ng 'sang oyayi Kailan titigilan ang 'yong katatakbo Kailan pipigilan pagpasan mo sa mundo Manatili ka kahit sandali, Buuin muli ang 'yong sarili Magtiwala ka't tayo'y magwawagi, Ang pulang ulap ay mahahawi

Minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito Kaya anuman ang mabuting maaring gawin ko ngayon, O anumang kabutihan ang maari kong ipadama, Itulot ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na 'to, Nawa'y h'wag ko 'tong ipagpaliban o ipagwalang bahala, Sapagka't di na ko muling daraan sa ganitong mga landas.

23.

NARITO AKO

20.

SA 'YO LAMANG

Puso ko'y binihag Mo, sa tamis ng pagsuyo Tanggapin yaring alay; ako'y iyo habang buhay. Anhin pa ang kayamanan, luho at karangalan? Kung Ika'y mapasa'kin, lahat na nga ay kakamtin. Koro: Sa 'Yo lamang ang puso ko; Sa 'Yo lamang ang buhay ko. Kalinisan, pagdaralita, pagtalima, aking sumpa. Tangan kong kalooban, sa Iyo'y nilalaan Dahil atas ng pagsuyo, tumalima lamang sa 'Yo. (Koro)

24.

MANATILI KA

21.

TANGING YAMAN

(Koro) Ikaw ang aking tanging yaman, Na 'di lubusan ma-sumpungan Ang nilikha Mong kariktan, Sulyap ng 'Yong kagandahan Ika'y hanap sa t'wina, Nitong pusong ikaw lamang ang saya Sa ganda ng umaga, Nangungulila sa 'Yo sinta. (Koro) Ika'y hanap sa t'wina, Sa kapwa ko kita laging nadarama Sa iyong mga likha, Hangad pa ring masdan ang 'yong mukha. (Koro)

25.

KAHANGA-HANGA

22.

PAGHAHANDOG

Kahanga-hanga ang Iyong pangalan, O Panginoon, sa sangkalupaan Ipinagbunyi mo ang Iyong kamahalan, Sa buong kalangitan Ipinagbubunyi 'Yong pangalan, Ng mga ibong lumilipad Pinahahayag ng kabundukan, Ikaw ang Poon ng lahat Kahanga-hanga ang Iyong pangalan, O Panginoon, sa sangkalupaan Ipinagbunyi Mo ang Iyong kamahalan, Sa buong kalangitan Sa dahong hinihipan ng simoy, Tinig Mo'y mapakikinggan

Ang himig mo ang awit mo, lahat ng ito'y nagmula sa Iyo. Muling ihahandog sa 'Yo, Buong puso kong inaalay sa 'Yo. Koro: O D'yos, O Panginoon, Lahat ay biyayang aking inampon 9|Page

Sa ulan na biyaya ng langit, Kabutihan Mo'y makakamtan Kahanga-hanga ang Iyong pangalan, O Panginoon, sa sangkalupaan Ipinagbunyi mo ang Iyong kamahalan, Sa buong kalangitan At Kanya namang binusog ang mga nangagugutom Pinaalis walang dala ang mayamang mapagmataas Inampon N'ya ang Israel na Kanyang aliping hinirang Sa dakila N'yang pagmamahal at dala ng laking awa N'ya Ayon sa ipinangako N'ya sa ating mga magulang Kay Abraham at lipi n'ya at ito'y sa magpakailanman Luwalhati sa Ama sa Anak at sa 'Spiritu Santo Kapara noong unang una ngayon at magpakailanman

26.

ISANG PANANAMPALATAYA

Koro: Isang pananampalataya isang pagbibinyag Isang Panginoon angkinin nating lahat Habilin ni Hesus noong Siya'y lumisan Kayo ay magkatipon sa pagmamahalan (Koro) Ama, pakinggan mo ang aming panalanging Dalisay na pagibig sa ami'y humapit (Koro) Mga alagad ko pa'no makikilala? Tapat nilang pagibig wala nang iba pa (Koro) Kaya nga, O Ama, sana'y Iyong hawian ang aming mga puso ng mga alitan (Koro) Tingin Kanyang dugo sa ati'y iniligwak Ngayon ay sundan natin Kanyang mga yapak (Koro)

28.

ANG TANGING ALAY KO

27.

ANG PUSO KOY NAGPUPURI

Salamat sa Iyo, aking Panginoong Hesus Akoy inibig Mo at inangking lubos Ang tanging alay ko sa Iyo aking Ama Ay buong buhay ko, puso at kaluluwa Di ko makayanang makapagkaloob Mamahaling hiyas at gintong nilukob Ang tanging dalangin O Diyos ay tanggapin Ang tanging alay ko nawa ay gamitin Ito lamang Ama, wala nang iba pa Akong hinihiling.

Koro: Ang puso ko'y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon nagagalak ang aking espiritu s'aking Tagapagligtas Sapagkat nilingap Nya kababaan ng kariyang alipin Mapalad ang pangalan ko sa lahat ng mga bansa Sapagkat gumawa ang Poon ng mga dakilang bagay Banal sa lupa't langit ang pangalan ng Panginoon At kinahahabagan N'ya ang mga sa Kanya'y may takot At sa lahat ng salinlahi ang awa N'ya'y walang hanggan At ipinakita Niya ang lakas ng kanyang bisig At ang mga palalo'y pinangalat ng Panginoon binulid sa upuan ang mga makapangyarihan Itinampok itinaas ang mga mababang loob 10 | P a g e

29.

HESUS

Kung nag-iisa at nalulumbay dahil sa hirap mong tinataglay. Kung kailangan mo ng daramay, tumawag ka at S'ya'y naghihintay. Koro 1: S'ya ang 'yong kailangan, sandigan, kaibigan mo. S'ya ang araw mong lagi at karamay kung sawi. S'ya ay si Hesus sa bawat sandali. Kung ang buhay mo ay walang sigla, laging takot at laging alala, tanging kay Hesus makakaasa; kaligtasan, lubos na ligaya. Koro 2:

S'ya ang 'yong kailangan, sandigan, kaibigan mo. S'ya ang araw mong lagi at karamay kung sawi. S'ya ay si Hesus sa bawat sandali. Tulay: Kaya't ang lagi mong pakakatandaan, S'ya lang ang may pag-ibig na tunay, pag-ibig na tunay, pagibig na tunay! Coda: S'ya ang dapat tanggapin at kilanlin sa buhay mo. S'ya noon, bukas, ngayon, sa dalangin Mo'y tugon, S'ya ay si Hesus, S'ya at si Hesus, S'ya ay si Hesus sa habang panahon.

Kung di ako nagmamahal, Sino ako? Sino ako? Sino ako?

32.

O HESUS, HILUMIN MO

Koro: O Hesus, hilumin Mo, aking sugatang puso. Ng aking mahango kapwa kong kasimbigo. Hapis at pait, Iyong patamisin. At hagkan ang sakit nang magningas ang rikit. (Koro) Aking sugatan, diwat katawan Ay gawing daan ng Yong kaligtasan. (Koro)

33.

SILAYAN

30.

PAG-AALAALA

Koro: Bayan, muling magtipon, awitan ang Panginoon. Sa piging sariwain: pagliligtas N'ya sa atin. Bayan, ating alalahanin: panahong tayoy inalipin nang ngalan Nyay ating sambitin. Paanong di tayo lingapin? (koro) Bayan, walang sawang purihin ang Poon nating mahabagin. Bayan, isayaw ang damdamin, kandili Nyay ating awitin. (koro) Koda: Sa piging sariwain: pagliligtas Nya sa atin.

Silayan at bigyan ng pag-asa, pag-mamahal pusong nagdurusa Iwasan ang pag-a-alinlangan, lahat ng araw ... kita'y mamahalin. Sa labi ng imbing kamatayan itangi yaring pagmamahal ... Dulutan mag-tapat sa 'yo hirang lahat ng araw ... kita'y mamahalin.

34.

TAMBULI

31.

SINO AKO

Koro: Tambuli ng Panginoon lagi nating pakinggan Sino man at saan man, lahat tayoy magmahalan Lahat tayo ngayoy maligaya, sa pagpupuri sa ating Ama Tinanggap natiy buhay at pagmamahal na sa pusoy bubukal (Koro) Sa paglalakbay kahit saan man, ang bawat kapwa ay kaibigan Pagibig at buhay ng Poong Maykapal sa lahat ipamigay (Koro)

Hiram sa Diyos ang aking buhay, ikaw at akoy tanging handog lamang. Di ko ninais na akoy isilang, ngunit salamat dahil may buhay. Ligaya ko ng akoy isilang pagkat tao ay mayroong dangal. Sinong may pag-ibig, sinong nagmamahal? Kundi ang taong Dyos ang pinagmulan. Kung di ako umibig, kundi ko man bigyang halaga Ang buhay kong handog, ang buhay kong hiram sa Diyos. 11 | P a g e

35.

ABA GINOONG MARIA

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Panginoong Diyos ay sumasainyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat. At pinagpala naman ang yong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan

Ngayon at kung kamiy mamamatay. (2x) Amen

36.

PAG-IBIG MO

Pag-ibig mo, ay ialay mo sa Dyos. Ang puso mo, ay i-handog mong lubos, Pagkat Siya ang lumikha ng ating buhay. Ang lahat ng Kanyang linalang nagpapatunay. Pag-ibig mo, Ibigay mo sa kapwa Lalong-lalo na sa manga maralita Sa langit may naghihintay ng pagpapala sa buhay Mong may magandang Nagagawa kaya pag-ibig mo Ibigay mo sa kapwa. Pag-ibig mo, ay ialay mo sa Dyos. Ang puso mo, ay i-handog mong lubos, Pagkat Siya ang lumikha ng ating buhay. Ang lahat ng Kanyang linalang nagpapatunay. Pag-ibig mo, Ibigay mo sa kapwa Lalong-lalo na sa manga maralita Sa langit may naghihintay ng pagpapala sa buhay Mong may magandang Nagagawa kaya pag-ibig mo Ay ialay mo sa Dyos.

12 | P a g e

You might also like