Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
8Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Kasaysayan Ng Demokrasya 6pgs.

Kasaysayan Ng Demokrasya 6pgs.

Ratings:

5.0

(1)
|Views: 6,880 |Likes:
Published by Maila P. Erasga

More info:

Published by: Maila P. Erasga on Feb 19, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX or read online from Scribd
See more
See less

06/28/2013

 
Balangkas
I.
 
Ang Pambansang Demokrasya bilang Pampulitikang Linyangnagbubuklod sa KPD
A.
 
Maikling Repaso sa Pangkasaysayang Pag-unlad ng Pakikibaka para saPambansang Demokrasya
B.
 
Ang Kahulugan ng Pambansang Demokrasya
Ang
demokrasya
ay, sa literal, ang pamamahala ngmga tao(mula saGriyego:
demos
, "mga tao," at
kratos
, "paghahari" o "pamamahala").Nasa gitna ng iba't ibang kahulugan ng demokrasya ang kaparaananna ginagampanan ng pamamahala nito, at ang binubuo ng "mga tao",ngunit may mga kapakipakinabang na mga salungat ang magagawa samgaoligarkiyaatawtokrasya, kung saan mataas na nakatuon ang kapangyarihangpolitikalat hindi nasasakop ng makahulugangpagpipigil ng mga tao. Samantalang ginagamit sa kadalasan angkatagang demokrasya sa konteksto ng isang politikal naestado, angmga prinsipyo na nailalapat din sa ibang bahagi ng pamamahala.Ang pamahalaan ay isang demokrasya kapag angkapangyarihang mamahala ay nasa kamay ng mga tao. Angdemokrasya ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang namamahalasa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ngkanilang saloobin. Isinasagawa nila ito sa maraming pagkilos o mgapagpupulong na pambayan. Di-tuwiran, kinatawan o republikano kapagang mamamayan ay pinamamahalaan mga taong hinalal o pinili nila.AngSwitzerlanday may tuwirang demokrasya samantalang angPilipinasay isang demokratikong kinakatawan ng mga halal ng bayan.
 
A.Proseso ng Pagsapi at Rekisito sa Pagtatayo ng Balangay ng KPD sa iba’t-ibang antasB. Istrukturang Pang-organisasyon
KILUSAN PARA SA PAMBANSANG DEMOKRASYAPormal na inilunsad ang KPD noong Hunyo 10, 1998 sa Abelardo Hall ng Unibersidadng Pilipinas sa Diliman, Quezon City. Dinaluhan ito ng halos dalawang libong (2000)Pilipinong nagmumula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan.Unang nailatag ang mga balangay ng KPD sa mga probinsya ng Gitnang Luzon.Mabilis itong lumawak sa mga maralitang komunidad sa Metro Manila. Sakasalukuyan, nakalatag ang mga pormasyon ng KPD at mga pormasyon ng mgasektoral na organisasyong kasapi nito sa kamaynilaan, timog katagalugan, hilagangluzon, sa kabisayaan at lumalawak pa. Ang pagkakatayo ng grupong pang-organisasa Mindanao ang nagkumpleto sa pambansang katangain ng KPD. Sa matagumpayna Unang Pambansang Kongreso ng KPD na inilunsad noong Disyembre 10-12, 2001sa Baptist Camp, Mariveles, Bataan, buo ang representasyon ng lahat ng sektor nglipunan at mga istratehikong probinsya at syudad mula sa 200 delegado nanagsidating.Mula nang itatag hanggang sa kasalukuyan, nagkamit ng mga tagumpay ang KPDsa pagsusulong ng mga pakikibaka ng mamamayan. Dahil dito, nagtatamasa itongayon ng respeto ng iba’t-ibang sektor ng mamamayan bilang pwersa sapagbabago.
Pambansang Demokrasya: Ang Pampulitikang Linyang Nagbubuklod sa KPDA. Maikling Repaso sa Pangkasaysayang Pag-unlad ng Pakikibaka para saPambansang DemokrasyaAng Pilipinas ay isang pampulitikang entidad na iniluwal ngpangkasaysayang pag-unlad ng pakikibaka ng sambayanan laban sakolonyalismo. Nagkahugis ito nang mabilis sa huling bahagi lamang ng ika-19 na siglo nang mailunsad ang tinatawag na Kilusang Propaganda nananawagan ng reporma sa paghaharing teokrasyang kastila.Ang kawalan ng pambansang kamulatan at identidad ng sambayanan angmalaking salik sa mabilis na pagkakagapi ng mga Pilipino. Panghahati(taktikang divide-and-rule), espada at krus ang ginamit ng mgakolonyalistang Espanyol upang maghari at gapiin ang nasyunalismongPilipino. Kaagad na nahimok ng mga kolonyalista ang lokal na naghaharidahil sa kanilang palasukong aktitud sa mga dayuhan. Mula sa mga lokal na
 
namumuno, umusbong ang “principalia” sa bawat pueblo at baryo. Ang mganaghaharing ito na may pribadong pag-aari at nag-aangkin ng limitadongmakauring kalayaan (class freedom) ang naging katulong ng mgamananakop sa pagpapanatili at pagpapairal ng kolonyal na kaayusan.Kinailangan munang makapangibabaw ang kamulatan ng mamamayan mulasa makitid na utak-barangay (barangay mentality). Ginamit ng mgakolonyalistang Espanyol ang ganitong pag-iisip at naipatanggap ang pyudalna pagsasamantala bilang sagradong obligasyon. Magkalangkap na marahasna paghahari at paggamit ng relihiyon at kultura na inilako ng mgamisyonaryo ang naglubos sa pagsikil sa kaisipan at damdaming makabayanng mga Pilipino.Gayunpaman, ang pagsasamantala’t paninikil na ito ang naging dahilan dinng paglawak ng saklaw, pagdami at pagdalas ng mga isporadikong paglabanng mamamayan. Sa kalaunan, naibagsak ng mamamayang Pilipino angkolonyalismong Espanyol. Mahalaga ang ambag ng mga aktibistang kumilosnoon sa paglilinaw ng kalagayan ng bansa at pagpapaalab ng damdamingmakabayan ng sambayanan.Ang Rebolusyong 1896 ang naglubos sa pag-usbong ng bansang Pilipinas.Bunga ito ng pagrurok ng mga isporadikong paglaban ng mamamayan saiba’t-ibang bahagi ng bansa sa loob ng 350 taong paghahari ngkolonyalismong Espanyol.Sa kabila ng paninikil ng kolonyal na pamahalaang Espanyol, palihim nanaorganisa ang Katipunan at inihudyat ng “Sigaw sa Pugadlawin” angpaghiwalay ng Pilipinas sa kolonyalismong Espanyol nuong Agosto 23, 1896. Totoong kung babalikan ang paglaban ng Pilipino sa Espanyol, palagingnagagapi ng mga kolonyalistang Espanyol ang pakikibakang masa ngmamamayan sa loob ng tatlong siglo. Gayunpama’y hindi maitatatwa nanang mailunsad ang Rebolusyong 1896, sa pamamagitan ng kombinasyonng tamang pwersa, kahilingan at programa, naibagsak ang kolonyalismongEspanyol. Ang masang Pilipino ay nagkapit-bisig laban sa komon na kaaway--ang pyudal na pagsasamantala sa mga magsasaka at ang pwersadongpaggawa na ipinataw ng mananakop.Inagaw ng Imperyalistang Estados Unidos, na dumating sa Pilipinas sapinakahuling yugto ng pananagumpay ng Pilipino laban sa Espanyol, ang

Activity (8)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Ryza Mae Tan liked this
Ludy Ann Catina liked this
Adrian Mabugay liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->