You are on page 1of 12

PAGKAKASUNUD-SUNOD NG PANGYAYARI SA REBOLUSYONG EDSA 1986

Ang mga pangyayari matapos ang mabilisang eleksyon noong 1986 ay nagpabago sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang takbo ng mga pangyayari noong 1986. Mabilisang Eleksyon ay sadyang napakabilis..

Hindi kailanman magagapi ang nagkaisang taumbayan

Tumutukoy sa people power ang pahayag sa itaas. Nangangahulugan ito na ang pagkakaisa ng taumbayan ang magiging dahilan upang mapangibabawan nila ang anumang hamon na darating sa kanila. Dalawang ulit nang napatunayan

ng mga Pilipino na hindi magagapi ang nagkakaisang taumbayansa oras ng pinakamahalagang pangyayari sa ating kasaysayan; tinutukoy ang Rebolusyong EDSA 1986 at 2001.

Sinasabi na ang Rebolusyong EDSA ay bunga ng pang-aabuso at mga imoralidad na ginawa ng pamahalaan noong unang bahagi ng dekada 70. Ang panahon ng Batas Militar ay itinuturing ng maraming Pilipino bilang pinakamadilim na bahagi n gating kasaysayan.

UNANG ARAW: Sabado, Pebrero 22, 1986 Sa isang pagpupulong kasama ang media, ipinahayag ng nooy Vice Chief of Staff Lt. Heneral Fidel V. Ramos at Ministro ng Depensa na si Juan Ponce Enrile ang pag-aalis ng kanilang suporta kay Pangulong Marcos. Kasabay nito, nanawagan sila para sa kanilang pagreretiro. Inilahad nila na nagkaroon ng malawakang pandaraya noong nakaraang eleksyon. Idineklara din nila na si Cory Aquino ang tunay na nagwagi.

Tumawag si Ramos sa Sandatahang Lakas na sumanib sa kanilang rebelyon. Humingi ng suporta si Enrile kay Archbishop Jaime Cardinal Sin. Nanawagan si Cardinal Sin sa radio Veritas para magdala ng pagkain ang mga tao at magbigay ng suporta sa mga rebeldeng militar.

IKALAWANG ARAW: Linggo, Pebrero 23, 1986 Pumunta ang mga sundalo ng gobyerno para was akin ang transmisor ng Radyo Veritas, at dahil doon marami ang mga tao sa probinsiya ang hindi nakasagap ng impormasyon. Dahil dito, napilitan ang estasyon na gamitin ang pangalawa nitong transmisor na mayroong mas maliit na sakop ng brodkast. Naisipan ng gobyerno na gawin ang aksyong ito dahil mahalaga ang Radyo Veritas sa pakikipagtalastasan sa mga tao na sumusuporta sa mga rebeldeng sundalo. Nagbibigay ng impormasyon ang himpilang ito tungkol sa mga pinakahuling galaw ng mga sundalo ng pamahalaan at ito din ang nagsisilbing daan upang manawagan sa pangangailangan ng pagkain, gamut at mga suplay.

Noong araw ding iyon, bumisita ang dalawang rebeldeng pinuno sa kabilang kampo. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa pagitan ng maraming tao na nagsusuporta sa kanila.

Binalita din ng Radyo Veritas noong hapon na iyon ay mga batalyon ng Marines na papunta sa mga dalawang kampo sa silangan at mga tangke na papunta mula sa hilaga at timog. Dalawang kilometro mula sa mga kampo, hinarang ng libu-libong mga tao ang isang batalyon na tangke na nasa pamumuno ni Brigadier General Artemio Tadar sa Ortigas Avenue. Nagsiluhuran ang mga madre at nagdasal ng rosaryo at nagkapitbisig ang mga tao para harangin ang mga sundalo. Sa kabila ng banta ni Tadar sa mga tao ay hindi sila umalis. Walang nagawa ang mga sundalo sa sitwasyon at hindi nagtagal ay umurong na lang sila ng hindi nagpapaputok.

Noong gabing iyon ay bumigay na rin ang transmitter ng Radyo Veritas. Bandang hating gabi ay lumipat ang mga tripulante sa isang lihim na lugar para magpatuloy sa pagbobrodkast, sa ilalim ng pangalang Radyo Bandido. Si June Keithley ang brodkaster na nagpatuloy sa program ng Radyo Veritas sa bagong estasyon sa nalalabing araw ng Rebolusyon.

Dumating kay June Keithley ang balita na papalabas na ng Malakanyang si Marcos at binalita naman niya ito sa mga tao sa EDSA. Nagdiwang ang mga tao; maging si Ramos at Enrile ay lumabas para magpakita sa mga tao. Subalit naging sandali lang ang saya noong lumabas si Marcos sa Channel 4 na kontrolado ng gobyerno. Sinabi ni Marcos na hindi siya bababa sa puwesto. Marami ang nag-isip na ang maling balita na ito ay isang paraan

upang maghikayat ng mas marami pang pagbaligtad mula sa gobyerno. Lumusob ang mga rebeldeng sundalo, sa pamumuno ni Colonel Mariano Santiago, sa estasyon ng Channel 4, at ang estasyon ay naputol sa ere. Nakubkob ng mga sundalo ang estasyon. Bumalik sa ere ang Channel 4, na may boses na nagsasabing "This is Channel 4. Now serving the people again." Samantala, umabot na sa milyon ang mga tao sa EDSA. Sinasabi na ito ang senyales ng "pagbabalik muli" sa ere ng ABS-CBN. Ito ay sa dahilan na ang mga taong nagpapatakbo ng brodkast ng mga oras na ito ay mga dating empleyado ng ABS-CBN na pinangungunahan ng direktor na si Johnny Manahan kasama ang pinsan ng may-ari ng ABSCBN na si Augusto Lopez. Ang brodkast na ito ay pinangasiwaan nina June Keithley, dating ABS-CBN broadkaster na si Orly Punzalan at Bong Lapira kasama ang mga paring sina Fr. Bong Bongayan, Fr. Aris Sison at sina Fr. James Reuter.

Bandang hapon, linusob ng mga rebeldeng helikopter ang Villamor Airbase, na naging dahilan ng pagkawasak ng ilang sasakyang pampangulo. Mayroon namang isang helikopter na pumunta ng Malakanyang at nagpaputok ng raket, na naging sanhi ng maliit na pinsala. Noong lumaon din ay marami nang mga opisyales na nagsipagtapos ng Akademya Militar ng Pilipinas (Philippine Military Academy) at maging ng Hukbong Sandatahan ang tumiwalag sa gobyerno. Samantala, minungkahi ni Heneral Fabian Ver ang paggamit ng dahas upang matigil ang lumalaking rebolusyon. Hindi pumayag si Marcos dito.

IKATLONG ARAW: Lunes Pebrero 24, 1986

Naganap unang matinding bakbakan sa pagitan ng mga loyalist at mga rebeldeng sundalo. Mabilis na tinaboy ng mga Marines na galing Libis ang mga demonstrador. Samantala, mahigit kumulang na 3000 Marines ang mga kumukubkob sa silangang bahagi ng Kampo Aguinaldo.

Noong araw ding iyon inatasan mula sa Sangley Point sa Cavite ang mga helikopter sa pamumuno ni Major General Antonio Sotelo upang pumunta sa Kampo Krame. Lihim na palang bumaligtad ang nasabing grupo at sa halip na atakihin ang Kampo Crame ay lumapag sila doon. Maraming mga tao ang bumati sa mga sundalo na papalabas na mga helikopter. Dahil sa pangyayari ay mas lalo pang sumigla si Ramos at Enrile na patuloy pang nanawagan sa mga sundalo na tumiwalag kay

Marcos at sumapi sa kanilang oposisyon. Bandang hapon dumating si Aquino sa lugar kung saan naghihintay si Ramos at Enrile.

IKAAPAT NA ARAW: Martes, Pebrero 25, 1986 Nanumpa si Cory Aquino bilang kalabing isang pangulo ng Republika Nanumpa si Salvador Laurel bilang Bise Presidente. Nahirang si Ramos bilang Chief of Staff ng Sandatahang Lakas at si Enrile Eksaktong alas dose ng tanghali, nanumpa si Marcos sa balkonahe ng Palasyo ng Malakanyang Si Marcos at ang kanyang pamilya kasama ni Ven at ang mga tauhan nito ay nagtungo sa Hawaii

Natapos ang rebolusyon ngunit marami pa ring suliranin ang kinakaharap ng bansa. Ang ekonomiya ay kontrolado halos ng gobyerno. Sa kabila nito, sa pamumuno ni Corazon Aquino ay unti-unting bumalik ang demokratikong institusyon sa bansa. Nang gabi ng Martes, Pebrero 25, si Marcos at ang kanyang mag-anak at ilang mga kaibigan ay dali- daling umalis ng bansa sakay ng eroplanong jet ng Hukbong Panghimapapawid ng Estados Unidos. Silay pumunta sa Estados Unidos. Ang dating pangulo at Gng. Marcos ay nanirahan sa Honolulu, Hawaii.

Tapos na ang People Power Revolution at ang mga Pilipino ay nagtagumpay. Wala na ang diktatura at bumalik na ang kalayaan. Sumayaw at umawit ang mga tao sa kalye sa gabing iyon. Nagsigawan sila at nagbatian sa isat-isa ng bantog na senyas ng kamay L. Marami ang napaiyak sa tuwa at pasasalamat. Lumuhod ang mga tao at nagpasalamat sa Maykapal dahil sa himala ng di- madugong rebolusyon.

You might also like