You are on page 1of 15

Aralin 1-

Ang Kapangyarihan at

Kadakilaan ng Diyos
Ang pagkilala sa kadakilaan at kapangyarihan ng Diyos ay paraan upang makita ng tao ang kanyang mga limitasyon. Ang Diyos ang siyang lumikha sa sanlibutan. Ang kanyang kapangyarihan ay unibersal o hindi maaaring baguhin sapagkat itoy mahiwaga .May mga bagay na maaaring makita at maramdaman ang kadakilaan at kapangyarihan ng diyos: Sa mga likas na bagay na nasa ating kapaligiran at sa mga karanasan sa araw-araw na pamumuhay ng tao. Kayang marating ng isip ng tao ang katotohanang dakila at makapangyarihan ang diyos kung tayo ay magpapakumbaba at iisiping mayroong gumagabay sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. Subalit kung ang tao ay magiging mayabang at palalo, mahirap para sa kanya ang isiping may Diyos na dakila at makapangyarihan. Ama Namin ito ang unang dalawang salita na itinuro ni HesuKristo sa mga disipulo. Nakapaloob sa aralin na ito ang Ang Alibughang Anak na kung saan itoy tungkol sa PAGMAMAHAL NG ISANG AMA SA KANYANG ANAK na kahit biglaan na lamang umalis ang kanyang anak matapos makuha ang mana at bumalik na sapagkat halos wala na siyang pagkain. Mabait ang kanyang ama sapagkat tinanggap siyang muli matapos ng kanyang ginawang kasamaan. Ang Diyos ay tulad ng ama sa parabola, mapagpatawad dahil walang anak na kayang tiisin ng kanyang mga magulang. Ang Diyos ang lumikhat nagladlad ng lahat!

Isinasaad dito na Siya lamang at wala nang iba pa ang naglikha ng sanlibutan. Ang Panginoon ang nagbibigay ng ating paghinga upang ipagpatuloy kinaumagahan ang mga gawaing dapat gawin. Siya ay an gating tagapagligtas. Sang-ayon ka man o hindi dahil may mga pinaniniwalaan ang tao na sa siyensya nagmula ang tao, kung kayat hindi sila naniniwala na mayroong Diyos. Ang lahat ng nilikha Niya ay palaging may pruweba at iyon ay ang BIBLIYA. Kailanman, hindi tayo pababayaan ng Panginoon. Palagi lamang siya na nasa ating tabi. Ang ating Panginoon ay tunay na dakila. Ang walang hanggang pagmamahal Niya sa sanlibutan ay di kayang pantayan ninuman. Ang Kanyang kapangyarihan ay laan sa atin.

Aralin 2- Buhay: Kaloob ng Diyos


Hindi sa haba ng itatagal ng buhay ang sukatan upang mapatunayang binigyan mo ng kahalagahan ang iyong buhay. Ang uri ng iyong pamumuhay at pagpapahalaga sa buhay ay siyang pinakadakilang pamamaraan upang pasalamatan ang kapangyarihan at kadakilaan ng Diyos sa lahat ng ipinagkaloob niya sa atin. Ano nga ba ang pagpapakahulugan natin sa salitang BUHAY? BUHAY, isang salita lamang na binubuo ng limang letra ngunit itoy napakalalim at napakahalaga sa isang tao. Ang totoong kahulugan ng buhay at ang buhay na walang hanggan ay matatagpuan lamang kung ibabalik ng isang tao ang kanyang relasyon sa Diyos. Naputol ang naturang relasyon noong panahon na nagkasala sina Adan at Eba. Ang totoong kabuluhan ng buhay ay hindi matatagpuan kung nadiskubre lang natin na si Hesus ay ang tagapagligtas. Sa halip, ang totoong kahulugan ng buhay ay matatagpuan kung ang isang tao ay susunod kay Kristo bilang kanyang disipulo at kikilalanin siya ng maigi. Maglalaan ng oras para sa Kanya at sa Kanyang Salita na dapat ay ating isinasabuhay at hindi binabasa lamang. Pakikipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng panalangin at paglalakad kasama ang Panginoon, bilang pagsunod sa kanyang kautusan.

Ano ang Kahulugan ng buhay para sa mga taong hindi naniniwala sa Diyos? Sa pamamagitan ng pagtuturo ng agham sa ebolusyon ng tao, materyalismo at moral na pagkakaugnay sa mga sikat na sistema ng media at pampublikong paaralan, tinatanggal natin ang Diyos mula sa maaaring sagot sa pinakatanong na ito ng buhay. Ito naman ang pagpapakahulugan ng buhay kapag tayo ay may sinasambang Diyos. Ang sagot sa tanong na ito ay hindi pwedeng manggaling sa talino ng tao or kadahilanan, bagkus mula lamang sa dakilang lumikha na lumalang ng mga bagay bagay sa daigdig at sa kalawakan.

Ang buhay ng tao ang pinakadakilang handog ng Diyos sa tao. Nilikha niya ang tao. Maraming pagpapakahulugan si Mother Teresa sa salitang BUHAY. Ang buhay ay nangangahulugang:

Ang buhay ay opurtunidad, makinabang ka ditto. Ang buhay ay maganda, hangaan mo ito. Ang buhay ay kaligayahan, tikman mo ito. Ang buhay ay isang pangarap, tanggapin mo ito. Ang buhay ay isang hamon, harapin mo ito. Ang buhay ay gawain, tapusin mo ito. Ang buhay ay isang laro, laruin mo ito. Ang buhay ay isang pangako, punan mo ito. Ang buhay ay kalungkutan, lampasan mo ito. Ang buhay ay isang awit, kantahin mo ito. Ang buhay ay isang laban, tanggapin mo ito. Ang buhay ay isang trahedya, harapin mo ito. Ang buhay ay pakikipagsapalaran, harapin mo ito. Ang buhay ay suwerte, gawin mo ito. Ang buhay ay mamahalin, huwag mo itong sisirain. Ang buhay ay buhay, ipaglaban mo ito.

Aralin 3- Tao: Moral at Ispiritwal na Nilalang


Ang tao ay nilalang na may isip at tagapamagitang moral na may kadahilanan, mulat at mulat sa sarili, may personalidad, malayang loob at konsensya. Ang tao ay isang moral na nilalang na kayang matukoy ang kaibahan nang tama mula sa mali at gumawa ng desisyon hango sa kaalamang iyon at konsensya na hango naman mula sa patnubay ng banal na ispiritu. Dahil ang tao ay may isip na nilalang, kahit na ang hindi naturuang kaisipan, ay gagawa ng batas or mga patakaran para sa sarili para sundin upang mapanatili ang kapayapaan at katiwasayan sa kanyang buhay. Ang mga batas or pamantayan ay tinatawag na Ethics, kung saan ay isang sistema ng mga moral na paniniwala na pinangungunahan ng tamang kaasalan para sa isang tao / grupo. Ang pagkilala ng tao na mayroong mas nakahihigit at makapangyarihang nilalang sa kanya ay naging gabay patungo sa pagkaunawa ng pagkakaroon ng moral na obligasyon. Ang Moral na Obligasyon ay ang tao na pinamamahalaan ng mga batas at pamantayan kung ano ang tama at mali at nararapat lamang na gawin kung ano ang tama, dahil may diyos na nakahihigit sa lahat. Dahil sa Moral na obligasyon na ito, ang tao ay napipilitang gawin ang kanyang gawain na maging isang moral na nilalang. Hindi makakaila na mayroon paring mga tao na walang pakialam kung sila ay sumusunod sa tamang moral o hindi at dahil dito sila ay tinatawag na mga taong walang pakialam sa kanilang moral. Ang tao ay maaaring umunlad bilang isang moral na nilalang subalit puede parin siyang makapamili na gawin kung ano ang sinasabi ng kanyang konsensya na tama sa pamamagitan ng kanyang kalayaang loob at kumilos ng boluntaryo. Ang pagiging isang moral ay napakahalaga upang igalang ng iba. Ito ay maaaring mag resulta sa ibang tao na mas ikaw ang piliin na pakitunguhan kaysa sa iba na kaduda-duda ang moralidad. Kapag ang isang tao ay immoral maaari siyang mawalan ng trabaho or trabahong may kinalaman sa negosyo. Ang mga tao ay mas mababa ang paggalang sa mga taong immoral, kahit ano pa ang kanyang pinag-aralan. Ang pagiging moral ay nagbibigay sa atin ng pag-galang sa sarili. Mas maganda ang pakiramdam sa sarili kapag ang ginagawa mo ay nasa tama. Ang moral na alituntunin ay ang daan kung saan ang isang tao ay pumapasok sa landas patungo sa ispiritwal na pagkagising at pag-unlad. Ang Moralidad ay napakalawak na termino/taguri. Ito ay binibigyang kahulugan bilang doktrina ng mga tama at mali sa ugali ng tao; asal / pagsasanay na may kaugnayan sa prinsipyong moral / kabutihang asal. Ang mga moral na alituntunin ay hindi lang batas na basta basta gawa ng tao; ito ay ginawa hango mula sa walang hanggang katarungan at karunungan mula sa Diyos. Ang paglabag sa mga moral na alituntunin ay magdadala sa masamang kaparusahan katulad sa mga maaaring mangyari pag hinamon mo ang batas ng kalikasan. Ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng tao at sa lahat ng mga hayop na may buhay at may mas mababang kaalaman, ang tao ay may moral at personal na responsibilidad kung saan ang hayop ay wala. Ang Moralidad ay batas na gumagawa ng pagkakasundo sa pagitan ng kaluluwa at mga paniniwala ng nilalang nito. Moralidad ay ang paraan kung saan ang pagkakaugnay ay nabubuo sa pagitan ng tao at kapwa nito at ang mundong may kinalaman sa kanya.

Aralin 4-

Kapangyarihang

Ipinagkaloob sa Tao: Intellect at Will


Tayo, bilang tao ay binigyan ng kaluluwa na siyang ikinaiba natin sa ibang organismo. Ito ang pinagmumulan ng ispiritwal na kalikasan ng tao. Ang intelect ay ang abilidad na matuto at magrason; ito ang kapasidad ng kaalaman at pangunawa. Ang "will" ay ang departamento na pang kaisipan kung saan ang isa ay kusang pumipili o nagdedesisyon sa kursong aksyon: panalo ng kalayaan ng "will" kontra sa doktrinang pagtitika. Ang pakakaiba ng intellect at will ay ang intellect abilidad na matuto at magrason; ito ang kapasidad ng kaalaman at pangunawa at ang will naman ay departamento na pang kaisipan kung saan ang isa ay kusang pumipili o nagdedesisyon sa kursong aksyon: panalong kalayaan ng "will" kontra sa doktrina ng pagtitika. Tinalakay sa Pagpapatibay ang kwento ni Ryan na nagpakasaya lamang na kinalimutan ang kanyang limitasyon bilang isang mag-aaral. Wala ang kanyang mga magulang sapagkat nagtatrabaho ang mga ito sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang anak na si Ryan. Siya ay naiwan sa kanyang Lola na dating guro. Isang araw, binalaan siya ng kanyang Lola na kapag hindi siya nakapasa ay ipadadala si Ryan sa kanyang mga lola sa probinsya. Kaya ngayon, nagpapakabuti siya sa pag-aaral at sumali siya sa isang Youth Camp upang hindi bumagsak pang lalo. Unang gabi sa Antipolo, hindi niya gusto ang kinakain ng mga ka-grupo sapagkat nasanay siya na kanyang ulam ay pulos karne. Ang mga hindi niya ginagawa sa kanilang bahay ay natunghayan ni Ryan noong gabi na iyon. Biglang sinabi ng isang coordinator na, Walang mayaman dito, lahat mabibigyan ng duty sa tatlong araw ninyo dito, at dito niya naunawaan ang Parable of the Talent na ipinaliwanag sa chaplain.

Aralin 5-

Ang Natural Law at Divine

Moral Law: Batayan ng Pagpapahalaga


Inahalimbawa rito ang batas-trapiko na hindi gaanong pinapansin. Sa kasalukuyan, hindi na nga ba uso yung sumunod sa batas? Sa totoo lang para sa akin, ANO BANG SILBI NG BATAS KUNG WALA NAMANG NAGBABANTAY? Ang ibig kong sabihin ay maluwag masyado ang pagbibigay hustisya. Masyadong mabagal ang proseso dito sa Pilipinas.Halimbawa naman doon sa mga dealer ng droga na naipapasok ng mga dayuhan sa ating bansa. Hindi man lamang nila pinaparusahan. Ang pinakaparusa, pauuwiin lamang sa bansang pinanggalingan. Maganda nga ang pamamalakad ng China, binibitay ang mga dealer ng droga. Mas maganda iyon sapagkat tatanda tayo sa kamaliang ginawa, ginagawa o gagawin pa lamang natin. Mas maganda na yung handa kaysa maghahanda ka palang.

Aralin 6-

Mga Paraan ng Ibat Ibang

RElihiyon Tungo sa Pagpapabuti ng Ugnayan ng Diyos sa tao.


Ang mga relihiyon isang sistema ng mga paniniwala at gawaing may kinalaman sa pagpapakabuti at pagkakaisa. Tinalakay ang ibat ibang relihiyon na mayroon sa buong mundo. Ipinahayag sa Banal na kasulatan ang yamang taglay ng pananampalataya. Iisa ang Diyos na sinasamba. Iba-iba ang relihiyon na tumutulong sa pagpapabuti ng ugnayan ng Diyos at ng tao.

Aralin 7- Pagsasabalikat ng Alituntunin at


Aral ng Ibat-ibang Relihiyon
Ang relihiyon ay isang daan o paraan upang higit na maunawaan ang niyakap na pananampalataya. At upang matamo ng tao ang tunay na kaliwanagan mula sa pananampalataya. At upang matamo ng tao ang tunay na kaliwanagan mula sa pananampalataya itoy kailangang isabuhay. Narito ang mga sumusunod na kilalang inaaniban ng mga tao: I. KRISTIYANISMO

Kristo Hesus Ang nagtatag ng relihiyong Kristiyanismo. Bibliya Ang banal na kasulatan / aklat ng mga katoliko. Mga layunin at paniniwala: Manalig sa iisang Diyos, si Kristo Mahalin ang Diyos at ang kapwa Pagpapakabuti upang makamit ang buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos Sampung utos ng Diyos

II.

HINDUISMO

- Ito ang itinuturing na pinakaunang relihiyon sa mundo. Walang nakatala kung sino ang nagtatag nito, pero pinaniniwalaang nagmula ito sa Lahing Aryan. Mahabharata at Ramayana Ang banal na aklat ng mga Hindu. Mga layunin at paniniwala: Ang buhay sa lupa ay pansamantala lamang.
7

Magnilay, manalangin at makipag-ugnayan sa kapwa. Iwasan ang pagiging makasarili. Tanggapin ang kasiyahan at suliranin na may kapanatagan ng kalooban. Maging mapagpatawad at magtimpi sa sarili. Huwag magbigay ng gulo, takot at ligalig sa kapwa. Iwasan ang pagnanasa sa makalupang bagay.

III.

BUDISMO

Siddartha Gautama Ang nagtatag ng relihiyong Budismo na tinawag na Buddha o Ang Naliwanagan. Dharma Dito nakasulat ang mga aral ni Gautama.

Mga layunin at paniniwala: Ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa kanyang pagnanasa. Ang pagnanasa ay nagbubunga ng kasakiman, katakawan, mat inding pagkamuhi, at labis na pagpapahalaga sa materyal na bagay. Makiisa sa tunay na makapangyarihan. The Eightfold Path (wastong pananaw, wastong hangarin, wastong pagsasalita, wastong pagkilos, wastong paghahanapbuhay, wastong pagsisikap, wastong pag-iisip para sa kasalukuyan, wasto at tamang pag-iisip).

IV.

ISLAM

Muhammad Ang tagapagtatag ng relihiyong Islam. Koran Ang banal na aklat ng mga Muslim.

Mga layunin at paniniwala: Paniniwala sa iisang Diyos, si Allah

Pagpapahalaga sa katarungan, pagkakawanggawa Limang haligi ng Islam (pananalangin ng 5 beses sa isang araw na nakaharap sa Mecca, pagbanggit sa ngalan ni Allah at Mohamed, ramadan, paglilimos sa mahihirap, paglalakbay sa Mecca)

V.

TAOISMO

Laozi (Lao-Tzu) Ang nagtatag at nagpalaganap ng pilosopiyang Taoismo. Tao Ibig sabihin ay nature/ kalikasan. The Way Dito nakasulat ang mahahalagang aral ng Taoismo.

Mga layunin at paniniwala: Payak na pamumuhay at pagpapakabuti Pagpapanatili ng kapayapaan sa panahon ng tunggalian Pagkakaisa sa gitna ng pagkakawatak-watak Pag-ibig sa panahon ng pagkakagulo Katwiran at kabutihan

VI.

CONFUCIANISMO

Confucius Ang nagtatag ng pilosopiyang Confucianismo. Confucian Classics Dito nakasulat ang mabubuting turo ni Confucius. Mga layunin at paniniwala: Maging mapagsiyasat upang magkaroon ng karunungan, kabutihan, pagkakaisa sa lahat ng bagay Maipahayag ang sarili Magkaroon ng katalinuhan

Pagkakaisa ng kasapi tungo sa kaganapan ng pagkatao

VII.

JUDAISMO

Moses Ang pinaniniwalaan ng mga Hudyo na sugo ng Diyos na kumuha ng 10 Utos sa bundok Sinai. Torah Ang banal na aklat ng mga hudyo.

Mga layunin at paniniwala: Pagsunod sa 10 utos ng Diyos. Pagiging tapat. Pagpapahalaga sa karunungan Maging mapagtiis. Mapagpahalaga sa kapayapaan. Maging mapagkumbaba at magalang

10

Aralin 8-

Pananampalataya: Susi sa Pag-

unawa sa kahulugan sa bagay.


Ano ang pananampalataya? Ang salitang pananampalataya ay mula sa Latin na fidere na ang ibig sabihin ay magtiwala. Ang pananampalataya ay ang pagkakaroon ng taimtim na pananalig, pagtitiwala at pag-asa.Ang pananampalataya ay isang kabutihan na gabay ng tao upang hindi siya panghinaan ng loob kahit na maraming pagsubok sa buhay dahil alam niyang mayroong tutulong at gagabay sa kanya. Ibat ibang kahulugan ng pananampalataya ng mga relihiyon: Kristiyano ang pananampalataya ay katumbas ng pagkilala, pagtitiwala, pagsunod, pagmamahal at paniniwala sa Diyos na gagabay at magbibigay direksyon sa buhay ng tao. Islam Ang pananampalatay at pananalig sa Islam ay tinatawag na Iman, ito ay lubos na pagtitiwala at paniniwala kay Allah. 2 Aspeto/mukha ng Iman: 1.) Ang pagtanggap na may iisang lumikha ng mundo kaya dapat siyang sambahin. 2.) Ang pagtanggap na si Allah ay umiiral kaya dapat mamuhay ayon sa nasusulat sa Koran na pinangaral ni Muhammad. Hinduismo Ang salitang katumbas ng pananampalatay ay Sraddha, ito ay ang hindi mababagong paniniwala at kalinisan ng iniisip. Budismo Ang kanilang pananampalataya ay may kinalaman sa determinasyong magampanan ang isang bagay o marating ang anumang layunin.

11

Bigyang reaksyon ang mga pahayag na naaangkop at totoo sa iyo : Sumisimba ako tuwing Linggo o araw ng pangolin. Minamahal ko ang aking kaaway dahil alam ko na siya ay nilikha ring kawangis ng Diyos. Nagdarasal ako bago at pagkatapos kong kumain. Palagi kong pinasasalamatan ang Diyos sa mga biyayang ipinagkakaloob niya sa akin. Hindi ko sinisisi ang Diyos sa kabila ng mga pagsubok at suliraning dumarating sa akin. Palagi akong dumadalaw sa simbahan o kapilya bago at pagkatapos ng maghapong klase. Nagdarasal ako bago matulog. Palagi kong pinupuri at pinasasalamatan ang Diyos pagkagising sa umaga. Ang Diyos ang palaging laman ng aking isipan. Kasama ko ang Diyos sa lahat ng aking mga Gawain. Umiiwas ako sa mga gawaing lumalabag sa kautusan ng Diyos. Hindi ako nagpapadala sa tukso ng salapi. Naniniwala ako na mas mahalaga ang humanap ng makahulugang buhay kaysa pangalan at kapangyarihan. Masaya ako kapag Diyos ang aking kasama, kahit wala akong pera. Minamahal ko at inaalagaan ang lahat ng nilikha ng Diyos. Sumasali ako sa mga organisasyon at gawaing pansimbahan. Palagi kong sinusunod ang 10 utos ng diyos. Ang diyos ang sentro ng aking buhay. Tinutulungan ko ang kapuwa kong naghihirap sa buhay. Ang diyos ang nangunguna sa mga bagay na aking pinahahalagahan.

12

Aralin 9- Pagsasabuhay ng Pananampalataya


Para maunawaan natin kung ano ang relihiyon at kahalagahan nito sa tao, dapat muna nating alamin ang kahulugan nito, Relihiyon - Ang pangkalahatang pagkilos para sa kaliwanagan at pananampalataya sa diyos. Ang matibay na paniniwala ukol sa isang makapangyarihang lumikha na siyang nagdidikta sa magiging tadhana ng sangkatauhan. KAHALAGAHAN: 1. Nagpapahintulot sa prinsipyo ng moralidad. Hustisya, katapatan, mga nararapat, pagkakapatiran, pagkakapantay-pantay, kabutihan, sakripisyo, atbp na uri ng birtud. Ang moral na batas sa relihiyon ay nakatulong ng malaki sa pagbuo ng mga dakilang sibilisasyon sa mundo katulad ng USA. 2. Kapangyarihan na harapin ang ibat ibang suliranin ng buhay Pagiging desperado, at kawalan ng pag-asa 3. Sa panahon ng pagkalito sa mga ideolohiya. Ang totoong pagkaunawa sa relihiyon ay napakahalaga upang labanan ang mga maling haka-haka, paniniwala, at ideolohiya. Sa kabilang banda, mismong ang relihiyon kapag hindi naunawaan ng husto ay magdudulot sa iyo ng kalituhan. 4. Tulong sa pag-unlad ng agham at kaalaman. Ang isang tao na may pananampalataya sa diyos, kapag sinusunod nya ang turo ng diyos ay mas hihigit pa sya sa iba, lalong lalo na sa pag-diskubre at paghahanap sa mga natatagong sekreto ng kalikasan. 5. Laban mula sa diskriminasyon Ang relihiyon ay mahigpit na tumututol sa lahat ng diskriminasyon ayon sa kulay, lahi / antas sa

13

lipunan dahil para sa diyos lahat ng kanyang nilalang dito sa lupa ay pantay-pantay. 6. Nakatutulong sa ispiritwal na pag-unlad. 7. Tumutulong sa kalusugang pangkaisipan. 8. Tumutulong upang magkaroon ng maraming kaibigan. 9. Pinauunlad ang malikhaing kasanayan Hal. Panalangin at musika. 10.Pinauunlad ang personal na pagkatao sa mga panahon ng problema. 11.Tumutulong upang maki-simpatya sa ibang tao sa panahon ng pagdadalamhati - Kalungkutan at Pag-iisa. 12.Pinauunlad ang pisikal na kalusugan.

14

Aralin 10-

Ang Tao Bilang

Katiwala ng Kapwa at ng Kapaligiran


Sa kabuuan, ang pagtulong ay iyong paggawa ng kabutihan sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit o sa medaling sabi bukal sa puso o kalooban. Katulad din ito sa paglilingkod. Ayon sa Biblia, ang paglilingkod sa kapwa ay paglilingkod sa Dios, pagibig sa Dios, pagmamahal, tungkulin at pagsunod sa kautusan at sa kalooban ng Dios gaya ng nakasulat sa Biblia sa aklat ni Mateo 25:31-40 " Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian: At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing; At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing. Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan: Sapagka't ako'y nagutom, at ako'y inyong pinakain; ako'y nauhaw, at ako'y inyong pinainom; ako'y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy; Naging hubad, at inyo akong pinaramtan; ako'y nagkasakit, at inyo akong dinalaw; ako'y nabilanggo, at inyo akong pinaroonan. Kung magkagayo'y sasagutin siya ng mga matuwid, na mangagsasabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, at pinakain ka namin? o nauuhaw, at pinainom ka? At kailan ka naming nakitang isang taga ibang bayan, at pinatuloy ka? o hubad, at pinaramtan ka? At kailan ka namin nakitang may-sakit, o nasa bilangguan, at dinalaw ka namin? At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa".

15

You might also like