You are on page 1of 23

Hilagang Asya

Mark Marvin L. Lagos


DSS-UPLB
Balangkas
Katangiang Heograpikal
Batayan ng Pagbubuo ng Estado
Kronolohiya
Katangiang Heograpikal
Steppe at disyerto - nomadiko pastoral
Tundra at taiga - pangangaso
Oasis - sentro ng komersyo at agrikultura
Siberia - kapatagan, talampas at kabundukan
Asya Sentral - lawa (Aral at Caspian), ilog (Amu
Darya at Syr Darya), steppe
Mongolia, Dzungaria, Manchuria - steppe at
disyerto
Mga bansa sa Hilagang Asya
Batayan ng Pagbubuo ng Estado
Pananakop dahil sa
pamumuhay na
nomadiko pastoral
Pamumuhay sa Steppe at Disyerto
Nomadiko - Pastoral
(tupa, kambing, ox,
usa, kamelyo, kabayo)
Militarisado
Saloobing-bukas at
mapagtangkilik
Kronolohiya
Imperyong Hun/ Xiong-nu (mula neolitiko -
gitnang dtn. 12)
Imperyong Mongol (1206 - 1368)
Imperyong Ottoman (1299 - 1917)
Pananalakay ni Timur (1270 - 1405)
Imperyong Hun/ Xiong-nu
Pangkat ng mga nomadiko-pastoral at may
kaunting pagtatanim.
Makikita sa hilagang bahagi ng Tsina
Sistemang pulitikal batay sa katapatan sa
pinunong mandirigma (hal. Mao Dun at
Attila)
Nasakop ang Mongolia, Asya Sentral,
Tsina, Iran at Silangang Europa. Sinalakay
naman ang Gresya, Alemanya at Italya.
Attila
Mga sundalong Hun/ Xiong-nu
Imperyong Mongol (1206 - 1368)
Binubuo ng mga angkan na nakatira sa
silangang bahagi ng Asya Sentral. Ger ang
tawag sa kanilang tirahan.
Paghahati ng trabaho: (a) aristokratikong
angkan na nagpapastol ng kabayo; (b)
angkan na nagpapastol ng tupa, kambing
atbpa.
Temujin ang tunay na
pangalan
Ginawaran ng kuriltai
(pagpupulong ng mga
pinunong militar na
Mongol) si Temujin
ng titulong Genghis
Khan, ibig sabihin
Universal Ruler
Temujin / Genghis Khan
Kuriltai
Dakilang Khanato - sentro Karakorum at inilipat
sa Daidu o Khanbalik (Beijing)
Chagadai Khanate sa Turkestan
Il-Khanate o Persian Khanate
Ginintuang Hordo, Kipchak Khanate o Russian
Khanate
GININTUANG HORDO
- 1502
Batu
Unang khan ng Ginintuang Hordo
d. 1256
Jochi
namatay noong 1227
CHAGADAI KHANATE
1227 - 1370
Chagadai
d. 1242
Guyuk Khan = Ogul-Gaimish
1246 - 48
Ogodei Khan = Toregene
1229 - 1241
Mongke Khan
1251 - 59
IL KHANATE
1256 - 1335
Hulagu
Unang ilkhan
d. 1265
DINASTIYANG YUAN
1260 - 1368
Kublai Khan
1260 - 1294
Tolui = Sorghaghtani
1229 -1241
Genghis Khan
(Temujin) 1206 - 1227
Borte
(pangunahing asawa)
Sinalakay ni Genghis Khan
ang mga kaharian ng
Hsi Hsia (Xi Xia), Chin (Jin)
Kara Khitai, at Khwarizm
Ipinagpatuloy naman ni Ogodei
ang pagsalakay sa I. Chin (Jin),
mga siyudad ng Rusya, Abbasid,
Hungary at Bulgaria
Itinatag ni Batu ang Ginintuang
Hordo na nakasentro sa Sarai.
Sakop nito ang Siberia, ibang
bahagi ng Asya Sentral at mga
siyudad ng Rusya. Magkaaway
naman ang emperador ng
Holy Roman Empire at mga
papa sa Roma kaya walang
nagkakaisang paglaban ang
Europa. Noong bandang1440
magkakawatak-watak ang
G. Hordo at tuluyang nabuwag
noong 1502. Noong 1783,
sinakop ni Catherine ang K. ng
Crimea.
Itinatag naman ni Chagadai
ang khanato ng Chagadai sa Asya Sentral/
Turkestan. Nagmula sa teritoryong ito si Timur na
mananalanta noong dtn. 14.
Itinatag ni Hulagu, kapatid ni Kublai Khan
ang Ilkhanate sa Persia (Baghdad) (1258).
Natalo ng mga Mamluk ang hukbong
Mongol noong 1260. Samantala, nagpadala
ng limang Krusada ang mga Kristiyanong
kaharian sa Europa para agawin ang Banal
na Lupa noong dtn. 13.
Inilipat ni Kublai Khan ang sentro ng
Dakilang Khanato sa Daidu (Beijing)
matapos masakop ang Tsina (1260).
Tinangkang sakupin ngunit nabigo ang
Hapon noong 1274 at 1281. Naging
basalyong estado naman ang Koryo
(1230s); Pagan, Daiviet, at Champa
(1287).
Pag-atake sa Baghdad
Labanan sa Leibnitz
Sundalong Mongol
Labanan
sa bundok
Kontribusyon ng Imperyong Mongol
Naging tulay ng mga kabihasnan: nagkaroon ng palitan ng
ideya, imbensyon at pagkain.
Bukas ang loob at mapagtangkilik: nagsagawa ng
konsultasyon sa mga iskolar na Confucian, inhenyerong
Arabe at iba pang pilosopo.
Kalayaan at kasaganahan (Pax Mongolica): binantayan ang
ruta ng kalakalan at nagpatayo ng mga bahay-tuluyan para
sa mga manlalakbay at mangangalakal. Hal. Marco Polo.
Sa Rusya, labis na pag-aalipin sa mga magsasaka sa mga
lupain ng aristokratikong Ruso kapalit ng proteksyon sa
mga Mongol. Naging doble ang hari ng alipin - Ruso at
Mongol.
Imperyong Turko Ottoman (1299 - 1917)
Ang hukbo ng Turkong Ottoman ay mala-
kapatiran, magkakapatid ang bawat mandirigma.
Tinalo ng Ottoman ang Imperyong Byzantine at
naagaw ang Constantinople noong 1453.
Pananalakay ni Timur (Tamerlane) (1270 -
1405)
nagmula sa Khanatong Chagadai, tinangka niyang
magbuo ng bagong imperyo.
Nasakop ang Persia, Mesopotamia, natalo ang
Ginintuang Hordo at India
Mga imperyo matapos ang I. Mongol
Imperyong Ottoman (1299 - 1917)
Imperyong Safavid (1501 - 1722)
Imperyong Mughal (1526 - 1707)
Dinastiyang Ming (1368 - 1644)
Siam, Toungoo, Majapahit at Malacca
Dinastiyang Yi, at Tokugawa
Mga Panloob at Panlabas na
Banta sa Asya
Pag-aralan ang ibig sabihin ng mga
sumusunod:
Kolonyalismo
Kapitalismo
Merkantilismo
Imperyalismo
Shamanismo
Mga paring shaman

You might also like