You are on page 1of 3

PAGPAPAHALAGA SA PANITIKAN

Depinisyon ng Panitikan
Ang tunay na panitikan ay yaong nagpapahayag ng damdamin, panaginip at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa
maganda, makahulugan at masining na mga pahayag. Ang tunay na kahulugan ng panitikan ay nakikita sa mga katotohanang ito
tungkol sa mga ideya, kaisipan, damdamin ng mga tao gaya ng pag-ibig, kalungkutan, kaligayahan, panibugho, galit,
pagkahabag, pag-aalipusta, paghihiganti at mga iba pa.



Pangkalahatang Anyo ng Panitikan

1. Tuluyan- mga akdang nasusulat sa karaniwang takbo ng mga pangungusap.

Uri ng mga Akdang Tuluyan
a. Nobela o kathambuhay Ang nobelay isang mahabang salaysay na nahahati sa m,ga kabanata. Ang mga
pangyayari ritoy hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao, sumasakop ng mahabang panahon at
ginagalawan ng maraming tauhan.
1.) Mga uri ng Nobela
a.) Nobela ng Pangyayari- Ang diin ng pagkakasulat ay nasa mga pangyayari sa nobela.
b.) Nobela ng tauhan- Ang binibigyang diin sa bobelang itoy ang katauhan ng panngunahing tauhan,
ang mga hangarin at mga pangangailangan ng tauhan ang binibigyang pansin.
c.) Nobela ng Romansa- Ang nobelang itoy tungkol sa pag-iibigan o romansa.
d.) Nobela ng Pagbabago- Sa nobelang ito ang binibigyan ng diin ay ang mga layunin ng may-akda o
ang mga kanyang hinahangad na pagbabago sa lipunan at sa pamahalaan.
e.) Nobela ng Kasaysayan Ang nobelang itoy nagsasalaysay ng mga pangyayarin kaugnay ng
kasaysayan ng bayan. Inilalarawan dito ang mga bayaning nag-ambag ng kanilang tunkulin sa
bayan.

b. Ang Maikling Kuwento- Itoy isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pang-araw-araw na
buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at isang kakintalan.

Mga Uri ng Maikling Kuwento
1.) Kuwento ng Katutubong Kulay- Sa kuwentong it, ang binibigyang diin ay ang kapaligiran ng
pinangyariha, ang mga kaugalian at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay at
hanapbuhay ng mga tao ng nasabing pook.
2.) Kuwento ng Madulang Pangyayari- Dito sa kuwentong ito, ang binibgyan ng pansin at diin ay mga
mahahalaga at kasindak-sindak at mga pambihirang pangyayaring nakapagbabago ng tauhan.
3.) Kuwento ng Pakikipagsapalaran- Nasa balankas ng pangyayari at wala sa katauhan ang kawilihan o
interes saa kuwentong ito.
4.) Kuwento ng Kababalaghan- Mga di kapani-paniwalang pangyayari bukod pa sa mga katakutan ay siya
ang diin ng kuwentong ito.
5.) Kuwento ng Tauhan Sa kuwentong ito, ang interes at diin ay nasa pangunahing tauhan.
6.) Kuwento ng Sikolohiko- Bihira ang sumulat ng ganitong uri ng kuwento sapgkat may kahirapang
ilarawan ang pag-iisip ng isang tao.
7.) Kuwento ng Katakutan- Ang diin ng kuwentong ito ay nasa mga nasisindak na mga pangyayri na
nakapagpapatinag ng damdamin at kilos ng mga bumabasa.
8.) Kuwento ng Katatawanan- Ang layunin ng kuwentong itoy magpatawa at bigyan ng aliw ang mga
bumabasa.
c. Ang Dula- Ang dula ay isang uri ng dulang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Itoy nahahati sa
ilang yugto at ang bawat yugtoy maraming takbo. Karaniwan ang mga dulay tatatluhing yugto. Ang tapo
namay asng paglalabas-masok sa tanghalan ang bawat tauhan.

Mga Uri ng Dula

1.) Komedya- Dulang nagtatapos sa tagumpay ng pangunang tauhan. Masaya at kawili-wili sa mga
manonood.
2.) Trahedya- Dulang nagtatapos sa kamtayan o kal;ungkutan ng pangunang tauhan. Itoy kinapapalooban
ng mga mahihigpit na tunggalian. Ang mga tauhan ay mapupusok at may maapoy na damdamin.
3.) Melodrama- Ang dulang itoy may mga malungkot na pangyayari na halos ang pangunahing tauhan ay
mabingit sa kamatayan ngunit sa bandang huliy magtatagumpay rin sila at magwawakas sa
kaligayahan.
4.) Parsa- May layuninh ang dulang itong magpatawa at libangin ang mga manonood. Ang mga sitwasyon
ay katuwa-tuwa maging ang mga kilos at pananalita ng mga tauhan.
5.) Saynete - Itoy isa ring dulang ang pinakalayunin ay magpatawa ngunit ang mga pangyayari ay
karaniwan lamang. An mga gumaganap ay tau-tauhan at nasa likod ng telon ng mga taong nagsasalita.
Itoy maroon ding awitan.

d. Ang Alamat- Ang alamat ay isang uri ng tuluyan ang mga pangyayari ay likhang isip lamang at hindi totoo
sa tunay na buhay. Karaniwan na ang paksay nagsasalysay sa pinagmumulan ng isang bagay, kalagayan,
pook at katawagan.
e. Ang Pabula- Ang pabulay kuwento ng mga hayop ng mga bata. Itoy laging may aral na mapupulot. Ang
pabulay likhang isip lamang ng mga manunulat at walang katotohanan sa tunay na buhay. Ang layunin
nitoy gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali, kilos at isipan.
f. Ang Sanaysay- Ang sanaysay ay nagpapahayag ng kuro-kuro o opinion ng may akda tungkol sa isang
suliranin o pangyayari.

Dalawang Uri ng Sanaysay
1.) Pormal na Sanaysay- Ang paksa nitoy jhindi karaniwan at kailangan ang matiyagang pag-aaral at
pananaliksik ng susulat.
2.) Inpormal na Sanaysay- Ang mga paksa ng inpormal na sanaysay ay yaong mg karaniwan lamang at
hindi nangangailangan ng lubusang pag-aaral upan maksulat ng ganitong uri ng sanaysay.
g. Talambuhay- Ang talambuhay ay kasaysayn ng buhay ng isan tao.

Dalawang Uri ng Talambuhay
1.) Talambuhay na Pansarili- Ang may akda ang sumulat ng kanyang sariling buhay, ngunit sa kanyang
kamatayan ay iba na ng magtatapos.
2.) Talambuhay na Paiba- Itoy kasaysayan ng buhay ng isang taong sinulat ng iba.
h. Balita- Itoy isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipuna, pamahalaan, paaralan, sa
mga sakuna, sa industriya, sa agham at sa mga ibat ibang paksa sa buong bansa at sa ibayong dagat man.
i. Talumpati- Itoy isang akdang pampanitikang ang layunin ay bigkasin sa harap n mga tagapakinig.
Mga Bahagi ng Talumpati
1. Panimula- Ang panimula ay nagpapaliwanag sa okasyon at dahilan ng pagtatalumpati gayon din ang
paghati sa mga nakikinig.
2. Paglalahad- Ito ang katawan ng talumpati. Dito sa bahaging ito tinatalakay ng nagsasalita ang paksa.
3. Paninindigan- Sa bahaging ito nagbibigay ang nagsasalita n mga katunayan ng kanyang mga sinabi.
4. Pamimitawan- Ang bahaging itoy nagbibigay ng konklusyon sa talumpati

2. Akdang Patula
a. Ang Tulang Pasalaysay- tulang nagsasalaysay ng buhay na nasusulat ng patula, may sukat at tugma. Ito rin
ay nauuri ayon sa paksa, pangyayri at mga tauhan. Ang mga uri nito ay ang epiko, at ang awit at kurido.
1.) Epiko- Ito ay isang tulang pasalaysay na ang mga pangyayri ay tungkol sa pakikipagsapalaran,
katapangan, kabayanihan at may mga pangyayaring hindi kapani-paniwala ngunit nagbibigay ng
aral.(Biag ni Lam-ang, Bantugan, Bidasari)
2.) Awit at Kurido- tulang pasalaysay na maaring totoo o hindi sa buhay ng tao sa mga pangyayari ay
hango sa mgta buhay ng hari, reyna, prinsipe, konde at iba pang dugong mahal na ang karanuwang
paksa ay tungkol sa pag-ibig, paghihiganti, pagtatagisan ng talino o tapang, pananampalataya at pag-ibig
at pagtulong sa kapwa.(Ibong Adarna, Florante at Laura)
b. Ang mga Tulang Liriko-
1.) Kantahin- Itoy tulang may sukat at tugma at ang layunin nitoy para awitin. (Bahay Kubo).
2.) Soneto- Itoy isang tulang may labing-apat na taludtod at ang bawat taludturan ay tigalawang taludtod.
(soneto ni Jose Garcia Villa)
3.) Elehiya- Itoy isang tulang nagpapahayag ng panimdim o pagkalumbay dahil sa isan minamahal na
namatay. (Elegy ni Thomas Gray)
4.) Oda- Ito ay isang tula ng paghanga o pagpuri sa isang bagay. Nasusulat ito sa masining na
pagpapahayag. (Ode to the Nightingale).

You might also like