You are on page 1of 18

Mga Pagbabagong

Morpoponemiko
Ang Pagbabagong Morpoponemiko ay
ang anumang pagbabago sa karaniwang
anyo ng morpema dahil sa
impluwensya ng katabing ponema.

Morpema- tawag sa pinakamaliit na yunit ng salita
na nagtataglay ng kahulugan.
Hal. Doktora
Makabuluhan ang a kahit na isang titik lamang
dahil.

d,l,r,s,t - PAN, MAN, SIN, SAN
b, p - PAM,MAM,SIM,SAM
k,g,h,m,n,ng,w,y - PANG, MANG, SING, SANG

HALIMBAWA:
Pan + linis = panlinis
Pam + bayan = pambayan
Pang + walis = pangwalis
DI GANAP NA ASIMILASYON- ang pagbabago lamang ay
nasa pinal(huli) na panlaping -ng
ang ponemang /ng/ ay nagiging /n/ o /m/ o
nananatiling /ng/ dahil sa kasunod na tunog.

-sing + taba = sintaba pang + tali = pantali

*Kapag ikinakabit sa isang salitang-ugat na nagsisimula sa
/p/ o /b/, ang /ng/ ay nagiging /m/.

pang- + paaralan= pampaaralan
pang- + bayan= pambayan

SURIIN ANG PAGBABAGONG
NAGAGANAP SA BAWAT SALITA

HALIMBAWA:
HUGAS = PANGHUGAS
1. LARO =
2. TANGKAD =
3. BAHAY =
4. GANDA =


ASIMILASYON
GANAP NA ASIMILASYON- bukod sa
pagbabagong nagaganap sa ponemang /ng/
ayon sa punto ng artikulasyon ng kasunod na
tunog, nawawala na rin ang unang ponema ng
nilalapiang salita dahil ito ay inaasimila o
napapaloob na sa sinusundang ponema.
ASIMILASYON
HALIMBAWA:
pang- + palo = pampalo pamalo
pang- + tali = pantali panali
* May mga salitang maaaring gamitan ng
alinman sa dalawang uri ng asimilasyon,
ngunit mga salitang nakamihasnan nang
gamitan lamang ng asimilasyong di ganap.
ASIMILASYON
HALIMBAWA:
pang- + kuha = pangkuha/panguha
pang- + tabas = pangtabas/panabas
Ang mga sumusunod na hindi ginagamitan ng
asimilasyong ganap:
pang- + bansa = pambansa
pang- + luto = panluto
PAGPAPALIT NG PONEMA (dr)
Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng
salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan
ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling
ponema ng unlapi.
Halimbawa:
ma- + dapat = marapat
ma- + dunong = marunong
PAGPAPALIT NG PONEMA (dr)
May mga halimbawa namang ang /d/ ay nasa
posisyong pinal ng salitang nilalapian. Kung ito
ay hinuhulapian ng an o in, ang /d/ ay
karaniwang nagiging /r/.
Halimbawa:
lapad + -an = laparan
tawid + -an = tawiran
PAG-UULIT NG SALITANG-UGAT NA --- O
SINO

PAG-UULIT NG SALITANG-UGAT NA --- E
BABAE



PAGPAPALIT NG PONEMA
PAGLILIPAT/METATESIS
Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula
sa /l/ o /y/ ay nilalagyan ng gitlaping -in- ,
ay nagkakapalitan ng posisyon.
Halimbawa:
-in- + lipad = nilipad (linipad)
-in- + yaya = niyaya (yinaya)


Halimbawa:

Lipad + -in = linipad = nilipad
Yaya + -in = yinaya = niyaya
Laro + -
Walis + -
Limos +
Yakap +

PAGKAKALTAS NG PONEMA
Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang
huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay
nawawala sa paghuhulapi nito.
Halimbawa:
takip + -an = takipan takpan
kitil + -in = kitilin kitlin

bukas -
bili -

PAGDARAGDAG
7. PASUDLONG O PAGDARAGDAG NG PONEMA
kung bukod sa may hulapi na ang salitang
pinapandiwa, ito ay sinusudlungan o
dinaragdagan pa ng isa pang hulapi. /-an/, /-
han/, /-in/, /-an/, o /-anan/

Halimbawa:
Pa+bula +han = pabulahan = pabula(h)an + nan=
Pabulaanan
Ka+totoo+han = katotoohan = katoto(o) han+an =
Katotohanan



REDUPLIKASYON
Pag-uulit ito ng pantig ng salita. Ang pag-uulit
na ito ay maaaring magpahiwatig ng kilos na
ginagawa o gagawin pa lamang, tagagawa ng
kilos o pagpaparami.
Halimbawa:
aalis, matataas, magtataho, pupunta,
masasaya, naglalakad

You might also like