You are on page 1of 29

Ang Dakilang Periodista at Propagandista ng Bulakan

Pambansang Monumento ni Plaridel sa Bulakan, Bulacan


Ipinanganak sa Kupang, San Nicolas,
Bulakan, Bulacan noong Agosto 30,
1850.
Ang kanyang buong pangalan ay
Marcelo Hilario del Pilar Y Gatmaitan.
Ang kanyang mga magulang ay sina
Julian H. del Pilar at Biasa Gatmaitan.
Bunso at pang-limang lalaking anak sa
10 magkakapatid
Ang kanilang pamilya ay galing
sa angkan ng mga Gatmaitan na
isa sa mga naghaharing pamilya
noong bago pa man dumating
ang mga Kastila.
Nag-aral siya sa Colegio de San
Juan de Letran at lumipat sa
Unibersidad ng Santo Tomas
kung saan nagtapos siya ng
abogasya noong 1880.
Noong siya’y isang estudyante,
pinapaboran niya ang pagpapatalsik
ng mga Kastila sa Pilipinas.
Nagtrabaho siya bilang oficial de
mesa (desk officer) sa Pampanga at
Quiapo.
Nagtrabaho din siya sa Manila Royal
Audiencia kung saan kaniyang
ipinagpatuloy ang pagpapalaganap
ng damdaming makabayan at
pagtuligsa sa mga prayle.
Ipinagpatuloy niya ang kaniyang
krusada sa pamamagitan ng paggawa
ng mga tula at sanaysay na
patungkol sa mga pang-aabuso
ngmga prayle at mga opisyal sa
pamahalaan.
Siya ay nagtatalumpati kung saan
may umpukan ng mga tao: sa plaza,
tindahan, kahit sa sabungan at
anuman ang okasyon: pista,
pagtitipon, salu-salo at maging sa
mga lamay.
Simbahan ng Nuestra Senora dela Asuncion
Pinakasalan niya ang kanyang
pinsan pangalawa na si Marciana del
Pilar.
Nagkaroon sila ng pitong anak. Ito
ay sina Sofia, Jose Maria, Maria
Rosario, Maria Consolacion, Jose
Mariano Leon, Maria Concepcion at
Anita ngunit ang lima’y namatay
matapos ipinanganak.
Tanging sina Sofia at Anita lamang
ang nabuhay hanggang sa kanilang
pagtanda.
Diariong Tagalog
Itinatag niya noong 1882 ang Diariong
Tagalog na kung saan ay binatikos
niya ang mga pang-aabuso ng mga
prayle at kalupitan ng pamahalaan.
Nagsilbi ito na isa sa mga tinig ng
Kilusang Propaganda.
Gumamit siya ng iba’t ibang sagisag-
panulat gaya ng Plaridel, Kupang,
Pupdoh, Piping Dilat at Dolores
Manapat.
Ngunit dahil sa kakulangan ng pondo
natigil ang paglilimbang nito matapos
ang limang buwan.
Kasabay ng pagkakalimbag ng
Noli Me Tangere, ipinagpatuloy
niya ang pagsusulat ng mga
artikulo laban sa mga prayle.
Bunsod nito, nais siyang
ipadakip ng mga prayle ngunit
bago pa man ito maganap,
naka-alis na siya papuntang
España noong Okt. 28, 1888.
La Solidaridad
Sa kanyang pagdating ay
humalili siya kay Graciano
Lopez Jaena bilang punong
patnugot ng La Solidaridad
noong Disyembre 15, 1889.
Sa ilalim ng kanyang patnugot
ng maging matagumpay ito na
higit na maipaalam sa mga
Kastila ang hiling na reporma
ng mga Pilipino.
Dahil sa kakulangan ng pondo,
ang huling lathala ng La
Solidaridad ay lumabas noong
Nobyembre 15, 1895.
Sinasabi na isa ito sa mga
dahilan na nagbunsod kay del
Pilar na tanging rebolusyon
lamang ang tanging paraan
upang mabigyang lunas ang
problema ng Pilipinas.
Sa kanyang mga huling araw sa
España, dumanas siya ng labis
na hirap lalo na nang dapuan
siya ng sakit tuberkolosis na
siyang naging dahilan ng
kanyang kamatayan noong
Hulyo 4, 1896.
Dasalan at Tocsohan
Pasiong Dapat Ipag-alab nang Puso
nang Tauong Babasa
Caiingat Kayo
Kadakilaan ng Diyos
Sagot ng España sa Hibik ng
Pilipinas
La Frailocracia en Filipinas
Ang Kalayaan
Dupluhan… Dalit.. Mga Bugtong
Isang polyeto na isinulat ni Plaridel
na naglalaman ng pang-uuyam (satire)
at pagbatikos sa pang-aabuso ng mga
prayle na nagdudulot ng labis na
paghihirap sa mga Pilipino
Ginamit niya dito ang mga
karaniwang dinarasal ng mga Pilipino
na itinuturo ng mga prayle noon gaya
ng Ama Namin at Aba Ginoong Maria
Ang tanda ang cara-e-cruz
mo sa aming Panginoon
naming Frayle sa manga ama
namin, sa ngalan nang cara-
e-cruz at sa mga frayle nang
Espiritu santo sya naua.
Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis
nang pagkatuo gumaga at sumalakay sa akin:
pinagsisihan kong masakit sa tanang loobang dilang
pag-asa lo sa iyo, ikaw nga ang dugo ko. Panginoon
ko at kaauay ko na inihihibik kong lalo sa lahat,
nagtitika akong matibay na matibay na dina muli-
muling mabubuyo sa iyo: at lalayuan ko na at
pangingilagan ang balanang makababacla nang loob
ko sa pag-asa sa iyo, macalilibat nang dating sakit
nang manga bulsa ko, at nagtitika naman acong
maglalathala nang dilang pagcadaya ko umaasa
akong babambuhin ka rin, alang-alang sa mahal na
panyion at pangangalakal mo nang Cruz, sa pag-ulol
sa akin. Siya naua.
Amain naming sumasakumbento ka,
sumpain ang ngalan mo, malayo sa
amin ang kasakiman mo, kitlin ang
leeg mo dito sa lupa para nang sa
langit. Saulan mo kami ngayon nang
aming kaning iyon inaraw-araw at
patawanin mo kami sa iyong pag-ungal
para nang pag papatawa mo kung kami
nakukuwaltahan; at huwag mo kaming
ipahintulot sa iyong manunukso at
iadya mo kami sa masama mong dila.
Aba ginoong Barya nakapupuno
ka nang alkansya ang Fraile’I
sumasainyo bukod ka niyang
pinagpala’t pina higit sa lahat,
pinagpala naman ang kaban mong
mapasok. Santa Barya Ina nang
Deretsos, ipanalangin mo kaming
huwag anitan ngayon at kami
ipapatay. Siya naua.. Amen.
Ang manga utos nang Fraile ay sampo:
Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na
lalo sa lahat.
Ang ikalaua: Huag kang mag papahamak
manuba nang ngalang deretsos.
Ang ikatlo: Mangilin ka sa Fraile lingo
man at fiesta.
Ang ikapat: Isangla mo ang catauan mo
sa pagpapalibing sa ama’t ina,
Ang ikalima: Huag kang mamamatay
kung uala pang salaping pang libing.
Ang ikanim: Huag kang makiapid sa
kanyang asaua.
Ang ikapito: Huag kang makinakaw.
Ang ikaualo: Huag mo silang
pagbibintangan, kahit ka masinungalingan.
Ang ikasiyam: Huag mong ipagkait ang
iyong asaua.
Ang ikapulo: Huag mong itangui ang iyong
ari.
Itong sampong utos nang Fraile’I dalaua
ang kinaoouian.
Ang isa: Sambahin mo ang Fraile lalo sa
lahat.
Ang ikalaua: Ihayin mo naman sa kaniya
ang puri mo’t kayamanan. Siya naua.

Ang manga kabohongang asal, ang


pangala’i tontogales ay tatlo.

Igalang mo…
Katakutan mo… Ang Fraile
At Pag Manuhan mo...
“We are
persuaded that
no sacrifices
are too little to
win the rights
and the liberty
of a nation that
is oppressed by
slavery.”
Huling Editoryal ni Plaridel
sa La Solidaridad, Nob. 15, 1895
MARAMING SALAMAT PO!
projectdennio.blogspot.com

You might also like