You are on page 1of 24

TALASALITAAN

Aba-dukha
Agam-agam-alinlangan
Ambil- api
Amis-api, agrabyado, kulang –
palad
Apula-pigil, hinto, kontrol, supil
Arabal-panirahang pook sa
paligid ng lungsod;karatig-pook
Baguntao-lalaking pumapasok
sa yugto ng pagiging binata
Balakyot-taong tuso, at
mapagbalatkayo
Balawis-mabangis; mabagsik,
suwail
Balino-madaling magbago ng
layunin; magaling magkunwari
Balisbis- tuluy-tuloy na agos ng
tubig
Baluti-anumang kasuotang
pansanggalang
Basalyo-alagad; tauhan
Batbat-namumutiktik; lipos;
nagagayakan
Bidbid-tali
Bihay-pilas; warak; wakwak
Binit-pagbatak ng tali upang
umigting, gaya ng pagbatak sa
tali ng pana.
Burok-pamumula, halimbawa
ng pisngi
Busog-makunat na piraso ng
kahoy at katulad na binaluktot
sa pamamagitan ng isang
piraso ng katad o nylon na
maigting na nakatali sa
magkabilang dulo nito.
Dambana-altar
Darang-bisa ng matamang
pakiusap o paglapit na
nakatutukso
Ditso-linya sa dula
Dusta-pag-alipusta
ehersito-hukbo
Emir-titulo ng o tawag sa pinuno
ng Muslim
Estangke-deposito ng tubig;tangke

Habag-awa
Handulong-agresibo
Hilahil-dusa; dalita
Hilom-paggaling ng sugat
Himpil-paghinto upang
magpahinga o tumahan;tigil
Hinagpis-pagdadalamhati
Hinuhod-magbigay ng pahintulot
Hugos-pagbaba ng anuman mula
sa mataaas na kinalalagyan
Iring-hamak na pagtingin o
palagay
Iwa-pag-aalaga; pagkalinga

Kalatas-pahatid;mensahe
Kapagkaraka-agad; nuon
din;kagyat;sa oras ding iyon
Karsel-bilangguan
Kiyas-tikas;kisig; itsura
Kubkob-napaligiran; napalibutan

Lamad-malambot at manipis na
balat at iba pang katulad na
estrukturang manipis
Lamuyot- masidhing paghimok o
paghikayat
Likat-tumigil o huminto
Lilo-taksil
Lingap-pagkalinga, pagtangkilik
Linggatong-pagkagulo ng isip
dahil sa isang tila hindi malutas na
suliranin
Linsil-mali; lisya
Lugami-nanghina dahil sa
suliranin o balakid
Luhog-samo

Magaso-kilos na maharot; hindi


mapalagay
Marawal-hamak; aba; di-
marangal
Monarka-soberanong may
titulong hari, reyna, emperador
Mook-laban; hamok, sagupa
Muog-tanggulan o kuta;
balwarte
Nahan-nasaan
Nanaw-pinaikling salitan ng
pumanaw, naglaho
Naparool-nasawi; nabigo
Nasnaw-lumakas
Paknit-mawala
Palamara-taksil
Pamimiyapis-pagdaluhong, pag-
atake
Panihala-pamamahala
Panimdim-anumang gumugulo
sa isip
Panihala-pamamahala
Pintuho-pagsuyo sa isang
minamahal; paghanga; paggalang
Pita-ibig; matinding pag-asam
Plumahe-bungkos ng balahibo ng
ibon, nakatali sa isang dulo at
ginagamit na palamuti, lalo sa
sumbrero
Pugal-mahigpit na pagkakatali
Pulpol-upod; mapurol
Pupas-kupas; lipas na kulay
Pusikit-napakadilim
Sakbat-anumang inilalagay nang
paalampay sa balikat at
tumatawid sa dibdib pababa sa
baywang.

Salabid-pagsabit; pagkapulupot o
pagkapatid ng paa, gaya sa lubid o
alambre
Sansala-saway; pigil
Sayod-ubos na lahat; walang
natira
Sigabo-ingay na sabay-sabay
Sinikingan-binirahan o sinarhan
ang bibig
Siphayo-pagkabigo sa layunin
Soldado-sundalo, kawal
Sukab-taksil; traydor
Sula-hiyas na makinang
Suob- pagpuri o pagbibigay
parangal

Tabsing-pag-alat ng tubig tabang


dahil sa pagsanib ng tubig dagat
Tatap-malaman o maintindihan
Tighaw-pagginhawa mula sa
kahirapan
Tigib-punung-puno; lipos
Timawa-alipin; dukha;mahirap
Tingni-tingnan; tanawin
Tudla-pagpapatama ng patalim sa
inaasinta; pagpuntirya
Tumok-kalaguan ng tubo ng mga
damo, lalo na ang matataas na
talahib o kugon
Tunod-palaso; katawan ng palaso
Turbante-putong
Utas-wala nang buhay

Walat- pagkasira o pagkawasak


Watasan-maunawaan o
maintindihan

You might also like