Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
96Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
TIGRE

TIGRE

Ratings: (0)|Views: 4,352|Likes:
Published by chorvaloo25

More info:

Published by: chorvaloo25 on Feb 08, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

03/03/2013

pdf

text

original

 
TIGRE! TIGRE! Ni Mochar LubisSalin ni Mauro R. Avena
Ang buong pulo ay nalalatagan ng gubat, mula sa mabuhanging dalampasigan, kung saan angtubig na nabubuong mga alon sa malayong Antartika ay humahampas pagkaraan ng mahabangpaglalakbay, hanggang sa mga tuktok ng bundok na laging nakukumutan ng ulap. Pabagu-bagoang mukha ng gubat. Sa may dalampasigan, isang latian na hitik sa bakawan ay bumubuo ngsala-salabat ng hadlang. Papasok sa pulo at pataas sa lupa, ang mga puno·t halaman ay patuloysa pag-iiba-iba, at pag-abot sa dakong loob, ang mga iyo·y naglalakihan at nagtataasan, angkanilang mga sanga·y nauukitan ng parang lambat na disenyo ng lumot. Hindi pa natatagos ngtao ang kabuuan ng sinaunang gubat, na ang loob ay napakayaman sa buhay. Dito·y di mabilangang namumugad na mga ligaw na nilalang. Naglipana rin ang maririlag na halaman atnagtatayuang punongkahoy na nakokoronahan ng mga eksotikang orkidarya.Sa loob ng gubat, kayraming ibon at iba·t ibang tsonggo ang malayang namumuhay, samantalangsa ibaba, sa lupa, walang-puknat ang maingat na paghahanap ng makakain ng mga itimna leopardo, elepante, at osong tropikal. Ang mga pampang ng ilog at katabing damuhan ayteritoryo ng mga tapir, rinoseros, ahas, buwaya, at usa. Nagkalat ang mga insekto.Maraming parteng gubat ang nakakatakot. Ang mga ito·y puno ng latian na pinag-aabanganng nakakamatay na mga panganib, at mga lubak at guwang na dantaon nang naiwang basa atmadilim. Mayroon ding magaganda at kaakit-akit na lugar na walang pinag-iba sa mgaengkantadong gubat ng mga kuwento. Ang hawan ng mga bahaging ito ng sinaunang gubat, namayamang naaalpombrahan ng berdeng damo, ay payapa at nakakapagbigay-ginhawa. Kadalasa·ynapapalibutan ang mga ito ng mayuyuming puno ng cemera, na pumupuno sa hangin ngmasangsang na amoy ng kanilang dagta. Sa gitna ng maririkit na lambak na ito, di maaaring dimagkaroon ng mga sapa ng malamig at mala-kristal na tubig, pabula-bula at patila-tilamsik,paawit-awit, at pabulung -bulong. Walang di naakit huminto at magpahinga roon.Sa loob ng gubat ay makatatagpo ng rattan, damar ² isang dagta na ginagamit sa paggawa ngbatik - at maraming uri ng mahalagang kahoy. May mga taong noo·y tumira roon, pero nilisannila iyon noong sila·y magtayo ng mga lunsod at nayon kung saan. Ngayo·y paminsan-minsan nalang silang bumabalik doon, para humanap ng ikabubuhay sa pamamagitan ng paghahakot sa mgaprodukto ng gubat. Pito sa mga lalaking tulad nila ay isang linggo nang nasa gubat sapanganganap ng damar. Si Pak Haji ang pinakamatanda. Gayong sisenta anyos na siya aynananatiling malusog at malakas. Matalas pa rin ang kanyang mga mata at tainga. Ang pag-ahon at paglusong sa bundok, pasan ang mabibigat na kaing ng damar o ratan, pasinghap sanakakapagpasiglang hangin, ay nagpatibay ng husto sa kanyang katawan. Ipinagmamalaki ni PakHaji na di niya nararanasan ang mga karamdamang dala ng pagtanda, at sa tanang buhay niya·ydi pa siya naratay sa banig. Disinuebe anyos siya nang una niyang iwan ang kanyang nayon atmagpasaibang-bayan. Nagpunta siya sa Japan, China, Africa, at India, kung saan niya pinag-aralan ang Koran. Limang taon siyang nagtrabaho sa barko, naglakbay sa malalayong daungan ngmga puti at ng kanilang maiingay at groteskong siyudad.Pero tinawag siyang muli sa kanyang nayon. Kaya·t pagkaraan ng dalawampung taongpaglalagalag, isang huling biyahe ang kanyang isinagawa sa pilgrimahe sa Mecca upang tupdinang kanyang obligasyong panrelihiyon. Saka siya umuwi. Ipinagpatuloy niya ang pangangalap ngdamar, isang gawaing inumpisahan niya nang trese anyos, ng unang sinamahan ng kanyang amasa gubat. Matapos niyang matutuhan ang napakaraming bagay sa mundo, lagi niyang sinasabi nakuntento na siya ngayong maging isang hamak na tagakalap ng damar.
 
Si Wak Katok ay singkuwenta anyos. May malakas at matipuno siyang pangangatawan.Maitim ang kanyang buhok, ang kanyang bigote ay mahaba at makapal at ang kanyang braso·tbinti ay namumutok sa buhul-buhol na masel. Ang kanyang mukha ay dinodomina ng buo·tmakakapal na labi at makislap at nananagos sa tinging mga mata. Siya·y eksperto sa pencak.Maraming taong naituro niya sa kalalakihan sa nayon ang tradisyunal na paraang ito ngpagtatanggol sa sarili. Si Wak Katok ay iginagalang din bilang mahusay na mangangaso atshaman, o manggagamot. Ang mga batang miyembro ng grupo ay sina Sutan, na beynte-dosanyos lang pero mayroon ng sariling pamilya. Talib, na beynte-siyete anyos at may asawa attatlong anak; Sanip, na beyntesingko anyos, may asawa at apat na anak; at Buyung, angpinakabata, na katutungtong lang sa pagkadisinuebe at walang asawa.Ang apat na lalaking ito ay naging estudyante ni Wak Katok sa pencak. Nag-aral din sila ngmaharlika sa kanya. Alam nilang darating ang araw na magiging pinuno ng kanilang nayon si WakKatok, isang lalaking itinuturing na lider ng marami, at karapat-dapat na igalang at parangalan.Kailanma·y di nila pinagdududahan ang kanyang salita o gawa. Lumalabas na si Wak Katok angpuno ng mga mangunguha ng damar.Ang ikapitong miyembro ng grupo ay si Pak Balam, na tulad ni Wak Katok ay singkuwentaanyos. Siya·y di masalita, maliit ang katawan pero gayunma·y masipag magtrabaho. Sasinasabing pag-aalsa ng mga Komunista noong 1926, siya·y nadakip ng mga Dutch at apat nataong ikinulong sa Tanah Merah. Ang bata at buntis niyang asawa, na sumunod sa kanya sapreso, ay dinapuan doon ng malarya at nakunan. Dahil dito·y hindi na ito mulingnakapagdalantao. Naging sakitin ito mula noon, at ang pera ni Pak Balam ay naubos sa mgagamot nito.Magkakasamang lagi ang pitong lalaki sa pangunguha ng damar gayong wala silang pormalna sosyohan at bawat isa·y may layong magbenta ng kanyang makalap. Pero dahil pito sila sagrupo, ang pakiramdam nila·y mas ligtas ang kanilang lagay at mas kaya nila ang kanilanggawain. Sa mata ng kanilang kanayon, sila·y mabubuting tao. Si Wak Katok ay iginagalang sakanyang galing sa pencak at pagiging mangangaso. Nang siya·y bata pa, napabalita sa nayon angpaggamit niya ng pencak laban sa isang osong humarang sa kanyang daan sa gubat pero bilangshaman, siya·y kinatatakutan. Pabulong lang mabanggit ng mga tao ang tungkol sa kanyangpagiging salamangkero. May usap-usapan na nagagawa niyang makipag-ugnayan sa mga multo atmasasamang espiritu. Hinangaan ng mga taganayon si Pak Balam. Itinuturing nila itong isangbayani dahil sa paglaban sa mga Dutch. Alam nila na hindi ito Komunista. Napakarelihiyoso nito² malayong maging isang Komunista na di naniniwala sa Diyos o sa relihiyon. Lumaban maging samga kolonyalista si Pak Balam at ang kanyang mga kaibigan dahil sa pang-aapi ng mga iyon sataumbayan, na walang-tigil na pinapatawan ng mga bagong buwis at ninanakawan ng kalayaan atsariling dangal.Si Pak Haji ay nirerespeto dahil sa kanyang edad at dahil nakapaglakbay na siya sa Mecca.Gayunman, hindi siya maintindihan ng mga tao. Mula nang bumalik siya sa kanyangpangingibangbayan,naging parang dayuhan na rin siya. Iniwasan niyang makasal, gayong binubuyo siyang magasawang kanyang pamilya. Ayaw rin niyang maging pinuno ng nayon. Sa umpisa, pinaratangansiyang mapagmalaki ng mga tao, pero di nagtagal, nasanay na ang mga ito sa kakaiba niyanggawi at di siya pinagtakhan. Mukhang kuntento na si Pak Haji na balewalain ng iba.Sina Sutan, Buyung, Talib at Sanip ay itinuturing na disente at maipagkakapuring mgakabataan, tulad ng karamihan sa mga taganayon. Iginagalang sila sa kanilang kapwa, tapat silasa kanilang pagdarasal at pagsamba sa moske, at tulad ninuman ay nakikipaghuntahan sa
 
kanilang mga kaibigan sa mga kapihan. Tumutulong sila sa pagtatayo ng bagong bahay o sapagpapahusay ng mga daan o patubig. Nakikipagbiruan sila. Mabubuti silang ama, kapatid, atkaibigan. Tumatawa sila, umiiyak, nangangarap, umaasa, nagagalit, nabibigatan ang loob, atnalulungkot tulad ng iba sa nayon. Wala silang iniwan sa ibang tao. Silang karaniwang kabataan.Ngayo·y nasa loob sila ng gubat. Dala ni Wak Katok ang kanyang ripple. Bihira niya itong dalhinkapag nangunguha ng damar.Ginagamit lang niya ito kapag nangangaso na balak niyang gawin ngayon.Dalawang buwan na ang nakararaan, nakakita sila ng isang usa na pumasok sa huma, okaingin, ni Pak Hitam, hanap ay pagkain. Naghawan ng lupa sa gitna ng gubat si Pak Hitam napinagtayuan niya ng bahay. Doon nagpapalipas ng gabi ang pitong lalaki kung malapit doon angpinagkukunan nila ng damar.Luma na ang ripple, pero mahusay itong armas. Gustung-gusto iyon ni Buyung.Nakakaramdam siya ng pagmamalaki kapag nakapatong iyon sa kanyang balikat, pahalinhin kayWak Katok. Ang ripple at tsapa ng isang lalaki. Ang isang munting punyal, o kaya·y kris, omaigsing espada na nakasukbit sa baywang ay palamuti lamang sa kasuotan ng isang lalaki, peroang baril sa kanyang balikat ay simbolo ng control na katumbas ay kapangyarihan.Nasisiyahan si Wak katok na ipahiram kay Buyung ang ripple, na inaalagaan nitong mabuti.Tuwing isasauli iyon ni Buyung, iyo·y nalangisan na at nasa mas mahusay na kundisyon kaysapagkapahiram. Panay ang pahid ni Buyung sa kanyon niyong may masalimuot na disenyo, kaya·tang bakal na iyon ay kumikinang nang madilim na asul kapag tinatamaan ng liwanag. Angkamagong niyong puluhan ay nangingintab na itim, madalas na parang pelus. Hindi iyonkakikitaan ng katiting mang alikabok o pulbura.Nag-iipon si Buyung para makabili ng sarili niyang baril, iyong mas makabago. Ang lumangripple na binabalahan sa bunganga, tulad ng kay Wak Katok, ay mabusising ipanghanting. Una,kailangang ibuhos ang pulbura ng kanyon, saka papiping sasalaksakin ng barilya. Tapos, ang balaay kailangang ipasok sa kanyon at pataktak na pabababain. Habang ginagawa ang lahat ng ito,ang usa o baboy-damo ay maaring makatakbo na at mawala. Ang baril na sa bungangabinabalahan, kailangang asintado ang gumagamit ² dapat tumama ang unang kalabit. Walangpangalawang tsansa ang mangangaso.May dahilang magmalaki si Buyung sa galing niya sa baril. Minsan, ang inasinta niya ay angpinakalikod ng tainga ng isang tumatakbong baboy, at doon mismo tumama ang bala. Sa isapang okasyon, siya at si Wak Katok ² kasama ang ilang lalaki sa nayon ² ay nanghahanting ngisang kawan ng mababangis na baboy-ramo, at sa kaliwang mata ng isang naninibasib sa kanyasumuntok ang kanyang bala. Ipinakita ni Wak Katok ang kanyang kababaang-loob nang sabihinghindi niya madadaig ang pamamaril ni Buyung. Galing kay Wak Katok, iyo·y tunay na malakingpapuri, kaya·t kumalat ang reputasyon ni Buyung bilang asintado, bagay na nagbigay sa batangmangangaso ng parang opisyal na katayuan sa nayon. Ang dahila·y ang naunang pahayag ng mgataganayon mismo na walang makapapantay kay Wak Katok sa galing sa papamaril, pangangaso,pagbasa at pag-unawa sa lahat ng uri ng bakas at yapak, at sa pangkahalatang kaalaman samga ugali at gawi ng mga nilalang sa gubat.Bata pa si Buyung ay marami na siyang narinig na kuwento tungkol sa katapangan at galingni Wak Katok. Ayon sa mga istorya, kapag ginusto ni Wak Katok na gamitin ang kanyang mgaparaan sa pagtatanggol sa sarili, napapatay niya ang kanyang kalaban na di lumalapat angalinmang bahagi ng kanyang katawan sa biktima. Sapat nang igalaw niya ang kanyang kamay opaa sa direksyon ng kaaway upang iyon ay bumagsak sa kinatatayuan.Kalat na sa ibang nayon ang reputasyon ni Wak Katok bilang shaman. Magaling siyang

Activity (96)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Wellah Villalas Balonga added this note
salamat may makukuha na akong especial project namin,
Ian Dayanan added this note
thankzzzzzzzzzzzzzzzzz,.,.,.
Joyce Carmona added this note
very good! :)))
Locca Mizxs Thug liked this
Ruth Grace Senia liked this

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->