You are on page 1of 1

ABSTRAK

Ang pamilyang Pilipino ay hindi kumpleto kung walang anak. Ito ay child-centered
na napapatunayan sa mga sakripisyong inilalaan ng mga magulang para sa mga
anak. Pinipili ng mga magulang ang mabaon sa utang kapalit ang edukasyon ng
kanilang mga anak. Sinusubukan nilang mag-ipon ng salapi upang makabili ng
lupa’t iba pang mga pag-aari na maaari nilang ipamana sa kanilang mga anak
upang masiguro ang isang magandang kinabukasan para sa mga ito. Mahalaga ang
posisyon ng anak sa isang pamilya sapagkat ito ang nagbibigay ng anyo nito.
(Medina, 1991)

Tinuturuan ng mga magulang na Pilipino ang mga anak ng mga tamang pag-uugali
at mga bagay na dapat malaman at gawain upang mapagpabuti ang kanilang
buhay. (Ventura, 1991)

Sa nakalipas na mga dekada, unti-unti nang dumarami ang bilang ng mga Pilipinong
nangingibang bansa upang maghanapbuhay – sila ay ang mga Overseas Filipino
Workers. Sa pagkawala ng isa o dalawang magulang, nasisira ang ugnayan ng
pamilya at maaaring malaki ang maging apekto nito sa paglaki ng mga anak.
Nawawala ang pagiging child-centered sapagkat, bagama’t para pa rin sa
kapakanan ng mga anak ang paglisan, hindi na lubos na naaasikaso at
nagagabayan ang mga anak sa kanilang paglaki.

Naghanap ang mga mananaliksik ng tatlong mga mag-aaral na may dalawang OFW
na mga magulang at itinanong kung sila ay maaaring makapanayam. Limampu
pang mga mag-aaral na may magulang na OFW ay sinarbey at pumili mula sa mga
ito ng tatlong mag-aaral na parehong magulang ang naghahanapbuhay sa ibang
bansa bilang mga expatriate. Gamit ang papel, bolpen, isang video camera at isang
voice recorder, kinapanayam ng mga mananaliksik ang anim na mga mag-aaral.

Ang mga survey forms ay itinally at ang mga impormasyong nakalap ay itinala sa
isang talahanayan. Masusing pinag-aralan at nilapatan ng analohiya ang mga
nakalap na mga impormasyon sa panayam upang makuha ang mahahalagang
impormasyon makatutulong para sa pamanahong papel na nauukol sa epekto sa
mga anak ng paghahanapbuhay sa ibang bansa ng dalawang magulang.

Matapos suriing mabuti ang mga datos na aming nakalap, napag-alaman naming
buo pa rin ang tingin ng mga anak ng OFW sa kani-kanilang mga pamilya kahit na
nasa malayong lugar ang kanilang mga magulang sa tulong ng mga makabagong
teknolohiya na kanilang ginagamit upang mapanatili ang komunikasyon sa isa’t isa.
Sa larangan naman ng edukasyon, napag-alaman naming ang paglisan ng mga
magulang, sa halip na makasama, ay nagiging inspirasyon ng mga bata upang
pagbutihin ang kanilang pag-aaral. Patungkol naman sa mga suliraning kanilang
hinaharap, kadalasa’y kaibigan, malapit na kamag-anak o ang Diyos ang nilalapitan
– senyales na kahit papaano ay nagkakaroon din ng pagkakalayo ng damdamin sa
kanilang mga magulang.

You might also like