You are on page 1of 29

Ang Kahalagahan Ng

Pagtatanim
Pagpaplano sa Pahahalaman
 Uri ng lupa
 Pagkukunan ng tubig
 Sikat ng araw
 Layo ng halamang gulay sa mga puno at iba pang
halaman
 Sariwang hangin
Paghahanda ng Pagtatanim
 Ang Paggawa ng Kamang-taniman
1. Ang kamang-taniman ay kailangan may
sapat na lapad at laki.
2. Gumamit ng asarol upang bungkalin
ang lupa.
3. Lagyan ng pataba ang bawat kama.
4. Patagin ang lupa sa pamamagitan ng paggamit
ng kalaykay.
5.Diligan ang mga kamang taniman.
Mga Pamamaraan sa Pagtatanim
1. Ang Tuwirang Pagtatanim
- pinakapayak na pagtatanim
- sa kama tumutubo at lumalaki ang buto hanggang
sa anihin na ang mga ito
- may sapat na agwat ang mga hanay
- patpat ang gamit sa paggawa ng butas na
pagbabaunan ng buto
-bawat butas ay may dalawa or tatlong buto
pagpapatuloy…
pagpapatuloy…

2. Di-Tuwirang Pagtatanim
- ang pagpapatubo o pagtatanim muna na
mga buto sa kahong punlaan
- pagkatapos inililipat sa kamang taniman
hanggang sa ito ay lumaki, mamunga at
anihin ang halaman
- ginagawa ang paglipat ng punla sa dapithapon

kamang
kamangtaniman
punlaan
Ang Pangangalaga ng Halaman
1. Pagbabakod
a. putulin ang mga kakailanganing poste
b. iayos ang lupang babakuran
c. markahan ang paglalagyan ng mga poste
d. hukayin ang butas sa panulukan para sa mga poste
e. ibaon ang mga poste sa mga panulukan
pagpapatuloy…

f. talian ng dalawang pirasong pisi ang tuktok ng


dalawang poste at ganoon din ang ibaba nito
g. ilagay ang mga poste
h. ikabit sa mga poste ang mga pahalang
na kahoy sa pamamagitan ng paggamit ng
baging
i. ikabit ang patayong kahoy sa pahalang na kahoy
pagpapatuloy…

j. itali ang mga patayong kahoy sa pahalang na


kahoy
k. gawin ang tatlong gilid ng bakod at mag- iwan ng isang
agwat para sa pintuan
l. gawan ng pintuang may saraduhan

2. Paggawa ng Balag
- ito ay paggagapangan ng mga halamang baging kung
panahon ng tag-ulan
pagpapatuloy…

- halimbawa ng mga gulay na ginagamitan ng balag:

ampalaya upo
sitaw kamatis
alugbati segundillas
bataw ubi
patani “cucumber”
pagpapatuloy…

3. Pagbubungkal at Paglilinis ng Lupa


4. Pagdaragdag ng Pataba
5. Pagdidilig
Pag-aani ng mga Gulay at Prutas
1. Kapag katamtaman na ang laki ng mga bungang-gulay,
maaari na itong pitasin.
2. Ang kulay ng bunga ay nagpapahiwatig kung maaari
nang anihin ito.
3. Inaani ang mga dahon bago mamulaklak.
4. Ang mga bungang-ugat ay inaani pagdating ng takdang
bilang ng araw.
pagpapatuloy…

5. Inaani ang mga bulaklak ng gulay kapag namumukadkad


na tulad ng koliplower at bulaklak ng kalabasa.
6. Ang mga buto kapag medyo tuyo na ang balat ng bunga ay
maaari nang kunin.
7. Ang mga tangkay habang hindi pa lanta ay kinukuha na.
Ang Pagnanarseri
A. Ang Kahalagahan ng Narseri
- dito ipinupunla, inaalagaan, pinararami at pinagbubuti
ang mga halaman
- upang makapagdulot ang mga ito ng mas magaganda
at malalaking bunga sa madaling panahon
- pwedeng ipagbili ang mga punlang di itatanim
pagpapatuloy…

- mga bahagi ng narseri:


1. lugar na paglalagyan ng mga kagamitan sa
pagtatanim ng mga halaman
2. mga nakaimbak na buto
3. silungan ng ipinunla at pinararaming
mga pananim
pagpapatuloy…

B. Mga Bagay na Dapat Isaalang-alang sa


Pagnanarseri
1. ang uri ng lupang gagamitin para sa pagpapatubo
ng mga punla
2. ang tubig
3. dapat nasisikatan din ng araw at ligtas sa malakas na
hangin at matinding init ang paglalagyan ng narseri
pagpapatuloy…

4. ang narseri ay kailangan may katamtamang


laki lamang
5. pinaliligiran ng bakod ang buong narseri
6. kailangan ihanda ang mga kasangkapan at kagamitan
sa pagpupunla

C. Ang Pagpaplano ng Narseri


1. “Seed bed” o kamang lalagyan ng binhi
2. “Transplant bed” o kamang paglilipatan ng punla
pagpapatuloy…

D. Mga Paraan sa Pagpaparami ng Halaman


1. bulbo (bawang at sibuyas)
a. ihanda ang lupa at dagdagan ng pataba mula
sa hayop
b. putulan ang ugat at ang dahon ng kalahating
haba nito
c. ibukod ang bulbo ng tig-iisa kung ito ay
kumpul-kumpol
pagpapatuloy…

d. gumawa ng butas sa pamamagitan ng kamay o


isang patpat
e. itanim at idiin ang lupa sa paligid ng tanim
f. itanim ang halaman sa tamang agwat ng mga
hanay
pagpapatuloy…

2. tangkay (alugbati)
a. ihanda ang lupa
b. alisin ang malambot na dahon na maaaring
lutuin
c.maghukay ng mga butas na pagtataniman ng
mga tangkay
d. lagyan ang kalahating bahagi ng butas ng
abo at pinulbos na pataba mula sa hayop at
pagkatapos ay tabunan ang itaas na bahagi ng
lupa
pagpapatuloy…

e. itanim ang 2 hanggang 3 tangkay sa bawat


butas at idiin ang lupa sa paligid ng tangkay
f. diligan ang tanim pagkatapos itanim
3. ugat (luya)
a. buhaghagin ang lupa
b. putul-putulin ang luya, bawat putol ay may
supling
pagpapatuloy…

c. itanim ang mga putol sa agwat na 25


sentimetro bawat isa
d. diligan pagkatapos itanim
4. malalaking buto ng gulay (kalabasa at upo)
a. gumawa ng butas na may sukat na 30
sentimetro ang lawak at 30 sentimetro ang lalim
pagpapatuloy…

b. punuing muli ang unang kalahating butas


ng abo at abono na mula sa hayop
c. punuing muli ang isa pang kalahati ng
butas ng “garden soil”
d. magtanim ng 1 hanggang 2 buto at diligan
ito
pagpapatuloy…

E. Paglilipat ng Punla
1. Ihanda ang lupang “loam” at ilagay sa isang
lalagyan. Diligan upang maging mamasa-masa.
2. Ihanda ang lalagyan ng bawat punla.
3.Sundutin ang mga punla ng munting pulutong na
nasa kama.
4. Lagyan ng kaunting lupang “loam” ang lalagyan
na punla. Tingnang mabuti na may lupa sa palibot ng ugat
ng punla.
pagpapatuloy…

5. Dagdagan pa ng lupang “loam” upang mapuno ang


lalagyan ng dahon. Idiin ang lupa sa paligid ng tangkay.
6. Diligan ng tubig. Iayos ang mga lalagyan sa maayos na
hanay, nasa lilim o sa isang ligtas na lugar hanggang sa
magkaroon na ang mga punla ng tunay na
dahon.
pagpapatuloy…

F. Wastong Pangangalaga ng Halaman


1. Kailangan ng isang maingat na pag- aalaga sa
mga punla.
2. Bungkalin nang mababaw ang lupa sa paligid isa
or dalawang ulit sa loob ng isang linggo.
3. Linisin ang paligid ng punla.
4. Diligin ang mga halaman araw-araw tuwing
umaga o sa hapon.
pagpapatuloy…

5. Unti-unting ilantad sa sikat ng araw ang punla


habang lumalaki at lumalago ito.
6. Bakuran ang mga pananim upang hindi pasukin
ng mga mapanirang hayop.
Wakas…

You might also like