Konsepto ng Pagpapahalaga
Isang napakagandang katangian ng mgaPilipino ang mabuting pakikipagkapwa. Likassa isang Pilipino ang mapanatili ng magandang pakikipag-ugnayan, ang umunawa atmagbigay hindi lamang sa pamilya at mga kaibigan kundi maging sa mga higit nanangangailangan. Kilala siya sa kanyang katangiang mapagbigay at mapagmahal atmapaglingkod sa kapwa. Ito ay tatak niya, kaiba sa ibang lahi.
Ang Sikolohiya ng Pakikipagkapwa ng mga Pilipino
Kung tayong mga Pilipino·y naiiba man sa ibang tao, ito·y dahil sa kultura atpambansang pagkatao. Isang halimbawa ang pakikipagkapwa-tao. Bahagi ngkatangiang ito ang pagmamahal, pagbibigay at paglilingkod sakapwa-tao. Unawainnatin ang sinabi ni Patricia Licuanan, isang sikolohista tungkol dito.Mahalaga sa kulturang Pilipino ang pakikipag-ugnayan. Ang salitang kapwa aynagpapahayag ng isang magkasamang pagkatao-ang ako at ang kasama ko o katuladkong Piilipino. Bukas palad ang Pilipino para sa iba. Sa katunayan, kung tratuhin niyaang ibang tao ay sa paraang may pag-galang sa dignidad sapagkat siya ay isangkapwa-tao. Napakasensitibo ng Pilipino sa kalidad ng pakikipag-ugnayan niya saiba.Kungmaganda ang bunga ng pakikipag-uganayang ito, nakadarama siya ng kasiyahanat proteksyon sakanyang pagkatao.
May tatlong element ang pakikipag-uganayan ng mga Pilipino
1.
Pagiging sensitibo at pagdama sa iba (sensitivity or empathy with others
)
.Isasa maaaring banggitin mula sa elementong ito ay ang tinatawagnapakikiramdam o damdamin para sa iba. Sa literal nitong kahulugan, ito aypagdama o pagiging sensitibo sa isang bagay. May kinalaman dito angpandamang bahagi ng katawan ng isang tao, katuladng mata at tainga. Angpakiramdam ay pagtanaw nang higit pa sa nakikita at naririnig, pagmamasid samga sinabi ng tao at pagdama sa mga bagay na hindi niya sinasabi. Sa ibangkultura,mahalaga kung ano mismo ang namutawi sa bibig ng kausap. Subalit sakulturang Pilipino , tinitignan natin ang ekspresyon ng mukha at tono ng bosesupang talgang maunawaan ang sinasabi ng kausap.