You are on page 1of 2

Liham kay Rizal, Aking Bayani Sa bawat takip-silim ay may umuusbong na panibagong bukang-liwayway. Paulit-ulit lang ng paulit-ulit.

Kung ihahambing ang kasaysayan ng ating bansa sa paulit-ulit na paglitaw ng liwanag sa umaga meron na nga kayang liwanag tayong natatamasa? Sa liham kong ito para sayo, aming pambansang bayaning Gat Jose Rizal, nais kong masagot ang katanungang ito na nag-ugat sa kagustuhan kong malaman bilang bata kung kami nga bang tinuringan mong pag-asa ng bayan ay pag-asa mo pa ring maituturing magpahanggang ngayon. Para ipaunawa sayo aming dakilang bayani ang sitwasyon ng kasalukuyan ay hayaan mo akong magsalaysay o magtanong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng aking liham. Tamad nga ba si Juan? Sa dami na ng dekadang lumipas buhat ng tayo ay magapos sa pagkaalila sa kamay ng nooy ipinaglaban mong bansa sa kamay ng mga Kastila, ano na nga ba ang nabago at nagsilbing liwanag ng ating bansa sa kasalukuyan. Sa ating paglaya sa kuko ng agila, masasabi pa rin nga kayang tayoy tunay na naging malaya? Sa dilim ng ating nakaraan nakahanap ang ating mga bayani ng sinag na nagsilbing gabay upang maisalba ang lahat ng mga Pilipino tungo sa kasarinlan at kalayaan. Masaya na ba tayong mga tumatamasa nito sa ngayon? Doon na nga kaya natapos ang ating pakikipaglaban? Sa bagay, ano pa nga bang pakikipaglaban ang gagawin gayong sinasabi naman na nakalaya na nga daw tayo? Nakakaumay na siguro sa makabagong panahon o di kayay nakakahiya ang sabihing ipaglalaban ko ang aking bayan. Masyadong makalumang pakinggan, baka lang mapagtawanan. Subalit hindi kaya nagagapos pa rin ang ating bansa sa tanikala na nagbubuhat sa ating sarili? Sabi mo, Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Maraming nagtanong mula pa noon kung nasaan na ang mga kabataang yaon, hindi pa rin ata naisisilang hanggang sa ngayon. Maaari kasing magdahilan ang mga kabataan kung sisihin mo sila kung bakit hindi pa rin nila ginagampanan ang kanilang parte sa pag-asa. Hindi ka naman daw nila narinig nung sabihin mo iyon. Narinig ka nga ba ng mga kabataang Pilipinong pinatutungkulan mo ng iyong pamosong linya? Sa halip atang magsilbing papuri ito para sa kanila ay tila nalimot na ito at nabalewala. Magandang hamon sana kaso walang gustong lumaban. Maging mabisa kaya ito kung ang nakatatanda ang magsimula ng laban para sa pagasa? Hindi naman siguro masama pagkat sa kabataan din sila nagmula. Kung magkagayoy may tutularan ang bagong kabataan kung paano nga ba maisasakatuparan ang sinasabi mong pag-asa ng ating bayan. Ito lang siguro ang hinihintay naming mga kabataan. Ang magkaroon ang modelo at gabay para matularan namin. Siguro naman sa ganoong paraan ay may mangyayari na sa matagal ng hinihintay ni Juan. Ang pumatak ang matamis na bayabas na matagal na niyang hinihintay na pumatak sa kanyang bibig. Ang pag-asa ay hindi nananakaw subalit kailangang kumilos upang makamit ito. Maghintay kung kinakailangan subalit sa tamang pagkakataon. Hindi kinuha ni Juan ang bayabas sa puno sapagkat kung ginawa niya ito siyay magiging isang magnanakaw dahil hindi naman siya ang may-ari ng bayabasan. Matapat siyang tao at mas pinili niyang maghintay dahil alam naman niyang hinog na ito at malapit ng pumatak. Hindi siya isang tamad. Hindi dapat maging tamad ang mga Pilipino na lumaban para makamit ang tunay na pag-asa.

Naghihintay ang tunay na liwanag. At sa palagay ko aking minamahal na bayaning Gat Jose Rizal, itoy isa lamang sa nais iparating ng ating inang bayan sa kanyang mga anak sa kasalukuyan at ganon ka na rin.

You might also like