You are on page 1of 5

ANG PAGBANGON NG VIETNAM Isa sa mga pinakamasalimuot na kasaysayan sa buong TimogSilangang Asya ang bansang Vietnam.

Saksi ang bansang ito sa ibat ibang digmaan, na ang pinakatanyag ay ang Vietnam War. Malaking bilang mga taga-Vietnam ang lumikas sa ibat ibang bansa tulad ng Pilipinas sakay ng Bangka, hindi alintana kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanila sa banyagang lupain. Sa loob ng mahabang panahon, nabalot ng kahirapan ang buong bansa dahil na rin sa hindi matapus-tapos na digmaan. Sa panahon ng digmaan, lumabas ang tunay na katangian at pagkakakilanlan ng Vietnam. Dama ng mga bansa sa Kanluran tulad ng United States at France ang katapangan ng mga taga-Vietnam nang pabagsakin nila ang puwersang Amerikano sa kanilang sariling lupain. Hindi inaasahan ng lahat ang nangyari, napilitang lisanin ng mga sundalong Amerikano ang lupain ng Vietnam. Ipinakita rin ng Vietnam ang katatagan ng loob ng mga Asyano. Sa kabila ng mahabang panahon ng digmaan, unti-unting bumangon ang Vietnam at muling nanumbalik ang siglang matagal nang nawala sa bansa. Tulad ng Pilipinas sa dumaan din sa mahabang panahon ng pananakop, muling nabuhay ang ekonomiya ng Vietnam. Sa kasalukuyan, kilala ang bansang Vietnam bilang isa sa mga umuunlad na bansa sa Asya. Nababago na rin ang pangit na pagkakakilanlan ng bansa dahil sa tagumpay ng mga

Vietnaese sa ibat ibang larangan. Sa SEA Games na ginanap sa Pilipinas noong 2005, pumangalawa ang Vietnam sa Pilipinas sa pinakamaraming gintong medalyang nakamit. Kahanga-hanga ito sapagkat matagal nangulelat ang bansang ito sa larangan ng isports sa buong Timog-Silangang Asya. Kasabay ng pagbangon ng bansang Vietnam, unti-unti ring sumigla ang panitikan ng mga taga-Vietnam. Ang mga talentong pansining na matagal ding hindi nasilayan dahil sa giyera ay unti-unti na namang nararamdaman sa buong bansa. Kung pangitain ang kasiglahan ng panitikan sa kinabukasan ng isang bansa, masasabi nating sigurado na ang pagunlad ng bansang Vietnam. ANG INDONESIA PILIPINAS AT ANG

Ang Indonesia ang pinakamalaking kapuluan sa mundo. Ito ang pinakamalaking Islamikong bansa sa buong daigdig at ito rin ang isa sa pinakamataong bansa sa buong mundo. Kung kasaysayan naman ang paksa, ang Indonesia ang isa sa mga sinaunang sentro ng sibilisasyon. Ang bansang ito rin ang isa sa bansang pinakabiniyayaan ng likas na yaman sa buong mundo, mula sa kape hanggang sa gas at langis. Ang Indonesia rin ang isa sa may pinakamakulay na kasaysayan. Sa kabila ng mga pinaka- na ito, hindi pa rin makaungos nang todo ang bansang Indonesia. Kung ikukumpara sa Thailand o Malaysia, masasabi nating nakauungos ito noon kung kasiglahan ng ekonomiya ang pagbabatayan. Ngunit dahil sa hindi

matapus-tapos na akusasyon ng katiwalian sa pamahalaan, at ang hindi bahagi ng kapuluan nito tulad ng nangyayari sa Pilipinas, bumagal ang pag-unlad ng bansang Indonesia. Sa kasalukuyan, mahahanay ang bansang ito sa may pinakamabagal na pag-unlad sa kabuuan ng Asya. Malaki ang pagkakatulad ng bansang Indonesia sa bansang Pilipinas. Mas malaki man ang bansang Indonesia sa Pilipinas. Halos pareho naman ang kasaysayang pinagdaanan ng dalawang bansa. Kung matagal na napasailalim ang Pilipinas sa mga Kastila, Hapon, o Amerikano, matagal ding nagdusa ang mga taga-Indonesia sa pamumuno ng mga Olandes. Pinamumunuan din ang bansang Indonesia ng iisang Pangulo sa loob ng mahabang taon. Tulad ng Pilipinas, hanggang ngayon ay nakikipaglaban pa rin ang bansang Indonesia sa banta ng terorismo, katiwalian sa pamahalaan, digmaan dahil sa relihiyon at paniniwala, lumalaking bilang ng populasyon at laganap na kahirapan. Malaki ang potensyal ng bansang Indonesia na umunlad dahil sa likas na yaman nitong taglay. Hindi tulad ng mga kapitbahay nito sa TimogSilangang Asya, ang Indonesia ay may malaking deposito ng langis na maaari nitong pagkakitaan. Ngunit bago maging ganap ang pag- unlad ng bansang ito, kailangan munang ayusin ang mga bagay na nagiging sanhing problema sa loob ng pamahalaan. ANG BUDDHISMO SA THAILAND Isang pinag-isang Kahariang Thai ang itinatag noong kalagitnaan ng ika-14 na siglo. Kilala bilang Siam hanggang

1939, ang Thailand ang tanging bansa mula sa Timog-Silangang Asya ang hindi nasakop ng mga mananakop na Europeo. Sa pangkalahatan, agrikutural ang bansa ngunit may mga industriya sa malalaking siyudad. Nobentay singko porsyento ng populasyon ay Buddhista, at mga kaisipang Buddhista ang pinag-ugatan ng kultura at mga kaugalian. Lubhang mahalaga ang papel ng Buddhismo sa buhay ng tao. Sa pagsilang ng isang bata, itinakda na ang kanyang relihiyon. Lumalaki siya sa piling ng mga monghe at templo, kantahan at mga ritwal. Karaniwan ang pag-oordina sa batang lalaki sa pagkanobisyado, lalo na sa oras ng pagkamatay ng isang nakatatandang kamag-anak, magulang o nuno. Sa nobisyado, nabibigyan ng pagkakataon ang isang batang lalaki na makatuntong sa mas mataas na pag- aaral. Kadalasan, nanatiling nobisyado ang isang batang lalaki hanggang sa magbinata siya, at sa gulang sa dalawampu, hindi malayong piliin niya ang pagmomonghe. Karaniwang idinaraos ang pagmomonghe sa panahon ngPhansah (Rains Retreat), kung kailan nagreretiro ang mga monghe para sa tag-ulan. Higit na nagiging mabuting mamamayan ang pamumuhaymonghe. Ang tapat na tagasunod ni Buddha ay kusang-loob na nabubuhay ayon sa limang aral nito - mga aral na papatnubay sa kanya sa proseso ng pagsilang at muling pagsilang, at mailigtas sa kanya sa mga paghihirap. Walang gantimpala o parusa, langit o impiyerno para sa mga sumusunod o

susuway sa mga aral, pero malinaw na ang mga ginagawa nilay magreresulta lang ng dapat mangyari, bukas-makalawa. Ito ang tinatawag nakarma. Ang karma ng tao ang nagtatakda ng magiging kondisyon ng pang-araw-araw na buhay niya, at anumang karma ang matira sa oras ng kamatayan ay dadalhin sa susunod na buhay at magsisilbing kondisyon sa muling pagkabuhay. Sa edad beynte-uno, obligadong magpatala saarm y ang isang lalaki ngunit sa paraang palabunutan. Kung mabunot ng binata ang pulang pitsa mula sa kahon, magseserbisyo siya sa loob ng dalawang taon; kung itim, nakalibre siya. Ang serbisyo, na kadalasang nagaganap pagkaraan ng pagmomonghe, ay nagpapalubos sa pagkalalaki ng isang binata, at naghahanda sa kanya sa pag-aasawa. ANG PANITIKANG CAMBODIAN Ang sentro ng Panitikang Cambodia ay ang mga mito at alamat na naipasa sa pamamagitan ng salindila. Karamihan nito ay mga kuwento ukol sa mga naunang buhay ni Buddha at mga epiko mula sa India. Nang maipakilala ng mga Pranses sa Cambodia ang limbagan noong mga 1930s, sumulpot na rin ang mga nobela. Nagsimula muna ang mga nobela sa anyo ng mga serye sa pahayagan hanggang sa tuluyang ginamit ang mga ito sa mga paaralan at nagawan pa ng bersyon ng mga ito sa pelikula. Noong simula ng dekada 70, limampung nobela isang taon ang nailathala sa Cambodia. Sa panahon ng Khmer Rouge noong 1975-1979, nalimitihan ang mga

panitikan sa mga tula ukol sa agrikultura, mga magsasaka, at mga rebolusyonaryong awit. Walang mga nobelang naisulat sa Cambodia. Ang ilang mahahalagang akda ay nasulat ng mgar ef ugee sa Pransya at Thailand. Sinira rin ang mga kagimbalgimbal na mga taong iyon ang sinaunang panitikan ng Cambodia. May dalawa hanggang apat na milyong Cambodian ang namatay sa ilalim ng kalupitan ng rehimeng Khmer Rouge na pinamumunuan ni Pol Pot. Daan-daang libo ang tumakas sa Thailand at iba pang bansa. Sa pagsisikap na magtatag ng isang komunistang lipunang pantay- pantay, malupit na pinatay ng Khmer Rouge ang mga nasa panggitna at mataas na uri. Kabilang dito ang mga opisyal, negosyante, at edukadong propesyonal. Pilit na pinagtrabaho sa mga komyun (commune) sa lalawigan ng mga tagalungsod. Nahati ang mga pamilya. Ipinasara ang mga paaralan, monasteryo, bangko, tanggapan at aklatan. Kinumpiskang lahat ng mga pribadong pag-aari. Pinawi ng Khmer Rouge ang lahat ng makapagpapaalala sa nakaraan ng Cambodia kabilang na ang mga libro at panitikan at kung tutuusin, gayon na rin ang dalawang libong taon na kasaysayan ng Cambodia. Matapos ang 1979, unti-unti nang muling binuhay ang panitikang Cambodia. Bagaman noong dekada 80, pawang mga propaganda lamang ito ng estado, may mgar ef ugee na rin na nagsikap na muling ilimbag ang mga klasikong akdang pampanitikan tulad ng mga kuwentong bayan. ANG DISIPLINA NG SINGAPORE

Pinatunayan ng Singapore na hindi batayan ang laki ng isang bansa upang masukat kung gaano sila kaunlad. Para sa kanila, maliit man ang kanilang bansa, ito ay nakapupuwing din. Kakaiba sa maraming bagay ang bansang Singapore. Isa ito sa pinakamaliit na bansa sa buong mundo ngunit isa rin sa pinakamayaman. Kilala ito sa kalinisan at kaayusan. Isa rin ang bansang ito sa may pinakamababang bahagdan ng korupsyon sa buong mundo. Ang dahilan kung bakit maunlad ang bansang Singapore ay hindi nakasalalay sa likas na yamang taglay ng kanilang bansa. Napakaliit nito at kung ikukumpara sa kung ano ang mayroon ang Pilipinas, wala pa ito sa kalingkingan. Ang kanilang pag-unlad ay bunsod ng disiplina ng kanilang mamamayan. Ano pang bansa ang alam mo maliban sa Singapore ang may batas na bawal kumain ng bubble gum dahil ayon sa mga namamahala rito, posible itong makadagdag sa dumi sa kapaligiran? At saang bayan ka makakikita na lahat ng mamamayan ay tumatalima sa ganitong uri ng batas? Disiplina. Iyan ang isang bagay na kailangan pang hasain nating mga Pilipino upang umunlad ang ating bansa tulad ng kapitbahay nating Singapore. Naging armas nila ang kanilang disiplina upang makaahong muli bilang isang malayang bayan. Tulad ng Singapore. Inspirasyon ng marami ang mabilis na pag-unlad ng bayang ito, mula sa isang mahirap na bansa noon 1800s hanggang sa

pagiging industriyalisadong bansa sa kasalukuyan. Bakas na bakas ang disiplina sa ibat ibang aspekto ng kultura ng Singapore. Kitang-kita rin ito sa ilang panitikan na nagmula sa kanilang munting bansa. Maraming aral ang maaring natutuhan ng ibang bansa sa Singapore, lalunglalo na sa larangan ng disiplina at pamamalakad sa pamahalaan. Isa ang bansang ito sa mga karapat- dapat tularang bansa sa buong Asya, at maging sa buong mundo. ANG PANITIKAN NG MALAYSIA Sinasabing nagsimula ang modernong panitikang Malay sa mga hikayat, isang akdang romantiko sa tuluyan. Isa sa mga pangunahing impluwensiya sa pag-unlad ng modernong kathang Malay. Ang pinagsamang indibidwalismo at realismo sa panulat ni Abdullah ay bago sa mundo ng panitikang Malay. Bago noon, tanging ukol sa mga makabalaghang prinsipet prinsesa sa mga makalangit na kaharian ang mga namayaning katha. Noong mga 1920-1930, unang nalathala ang mga nobelat maikling kuwento. Sa simula, walang layuning pamapanitikan ang mga ito, maliban sa layuning didaktibo o pagkintal ng mabubuting aral. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, umiral ang isang bagong pagmumulat pampanitikan. Mula sa Unibersidad ng Malaya, nabuo ang samahang Asas 50 na nagpasigla sa klimang pampanitikan at nagbigaydaan sa diskurso at

eksperimentasyong pampanitikan. Naging islogan ng Asas 50 ang Sining para sa Lipunan. Bagaman patuloy na sumulat ang mga manunulat ukol sa mga suliranin ng lipunan, hindi nila tinalikuran ang pansining na aspekto ng pagsusulat. Ang Kuala Lumpur ang naging sentro ng modernong panitikang Malay noong dekada 60. Hindi nalalayo sa ating Carlos Palanca Award for Literature, nagbigay-daan ang Dewan Bahasa Dan Pustaka sa panghihikayat na malimbag at mabigyan ng parangal ang mga katha ng batikang manunulat. Ilan sa mga makabagong manunulat na namumukod-tangi sina Shahnon Ahmad at si Anwar Ridhwan. Mababanaag sa mga nobela ni Ahmad ang kuwento ng buhay ng mga magsasaka mula sa isang nagkakaunawaang pananaw at sa paraan ng pagsasalaysay sa masidhi at makapangyarihan. Sa mga maikling katha ni Ridhwan, mabisa niyang nagamit ang pamamaraang eksperimental at makabago upang umayon sa karanasang Malay.

You might also like