You are on page 1of 10

Mga

nagtitinda sa paligid

By:Avellaneda,John Edrin S., Salazar,Jan Michael, Valdez Zyan

Panimula

Ang napili namingpag aralan ay tungkol sa mga nagbebenta sa paligid dito sa Baguio City ditto mismo sa Burnham Park.Nais naming malaman ang ibat-ibang binebenta ng mga tao at kung paano nila ibinebenta ang mga ito at kung anu-ano angmga epekto nito sa kanilang buhay at paano rin ito nakakaapekto sa lipunan.pag-aaralan din naming kung sino-sino ang mga kadalasang mga nagbebenta sa paligid at kung anu-ano ang kadalasang araw na marami ang bumibili at para din malaman ang ibat-ibang problema na kinakaharap ng mga nagbebenta sa paligid,kung anong mga okasyon ang mas marami talaga bumibili sa kanila ,kung sumasapat ba ito sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay,kung napag-aaral ba nila ang kanilang mga anak at nakukuha pa ba nilang matugunan ang kanilang mga luho o mga bisyo katulad na lng ng paninigarilyo lalo na ngayon na nagmamahal na ang sigarilyo.Sa ginawa naming pananaliksik ay nais rin naming malaman kung saan sila kumukuha ng mga ibinebenta at kung gaano katagal ang inaabot nito bago masira,nais rin naming malaman sa aming ginawang pananaliksik kung anong oras sila nagsisimula at kung

anong oras sila natatapos sa kanilang pagtitinda.Dito ay inalam rin naming kung saang lugar ba sila nagmula o kung saan talaga sila nakatira,kung taga ditto ba sila sa baguio o kaya naman ay taga ibang lugar sila na napadpad lang sila ditto dahil sa pamilya o kung ano pa man ang kanilang mga dahilan kung bakit sila ay nandito ngayon sa Baguio City at nagtitinda sa Burnham Park.

Paraan ng pananaliksik

Noong una ay hindi naming alam kung paano at kung saan kami hahanap ng mga taong maari naming ma-interview tungkol sa aming paksa,kung ano ang mga kailangang gawin para hindi sila umiwas sa aming mga tanong naming at sa kabilang banda,para hindi kami makaabala sa kanilang pag nenegosyo.Isang araw matapos ang aming klase sa Sociology 1 ay tumungo kami sa Burnham Park,ditto naming naisipang pumunta para mag-interview

dahil marami ditong mga nagtitinda na maari naming ma-interview para sa aming paksa at ito ay ang paksa na Mga nagtitinda sa Burnham Parkat sa aming palagay ay wala ritong maraming bumibili hindi katulad ng mga nagtitinda sa palengke na halos hindi mo sila makakusap ng matagal sa kadahilanang marami sa kanilang mga bumibili at ng makarating na nga kami sa Burnham Park ay tama nga ang aming palagay dahil bukod sa walang

masysadong mamimili ay kami lang ang bumibili nung mga oras na iyon,bukod kasi sa amin ay wala ng mamimili sa mga tinder na aming tatanungin at isa pang dahilan kung bakit walang masyadong mamimili nung mga oras na iyon ay sa kadahilanang may kalayuan ito sa may palengke at noong nagpunta kami sa Burnham Park ay patay ang oras,ibig sabihin ay wala talaga maraming mamimili kapag ganung oras.Ang aming unang kinausap ay o ininterview pagdating naming doon ay si ate Pas na nagtitinda ng mani,an gaming unang ginawa ay bumili muna kami ng kanyang paninda na mani at pagkaubos naming ito kainin ay bumili ulit kami ng panibagong mani at doon ay amin ng sinimulan ang pagtatanong o pag-interview sa kanya.si aling Pas ay may kabaitang tao,sinagot nya ng maayos ang lahat n gaming mga katanungan at sa totoo nga nyan ay may saya rin sa mukha ni aling pas habang tinatanong naming siya.Matapos naming matanong si aling Pas ay inilagay naming sa aming mga bag ang aming biniling mani kaya ling Pas at naghanap na kami ulit ng panibagong ma-iinterview o matatanong,habang kami ay naglalakad sa Burnham Park ay nakakita kami ng may katandaan na nagtitinda ng chicharon na baboy,mga chicharap at mga inumin at sa kanya naming naisipan lumapit at isagawa ang pangalawang pagtatanong.Ang matandang ito ay nag ngangalan na aling Oreng,kasama na nya ang kanyang apo sa kanyang pagtitinda dahil marahil siya ay may katandaan na rin kasi. Bumili kami sa kanya ng tig-iisang chicharong baboy at inumin,bago naming iyon kainin ay nagsimula na kaming magtanong sa kanya,hindi katulad ng aming unang tinanong na si

aling Pas si aling Oreng ay may kadaldalan rin kaya naman kaya kahit may katandaan na rin siya ay hindi kami nailing magtanong sa kanya sa totoo nga nyan sa kanyang kadaldalan ay pati yung mga bagay na hindi na naming kailangan malaman ay amin itong nalaman dahil sa kanyang pagbibida,pero pagpapasalamat na rin naming sa pagiging madaldal nyang ito dahil nakuha namin o nalaman naming ang mga bagay na kailngan sa aming paksa,natuwa nga kami sa kanya at sabi pa naming ay ay sana ganun na lang kaya ling Oreng kadaldal ang lahat n gaming interviewen para hindi kami mailang at mahirapan sa pag iinterview,matapos naming ma-interview si aling Oreng umupo muna kami sa isang upuan sa Burnham Park at doon ay kinain na naming ang chicharon na binili naming kaya ling Oreng pati na rin ang mani na binili naming kay aling Pas at habang kumakain nga kami sa upuan ay mayroon pa nga na mga bata na bigla na lang kinukuha ang pagkain namin na nakalagay sana sandali sa likuran naming,binawal naming ang mga batang iyon sabi naming ay hindi nila dapat ginagawa yun at ibinigay namin sa kanila an gaming natirang pagkain ngunit hindi ang aming inumin sapagkat nauuhaw kami nung mga oras na yun,habang nakaupo kami sa upuan ay tumitingin tingin na rin kami ng mga tinder na maaring ma-interview at pagkatapos naming kumain ay nagsimula na ulit kami maglakadlakad para maghanap ng mga tindera na maari naming ma-interview at habang naglalakad

kami ay nasalubong namin ang isang lalaki na naglalako ng ibinebenta nyang taho at ito ay si manong Erning,tinawag naming siya at bumili kami ng taho sa kanya at pagkabigay niya sa amin ng taho ay sinimulan na naming siyang tanungin ngunit parang nagmamadali si manong Erning pero hindi naman naming siya masisi dahlia maaring mayroon din siyang kota ngayon na maibenta kaya hindi rin kami nakapagtanong ng maayos sa kanya.Matapos naming matanong si manong Erning ay umupo muna ulit kami sa isang upuan at dito ay nagpahinga nga kami,madami na rin kaming nakain nung mga oras na iyon kaya naman nagpahinga muna kami doon upang magpababa n gaming mga kinain.Habang nagpapahinga kami doon ay may natanaw kami na nagtitinda ng sorbets at naisipan naming na iyon na lamang ang isunod na interviewen,bata pa lamang ang naglalako na iyon at aking palagay ay ito ay nasa ika-11 taong gulang pa lamang at bukod sa bata pa ito ay payat din ang kanyang pangangatawan,ang pangalan ng batang iyon ay si Mak,masyado siyang bata para maghanap-buhay sa halip na nasa paaralan at nag-aaral ay nasa kalsada siya araw-araw,naglalako ng kanyang paninda na sorbets.Hindi ko rin talaga naiwasang maawa sa batang iyon dahil bukod sa mapayat na siya ay nanginginig na rin ang kanyang mga kamay,noong una akala ko ay pasmado lamang ang kanyang mga kamay subalit ng tanungin naming siya kung kumain na siya ng tanghalian ay doon naming nalaman na dahil ito sa gutom dahil alas 2 na ng hapon ay hindi pa siya kumakain ng tanghalian kaya naman

ng malaman namin iyon ay dinoble namin ang binili naming sa kanyang sorbets,bago kami umuwi ay naghanap muna kami ng nagtitinda ng manga para interviewen,ito ang napili naming ihuli para pang himagas sa lahat n gaming mga kinain dahil sa mga binili naming sa mga ininterview naming at habang naglalakad kami ay nakita naming ditto si aling Rona,si aling Rona ay nagtititnda ng manga,bumili kami sa kanya ng mangga at sa upuan sa tabi nya ay doon kami kumain ng binili naming manga kaya aling Rona,bago iyon maubos ay tinanong na naming si aling Rona,medyo tahimik si aling Rona pero hindi naman siya masungit kaya na-interview na naming siya ng maayos.At si aling Rona na nga huli naming tinanong kaya naman pagkatapos naming siya interviewen ay umuwi na rin kami,umuwi ng busog at puno ang ang amikng tiyan.

Resulta

Ayon sa aming pagsusuri tungkol sa mga tinder sa tabi ng kalsada o daan na karamihan elementarya lamang ang natpos at hindi na nakatungtong ng sekondarya katulad na lamang ni Mak na naglalako ng sorbets na aming ininterview.Siya ay taga Hilltip dito sa Baguio City at may isang taon na rin siyang naglalako ng sorbets,sa halip na nag-aaral ay naglalako siya ng sorbets mula alas 8 ng umaga hanggang ala 1 ng hapon o mas higit pa,sa hirap ng ginagaw niya at sa pagod na natatamo niya sa murang edad ay tumutubo lamang siya ng

dalawang piso sa bawat isang sorbets at sa dalawang pisong ito ay kailangan pa nila maghati ng taong nagbibigay sa kanya ng sorbets na kanyang itinitinda kaya kung iisipin ay sobrang liit lang ng kinikita niya sa trabahong ito sa kabila ng pagod sa paglalako,kahit na sabihin natin na wala silang permit na binabayaran ay hindi naman katumbas nito ang pagod na natatamo nila tulad na lang ni manong Erning na naglalako ng taho siya ay taga Tarlac City pero sumuba pa siya rito sa Baguio City para mag hanap-buhay,buhay kasi rito sa Baguio City ang pagtitinda ng taho,bukod sa malamig na klima ay naging tatak ana rin kasi ng Baguio City ang mainit at masarap na taho kaya naman ito ay talagang tinatangkilik ng mga turista.Hindi ilokano si manong Erning pero ang kanyang asawa ay ilokano at mayroon silang 5 anak,kung ikukumpara ang trabaho ni manong Erning kay mak na nagtitinda ng o naglalako ng sorbets ay higit na mas mahirap ang trabaho ni manong Erning kaysa Mak dahil si mak ay naglalako ng sorbets mula alas 8lamang hanggang als 1 ng hapon samantalang si manong Erning ay naglalako nan g taho alas 5 pa lamang ng umaga hanggang alas 9 ng umaga at maglalako ulit siya mula alas 12 ng tanghali hanggang alas 5 ng hapon.Sa aming pagsusuri ay nakatagpo kami ng tinder na nagtitinda na noong taong 1978 pa lamang,hindi pa kami ipinapanganak ng mga kasama ko sa pag iinterview ay nagtitinda na pala siya nung mga panahon na iyon,ito ay si aling Oreng na nagtitinda ng mga chicharong baboy,chicharap at mga inumin siya ay taga Talaver,Nueva Ecija pero dahil

taga Baguio City ang kanyang asawa ay dito na rin siya nanirahan,nagkaroon sila ng 5 anak ng kanyang asawa.Alas 4 pa lamang ay gumigising na si aling Oreng para gumayak at magluto na rin ng kanilang umagahan at tanghalian para pagdating doon ay hindi na sila masyadong gagastos,alas 5 ng umaga ay nasa Burnham Park na si aling Oreng para mag ayos ng kanyang mga paninda,andun sila mula alas 5 ng umaga hanggang hanggang alas 7 ng gabi,mayroon din silang color code kung tawagin,ito yung paghahalininan nila sa pagtitinda tulad ni aling Oreng na nagtitinda lamang siya tuwing martes,huwebes at sabado.Isa rin si aling Oreng sa mga patunay na hindi hadlang ang kahirapan sa pagtataguyod ng kanyang mga anak sa edukasyon dahil 3 sa kanyang mga anak ngayon ay nagtatarabaho sa ibang bansa.Mula kaya ling Oreng na nagsimulang magtinda noong 1978 at halos 35 taon ng nagtitinda ay nakilala naman naming si aling Rona na 11 taon ng nagtitinda ,siya ay nagbebenta ng manga,si aling Rona ay taga Guimba,Nueve Ecija ditto siya nanggaling at napadpad lamang siya rito sa Baguio City dahil taga rito ang kanyang napangasawa katulad na rin ni aling Oreng na tubong Nueve Ecija rin sa Talavera.Si aling Rona ay mayroong 7 anak ng kanyang asawa.Alas 6 pa lamang ay umaalis nan g bahay si alng Rona patungo sa Burnham Park sapagkat unahan sa pwesto ang labanan ditto,kadalasan ay alas 8 ng umaga ay nagtitinda na si aling Rona at inaabot na siya rito hanggang alas 6 ng hapon.Katulad ni aling Oreng ay mayroon din silang color code,si aling

Rona ay kumukuha ng kanyang mga itinitindang manga sa palengke,kapag nababalatan na ang mga ito ay isang araw lang itinatagal nito.Mula sa tagal ng pagtitinda na 11 taon ay dumako naman tayo kaya ling Pas na wala pang 1 taon na nagtitinda,si aling Pas naman ay nagtitinda ng mani,siya ang tubong Pangasinan,bukod sa pagtitinda ng mani ay mayroon pa silang ibang hanap-buhay at ito ay ang pagtitinda ng mga drygoods,ang asawa ni aling Pas ay isang foreman at mayroon silang 2 anak.Si aling Pas ay nagsisimulang magtinda n gals 10 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi,kapag malapit na maubos ang kanyang paninda ay mayroong nagdadala sa kanya.Sa lahat n gaming na interview ay si aling Pas ang pinaka delikado sa lahat dahil inaabot siya n alas 10 sa kanyang pagtitinda at bukod pa rito siya ay isang babae.

Analisis/Diskusyon

Sa aming pananaliksik ay amin din napag alaman na sa pagtitinda ng mga tinder sa Burnham Park ay mayroong mga color code,ito ay ang kulay asul at orange.Ito ang nagsisilbing bagay para malaman kung sinu-sino ang mga magtitinda sa natakdang araw,ang kulay na asul ay pang araw na lunes,miyerkules,biyernes at lingo at ang kulay orange naman ay pang araw ng martes,huwebes at sabado,kung ating mapapansin ay mas marami ang araw ng mayroong color code na asul.Isa pang kaalaman an gaming nakuha

dahil sa color code na ito,ito ay ang swertihan sa araw na matatapat sila sa araw na mayroong malaking pagdiriwang ditto sa Baguio City at siyempre kapag mayroong malaking pagdiriwang dito sa Baguio City ay maraming tao ang dadagsa ditto at kung anong color code ang matapat ditto ay sila ang maraming mabebenta,katulad na lang kapag panagbenga o kaya naman kapag ipinagdiriwang ang pagtatapos ng panagbenga tuwing ika-2 ng marso.Ang mga taong nagbebenta sa paligid o kaya naman ay ang mga naglalako ay mayroon din malaking bagay na ginagampanan sa ating lipunan na kadalasan ay hindi natin nabibigyan ng pansin,isipin na lang natin kung walang mga nagbebenta at naglalako sa paligid,marahil ay lagging puno ang mga kainan at hirapan sa pagpila na kahit na gutom na gutom ka na ay kailangan mo pa munang pumila sa mahabang pilahan at paano na lang din ang mga taong nagtitipid na tinitipid ang kanilan mga pera na nais bumili ng mas murang pagkain para ilaan sa aibang bagay katulad na lamang ng pang gastos sa proyekto sa paaralan,pamasahe,pang-gasolina at iba pang mga bagay.Isa pang bagay na ginagampanan ng mga nagbebenta at naglalako sa paligid ay ang pagiging malapit nito sa mga namamasyal sa Burnham Park at mabilis makabili kaya kapag namamasyal tayo ay sila ang pinakamadaling puntahan

You might also like