You are on page 1of 1

Pananabik Jenn Krystel C. Zaraspe Kay tagal kang hinintay Muli kang makaulayaw.

Lalamunan kong tuyot, isip na pagal Di maiwasang matakot Ayaw isiping ikay nakalimot. Pagkatapos ng kay tagal na init Aking kataway nananabik Sa sarap na iyong hatid. Bawat pagdantay ng katawan Halos ikabaliw, ikawala ng ulirat Dulot moy di matatawarang kaligayahan Sa dating salat na pakiramdam. Sa bawat pag-indayog ng aking katawan Sumasabay sa ritmong kinababaliwan. Labis kong pinananabikan Paglipas ng mga araw gustong bilisan Masyadong gumon sa pagdating ng tag-ulan.

You might also like