You are on page 1of 9

Proyekto sa AP

Ms.M.G.Pineda

Irish Mae B. Abad

Grade 8-PILOT

Ang taglagas (Ingles: autumn, fall) ay ang panahon pagkaraan ng tag-araw at bago dumating ang taglamig. Sa Hilagang Hemispero, nagsisimula ang taglagas sa pangtaglagas o pang-autumnong ekwinoks (hulihan ng Setyembre) at nagwawakas sa pangtaglamig na soltisyo (hulihan ng Disyembre). Sa Timog na Hemispero, tumatakbo ito mula Marso 20 hanggang Hunyo 21.

Ang taglamig ay ang pinakamalamig panahon. Ito ay sanhi ng mga axis ng Daigdig sa kani-kanyang hemispero na nakatuon ang layo mula sa Araw. Tinatawag din itong imbiyerno.

Ang tagsibol ay isang panahon pagkalipas ng tagyelo at bago sumapit ang taginit o tag-araw. Nagiging mas mainit ang weather dahil nakakiling ang lupa patungo sa araw. Sa maraming mga bahagi ng daigdig, tumutubo ang mga halaman at bumubuka ang mga bulaklak. Marami sa mga hayop ang nagsasagawa ng kanilang pagpaparami sa panahong ito.

Ang tag-ulan ang isa sa dalawang panahon o istasyong tropikal.

Ang tag-init o tag-araw ay isa sa apat na panahon. Ito ang pinakamainit at isa sa pinakatuyong mga panahon ng taon, kaya't nagiging o tinatawag ding tagtuyot kung minsan. Matatagpuan ang apat na panahon sa mga pook na hindi gaanong mainit o hindi gaanong malamig. Nagaganap ang tag-init sa hilaga at timog na mga gilid ng mundo sa magkabilang mga panahon ng taon. Sa Hilagang Hemispero, nangyayari ang tag-araw sa pagitan ng mga buwan ng Hunyo at ng Setyembre. Sa Timog na Hemispero, nagaganap ito sa pagitan ng Disyembre at ng Marso. Dahil ito sa kapag tumuturo patungo sa araw ang Hilagang Hemispero o hilagang bahagi ng mundo, tumuturo naman ang Timog na Hemispero palayo sa araw.

Ang kapatagan ay isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.

Ang bulkan ay isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo.

Ang lambak ay isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.

Ang burol ay isang anyong lupa na lumalagpas sa taas ng pumapalibot na kalupaan, sa isang limitadong sukat. Kadalasang may natatanging tuktok, bagaman sa ibang lugar na may ungos, maaaring tumukoy ang isang partikular na seksyon ng dalusdos ng ungos na walang malinaw na tuktok.

Ang bulubundukin ay isang uri ng anyong lupa. Ito ay isang uri ng bundok ngunit ito ay mas madami kaysa sa bundok.

Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.)

Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.

Ang ilog ay isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.

Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan.

Ang Lawa ay isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.

MGA ANYONG TUBIG MGA ANYONG LUPA IBAT-IBANG URI NG KLIMA

You might also like