You are on page 1of 1

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa Aling

pag-ibig pa Wala na nga, wala Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong wagas Sa bayang nagkupkop Dugo, yaman, dunong, katiis at pagod Buhay ma'y abuting magkalagot-lagot Ang nakaraang panahon ng aliw Ang inaasahang araw na darating Ng pagkatimawa ng mga alipin Liban pa sa bayan, saan tatanghalin Sa abang-abang mawalay sa bayan Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay Walang alaala't inaasam-asam Kundi ang makita'y lupang tinubuan Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak Kahoy niyaring buhay na nilanta't sukat Ng bala-balaki't, makapal na hirap Muling manariwa't sa baya'y lumiyag Ipakahandug-handog ang buong pag-ibig Hanggang sa may dugo'y ubusing itigis Kung sa pagtatanggol buhay ay kapalit Ito'y kapalaran at tunay na langit Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa Aling pag-ibig pa Wala na nga, wala

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa Aling pag-ibig pa Wala na nga, wala Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong wagas Sa bayang nagkupkop Dugo, yaman, dunong, katiis at pagod Buhay ma'y abuting magkalagot-lagot Ang nakaraang panahon ng aliw Ang inaasahang araw na darating Ng pagkatimawa ng mga alipin Liban pa sa bayan, saan tatanghalin Sa abang-abang mawalay sa bayan Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay Walang alaala't inaasam-asam Kundi ang makita'y lupang tinubuan Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak Kahoy niyaring buhay na nilanta't sukat Ng bala-balaki't, makapal na hirap Muling manariwa't sa baya'y lumiyag Ipakahandug-handog ang buong pag-ibig Hanggang sa may dugo'y ubusing itigis Kung sa pagtatanggol buhay ay kapalit Ito'y kapalaran at tunay na langit Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa Aling pag-ibig pa Wala na nga, wala

You might also like