You are on page 1of 4

PUP-STBs BATTLE OF THE BANDS 2014 (Script) 02/01/14 Isang nag-uumapaw sa excitement at kasiyahan na hapon sa mga naggagandahan, naggagwapuhan,

at talaga namang mga solid na kajamming nating mga kapwa ko PUPians! Kasama, kapiling, kabonding, kajamming ang inyo pong lingkod ngayong hapon, ako po si Jeff, si Jeff Guinto na sa inyoy nagsasabing, Ang tunay na PUPian, di lang nag-uumapaw sa kaalaman; kundi pati na rin, sa talento at lakas ng loob na angkin. Muli ay isang magandang araw sa ating lahat, PUPians! **Roll Call** 1.) College of Hospitality 2.) College of Business 3.) College of Accountancy & Finance 4.) BSECE 5.) College of Social Sciences & Development 6.) College of Computer Information & Technology 7.) College of Education 8.) Institute of Technology 9.) BSIE 10.) BSEE PUPians, noong Lunes lamang ay natapos na ang bakbakan sa hatawan at sayawan sa naganap na Cheerdance Competition na kung saan ay umangat na naman ang angking kagalingan ng bawat PUPian, ngayon naman sa pagpapatuloy ng ating selebrasyon ng 22nd founding anniversary ng ating intang paaralan, narito at matutunghayan naman ang kompetisyon na kung saan Boses at talent ang puhunan, Puso ang labanan! PUPians, Let your songs be heard! This is your song, this is your band. Ito ang PUP-STBs Battle of the Bands 2014!

Sa pagkakataong ito, sampung kalahok mula sa ibat ibang kolehiyo ang maglalaban laban at muli na naman ngang magtatagisan ng kanikanilang angking kagalingan pagdating sa tugtugan at awitan para sa masungkit ang titulong CHAMPION. Mula naman sa sampu ay pipili ang ating mga hurado ng lima para syang sumalang sa pangalawang round kung saan ay isang piyesa lamang ang kanilang paglalaban labanan. Kung kaninong grupo ang tatanghaling kampeon ay malalaman natin yan mayamaya lamang. At para makasama natin na mabigyang kasagutan ang tanong na iyan, narito na ang mga tao sa likod ng mga mapanuring mga mata, sensitibong mga tainga at mga pihikang mga panlasa na syang mga kikilatis sa mga kalahok na banda. With pleasure and honor, may I present to you now our panel of judges. -Jurors 1-3 -Criteria for Judging Ang lahat sa kanilang mga kinauupuan ay natitiyak kong nag-iinit at nananabik na kanina pa, kaya naman wag na natin pang patagalin ito. PUPians, Let the battle begin! **Introduction of Each Colleges** 1.) Narito na ang unang banda na magpapasikat sa ating lahat, simulan nyo na ang mainit na battle, College of Hospitality. 2.) Ariba AFBA, banda nyo naman ang bbibida, College of Business. 3.) Sa tugtugan at jammingan ay di rin pahuhuli itong ating susunod na banda. Pinaghandaang piyesa, ipaparinig na. this is your moment College of Accountancy and Finance.

4.) Sa mga talentandong mag-aaral sila ay maraming nakareserba; binuo nilang banda ngayoy masasaksihan na. mula sa College of Engineering, lets give it up for BSECE. 5.) Sikolohiya kanilang kurso, pagbabanday isa lamang sa kanilang mga angking talento. Iparinig na ang inyong musika sa madla, College of Social Sciences and Development. 6.) Pangkaalamang teknolohiya sila ay nangunguna. Talento pagdating naman sa pagbabanda, ipapakita na! Musika nyo naman ang pakikinggan, College of Computer Information and Technology! 7.) Susunod na magpapaawit at magpapasikat na grupo ay mula naman sa kolehiyo nyo, College of Education. 8.) Nakahanda nang masungkit ang titulong kampeon, bibidang banday mula naman sa inyong institusyon, Institute of Technology! 9.) Mga kursoy isa sila sa lubos na pinaghahandaan, pagkat mga pasabog nilay talaga namang inaabangan, muli ay mula sa College of Engineering, BSIE! 10.) Eksperto sa kaalamang pang-elektrika, di rin pahuhuli pagdating sa pagbabanda. Ang huling grupo mula sa college of engineering, BSEE!

**Introduction of Silent Sanctuary** Nasaksihan na nga ang sampung banda na tunay namang isa sa mga maipagmamalaki nating mga PUPian. At para naman mas mainspired, mainlove at mag-enjoy kayo, may inihandang isang malaking regalo ang APO para sa ating lahat PUPians. Isa sa mga sikat, tanyag at kilalang OPM band sa bansa; nagpasikat sa mga awiting Rebound , Ikaw Lamang, Tuyo nang Damdamin, Kundiman, 14 at marami pang iba. Maituturing na musika ang buhay na kanilang tinataglay;

Makijam at makikantahan, narito na ating pinakahihintay Let us all welcome and give it up for the SILENT SANCTUARY!

You might also like