You are on page 1of 1

PANATA SA KARAPATANG PANTAO

Akoy Mamamayang Pilipino Tungkulin ko ang kilalanin, igalang at itaguyod Ang dignidad at karapatan ng bawat tao Maging dayuhan man o kalahi ko. Itataguyod ko ang diwa ng pagkakapantay-pantay ng lahat Nang walang kinikilingang kasarian, lipi, paniniwala at katungkulan sa buhay Sa larangang Pang ekonomiya, Pampulitika, Pangkultura, Panrelihiyon at Panlipunan At malaya sa lahat ng uri ng diskriminasyon at karahasan kabilang na ang sa tahanan. Diringgin ko ang tinig ng kabataan Nang may respeto at pagkilala sa kanilang ideolohiya at kakayahan At huhubugin sila na maging matatag na salinlahi sa kinabukasan. Titiyakin ko na ang bawat bata ay hindi salat sa pagkalinga, may matiwasay na lipunang ginagalawan At ang mga pangangailangan ay natutugunan ng pamahalaan. Igagalang ko ang nakatatanda at aalalayan kung kinakailangan Bibigyang puwang sa lipunan ang mga may kapansanan. Tutulungan ko ang mga biktimang nawalan ng tahanan at kabuhayan Dulot ng kalamidad, demolisyon, militarisasyon, at armadong labanan. Pagyayamanin ko ang kultura ng katutubong Pilipino. Bubuhayin ko ang pag asa ng bagong buhay sa mga bilanggo. Tututulan ko ang pagmamalabis sa kapangyarihan, katiwalian at pagyurak sa karapatan Ng mga manggagawa sa pribadong tanggapan, sa pamahalaan At maging ng mga Pilipino na sa ibayong dagat ay namamasukan. Paninindigan ko, na sa aking kapwa, akoy may pananagutan. Babantayan na ang Estado ay nagagampanan ang obligasyon sa lipunan. Sa ngalan ng KARAPATANG PANTAO, tayoy makibahagi at magtulungan Sa pagsulong sa katuparan ng lahat ng karapatan.

You might also like