You are on page 1of 5

Apolinario Mabini

DUKHA tanang buhay niya si Apolinario Mabini, ipinanganak nuong Julio 23,
1864 kina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan sa Talaga, Tanauan,
Batangas. Nag-aral siya sa Manila nuong 1881 ngunit nagbalik sa Bauan,
Batangas nuong 1882-1883, at nuong 1884 lamang ipinagpatuloy ang pag-
aral sa Manila, ng filosofia. Sa Lipa, Batangas siya nagtapos ng pag-aral
nuong 1886-1887 bilang guro ng mataas na paaralan. Nagtapos din siya ng
pagka-abogado nuong 1888-1894 sa Colegio de San Juan de Letran at sa
Universidad de Santo Tomas.
Nang itatag ni Jose Rizal ang Liga Filipina nuong Junio 1892, isa sa mga
sumapi si Mabini. Mahina ang katawan, nagkasakit siya at nalumpo nuong Enero 1896, subalit nagpatuloy siya ng
pag-aabogado, at tumulong sa mga katulad niyang dukha. Pagsiklab ng himagsikan, dinakip siya ng mga
Espaol nuong Octobre 1896 bilang kasapi sa Liga Filipina at ipiniit hanggang Junio 1897 nang pakawalan siya
dahil sa kanyang kapansanan.

Isang buwan matapos pumasok sa Pilipinas ang mga Amerkano, nuong Junio 1898, sinimulan ni Mabini na
tulungan si Emilio Aguinaldo na palawakin at patatagin ang himagsikan bilang Unang Ministro ng Congreso sa
Malolos. At bilang Kalihim Panlabas, nakipag-ugnay siya sa dumadanak na hukbo ng America upang iwasan
sana ang digmaan, hanggang nuong Mayo 1899, sinisante siya ni Aguinaldo, 3 buwan pagkasabog ng digmaan
laban sa America.

Ibinuhos niya ang sugid sa paglaya ng Pilipinas sa pagsulat sa mga pahayagan hanggang dinakip siya ng mga
Amerkano nuong Deciembre 1899. Subalit ayaw yumuko ni Mabini sa pagsakop ng America kaya ipinatapon siya
nuong Enero 1901 sa Guam, kung saan niya sinulat itong kasaysayan ng katatapos pa lamang na revolucion.













Apolinario Mabini
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Apolinario Mabini
Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864Mayo 13, 1903), kilala bilang
ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay
isangPilipino theoretician na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika
ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-
unahangpunong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa
Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio
Mabini at Dionisia Maranan.
Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong natutuhan. Nag-aral siya
sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa
pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. SaUnibersidad ng Santo Tomas naman siya nakapagtapos ng
pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal.
Si Mabini ay nabilanggo sa Nueva Ecija. Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng "infantile paralysis" na lumumpo sa
kanya. Ipinasundo siya ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang
siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini
bilang kalihim panglabas (prime minister) at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang
tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".
Noong 1899, si Mabini ay nabilanggo sa Nueva Ecija. Kanyang isinulat noon ang "Pagbangon at Pagbagsak ng
Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay ipinatapon
sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan
sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa Nagtahan, Maynila.
Ayon sa paglalarawan sa kaniya ni Arthur MacArthur, Jr., Mabini is a highly educated young man who,
unfortunately, is paralyzed. He has a classical education, a very flexible, imaginative mind, and Mabini's views were
more comprehensive than any of the Filipinos that I have met. His idea was a dream of a Malay confederacy. Not the
Luzon or the Philippine Archipelago, but I mean of that blood. He is a dreamy man, but a very firm character and of
very high accomplishments. As said, unfortunately, he is paralyzed. He is a young man, and would undoubtedly be of
great use in the future of those islands if it were not for his affliction.
[1]
























GRADING SYSTEM
QUIZZES-10%
PARTICIPATION-35%
PROJECT-15%
BEHAVIOUR-10%
ATTENDANCE-5%
MAJOR EXAM-25%
Total=100%







APOLINARIO MABINI
Pagsinag Ng Isang Dakila
DUKHA tanang buhay niya si Apolinario Mabini, ipinanganak nuong Julio 23, 1864 kina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan sa Talaga,
Tanauan, Batangas. Nag-aral siya sa Manila nuong 1881 ngunit nagbalik sa Bauan, Batangas nuong 1882-1883, at nuong 1884 lamang
ipinagpatuloy ang pag-aral sa Manila, ng filosofia. Sa Lipa, Batangas siya nagtapos ng pag-aral nuong 1886-1887 bilang guro ng mataas
na paaralan. Nagtapos din siya ng pagka-abogado nuong 1888-1894 sa Colegio de San Juan de Letran at sa Universidad de Santo Tomas.
Nang itatag ni Jose Rizal ang Liga Filipina nuong Junio 1892, isa sa mga sumapi si Mabini. Mahina ang katawan, nagkasakit siya at
nalumpo nuong Enero 1896, subalit nagpatuloy siya ng pag-aabogado, at tumulong sa mga katulad niyang dukha. Pagsiklab ng
himagsikan, dinakip siya ng mga Espaol nuong Octobre 1896 bilang kasapi sa Liga Filipina at ipiniit hanggang Junio 1897 nang
pakawalan siya dahil sa kanyang kapansanan.
Isang buwan matapos pumasok sa Pilipinas ang mga Amerkano, nuong Junio 1898, sinimulan ni Mabini na tulungan si Emilio Aguinaldo
na palawakin at patatagin ang himagsikan bilang Unang Ministro ng Congreso sa Malolos. At bilang Kalihim Panlabas, nakipag-ugnay
siya sa dumadanak na hukbo ng America upang iwasan sana ang digmaan, hanggang nuong Mayo 1899, sinisante siya ni Aguinaldo, 3
buwan pagkasabog ng digmaan laban sa America.
Ibinuhos niya ang sugid sa paglaya ng Pilipinas sa pagsulat sa mga pahayagan hanggang dinakip siya ng mga Amerkano nuong
Deciembre 1899. Subalit ayaw yumuko ni Mabini sa pagsakop ng America kaya ipinatapon siya nuong Enero 1901 sa Guam, kung saan
niya sinulat itong kasaysayan ng katatapos pa lamang na revolucion.

Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala siya bilang Dakilang Paralitiko at Dakilang Lumpo at Utak ng Rebolusyon, ay pangalawa sa
walong anak nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas.
Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-aaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit
niya ang isang partial scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang
kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894.
Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma.
Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng
mga gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga repormista. Sumailalim siya sa house arrest
sa ospital ng San Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon.
Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo niya si Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang
pagpupulong noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo.
Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang
pagpapalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga
Kalihim at bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang Programa
Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa
balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino.
Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga
Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan siya sa isang
maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo niyang
El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino. Habang
nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina.


Ipinanganak sa Talaga,Tanauan Batangas noong ika- 23 ng Hulyo, 1864 ng mga pulubing magulang at pinahirapan
habang buhay ng paralitiko, si Apolinario mabini ay lumaki pa rin bilang isang magaling na manunulat, abogado at
makabayan. Kilala siya bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusiyon. Siya ang pangalawa sa walong anak ni
Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.
Sa kabila ng kahirapan, si Mabini ay nakatamo ng sertipiko bilang guro noong Marso ng 1887 at nakatapos ng abogasiya
noong 1894. Siya ay tinanggap sa Hukom noong 1895.
Minalas siya noong 1896 nang nagkasakit siya ng trangkaso na siyang naging sanhi ng kanyang pagiging paralitiko nang
pang-habang buhay. Sa kabila nito ipinagpatuloy pa rin niya ang trabahong notariyo at sinuportahan niya ang kilusang
reporma na siyang naging dahilan ng kanyang pagkabilanggo hangang Hunyo ng 1897.
Nang dumating ang himagsikang Pilipino at Amerikano,
si Mabini ang naghikayat sa kanyang mga kababayan na lumaban at mamatay para sa ating kalayaan. Nilikha niya
ang kanyang pinka-tanyag na "Ang Tunay na Dekalogo".
Si Mabini ay nagsilbing tagapayo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Pinayuhan niya si Aguinaldo na palitan ang diktadurang
anyo ng panahalaan sa rebolusiyonaryo. Inayos niya ang mga bayan at probinsiya at ang husgado at mga puwersang
pulis, at nilkha niya ang mga alituntunin ng hukbong sandatahan. Noong nagpulong-pulong ang Rebolusiyonaryong
Kongreso sa Barasoain, Malolos, Bulacan siya ang naging Pinunong Ministro ni Aguinaldo. Tumulong siya sa pag-likha ng
Saligang Batas. Samakatuwid, nararapat lamang na tawagin siyang "Utak ng Rebolusiyon." Nagpatuloy pa siya sa pag-
likha ng mga artikulo sa pagtaguyod ng reporma habang nagtatago, subalit siya ay hinuli ng mga Amerikano noong ika-
10 ng Septiyembre,1899. Pagkatapos na siya'y palayain noong ika-23 ng Septiyembre, 1900; siya ay nanirahan sa
Nagtahan, Manila, kung saan siya ay sumulat para sa mga lokal na pahayagan. Noong ika-5 ng Enero, 1901 siya ay
pinalayas sa Guam dahil sa kanyang mga sinulat gaya ng "El Semil de Alejandro" sa "El Liberal."
Sa paniwalang wala na siyang ibang paraan at dahil sa akalang mas madali siyang magsilbi sa kanyang mga kababayan
kung siya ay bumalik sa Pilipinas, siya ay nangako ng pagkampi sa Estados Unidos noong ika-26 ng Pebrero, 1903. Siya ay
namatay sa Nagtahan, Manila noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa gulang na 39.

You might also like