You are on page 1of 7

Ang Nawalang Tupa

(Lukas 15:1-7)


Isang araw, ang mga maniningil ng buwis at ang mga makasalanan ay lumapit kay
Hesus upang making.
2
Nagbubulungan naman ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng
kautusan. Sabi nila, ang taong ito ay nakikisama sa mga makasalanan at nakikisalo sa
mga ito.
3
Dahil dito sinabi sa kanila ni Hesus ang talinghagang ito:
Kung ang sinuman sa inyo ay may isangdaang tupa at mawalan ng isa, ano ang gagawin
niya? Hindi ba iiwanan niya ang siyamnaput siyam sa pastulan at hahanapin ang
nawawala hanggang sa ito ay matagpuan?
5
Kapag nakita na niya ang tupa ay Masaya
niya itong papasanin.
6
Pagdating sa bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan
at mga kapitbahay, at sasabihin sa kanila, Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na
ang tupang kong nawawala!
7
Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan
dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa siyamnaput siyam na
matuwid na di nangangailangang magsisi.


PAGLAYA
(Abigail Cruz Oliva)


Ako'y bilanggo ng nakaraan
buhay na patay sa mundong
ginagalawan sa kasalukuyan
dahil sa pangako ng puso
na aking pinangangatawanan.

Maraming pagkakataon
ang aking pinalampas
mga relasyong disin sana'y
bigkis ng pagmamahalan.

Ngunit alaala ng pangako
ang siyang humahadlang
tila ba isang anino na lagi
sa aking likuran.

Ako'y nabubuhay sa nakaraan
di kaylanman umusad
at namuhay sa kasalukuyan.

Nais ko ngayo'y umigpaw
mula sa nakaraan
harapin ang kasalukuyan
palayain ang bilanggo kong puso,

Lumaya at muling mabuhay!

24 Hunyo 1995






Ang Kalabaw at ang Tagak
Minsan isang araw,
Ang kalabaw at tagak
Ay nagkatagpo sa batisan.
Kapwa sila nauuhaw.

Bati ng tagak, "Kumusta, kaibigan?"

"Mabuti naman, at ikaw?
Di ko akalaing ikaw pala ay hangal!"

"Bakit hangal?"

"Bakit ka naparito?
Ito ay ilog ko."

"Sino kang magbabawal?
Ito'y biyaya ng Maykapal!"

"Mula ngayon, ipinagbabawal ko,
Walang paparito kahit sino!
Ako ang hari nitong ilog,
Masdan yaring sungay na maalindog,
Simbolo ng kapangyarihang aking lubos."

"Kung tunay ngang ikaw ay hari,
Lumipad ka. Subukin kung maaari;
Pagnatupad mo, utos mo'y hindi mababali.
At kung mainom mo ang tubig sa ilog,
Hari ka ngang tunay. Dapat kang mapabantog!"

"Oo, pustahan tayo!"

"Payag ako. Gagawing alipin ang matatalo."

Ang lahat ng hayop at mga ibon
Nanood na sadya sa paligsahang iyon.

"Ikaw ang magsimula ng pag-inom,
Sa iyo'y susunod akong walang tutol,"
Sabi ng tagak na mahinahon.

Ang kalabaw ay nagsimulang uminom ng tubig sa batis,
Nagkataong mataas noon ang tide.
Sa kaiinom, tiyan ay lumaking parang buntis.

"Suko na ako!" sabi ng kalabaw,
"Hala nga, subukin mo, ikaw naman."

Uminom ang tagak na walang atubili,
Nagkataong noo'y ang ilog ay kumakati.

Nakita ng kalabaw na kakaunti na ang tubig,
"Nanalo ka!" karakaraka'y siyang sambit.

Mula noon mapapansing sa likod ng kalabaw
Dumarapo ang tagak bawa't oras araw-araw.

Ang kalabaw ay kanyang pinarusahan:
Pinag-aararo ng tumana, maghapunan,
Samantala siya'y nakaupo't nagbabantay.

Kuwento ni Pablo Cuasay















Tagalog na Sanaysay Tungkol sa Wikang Filipino


Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging
kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at
maging sa dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang
unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan.

Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya
mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isat isa? Sa
bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas,
drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao
upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang
wika.

Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang
pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o
mahabang panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at
panlipunan, pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba
pang displina. Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa
pamamagitan ng wika.

Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak,
ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan
sa isang intension, ang kaibuturan ng pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na
iparating ng sinuman.

Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang
pakikipagtalastasan at komunikasyon.








Frat na walang hazing
AMBAS BRIEFS Ni Roy AMBA Seneres (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 10, 2014 -
12:00am

NOONG akoy Labor Attach sa United Arab Emirates mula 1983 hanggang 1989, may
itinatag akong fraternity na ang pangalan ay Frasortal Discipline of the Condiscipulos
(FDC).
Tatlo ang layunin ng FDC: 1. Friendship Regardless of Ideology, Ethnicity, Nationality,
Differences or Status (FRIENDS); 2. Charity to the Homeless, Orphans, Widows, Sick,
Aged, and Disabled (HOWSAD); and 3. Conservation of Life and the Environment for
the Advancement of Nations (CLEAN).
Pagmasdan ang acronyms na FRIENDS, HOWSAD at CLEAN na pawang self-
explanatory. Maraming kabutihan ang nagagawa ng FDC sa Gitnang Silangan. Ang
turing ng FDC sa hazing ay gawain ng mga bata at hindi ng mga professional. Kaya
mahigpit na ipinagbabawal ang hazing sa pag-i-initiate ng neophytes.
Sa halip, ang neophytes ay inaatasan na tumulong sa distressed OFWs, ayun sa
layunin ng HOWSAD; paglilinis sa beaches halimbawa ayon sa layunin ng CLEAN, at
pakikipagkapwa tao sa lahat ng lahi ayon sa layunin ng FRIENDS.
Ang FDC at 26 na taon na at hanggang ngayon, walang nasasaktan o napipinsala sa
initiation ng neophytes. Ito ang fraternity na dapat itinatatag ng mga kabataan sa
paaralan, bansa at sa buong mundo.
Inaanyayahan ko ang lahat na sumali babae man o lalaki sa fraternity/ sorority na ito.
Pakitext lamang ang aking anak na si Hazel sa numerong 09062136814 o
email hazelseneres@yahoo.com.
PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
Si Hazel ang magtuturo sa inyo kung papaano kayo magtatag ng sarili ninyong chapters
at ako naman ang mag-iinduct sa officers at members.
Ang Condiscipulos ay acronym din na ang ibig sabihin ay Coexistence Of Nationals of
Diverse Interests and Status, Committed to Inhabit the Planet and the Universe with
Love, Orderliness and Selflessness.
Young or old everybody is welcome.

You might also like