You are on page 1of 6

MGA KARANIWANG PAGKAKAMALING PAMBALARILA NG MGA MAG-

AARAL SA FILIPINO NG MGA ESTUDYANTE SA IKAAPAT NA TAON NG


BANISIL NATIONAL HIGH SCHOOL SA TAONG 2014-2015



Isang Mungkahing Papel na Iniharap sa Departamento ng Filipino
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades
Mindanao State University
Fatima, General Santos City






Bilang Parsyal na Pangangailangan
sa Asignaturang Fil 198





Inihanda para kay:

Prof. Carmela G. Ong

Inihanda ni:

Vincent Jake E. Naputo





Agosto, 2014




KABANATA I
Ang Suliranin at Sandigan Nito
Ang kabanatang ito ay naglalayong maipakita ang panimula tungkol sa wikang
Filipino, saklaw at limitasyon, paglalahad ng suliranin, kahalagahan ng pag-aaral at
katuturan ng mga termino.

Panimula
Dekalidad na Edukasyon. Ito ang sigaw ng bawat isa sa atin. Nagnanais tayo na
itoy matugunan ng institusyon kung saan tayo nag-aaral. Ang dekalidad na edukasyon ay
makakamtan lamang kung malalaman ang mga salik na siyang makatututlong upang
paunlarin ang performans ng mga mag-aaral. Ang gawain na ito ay responsibilidad ng
mga guro, dapat niyang malaman kung anu-ano ito sa ganoon ay makapagplano siya ng
mga estratehiya na makapagbibigay daan tungo sa mas maunlad at produktib na resulta sa
performans ng mga mag-aaral.
Isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa bawat programa sa pag-aaral
na inilantad ng DepEd ay ang Filipino. Ang Filipino ay isang asignatura na tumatalakay
sa mga bagaybagay na may kaugnayan sa ating wikang pambansa. Dapat lamang na
pagtuunan ng pansin ang asignaturang ito dahilan din na dito nakasalalay kung tunay nga
bang isa ka o ako na Pilipino. Sa kasalukuyan ang asignaturang ito ay isa sa may mababa
na grado lalo na sa resulta ng NAT Examination (Gregorio, Herman C., PRINCIPLES
AND METHODS OF TEACHING, 1976). Ayon kay Leticia Cantal, ang gawaing
pagtuturo ay hindi madaling gawain. Hindi sapat na maituro ng isang guro kung ano ang
mga araling/paksang nakapaloob sa kanyang silabus kundi kung paano niya ito maituturo
at matutunan ng kanyang mga estudyante. Kaya nga sinasabi na ang kahusayan ng
pagtuturo ay nasusukat hindi sa dami ng mga naituro kundi bagkus sa dami ng mga
natutuhan ng kanyang mga estudyante.
Bilang tugon sa mga pangyayari at sa globalisasyon, ang mananliksik ay
naglalayong matulungan ang ating mga guro sa pagdetermina kung anu-ano ang mga
epektibong estratehiya ang magagamit upang mas mapaunlad pa ang performans ng mga
mag-aaral sa asignaturang Filipino.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong pag-aralan ang mga karaniwang
pagkakamaling pambalarila ng mga mag-aaral sa Filipino ng mga estudyante sa ikaapat
na taon ng Banisil National High School, taong 2014-2015.
Ang mga tiyak na layunin nito na binigyan ng kasagutan ay ang mga
sumusunod:
1. Matukoy ang mga karaniwang pagkakamaling pambalarila ng mga
estudyante sa ikaapat na taon ng Banisil National Highschool.
2. Malaman ang mga dahilan sa mga pagkakamaling pambalarila ng mga
edstudyante sa ikaapat na taon ng Banisil National Highschool.
3. Matukoy ang tamang paggamit ng ng at nang, rin at din at iba pang
mga kawastuhang pambalarila upang matugunan ang kamalian ng mga estudyante sa
ikaapat na taon ng Banisil National Highschool kung mayroon man.
Saklaw ng Pag-aaral at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa pagtukoy ng mga karaniwang
pagkakamaling pambalarila ng mga estudyante sa ikaapat na taon ng Banisil National
Highschool sa taong 2014-2015.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang datos at impormasyong nakalap ng pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga
sumusunod na sangay ng lipunan:
Sa mga mambabasa, isang karagdagan sa kanilang kaalamang
pangkomunikasyon na nagpapatibay ng kanilang kamalayan sa tama at wastong paggamit
ng mga salita at upang maging malinaw at tama ang kanilang pagpapahayag.
Sa mga guro, makatutulong sa mga talakayang pampaaralan ang pag-aaral na ito bilang
sanggunian ng mga impormasyong napatutungkol sa paksang kaugnay ng kawastuhang
pambalarila at maibahagi sa mga estudyante ang kaalamang ito upang maiwasan ang mga
karaniwang pagkakamaling pambalarila.
Sa mananaliksik, upang mas lalo pang mapalawak ang kanyang kaalaman
at kasanayan sa mga karaniwang pagkakamali ng mga estudyante sa paggamit ng mga
salita at malaman ang mga kawastuhan sa balarilang Filipino.
At sa iba pang mga mananaliksik na maaaring mangailangan ng mga
mapagkukunan ng impormasyong makatutulong sa kanilang pag-aaral hinggil sa mga
karaniwang pagkakamaling pambalarila ng mga estudyante.
Katuturan ng mga Termino
Upang mas maging madali at ganap ang pagkaintindi ng mga mambabasa,
minarapat ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na
terminolohiya batay sa kung paano ginagamit ang bawat isa sa pamanahong papel. Ang
mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito ay binigyan ng kahulugan ayon sa istandard na
depinisyon o konsepto at operasyonal upang madaling maintindihan.
Sa lubos na ikauunawa ng pag-aaral na ito, mahalaga ang mga sumusunod na
katuturan ng termino:
Maikling kwento- isang masining na anyo ng panitikan na kinapapalooban ng
paglalarawan at paglalahad na giangawa sa realidad sa paraang madali, maikli at
masining, sa gayon, sa isang upuan lamang o sa sandaling panahon agad itong
matutunghayan, mababasa, at kapupulutan ng pananabik at aliw (Arrogante, et al., 2004)
Sa pag-aaral na ito, ang tinutukoy na mga maikling kwento ay ang mga
maikling kathang Hiligaynon na nagmula sa aklat ni Lucero 1991.
Hiligaynon- ito ang wikang ginagamit sa Iloilo at Negros Occidental, ang pinakamaunlad
na mga lalawigan sa Kanlurang Visayas. Hiligaynon ang kasalukuyang lingua franca ng
rehiyon, ito kasi ang wikang may pinakamaraming gumagamit at nakakaintindi.
Nangangahulugang umagos/ paagusin ang salitang ugat ng Hiligaynon na ilig sa
kadahilanang: (a) patungkol ito sa tubig na bumabalot sa buong isla, at sa (b) sinasabing
sinaunang trabaho ng mga katutubo roon; ang pagpapaagos ng mga kawayan sa ilog
upang ipagbili (http://sesura.multiply.com).
Sa pag-aaral na ito, ang maikling kathang nakasulat sa wikang Hiligaynon
ang ginamit sa pagsusuri.
Imahe- mga larawang nakapaloob sa isang akda na nagbibigay ng tiyak at malinaw na
kahulugan o paliwanag ng mga kaisipan at diwang nais ipabatid ng may-akda sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na salita o pahayag (Pangkalinawan, 2009).
Sa pag-aaral na ito, ang mga imahe ng mga pangunahing tauhan ang
binigyang-diin sa pag-aaral na ito.
Imahismo- Ang imahismo ay isang teoryang sa pampanitikang pagsusuri na kung
saan ginagamit ang wika upang epektibong maihatid ang wastong imahe na magbibigay-
daan sa wastong mensahe. (http://www.slideshare.com).
Sa pag-aaral na ito, ang pagdulog imahismo ang ginamit na teorya sa
pagsusuri upang matukoy ang imahe ng mga pangunahing tauhan.

You might also like