You are on page 1of 2

40 Hadith of Imam Nawawi in Tagalog with Detailed Explanations

Mayo 24
MAIKSING PAGPAPALIWANAG NG HADITH 7
Mga Aral
Naseehah sa Kanyang Sugo
Napapaloob dito ang mga sumusunod:
- Paniniwala sa Propeta () at sa kanyang mensaheng dala.
- Paniniwala sa lahat ng kanyang mga dalang mensahe na ang lahat ng mga ito ay galing sa
Allah.
- Ang mahalin siya ng higit pa sa pagmamahal natin sa ating mga sarili at pamilya ito ang
pangalawang antas ng pagmamahal pagkatapos ng pagmamahal sa Allah.
- Ang pagmamahal natin sa kanya ay kinakailangan humantong sa iba pang mga obligasyon
katulad ng pagsunod sa kanya.
- Ang pagtulong at pagtatanggol sa kanya (sa panahon na nabubuhay pa siya) ang pagtatanggol
sa kanyang karangalan at paggalang sa kanyang katayuan.
- Para sa mga taong nabuhay pagkatapos ng Propeta () ay dapat nating igalang at mahalin ang
kanyang mga Sunnah kung saan ito ay pagpapakita ng pagmamahal sa kanya.
- Ang pagsasabi ng sallallahu alayhi wasallam sa tuwing mababanggit ang kanyang pangalan.
- Ang pagtanggap sa kanyang mga Sunnah bilang sukatan upang husgahan ang mga bagay, gawa
at mga salita.
- Ang tanggapin siya bilang tunay na pinuno at ang tanging huling salita ng tao nang may
paggalang sa relihiyon siya lamang ang tanging tunay na taong may karapatan at ang salita ng
sinuman ay sumusunod lamang sa kanya.
- Ang mahalin ang sinumang nagmahal sa kanya at kamuhian ang sinumang namuhi sa kanya.
- Ang muling pagbuhay sa kanyang mga Sunnah sa pamamagitan ng pagsaliksik ng kaalaman
tungkol dito, pag-unawa, pagbabahagi at pagpalaganap nito. Gayunpaman, kapag inanyayahan
natin ang mga tao para isagawa ang Sunnah katulad ng paalala ni Imam Ahmad kailangan
gawin natin ito sa tama at mahusay na paraan at hindi hahantong sa pakikipag-away tungkol dito.
Isa sa mga suliranin ngayon ay maraming mga Muslim ang hindi alam ang mga Sunnah, at
kalagayan ng Sunnah na kung kaya, isa sa mga bagay na kinakailangan nating gawin ay
ipaunawa sa mga tao ito upang sa ganon ay mamahalin nila ang Sunnah at hindi natin dapat
gawin ito sa agresibong paraan na maaring magdulot sa tao ng kalituhan, o pagtanggi sa Sunnah.
Napakaraming mga bidah ang isinasagawa ng karamihan ngayon at ang paraan ng pagtanggal sa
mga bidah mula sa mga taong nagsasagawa nito ay ang pagbuhay ng mga Sunnah. Sinabi ng
mga Salaf: Ang bidah ay lumilitaw lamang kung ang Sunnah ay hindi nakikilala at hindi
naisasabuhay. Upang mabigyang buhay ang Sunnah, ay hindi dapat natin ito simulan sa
pagtuligsa sa bidah sa halip ay simulan ito sa pagpapakilala o pagpapakita sa Sunnah. Kailangan
nating magpakita ng mabuting halimbawa sa mga nagmamahal, at sumusunod sa Sunnah at dapat
nating ituro ito sa iba sa mabuti at tamang paraan upang maintindihan, mahalin at pahalagahan
ito ng iba. Pagkatapos ay gagamitin na nila ang mga Sunnah bilang batayan ng kanilang

paghahatol sa mga bagay bagay. At unti-unti sa ganitong paraan, in shaa Allah, ang bidah ay
mababawasan.
Kapag sinusubukan nating turuan ang mga tao tungkol sa Sunnah, dapat maging maingat tayo na
hindi sila malito sa pamamagitan ng pagbibigay pansin lamang sa mga mas maliliit na isyu. Ang
mga Sunnah ay maaaring mahati sa ibat ibang antas at dapat tayong magsimula sa pinaka
mataas na antas. Hindi dapat natin ituro sa tao ang mga mababang antas (ang ibig sabihin nito
mga detalye) nang hindi pa natututunan ang mas mataas na antas (ito ay ang mga pangunahing
mga konsepto). Una sa lahat ay dapat hayaan nating mahalin at unawain ng mga tao ang mga
matataas na antas ng Sunnah bago tayo magtungo sa hakbang-hakbang na mababang antas,
dahan-dahang paglukob sa mga detalyadong Sunnah. Sa pamamaraang ito, in shaa Allah, ay
maaaring mabuhay ang Sunnah.
- Ang mahalin ang kanyang pamilya at mga kasamahan. Karamihan sa mga sekta ng Islam ay
kanilang minamahal lamang ang pamilya ngunit hindi ang kanyang mga kasamahan o di naman
kaya kanilang minamahal lamang ang kanyang mga kasamahan at hindi ang kanyang pamilya.
May ilang mga lihis na Islamikong sekta na nagpapalaganap ng maling paniniwala sa
pamamagitan ng pagbibigay ng alinlangan tungkol sa mga Sahaabah na may layunin na
kamuhian sila ng mga tao. Ito ay magdudulot ng pagtanggi sa mga Sunnah. Ang ibang mga sekta
ay naniniwala lamang sa mga Sunnah na nanggagaling sa kanilang mga imam, halimbawa ang
mga Shiah. Kailangan nating mabatid ang mga pinanggalingan ng mga salaysay tungkol sa mga
Sahabah dahil ang ilang sa mga salaysay ay mali at maaring magdulot ng pag-aalinlangan.
- Ang mahalin ang yaong mga sumusunod, nagtatanggol at nagsusumikap na buhayin at ibalik
muli ang mga Sunnah ng Propeta ().

You might also like