You are on page 1of 4

Sawikain o Idyoma

AGAW-BUHAY naghihingalo
ALILANG-KANIN - utusang walang bayad, pakain
lang; pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
ANAK-PAWIS magsasaka; manggagawa
ANAK-DALITA - Mahirap
BALAT-KALABAW mahina ang pakiramdam, di
agad tinatablan ng hiya
BALAT-SIBUYAS manipis, maramdamin
BALIK-HARAP - mabuti ang pakikitungo sa harapan
ngunit taksil sa likuran.
BALITANG-KUTSERO - balitang hindi totoo o hindi
mapang-hahawakan.
BANTAY-SALAKAY - taong nagbabait-baitan
BASA ANG PAPEL - bistado na
BASAG-ULO gulo, away
BUKAL SA LOOB - taos-puso; tapat
BULAKLAK NG DILA pagpapalabis sa
katotohanan
BUNGANG-ARAW sakit sa balat
BUNGANG-TULOG - panaginip
BUSILAK ANG PUSO - malinis ang kalooban
BUTAS ANG BULSA - walang pera
BUTO'T BALAT payat na payat
BUWAYA SA KATIHAN - usisera; nagpapautang
nang malaking pera.
DALAWA ANG BIBIG mabunganga, madaldal

DALAWA ANG MUKHA kabilanin, balik-harap


DI MADAPUANG LANGAW - maganda ang bihis
DI MAKABASAG-PINGGAN - mahinhin
DI MAHULUGANG-KARAYOM maraming tao
HALANG ANG BITUKA salbahe, desperado, hindi
nangingiming pumatay ng tao
HALIGI NG TAHANAN - ama
HAMPASLUPA - lagalag; busabos
ILAW NG TAHANAN - ina
ISANG KAHIG, ISANG TUKA - kakarampot na kita
na hindi makakasapat sa ibang pangangailangan.
ISULAT SA TUBIG kalimutan
ITAGA SA BATO - tandaan
ITIM NA TUPA - masamang anak
KABIYAK NG DIBDIB - asawa
KAKANING-ITIK - walang gaanong halaga; hindi
maipagpaparangalan
KALAPATING MABABA ANG LIPAD - babaing
nagbibili ng aliw; babaing puta.
KAPIT-TUKO - Mahigpit ang hawak
KAUTUTANG DILA katsismisan
KIDLAT SA BILIS - napakabilis
KILOS-PAGONG - makupad, mabagal
KUSANG PALO sariling sipag
KUMUKULO ANG DUGO naiinis, nasusuklam
LUHA NG BUWAYA - hindi totoong nagdadalamhati;
pakitang taong pananangis.
LUMAKI ANG ULO yumabang
MAALIWALAS ANG MUKHA - masayahin; taong

palangiti
MAAMONG KORDERO - mabait na tao
MAANGHANG ANG DILA bastos magsalita
MABABA ANG LOOB maawain
MABABAW ANG LUHA - iyakin
MABIGAT ANG DUGO - di-makagiliwan
MABIGAT ANG KAMAY tamad magtrabaho
MABIGAT ANG LOOB di-makagiliwan
MABILIS ANG KAMAY mandurukot
MADILIM ANG MUKHA taong simangot,
problemado
MAGAAN ANG DUGO madaling makapalagayan
ng loob
MAGAAN ANG KAMAY madaling manuntok,
manapok, manakit
MAGDILANG-ANGHEL - magkatotoo sana
MAHABA ANG BUNTOT laging nasusunod ang
gusto, kulang sa palo, salbahe
MAHABANG DULANG - kasalan
MAHANGIN ANG ULO - mayabang
MAHAPDI ANG BITUKA nagugutom
MAHINA ANG LOOB MAINIT ANG ULO pangit ang disposisyon
MAITIM ANG DUGO salbahe, tampalasan
MAITIM ANG BUDHI - tuso; masama ang ugali
MAKALAGLAG-MATSING nakaka-akit
MAKAPAL ANG BULSA - mapera
MAKAPAL ANG MUKHA di marunong mahiya
MAKAPAL ANG PALAD - masipag

MAKATI ANG DILA madaldal, mapunahin


MAKATI ANG PAA mahilig sa gala o lakad
MAKITID ANG ISIP - mahinang umunawa; walang
gaanong nalalaman
MAKUSKOS-BALUNGOS mareklamo, mahirap
amuin, mahirap pasayahin
MALAKAS ANG LOOB - matapang
MALAMIG ANG ULO maganda ang sariling
disposisyon
MALAPAD ANG PAPEL maraming kakilala na
makapagbibigay ng tulong
MALAWAK ANG ISIP -- madaling umunawa;
mararaming nalalaman
MALIKOT ANG KAMAY - kumukuha ng hindi kanya;
kawatan
MANIPIS ANG MUKHA mahiyain
MAPUROL ANG UTAK - bobo
MAPUTI ANG TAINGA kuripot
MASAMA ANG LOOB - nagdaramdam
MATALAS ANG DILA masakit magsalita
MATALAS AND MATA madaling makakita
MATALAS ANG ULO - matalino
MATALAS ANG TAINGA - madaling makarinig o
makaulinig
MATALAS ANG UTAK matalino
MATAMIS ANG DILA mahusay mangusap, bolero
MATIGAS ANG KATAWAN tamad
MATIGAS ANG LEEG mapag-mataas, di

namamansin
MATIGAS ANG ULO ayaw makinig sa pangaral o
utos
MAY IPOT SA ULO taong pinagtaksilan ng asawa
MAY KRUS ANG DILA nakapanghihimatong
MAY MAGANDANG HINAHARAP may magandang
kinabukasan
MAY SINABI mayaman, may likas na talino
NAGBABATAK NG BUTO nagtatrabaho ng higit
sa kinakailangan
NAGBIBILANG NG POSTE - walang trabaho
NAGMUMURANG KAMATIS - matandang lalaking
nag-aayos binata; matandang babaing nag-aayos
dalaga.
NAGPUPUSA nagsasabi ng mga kuwento ukol sa
isang tao
NAKAHIGA SA SALAPI - mayaman
NAKAPINID ANG TAINGA nagbibingi-bingihan
NAMAMANGKA SA DALAWANG ILOG - salawahan
NAMUTI ANG MATA nainip sa kahihintay,
matagal nang naghihintay
NANININGALANG-PUGAD - nanliligaw
NINGAS-KUGON panandalian, di pangmatagalan
PAGPUTI NG UWAK - walang maaasahan; walang
kahihinatnan
PAG-IISANG DIBDIB - kasal
PAGKAGAT NG DILIM pag lubog ng araw
PANIS ANG LAWAY taong di-palakibo

PANTAY ANG MGA PAA patay na


PATAY-GUTOM matakaw
PULOT-GATA pagtatalik ng bagong kasal
PUSONG-BAKAL - hindi marunong magpatawad
PUTOK SA BUHO anak sa labas
SALING-PUSA pansamantalang kasali sa laro o
trabaho
SAMAING PALAD malas na tao
SAMPAY-BAKOD taong nagpapanggap, hindi
mapagkakatiwalaan ang sinasabi
SAMPID-BAKOD nakikisunod, nakikikain, o
nakikitira
SANGA-SANGANG DILA sinungaling
SIRA ANG ULO O TUKTOK taong maraming
kalokohan ang nasa isip; gago; luko-luko
TAINGANG KAWALI nagbibingi-bingihan
TAKAW-TULOG mahilig matulog
TATLO ANG MATA maraming nakikita,
mapaghanap ng mali
TAKIPSILM paglubog ng araw
TALUSALING manipis ang balat
TALUSIRA madaling magbago
TAWANG-ASO nagmamayabang, nangmamaliit
TINIK SA LALAMUNAN - hadlang sa layunin
TULAK NG BIBIG - salita lamang; di tunay sa loob
UTAK-BIYA bobo, mahina ang ulo
UTANG NA LOOB malaking pasasalamat na
hindi kayang bayaran ng ano pa man
UTANG NA LOOB (pakiusap) malaking pakiusap,

madalas ginagamit upang ipahiwatig ang


masidhing damdamin ng nakikiusap, tulad ng
parang awa mo na"

Nakuha noong ika-25 ng Enero mula sa

Sanggunian:

http://buhaykul.blogspot.com/2011/06/mgamakabagong-bugtong.html#.VMaV3P6Udo8
http://www.philstar.com/opinyon/372180/mo
dernong-bugtong
http://bugtong-maysagot.blogspot.com/2010/06/super-funnybugtong
http://thecannerysite.blogspot.com/search/l
abel/sawikain

You might also like