You are on page 1of 8

MGA IDYOMA — D, I, H, L

1. DI MAKABASAG-PINGGAN

Kahulugan: mahinhin, tahimik, mahiyain

Halimbawa: Siya ay hindi makabasag-pinggan lalo na kapag kasama niya ang


kaniyang nililiyag.

2. DI MAHULUGANG-KARAYOM

Kahulugan: maraming tao

Halimbawa: Sa pagdating ng Santo Papa dito pilipinas halos di mahulugan ng


karayom ang daan sa manila dahil sa rami ng tao na nag-aabang na makita siya.

3. ITAGA SA BATO

Kahulugan: pinangako

Halimbawa: Itaga mo sa bato, hindi kailan man maghahari ang pasismo sa


bayan na ito!

4. DI MADAPUANG LANGAW

Kahulugan: maganda ang bihis

Halimbawa: Wow! Parang di madapuang langaw si Alex sa suot nitong barong


tagalog.

5. ITIM NA TUPA

Kahulugan: masamang anak

Halimbawa: Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang


nagiging itim na tupa.
6. HUMANAP NG BATONG IPINUKPOK SA ULO

Kahulugan: naghahanapng gulo o away

Halimbawa: Dahil sa kanyang masamang ugali, siya ay parang humanap ng


batong ipinukpok sa ulo.

7. IBONG MABABAW ANG LIPAD

Kahulugan: babaeng bayaran

Halimbawa: Dahil naloko siya ng isang recruiter, siya ay naging isang ibong
mababaw ang lipad

8. ILAW NG TAHANAN

Kahulugan: ina

Halimbawa: Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto.

9. IKURUS SA NOO

Kahulugan: tandaan

Halimbawa: Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo.

10. IBAON SA HUKAY

Kahulugan: kalimutan ang mga bagay o pangyayaring pinagdaanan

Halimbawa: Huwag mo ako ibaon sa hukay.

11. HAMPASLUPA

Kahulugan: lagalag, busabos

Halimbawa: Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.


12. ISANG KAHIG, ISANG TUKA

Kahulugan: kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang pangangailangan;


husto lamang ang kinikita sa pagkain

Halimbawa: Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang


kalagayan ng buhay.

13. HUMALIK SA YAPAK

Kahulugan: labis na humahanga; magmana ng talino, ugali, gawi, o anyo; iniidolo

Halimbawa: Sana ay humalik ka sa yapak ng iyong nakakatandang kapatid.

14. HAWAK SA LEEG

Kahulugan: sunud-sunuran

Halimbawa: Hawak niya sa leeg ang kanyang mga tauhan kung kaya't hindi sila
makapagsalita ng masama.

15. DIBDIBAN

Kahulugan: totohanan

Halimbawa: Dibdiban ang kwentuhan namin kung kami ay nakainom.

16. DURUGIN ANG PUSO

Kahulugan: pasakitan

Halimbawa: Handa akong durugin ang puso mo at pasakitin ang damdamin mo


gaya ng ginawa mo sa pamilya ko.

17. IGUHIT SA TUBIG

Kahulugan: kalimutan

Halimbawa: Iguhit sa tubig ang iyong mga naranasan noong ikaw ay nasa Saudi.
18. DI MAHAPAYANG GATANG

Kahulugan: hindi magpapatalo

Halimbawa: Di mahapayang gating ang nakalaban ko sa taekwando.

19. LUMAKI ANG ULO

Kahulugan: mayabang; yumabang

Halimbawa: Lumaki ang ulo niya nang nanalo siya sa lotto.

20. LIKAW NG BITUKA

Kahulugan: kaliit-liitang lihim; sekreto

Halimbawa: Huwag mong isiwalat ang likaw ng bituka ng iyong kapatid.

21. LIGAW-TINGIN

Kahulugan: torpe; hindi makapagsalita sa nais ligawan

Halimbawa: Napunta sa iba ang taong gusto niya dahil sa kanyang pagiging
ligaw-tingin.

22. LAKAD-KUHOL

Kahulugan: mabagal utusan; patumpik-tumpik kapag inutusan

Halimbawa: Siya ay lakad-kuhol sa tuwing inuutusan ng kanyang ina.

23. LIGONG-UWAK

Kahulugan: hindi naghihilod o gumagamit ng bimpo kapag naliligo; ulo lamang


ang binabasa.

Halimbawa: Napakabaho naman ng ligong-uwak na si Juan.


24. DALAWA ANG MUKHA

Kahulugan: kabilanin, balik-harap

Halimbawa: Si Maria ay matalik kong kaibigan pero nag dalawa ang kanyang
mukha nang may nakita na siyang bagong kaibigan.

25. DALAWA ANG BIBIG

Kahulugan: mabunganga; madaldal

Halimbawa: Palaging napapagalitan si Juan ng kanyang guro dahil dalawa ang


kanyang bibig.

26. HALANG ANG BITUKA

Kahulugan: salbahe,desperado o hindi nangingiming pumatay ng tao

Halimbawa: Si Jose ay halang ang bituka kung kaya’t maraming umiiwas sa


kanya.

27. HALIGI NG TAHANAN

Kahulugan: ama

Halimbawa: Batid nila na ang pagsunod sa mga alituntunin ng ebanghelyo sa


lahat ng aspeto ay ginagawa silang mga ulirang haligi ng tahanan.

28. LAWIT ANG PUSOD

Kahulugan: balasubas

Halimbawa: Lawit ang pusod ng lalaki dahil hindi niya tinulungan ang matandang
maraming dala.
29. LUMANG-TUGTUGIN

Kahulugan: lumang pag-ugali o dahilan; bagay na nakasanayan dahil laging


ginagawa.

Halimbawa: Mga lumang tugtugin na ang ipinapangako ng mga pulitiko tuwing


halalan.

30. DAGA SA DIBDIB

Kahulugan: takot

Halimbawa: Ang mapanganib na gawaing ito’y kailangang gawin ng mga Pinay


nang walang daga sa dibdib.

31. DAGANG-BAHAY

Kahulugan: taksil sa kasambahay

Halimbawa: Hindi ko inakala na isang dagang-bahay pala ang ipinadala ng


kanilang ahensya.

32. HAHARAP SA MAGALING

Kahulugan: mag-aasawa

Halimbawa: Haharap sa magaling ang anak ni Aling Corason sa susunod na


buwan.

33. HUBAD SA KATOTOHANAN

Kahulugan: hindi totoo

Halimbawa: Hubad sa katotohanan ang ipinapakitang pagmamahal ni Rose kay


Dave.

34. IBONG MANDARAGIT

Kahulugan: mananakop

Halimbawa: Napakaming ibong mandaragit ang umaali-aligid sa bansa natin.


35. ISANG BULATE NA LANG ANG HINDI PUMIPIRMA

Kahulugan: malapit ng mamatay

Halimbawa: Isang bulate na lang ang hindi pumipirma kay Koring.

36. LAHING KUWAGO

Kahulugan: sa umaga natutulog

Halimbawa: Itong si Andeng ay may sa lahing kuwago.

37. LAKAD PAGONG

Kahulugan: sobrang bagal na pag-usad tao man o sasakyan

Halimbawa: Pambihirang trapik yan, lakad pagong!

38. LAMAN NG LANSANGAN

Kahulugan: Laging istambay sa kalye

Halimbawa: Laman ng lansangan na yang batang yan kaya madalang ng umuwi ng


bahay.

39. LAMOG ANG KATAWAN

Kahulugan: sobrang pagod

Halimbawa: Napaka-daming trabaho sa opisina kaya lamog ang katawan ni Joy pag-
uwi ng bahay.

40. LANTANG GULAY

Kahulugan: halos hindi na maigalaw ang katawan sa sobrang pagod

Halimbawa: Ang layo ng tinakbo nya kaya lantang gulay na siya ng matapos ang
karera.
41. LUMUHA MAN ANG BATO

Kahulugan: hindi mapatawad

Halimbawa: Kahit pa lumuha man ng bato si Leni ay hindi na magbabago ang desisyon
ni Ashley.

42. LAWIT ANG DILA

Kahulugan: sobrang pagod

Halimbawa: Lawit ang dila ni Nancy pagkauwi galing trabaho.

43. LAYLAY ANG BALIKAT

Kahulugan: bigong-bigo

Halimbawa: Kung alam ko lang na laylay ang balikat mong uuwi dito, hindi na sana kita
hinayaang umalis pa.

44. LUHA NG BUWAYA

Kahulugan: hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong

Halimbawa: Akala mo’y totoo pero luha ng buwaya lang naman ang ipinakita niya.

45. LUMAGAY SA TAHIMIK

Kahulugan: nagpakasal, nag-asawa

Halimbawa: Mula ng lumagay sa tahimik si Nathan ay di na siya muling ginambala pa ni


Karen.

You might also like