You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Katarungan
TANGGAPAN NG MANANANGGOL PAMBAYAN
(PUBLIC ATTORNEYS OFFICE)
SAN JOSE CITY DISTRICT OFFICE
San Jose City, Nueva Ecija

KASUNDUAN
KAMI, sina ELMER R. PASCUAL, may sapat na taong gulang, at
nakatira sa Zone 6, Sto. Nio 1 st, San Jose City, N.E., at dito ay makikilala
bilang UNANG PANIG, at CECILIO S. MORDEN, may sapat na taong gulang
at nakatira sa Bliss, Brgy. Malasin, San Jose City, N.E., at dito ay makikilala
bilang IKALAWANG PANIG ay kusang-loob at buong kaalamang nagkasundo
ng mga sumusunod, na:
1. Na ang kasunduang ito ay nagmula sa parsela ng lupa na may sukat
na eight thousand square meters (8,000 sq.m.) na
napagkasunduan ng magkabilang panig na ipapasaka sa Unang
Panig sa halagang one hundred thirty thousand pesos (PhP
130,000.00) at ito ay natanggap ng Ikalawang Panig. Ngunit ang
lupang naibigay ng Ikalawang Panig ay two thousand five hundred
square meters (2,500 sq. m.) lamang, at ito ay para sa halagang
forty three thousand pesos (PhP 43,000.00) lamang;
2. Dahilan dito ay ang Ikalawang Panig ay nangangakong ibabalik ang
halagang eighty seven thousand pesos (PhP 87,000.00) at ang
danyos at interes na ten thousand pesos (PhP 10,000.00) sa
Unang Panig sa April 6, 2014;
3. Na ang bayaran ay gaganapin sa opisina ng Public Attorneys Office
San Jose City, sa napagkasunduan ng magkabilang panig;
4. Ang dalawang PANIG ay nangangako na susundin ang mga
nakasaad sa nasabing kasunduan.
GINAWA NAMIN ang kasunduang ito ngayong ika-28 ng Nobyembre
2014 dito sa Lungsod ng San Jose, Nueva Ecija sa harap ng mga nakalagda
sa ibaba.

ELMER R. PASCUAL
(Unang Panig)

CECILIO S. MORDEN
(Ikalawang Panig)

MGA SAKSI:
__________________________

__________________________

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika-28 ng Nobyembre


2014 dito sa San Jose City, Nueva Ecija.

________________________

You might also like