You are on page 1of 1

KASUNDUAN SA PAGPAPATITULO NG LUPA

ALAMIN NG LAHAT:

Ang KASUNDUAN na ito ay isinagawa at nilagdaan nina:

ERNESTO R. FOJAS JR, nasa wastong gulang, Filipino at nakatira sa


Tatalon, Quezon City, (Unang Panig)

LEODIGARIO MANIAGO, nasa wastong gulang, Filipino at nakatira sa San


Nicolas, Sta. Ana, Pampanga. (Pangalawang Panig)

Kami ay nagkasundo ng mga sumusunod:

1. Na ang parehong panig ang nagmamay-ari ng lupa na may kabuuang sukat na


5,300 square meters at matatagpuan sa San Nicolas, Sta. Ana, Pampanga

2. Na ang parehong panig ay nagkasundo na ipapatitulo nila ang lupa sa


kanilang pangalan.

3. Na nagkasundo ang dalawang panig na maghahati sila sa gastos ng


pagpapatitulo ng nasabing lupa

4. Na ang UNANG PANIG ang pansamantalang mang-aabono ng lahat ng mga


gastos sa pagpapatitulo ng lupa.

5. Na kapag natapos ang proseso ng pagpapatitulo ng lupa ay babayaran ng


PANGALAWANG PANIG ang gastos ng kanyang parteng lupa.

6. Na nagkasundo ang dalawang panig na hindi ibibigay ng UNANG PANIG ang


titulo hanggat hindi nabayaran ng buo ang kabuuan gastos ng pagpapatitulo
ng parteng lupa ng PANGALAWANG PANIG.

7. Na lahat ng mga gastos ay paghahatian ayon sa gastos ng kanilang titulo.

8. Na ang kasulatan na ito ay buong pusong susundin lahat ng nakasaad dito

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO ay lumagda kami sa ilalim nito ngayong


_____________ dito sa ______________________.

ERNESTO R. FOJAS JR LEODIGARIO MANIAGO


Unang Panig Pangalawang Panig

Nilagdaan sa harap ng mga saksi:

___________________________ ____________________________

You might also like