You are on page 1of 55

ISANG PAG-AARAL SA MGA KADAHILANAN NG PAGLIPAT NG MGA

UERMMMC NARSING NA MGA MAG-AARAL SA IBANG KURSO

Isang Pananaliksik na iniharap kay


Propesor Rosalie G. Yap
Propesor sa Filipino 112

Ipinasa nina
Miguel Adrian A. Yu

Wyona Marie C. Young

Regine H. Reboquio

Jason C. Aguila

Micah Zamin E. Jainani

Julia Gray B. Marquez

Paula Marie O.Borja

Alex Rhey V.Rogacion

Jhanalyn H. Dela Cruz

Charisse M. Socan
BSN-IL
Marso 17, 2009
Ikalawang Semestre 2008-2009
Pamantasan ng Silangan
Lungsod ng Maynila
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pahina
Pamagat.1
Talaan ng Nilalaman.2
Dahon ng Pagpapatibay4
Abstrak....5
Pasasalamat.9
Paghahandog..16
Kabanata 1: Mga Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral
Panimula..17
A. Sanligan ng Pag-aaral19
B. Balangkas Teoretikal.21
C. Balangkas Konseptwal..22
D. Paglalahad ng mga Suliranin25
E. Hypotheses..26
F. Kahalagaan ng Pag-aaral..27
G. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral...29
H. Depinisyon ng mga Katawagan.30

Kabanata 2: Kaugnay na mga Pag-aaral at Literatura

Panimula33
A. Kaugnay na Literatura34
B. Kaugnay na Pag-aaral.36
C. Sentesis..37
Kabanata 3: Metodolohiya
Panimula........38
A. Paraan ng Pananaliksik39
B. Mga Respondents..39
C. Paraan ng Pagsasagawa40
D. Teknik at Instrumento....41
E. Pagbibigay Halaga sa Datos...41
Pansariling Tala ng mga Mananaliksik42
Mga Talasanggunian..53

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa mga pangangailangan sa asignaturang Fil112, Pagbasa at


Pagsulat sa Ibat-ibang Disiplina, ang pananaliksik na ito ay pinamagatang Isang
Pag-aaral sa mga Dahilan ng Paglipat ng mga UERMMMC na Mag-aaral ng
Narsing sa Ibang Kurso ay inihanda at ipinasa ng pangkat 2 ng mga mananaliksik
mula BSN-1L na binubuo nina:

Miguel Adrian Yu

Wyona Young

Regine Reboquio

Jason Aguila

Micah Jainani

Julia Marquez

Paula Borja

Alex Rogacion

Jhanalyn Dela Cruz

Charisse Socan

Ang pananaliksik na ito ay minarkahang ____%


Ng Dalubgurong si
_____________________
ROSALIE G. YAP
Propesor. Filipino 112
Dalubhasaan ng mga Sining at Agham
ABSTRAK
4

Pangalan ng mga Mananaliksik: Miguel Adrian A. Yu


Wyona Marie C. Young
Micah Zamin E. Jainani
Paula Marie O. Borja
Jhanalyn H. Dela Cruz
Regine H. Reboquio
Jason C. Aguila
Charisse M. Socan
Alex Rhey V. Rogacion
Julia Gray B. Marquez

Pamagat ng Tesis: Isang Pag-aaral sa mga Dahilan ng Paglipat ng mga


UERMMMC Narsing na mag-aaral sa Ibang Kurso

Mga Layunin

Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang mga kadahilanan sa kabila


ng paglipat ng mga mag-aaral ng Narsing sa UERMMMC sa ibang kurso. Nais rin
ng mga mananaliksik na mabatid ang epekto nito sa paaralan na nilisan at sa
kursong Narsing. Isa rin sa mga layunin ng mga mananaliksik ang makita kung
gaano kalaki ang epekto ng paglipat ng Kurso ng mga dating mag-aaral ng
Narsing, kung ano ang naging epekto ng bagong tinahak na kurso sa mga magaaral. May layunin din itong malaman kung may kaugnayan ba ang istilo ng
propesor sa pagtuturo sa ginagawang paglisan ng mga mag-aaral ng Narsing sa
UERMMMC.

Metodolohiya

Ang ginamit na pamamaraan ay Deskriptiv o Palarawang Pamamaraan.


Tinatangka ng pananaliksik na ito na malaman ang mga kadahilanan sa likod ng
mga isinasagawang paglipat ng mga estudyante ng narsing sa UERMMMC.
Lahat ay kumalap ng datos at impormasyon sa silid-aklatan ng Pamantasan
ng Silangan, Manila at Ramon-Magsaysay Campus. Kumuha rin sila ng datos sa

pamamagitan ng pag-iinterbyu sa mga ilang mag-aaral ng UERMMC na lumipat


ng ibang kurso na nagmula sa kursong narsing. Kumuha rin sila ng mga
importanteng datos tulad ng ilang mga teoryang maiuugnay sa aming
isinasagawang pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay kumalap ng impormasyon
gamit ang mga libro at iba pang babasahin na maaaring mapagkunan ng mga
impormasyon o mga datos na may kaugnayan
sa kanilang mga pag-aaral. Gumamit rin sila ng internet upang gamiting
karagdagang sanggunian sa kanilang pag-aaral. Sila rin ay tila mga mag-aaral ng
kursong narsing.

Sa Pamantasan ng Silangan, Manila Campus at Ramon Magsaysay Campus


isinigawa ang pag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay isinigawa sa loob ng isang
buwan mula Pebrero 2009 hanggang Marso 2009.

Resulta:

Ang pinakamaraming naisaad na kadahilanan ng paglipat ay ang istilo ng


mga propesor sa pagtuturo. Tila napakahirap at komplikado raw ng mga asignatura
nila dahil sa estratehiyang ginagamit ng kanilang mga propesor. Ito ang naging
dahilan ng karamihan sa kanilang paglipat. Maiuugnay dito ang nararanasang
brain drain ng ating bansa kung saan ang ating mga de-kalibreng propesor sa
larangan ng Narsing ay isa isa ng umaalis ng bansa upang kumita ng dolyar. Ang
mga natitira tuloy ay tila mga baguhang walang sapat na ekspiriensiya upang
maging epektibo sa pagtuturo. Isa rin sa mga dahilan ng paglipat ng mga
estudyante ay ang kahirapan o problemang pangpinansyal. Sa taunang pagtaas ng
matrikula at dami ng kailangan gastusin sa pagkuha ng Narsing, nagiging mahirap
na ito sa mga magulang kaya kahit hirap man ang sasapitin ng kanilang mga anak
ay wala silang magawa kundi ang palipatin ang kanilang anak ng kurso, o kung
hindi naman ay pinatitigil na ng pag-aaral.

PASASALAMAT

Nais kong pasalamatan ang aking mga magulang na gumabay sa akin sa


aking isinigawang pananaliksik. Nais ko ding bigyang pugay ang aking mga
kagrupo na siyang naging daan tungo sa tagumpay ng aming pananaliksik.
Pinapasalamatan ko din ang aming guro na si Propesora Rosalie Yap sa kanyang
walang humpay na paghahatid ng gabay at supporta para sa aming pag-aaral.
Hindi ko rin maipagpapaliban ang pagbibigay pugay sa kanyang mga naipabatid
na kaalaman sa amin, ang kanyang mga estudyante. Nais kong bigyang pugay
muli ang aking mga miyembro sa kanilang pagpapasensiya at pakikiiisa para sa
aming tesis. Sadyang hindi magiging possible ang lahat ng ito kung hindi nila
ipinahiram ang oras at pangunawa nila sa akin. Nais ko din pasalamatan ang
Panginoong Diyos na walang humpay na dininig ang aking mga panalangin. Wala
ako sa aking kinalalagyan kung hindi dahil sa kanyang paggabay at pagmamahal.
Maraming Salamat!
Miguel Adrian A. Yu

Buong puso akong nagpapasalamat una sa lahat sa Poong Lumikha, sa


pagbibigay ng sapat na kaalaman at gabay sa aking isinasagawang
pananaliksik. Nagpapasalamat din ako sa mga tao na tumugon sa aking mga
ginawang interbyu upang maging ganap ang pananaliksik na ito.

At nagpapasalamat din ako kay Dr. Rosalie Yap sa pagbibigay ng sapat na


panahon upang mapagtuunan ng pansin ang gagawin naming pananaliksik.
At ang pag-gabay niya sa gagawin naming ito.
Regine H. Reboquio

Nagpapasalamat ako sa suporta ng aking mga kagrupo at sa kanilang


pagsisikap. Nagpapasalamat din ako sa aking sarili sa pagtitiyagang gawin
ang aking parte sa aming pananaliksik.
Jhanalyn H. Dela Cruz

Ang pagsasagawa ng pananaliksik na ito ay hindi magiging posible kung


hindi dahil sa tulong, kooperasyon at suporta ng mga sumusunod:
Sa aking guro na nagbigay ng walang katapusang suporta na nakatulong sa
aming mga mananaliksik, na matapos ang pananaliksik na ito. Na nag-engganyo
10

sa amin na gawin itong proyekto, para sa kanyang mga suhestiyon na nagsilbi sa


amin bilang hamon upang matapos namin ang riserts na ito.
Sa mga mag-aaral ng UERMMMC, na nagsilbing aming mga respondents,
na nagbigay ng buong suporta at tumulong sa pamamagitan ng pag-sagot n gaming
sarbey.
Sa aming grupo, na nagpakita ng buong kooperasyon at interes upang
matapos ang aming pananaliksik.
Sa aking mga magulang na tumulong at nagbigay ng suportang pinansyal at
nagsilbing aking inspirasyon.
At higit sa lahat, sa panginoong Diyos na gumabay sa amin sa pagsasagawa
ng aming riserts.
Charisse M. Socan

Marami ang nakatulong sa pagpapaunlad ng aming pag-aaral. Nais


kong pasalamatan ang mga tumulong na iyon, ang aking pamilya at gabay ng
Panginoon. Sila ay mahahalagang aspeto na nakatulong sa akin sa aming
pag-aaral.
Julia Gray B. Marquez

11

Bilang isa sa mga kinatawan sa pananaliksik na ito, Nais kong pasalamatan


ang Panginoon sa ispiritual na gabay na kanyang ipinagkaloob sa akin. Ang aking
pamilya ay nais ko ring bigyang pasasalamat sa pagbigay sa akin ng inspirasyon sa
paggawa ng pananaliksik na ito. Ang aking mga kaibigan, dalubguro at higit sa
lahat, ang aking mga kagrupo na tumulong upang mapaganda at mapaayos ang
pananaliksik na ito.

Micah Zamin E. Jainani

Nais kong magpasalamat, unang-una sa mahal na Panginoon, sa aking mga


magulang, kapatid, kamag-aral at sa aking mga kagrupo sa gawaing ito. Isang
napakalaking pagtitipon ang nangyari at nagpapasalamat ako sa lahat ng taong
tumulong upang maisagawa namin itong pagaaral na ito. (kung hindi dahil sa inyo
ay malamang hindi namin ito natapos.) Salamat sa kooperasyon at sa pagging

12

andyan sa mga oras na kailangan ko kayo, sa mga bagong kaalamanan na


natutunan ko kasama kayo. Lubos din akong nagpapasalamat kay Bb. Rosalie Yap
sa pagtuturo sa amin ng mga bagong kaalaman tungkol sa Filipino, kung hindi
dahil sa kanya ay hindi matututo ang iba. Maraming salamat po!

Wyona Marie C.Young

Nagpapasalamat ako sa aking mga kamag-anak sa kanilang walang sawa na


pagsuporta. Tinulungan nila ako sa aking mga gawain tulad ng pag-hahanap
ng referens sa internet.
Alex Rhey Rogacion

Para sa aking mga magulang, ako ay nagpapasalamat sa inyong pagiging


mabuting patnugot at gabay para makamit ko ang aking mga pangarap. Sanay
manatili kayong inspirasyon sa aking buhay at pagbibigay ng pag-asa upang
maabot ang magandang kinabukasan. Muli ako ay nagpapasalamat at bilang
inyong anak, asahan ninyong patuloy ko kayong aalagaan at mamahalin habang
tayo ay magkakasama.

13

Para naman sa aking mga kaibigan, una sa lahat, nais kong magpasalamat
sa walang sawang pagsuporta ninyo sa akin at sa mabuting pakikitungo sa
panahon na tayo ay magkakasama. Naging masaya ako dahil nagkaroon ako ng
pagkakataon na makilala ang katulad ninyong kaibigan na handing tumulong sa
anumang oras.

Jason C. Aguila

Nais kong pasalamatan ang aming dalubgurong si Bb. Yap, na siyang


naging gabay namin upang maging matagumpay ang pananaliksik na ito. Naging
magaling siya sa paghubog sa amin lalo na sa pagiging bihasa sa maraming
bagay lalo na ang mag-aral upang makapasa sa aming kurso. Naging sandigan
naming siya at inspirasyon upang kami ay magtagumpay. At ngayon ay nagawa
naming matapos ito kayat laking pasasalamat ang handog namin sa kanya.
14

Nagpapasalamat din ako sa aking mga magulang na siyang inspirasyon ko sa lahat


ng bagay. Sila ang tumutulong sa akin upang makamit ko ang tagumpay na hangad
nila para sa akin. Sinusuportahan nila ako sa aking pag-unlad at ganon din ang pag
suporta sa gastusin namin sa paaralan at sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Kaya sa kabila ng kanilang paghihirap sa pag-trabaho, alay ko ang aking
mumunting nakamit na ito sa kanila bilang tanda ng pasasalamat sa lahat ng
nagawa nila para sa ikakabuti ng aking buhay.

Paula Marie O. Borja

PAGHAHANDOG

Inihanhandog namin ang aming pananaliksik sa Panginoong Diyos na


Maykapal. Handog rin namin ito sa aming mga kamag-aral na lumisan na sa
kurong Narsing. Naway maging matagumpay sila sa landas na kanilang tatahakin.
Alay namin ang pananaliksik na ito para sa mga mag-aaral na kumukuha o

15

nagbabalak pa lamang kumuha ng kursong Narsing. Ito sana ay magsilbing


gabay niyo sa inyong kursong kukunin. Handog rin namin ang pananaliksik
na ito para sa aming mga magulang na nagsumikap upang bigyan kami ng
edukasyon, ito rin ay nagsisilbing patunay na hindi namin wawaldasin ang
paghihirap na pinagdaanan nila para lang sa amin.

Miguel Adrian A. Yu

Wyona Marie C. Young

Regine H. Reboquio

Jason C. Aguila

Micah Zamin E. Jainani

Julia Gray B. Marquez

Paula Marie O.Borja

Alex Rhey V.Rogacion

Jhanalyn H. Dela Cruz

Charisse M. Socan

KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

Panimula

16

Ang ating bansa ay isa sa mga pinakatanyag na suplayer ng mga nars sa


ibang bansa. Dahil sa sobrang laki ng demand sa mga narses, lumago ang
industriya ng narsing sa ating bansa. Ngunit, subalit, datapwat, unti-unti ng naubos
ang trabaho at oportunidad sa ibang bansa gawa ng nararanasang pangdaigdigang
krisis pampinansyal. Dahil dito, unti-unti nang bumabagsak ang industriya ng
Narsing. Isa sa mga salik ng pagbagsak nito ay ang paglipat ng mga mag-aaral ng
narsing sa ibang kurso. Ano kaya ang mga salik at suliranin sa likod ng mga
paglipat na ito? Ito na nga ba ang katapusan ng kasaganahan ng Industriya ng
Narsing sa ating bansa? O mananatili pa rin itong matatag sa mga susunod na
taon?
Hindi na lingid sa ating kaalaman na ang bansang Pilipinas ay isa sa
mga bansa na may pinakamataas na demand pagdating sa pagkuha ng
kursong Narsing, ngunit ibig ba talaga ng mga estudyante ang kursong ito?
Bukas nga ba sa puso nila ang pagkuha ng kursong ito o napipilitan lamang
sila at sadyang mailap para sa kanila ang kursong ito? Masasabi pa rin kaya
na sadyang marami ang kukuha ng naturang kurso?
Sa panahon ngayon, marami nang institusyon ang gumagawa ng mga
tanyag na narses sa ating bansa. Karamihan ay nag-aaral ng Narsing sa
kadahilanang in demand at malaki ang makukuhang sweldo nito. Napakalaki ang

17

maitutulong ng mga nars sa pagbibigay ng matinding pag-aalaga sa kadugo man o


hindi. Kung kayat marami nang mga eskwelahan ang adbans sa pagtuturo upang
masiguro ang kahandaan ng ating mga narses. Ngunit, dahil sa pagiging adbans ng
mga eskwelahan, nahihirapan na ang mga mag-aaral ng kursong narsing na hatiin
ang kanilang oras sa pag-aaral. Minsan ay hindi na sila nakakatulog o nakakakain
sa tamang oras dahil sa dami ng ginagawa. Ang pagpunta ng mga narses sa ibang
bansa at ang mahirap na kurikulum ng kursong narsing ang ilan lamang sa dahilan
kung bakit bumabagsak na ang bilang ng mga nars at kung bakit lumilipat sa ibang
kurso ang mga mag-aaral ng narsing. Ngayon, paano kaya natin masosolusyonan
ang mga ito? Papaano na kaya kung patuloy pa rin itong mangyayari sa ating
bansa? Hihintayin pa ba natin ang oras na maubusan na ng mga nars dito? Kaya
naman nagsagawa kami ng pananaliksik tungkol dito upang makahanap ng
solusyon sa mga nabanggit o kaya naman ay upang malaman kung ilan na ba ang
nasa ganitong kalagayan.

Sandigan ng Pag-aaral

Ang kursong Narsing ay laganap halos sa buong daigdig, lalung-lalo na sa


Pilipinas. Ito ay naghahain ng magandang kinabukasan lalo nat parami ng parami

18

ang mga ospital, klinika, at ibang mga industriya na nangangailangan ng mga nars.
Karamihan pa sa mga nangangailangan ng mga nars ay mula sa ibang bansa. Tiyak
na nakaeenganyo para sa mga nars na magsikap upang makapunta sa ibang bansa
at kumita ng sapat na pera para sa kanilang magandang kinabukasan. Marami sa
mga magulang ngayon ay pinipilit ang mga anak na kuhanin ang kursong Narsing
para lamang makaahon sa kahirapan ng buhay. Sadyang kaawaawa tuloy ang mga
napilitang mag-aral ng kurso. Sa taong ito, sumiklab ang paglipat ng mga magaaral ng Narsing sa kursong siyang tinitibok ng kanilang puso.
Sa kasalukuyan, ang kursong Narsing ay pahirap nang pahirap at pataas
nang pataas ang pamantayan nito. Isang epekto ng pagtaas ng istandards sa
kursong ito ay ang pagdami ng mga kumukuha ng Narsing.

Dahil sa brain drain

na nararanasan ng bansa, isa isa nang lumisan ang ilang mga de-kalibreng
propesor ng naturang disiplina, ang resulta ay ang pagbaba ng kalidad ng mga
bagong nakapagtatapos ng Narsing. Ito ang kadalasang kadahilanan kung bakit
hindi makahanap ng trabaho ang ilang nars ng bansa. Isa pa, ay ang paghihigpit ng
ibang bansa sa mga nangingibang bansang mga nars mula sa ating bansa.
Maaaring ang pagbabago ng pamantayan o kurikulum ay sanhi ng paglipat ng mga
estudyanteng nars sa ibang kurso. Maging, hindi man nila kaya ang grading
system o sadyang masyadong mabigat sa kanila ang mga inaaral dahil sa

19

kakulangan nila sa dating kaalaman sa mga adbans na sabjek. Marami ang kumuha
ng Narsing sapagkat silay pinilit lamang.
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga posibleng dahilan ng paglipat
ng mga mag-aaral ng Narsing sa ibang Kurso. Ito rin ay may layong magbigay
impormasyon sa mga gustong lumipat o ipagpatuloy lang ang kursong Narsing.

Balangkas ng Teoretikal

Ayon sa Free-will theory ni Jeremy Bentham, maiuugnay ito sa lahat ng tao.


Ito ay nagsasabi na ang bawat tao ay may kalayaan at kakayahan na gawin ang
kung anong naisin niya. Humigit kumulang, ito ang nakapagpapaliwanag kung
bakit pilit ipinaglalaban ng mga mag-aaral ang kursong kanilang gusto maliban sa
Narsing.

Ayon sa Social Influence Theory ni Cialdini, kapag hindi alam ng isang tao
ang gagawin, walang pag-dadalawang isip na sinusunod niya ang salita o galaw ng

20

isang tao. Maaaring ito ang naging dahilan ng mga ilang mag-aaral na napilitang
mag-aral ng Narsing, ito ay kung saan silay walang nagawa sa utos o salita ng
kanilang mga magulang at pati na rin sa mga impluwensiyang umaalidgid sa
kanilang buhay.

Balangkas ng Konseptwal

Kapag ang landas o propesyon na pinili ng isang tao ay ang siyang talagang
hilig o nasa kanyang interes, higit na malilinang niya ang kanyang mga kaalaman,
kakayahan at talento sa larangang iyon.
Ang estratehiya ng mga propesor ay may direktang kadahilanan sa paglipat
ng mga estudyante ng narsing sa ibang kurso. Kung hindi man sila sobrang
istrikto, sila naman ay pawang mga hindi de-kalibreng propesor. Nawawala tuloy
ang gana ng mga mag-aaral na makinig at ang kalimitang kinalalabasan nito ay
ang kawalan ng pagkatuto. Kapag hindi natuto ang mag-aaral, ang kanyang mga

21

grado sa mga pagsusulit ay nanatiling mababa, at ito ang nagiging dahilan sa


kanyang pagkakatanggal sa naturang pamantasan. Kung minsan naman, ang
namumugtong galit at pagkainis sa pagitan ng estudyante at propesor dahil sa
hindi pagkakaunawaan sa loob ng silid-aralan, ang siyang nagiging ultimo dahilan
ng paglisan ng estudyante sa larangan ng Narsing.
Datapwat, maraming maaring maging dahilan ang mga mag-aaral upang
lumipat ng kurso, ang kakulangan ng sapat na pondo at estratehiya ng propesor
ang kadalasan nilang dahilan sa isinisasagawang paglipat.
Ang nararanasang pandaigdigang krisis pampinansiyal ay may direktang
epekto na sa sistema ng edukasyon sa ating bansa. Sinamahan pa ito ng brain
drain kung saan unti-unti nang lumilisan ang ating mga pinakamagagaling na
manggagawa, propesor, nars, doctor, at iba pa.
Ang buhay ngayon ay ibang iba sa buhay noong unang panahon. Ang ating
ekonomiya ay bagsak at hirap na. Kaya sa panahon ngayon, mas kailangan ang
pagiging praktikal at pagtitipid. Hindi ganoong kadali ang makapagtapos dahil sa
laki ng bilihin, pamasahe at lalo na ng matrikula. Mahirap din makahanap ng
trabaho kung ikaw ay mag-aaral sa mababang pamantayan na mga paaralan. Ang
mga mag-aaral sa panahon ngayon ay nahihirapan pumili ng magandang kurso sa
kalagayan ng ating bansa. Nais din ng mga magulang nila na sila ay maiahon sa

22

hirap kaya't nais nilang mag narsing ang kanilang anak upang sila ay makapunta sa
ibang bansa upang kumita ng malaki. Pinipilit nila ang kanilang mga anak na
aralin ito, dahil sa kanilang paningin, ito lang ang makakatulong sa kanilang pagunlad. Ito ang kadahilanan kung bakit sila kumuha ng Narsing. Ngunit nang sila ay
makapasok na at naranasan ang pag-aaral, lalo silang nahirapan at napag-alamang
hindi nila kaya ang mga hirap ng pag-aaral ng isang nars.

Balangkas Konseptwal Paradigma

Batayan

Proseso

Kinalabasan

23

Propayl ng mga dating Pagbibilang ng mga magmag-aaral ng Narsing sa aaral


ng
Narsing
sa
UERMMMC.
UERMMMC na lumipat na
ng kurso at alamin kung ano
ang kursong ito.
Bilang ng mga magaaral na lumipat na ng Alamin ang kadalasang
ibang kurso at anong kadahilanan ng paglipat
kurso ito.
Alamin
kung
may
Bilang
ng
mga kinalaman ba ang mga
kadahilanang nasaad ng propesor o sistema ng
mga
mag-aaral
na unibersidad sa isinagawang
lumipat ng kurso.
paglipat

Napagalamang
ang
kadalasang kadahilanan
ng paglipat ay dahil sa
mga propesor(46%) at
sa pampinansiyal na
kadahilanan(38%)

Ang
naging
rekomendasyon ng mga
mag-aaral ay bawasan
ang tuition fee at
humanap
ng
magandang estratehiya
ang mga propesor sa
pagtuturo. Isagawa ng
Mga rekomendasyon ng Alamin
ang
mga madalas
ang
mga
mga dating mag-aaral ng rekomendasyon ng mga hands on na gawain.
Narsing
sa dating mag-aaral ng Narsing
UERMMMC.
sa UERMMMC.

Paglalahad ng Suliranin

Karamihan sa mga mag-aaral ng Narsing ay hindi nakatatapos sa naturang


kurso sa kadahilanang paglipat sa ibang kurso. Ang mga suliranin sa likod nito ay

24

sadyang dapat bigyang atensyon upang malaman ang mga maaring maging epekto
nito. Ilan lamang sa mga suliraning ito ay:
1.) Ano ang propayl ng mga respondent ayon sa:
1.1)

Kasarian

1.2)

Edad or Gulang

1.3)

Taon ng pag-aaral; at

1.4)

Kursong nilipatan?

2.) Ano ang mga kadahilanan sa paglipat ng mga narsing na mga magaaral sa ibang kurso?
3.) Sa anong kurso kadalasang lumilipat ang mga mag-aaral sa narsing?
4.) May kaugnayan ba ang pagtuturo o istratehiya ng mga propesor sa
kadahilanan ng paglilipat sa ibang kurso ng mga mag-aaral ng
narsing?
5.) Ano ang maaraing maisagawa ng Pamantasan upang maiwasan ang
paglipat ng mga mag-aaral ng narsing sa ibang kurso?
6.) Maaaring bang nakaapekto ang pandaigdigang krisis pampinansiyal
sa mga paglipat na ito?

Hypotheses

25

Sa aming pag-aaral, nais naming taluntunin ang dahilan ng paglipat ng


mga mag-aaral ng Narsing sa UERMMMC sa ibang kurso. Ilan sa aming
mga palagay ay ang mga sumusunod na dahilan: (1) Maaring mataas na ang
pamantayan ng bagong kurikulum ng paaralan at hindi angkop sa antas ng
mag-aaral ang sabjek na kinukuha; (2) Mabigat ang disiplina at trabaho
bilang isang estudyante ng UERMMMC; (3) Ang ibang propesor sa kursong
Narsing ay may hindi epektibong istilo o estratehiya ng pagtuturo kaya
naman ay mabababa ang marka ng estudyante na nagiging dahilan ng
kanilang paglipat; (4) Hindi epektibo ang patakaran at disiplina sa naturang
Pamantasan at ; (5) Walang sapat na pera ang mga magulang ng estudyante
upang ipagpatuloy ang naturang kurso.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga salik at suliranin sa


likod ng mga dumaraming estudiyanteng umaalis sa larangan ng narsing sa
UERMMMC. Mahalaga ito upang malaman ang mga problemang siyang nagiging
salik sa naturang kurso. Ito rin ay maaaring maging daan sa pagpapaunlad ng mga

26

patakaran sa paaralan upang mabawasan ang pursyento ng mga lumilipat na


estudyante. Magiging tulay din ito upang lalong malinang natin ang maaaring
maging epekto nito sa ating ekonomya. Magdudulot ito ng magandang gabay sa
mga pagkakamaling dapat ayusin sa ating ekonomiya. Magsisilbi ring boses ang
pananaliksik na ito sa mga mag-aaral na may sari-sariling pangangailangan at
hiling hingil sa kursong narsing. Maaaring ang mga estudyanteng itoy magbago
pa ang isipan at manatali sa institusyon. Maaaring maimulat natin ang mga mata
ng mga estudyanteng ito o ng mga tao sa kanilang paligid ukol sa hiling, hangarin
at pakiusap nila. Magbibigay daan din ang pag-aaral na ito sa mga institusyon ng
narsing upang mas mapagbuti at mas mapaganda pa ang kanilang mga programa
sa naturang kurso.
Ang pananaliksik na ito ay kumakatawan sa mga mag-aaral na
kumukuha ng kursong Narsing ngunit sa kalaunan ay lumilipat din sa ibang
kurso. Ito ay ginawa upang magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa
kursong kukunin para maiwasan ang paglilipat-lipat ng kurso. Dito
malalaman ng bawat isa ang kanya-kanyang dahilan kung bakit nga ba
lumilipat sila ng kurso. Dito mabibigyan tayo ng iba't-ibang ideya gaya ng
pagkuha ng kursong Nursing bilang pangunahing kurso o hindi na lamang at
sa halip ay iba ang kursong kuhain. Masasabing isa ito sa madalas na

27

nagiging problema ng estudyante kung kaya't bibigyan namin sila ng


panuntunan upang maging gabay sa kursong kukunin.
Ang pag-aaral sa paksang ito ay makakatulong sa mga estudyante na
nagnanais na kumuha ng Narsing. Makakapagbigay ito sa mga estudyante ng
karagdagang disiplina sa kanilang sarili upang makapag-rebyu ng maayos at
mapaghandaan ang mahirap na antas ng pagsusulit na ibinibigay sa kursong
ito. Malaki rin ang maibibigay ng pag-aaral na ito sa mga estudyante na
napipilitan lamang kumuha nito dahil lamang sa kagustuhan ng kanilang
mga magulang.
Ito rin ay magsisilbing batayan ng mga magulang para maipaliwanag
nila sa kanilang mga anak na ibig kumuha ng kursong ito na ito ay
nangangailangan ng

taos

pusong

dedikasyon

at

tiyaga.

Naway

matutulungan ng pananaliksik na ito ang mga magulang na bigyan ng


magagandang payo ang kanilang mga anak tungkol sa kursong dapat
tahakin.
Para sa mga propesor at dalubguro, makakatulong ang pananaliksik
na ito para mas malinang pa nila ang antas ng kanilang pagtuturo para lubos
o mas madaling maunawaan ito ng kanilang mga estudyante.

28

Ang pag-aaral na ito ay may layong maipabatid sa mga mambabasa ang


ibat ibang dahilan ng paglipat ng Kurso ng may ilang mag-aaral ng
UERMMMC. Maaaring makinabang rito ang institusyong nabanggit sapagkat
maaaring ang kanilang sistema ang isa sa mga dahilan ng paglipat ng mga magaaral, ang pagaaral na ito ay maaari nilang gamitin upang mas mapagbuti at
mapaganda ang kanilang institusyon.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Sa taong, 2009 ng Pebrero hanggang ika 17 ng Marso, ay aming isinagawa


ang pag-aaral sa mga dahilan ng paglipat ng mga UERMMMC Narsing na mga
mag-aaral sa ibang kurso. Ito ay isinigawa lamang sa loob ng institusyon ng
UERMMMC at UE Manila Campus. Ang mga kabilang sa pag-aaral ay ang mga
dating mag-aaral ng Narsing sa UERMMMC mula ika-unang antas hanggang
ikaapat na antas lamang.

Katuturan at Depinisyon

29

Narsing. Ito ay isang kurso na kinukuha sa kolehiyo; isang larangan kung saan
nagpapakadalubhasa ang estudyante upang maging isang propesyonal na Nars.

Kurso. Ito ay isang serye ng pag-aaral na kinukuha sa kolehiyo; pagpapadlubhasa


sa isang larangan.

Mag-aaral o estudyante. Ito ay ang mga taong nagnanais matuto ng isang larangan
o propesyon.

Institusyon. Ito ay isang komunidad ng eskwelahan kung saan binubuo ito ng


administrasyon, mga guro, at estudyante.

Respondente. Ito ay pawang mga mag-aaral na isinailalim sa isang interbyu.

Larangan. Ito ay isang propesyon na pinagkakadalubhasaan ng mga estudyante;


disiplina.

Pamantayan. Ito ang istandard o antas ng pagkatuto.

30

Dalubguro. Ang mga ito ay pawang mga dalubhasa sa pagtuturo ng isang


asignatura.

Income. Ito ang halaga o pera na kinikita ng isang tao sa trabaho.

Tuiton Fee. Ito ang halaga o pera na binabayaran sa isang institusyon ng pag-aaral.

Problemang Pangpinansyal. Ang isa sa mga nagiging pangunahing dahilan ng


paglipat ng Kurso ng mag-aaral ng kursong Narsing.

UERMMMC. Ito ang institusyon kung saan nanggaling ang mga mag-aaral ng
Narsing na lumipat ng ibang kurso.
Proyekto. Ito ay ang pananaliksik na ito na aming natapos at naisagawa ng
maayos. Tumutukoy sa pag-aaral tungkol sa mga narsing na lumilipat ng ibang
kurso.
Matrikula. Halaga ng ibabayad ng isang estudyante sa paaralan para sa mga
matiryales na gagamitin.

31

Bilihin. Ginamit ito upang sumimbulo sa mga gamit pang-eskwelahan lalo na ang
mga kagamitan ng mga nars.
Propesyon. Ang pagiging magaling at bihasa ang sarili sa pag-lilingkod.

KABANATA 2
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAGAARAL
Panimula

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng ibat-ibang aspeto ng kaugnay na


literatura at kaugnay na pag-aaral tungkol sa aming pag-aaral- kung ano nga ba
ang dahilan kung bakit lumilipat ng ibang kurso ang mga mag-aaral ng kursong
Narsing sa UERMMMC. Makikita rin sa sentesis ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng aming pananaliksik sa mga ibang kaugnay nito na thesis, dissertation, journals
at aklat na aming nakalap.

32

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga sanggunian na makatutulong


upang makapangalap ng impormayon. Nakakuha rin sila ng mga artikulo na galing
pa sa mga propesyonal na jornal sa larangan ng Narsing upang mas mabigyang
linaw ang mga usapin ukol sa pag-impis ng bilang ng kumukuha ng Narsing.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Chit Estella, mayroon isang radiology technologist na


nagngangalang Lani ang nakapagsabi na kanyang napupuna na taon-taon na
lamang ay dumadami ang kanyang nakikitang resignation papers ng mga Nars
sa kanilang ospital pati mga ordinaryong mangagawa ay nagsisialisan patungong
Estados Unidos, London o saan mang sulok ng daigdig para doon na manirahan
and magtrabaho nang panghabang buhay. Ayon pa raw kay Lani ay sa kanilang 40
na staff members ay 4 lang ang natira pati siya kasama na roon, ngunit siya rin ay
may balak ng lumisan ng bansa. Marami rin ang magtatapos sa kursong nursing sa
nasabing taon sapagkat patuloy na ang paglobo ng mga paaralan at unibersidad na
nagtuturo ng Narsing. Ang malaking problema nga lang dito ay ang pagbaba ng

33

kalidad ng edukasyon at serbisyo ng mga nakapagtatapos na Nars. Dadami ang


mga maghihintay na makaalis ng bansa, kaya sa ating bansa ay kung mayroon
mang naiiwang magtrabaho rito bilang Nars ay kakaunti na lamang. Ang mga
magagaling sa mga nakatapos ay handa nang umalis ng bansa at ang mga ito ay
kadalasang hindi na nagkakaroon ng karanasan sa trabaho rito. Sa nakalipas na
sampung taon, ang Pilipinas ay nakapagpadala na ng mahigit pa sa 90,000 na
Nars. Ang malaking epekto nito ay ang pagbaba ng kalidad na naibibigay ng mga
ospital sa kanilang mga pasyante o ang mas kagimbal-gimbal na pagsasara ng mga
ospital. Ang isa pang epekto nito ay ang pag-alis ng mga doktor dito upang
maging Nars sa ibang bansa. Sa nakalipas na apat na taon, mahigit sa 3,500 doktor
ang nilisan ang ating bansa para magtrabaho bilang Nars.

Ayon naman sa NIH o National Institutes of Health ay pabata nang pabata


ang mga nagtratrabaho sa ospital ngunit ang mahalaga ay maibigay ang tamang
pag-aaruga sa pasyente. Kapansin-pansin rin ang pagtaas ng bilang ng mga
kalalakihang nag-aaral ng Narsing at Nars na lalaki ngunit wala pa rin naman
masyadong pagbabago sa mga kababaihan, marami pa rin sila. Sa paglobo ng mga
Nars na nagtratrabaho sa ibang bansa ay asahan na ang pagdami ng mga mga
aksidente, mga komplikasyon matapos ang mga operasyon, at mga kaso laban sa

34

mga Nars sapagkat ang mga kadalasang naiiwan sa ating bansa ay di na


masyadong eksperyensiyado. Nagkakaroon na rin ng siklo ang mga nagaganap sa
industriyang ito, ang mga nakakapagtapos ng kursong ito na magaling ay agad
nakakaalis ng bansa at naiiwan sa atin ay mga di masyadong bihasang nars, at
matapos makalipas ang isa hanggang dalawang taon, sila ay aalis na rin at ang
matitira ay ang mga kakatapos lang, na sila namang aalis ulit, paikot lamang ito na
nangyayari. Tayo ang pumapangalawa sa India sa pagsupply ng mga doktor at
Nars abroad, sa katunayan ay ang ating bansa ang nag-susuplay ng 25% ng mga
Nars sa buong mundo. Ngunit sa mga susunod na taon, inaasahan ang pagbagsak
sa demand ng mga nars dahil sa nararanasang oversupply of nurses sa ating bansa.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon naman sa isang pag-aaral na may pamagat na Student Problems in


Southeast Asian Universities na nagmula sa ASAIHL o Association of Southeast
Asian Institutions of Higher Learning ay isang problema ng mga mag-aaral ay ang
problemang pangpinansyal na nakaka-hadlang sa kanila. 10% lamang ang

35

nanggagaling sa mayayamang pamilya at 90% sa mga mag-aaral ng Narsing ay


galing sa mahihirap na pamilya.

Sentesis
Ang mga nabanggit na mga literatura at pag-aaral ay parehong nagsasabing
marami nga talagang nars ang lumilisan sa ating bansa, ang resulta nito ay ang
pagbaba sa kalidad ng serbisyo ng ating mga ospital. Sinasabi rin dito ang mga
disadvantages ng pagiging isang nars.
Ang implikasyon ng paglisan ng mga nars ay may masasamang dulot hindi
lamang sa ating serbisyong pangkalusugan kundi pati na rin sa mga pasiyenteng
nagagailangan ng mapag-arugang sistema. Dumarami na rin ang bilang ng mga
kalalakihang nars sa kadahilanang in demand ang mga ito sa ibang bansa tulad ng
Estados Unidos at Europa. Sinasabi rin sa itaas na malaking hadlang ang kawalan
ng suportang pampinansyal sa pag-aaral ng kursong Narsing kung kayat masasabi
nating marahil ay dala na ng kahirapan ang paglisan ng mga nars sa ibang bansa.
Ang pagkakahalintulad ng mga literatura at pag-aaral na ito sa aming
pananaliksik ay sumasaklaw sa mga kadahilanang nakapag-uudyok ng hangaring
lumipat ng ibang kurso mula sa kursong Narsing.

36

Ang pag-aaral na ito ay isinigawa upang malaman ang mga posibleng


kadahilanan na nakapanghihikayat sa mga mag-aaral ng Narsing na lumipat na sa
ibang kurso.
KABANATA 3
METODOLOHIYA
Panimula

Ipinapakita sa kabanatang ito kung paano namin ipinagtibay ang aming


pananaliksik sa pamamagitan ng deskriptiv riserts. Nagsagawa kami ng interbyu
sa mga mag-aaral ng UERMMMC upang malaman kung ano ba ang dahilan ng
paglilipat ng mga mag-aaral ng narsing sa ibang kurso. Ang ginawa naming
interbyu ay nagsilbing aming gabay upang matukoy kung ano ang magiging
kalalabasan ng aming pag-aaral.

Ang nilalaman ng tsapter na ito ay ang bahagi ng tesis o pananaliksik kung


saan ipinapaliwanag ang pamamaraan na ginamit sa pananaliksik, ang mga
respondents, ang paraan ng pagsasagawa, mga teknik at instrumentong ginamit at
ang pagbibigay halaga sa datos. Ang mga datos na inyong makikita sa bahaging ito
ay bunga ng mga pamamaraan na aming ginamit upang isagawa ang pananaliksik

37

na ito. Ito ay magsisilbing aming pamantayan sa aming pagsasagawa. Dito rin


namin tatalakayin ang iba't-ibang istratehiya upang maipakita ang bilang ng mga
estudyanteng lumipat at ang mga kadahilan nito.

Paraan ng Pananaliksik

Ang ginamit na paraan sa aming pananaliksik ay ang Palarawang


Pamamaraan. Pinagsikapan ng aming pangkat na ipakita o isaad ang mga
kadahilanan kung bakit lumilipat ng ibang kursong ang mga mag-aaral ng
Narsing sa UERMMMC.
Kumalap kami ng impormasyon mula sa mga dating mag-aaral ng
Narsing sa UERMMMC na siyang lumipat na ng ibang kurso.

Mga Respondents

Ang mga respondente ay pawang mga mag-aaral na kumuha ng


kursong Narsing sa UERMMC ngunit sa kalunan ay lumipat ng ibang kurso.
Ang mga respondente ay nasa 17-20 taong gulang, at may kabuuang bilang
na 40. Lahat ng respondente ay dating nag-aral sa UERMMMC bilang isang

38

Narsing na mag-aaral, silay kasalukuyang nagpapatuloy na ng pag-aaral sa


mga pamantasan tulad ng UE Manila Campus, CEU, DLSU, UP, etc. na may
mga

kursong

Engineering(3%),

HRM(41%),

Accounting(22%),

Psychology(16%), Biology(6%), at Mass Communication(12%). 37% ng mga


bilang ng mga respondente ay mga kababaihan at ang nalabing 63% naman
ay mga kalalakihan.

Paraan ng Pagsasagawa

Kami ay nagsimulang magtanong ng mga katanungan sa aming mga


respondente noong ika-20 ng Pebrero 2009. Silay aming ipinasailalim sa
isang interbyu sa pamamgitan ng telepono, harap-harapang pagtatanong, at
pagtsatsat sa internet. Ang mga katanungan ay personal naming itinanong,
ang mga kasagutan naman, ayon sa aming mga respondente, ay buong
katapatan nilang sinagot. Ang proseso ng aming pagtatanong at pagkalap ng
impormasyon ay tumagal ng ilang linggo sa kadahilanang magkasalungat ang
aming iskediyul at ng mga respondente. Kami rin ay kumalap ng
impormasyon sa mga silid-aklatan ng UE Manila, at UERMMMC.

39

Teknik at instrumento
Upang

makalikom

ng

makatotohanan

at

kapanipaniwalang

impormasyon, kami ay nagsagawa ng mga interbyu sa mga mag-aaral ng


Narsing na lumipat ng ibang kurso. Kami rin ay nakakalap ng impormasyon
mula sa mga mag-aaral na ito ng mga kadahilanan kung bakit nga ba sila
lumilipat ng kurso. Naging moderno kami sa pagkalap ng impormasyon
sapagkat gumamit kami ng mga modernong teknolohiya tulad ng kompyuter,
cellphone at iba pa.

Pagbibigay Interpretasyon sa Datos

Percentage

P = (F/N) x 100

Kung saan:
P= porsiyento
F= bilang ng naitalang aytem
40

N= Kabuuang bilang ng aytem

PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK

Mga Mananaliksik: Miguel Yu


Micah Jainani
Wyona Young
Paula Borja
Jhanalyn Dela Cruz
Regine Reboquio
Jason
Aguila
Charisse Socan
Alex Rogacion
Julia Marquez

41

Pangalan: Miguel Adrian A. Yu


Address: #6 Ensure St. Oro Vista Royale, Antipolo City
Number/Email address: 6829135/ 09228682913/ migzyu34@yahoo.com
Kurso: BSN
Personal na Tala
Kapanganakan: August 8, 1991
Lugar ng kapanganakan: Mandaluyong City
Edad: 17
Kasarian: Lalaki
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: Katoliko
Pangalan ng Ama at Ina: Michael G. Yu at Arlene A. Yu
Edukasyon
Tersarya: Pamantasan ng Silangan
Sekondarya: Jubilee Christian Academy
Primarya: Jubilee Christian Academy

42

Pangalan: Paula Marie O. Borja


Address: #23 Rizal Avenue Taytay Rizal
Number/Email address: 09154165122 / paulamarie_03@yahoo.com
Kurso: BSN
Personal na Tala
Kapanganakan: Nob. 21, 1990
Lugar ng kapanganakan: Morong, Rizal
Edad: 18
Kasarian: Babae
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: Roman Catholic
Pangalan ng Ama at Ina: Crispalo C. Borja Jr. at Miriam O. Borja
Edukasyon
Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay
Sekondarya: Siena College Taytay
Primarya: Taytay United Methodist Christian School
43

Pangalan: Charisse M. Socan


Address: Alegria St. Sta. Mesa, Manila
Number/Email address: 09179281069 / chasox21@yahoo.com
Kurso: BSN
Personal na Tala
Kapanganakan: June 21 1992
Lugar ng kapanganakan: Ilagan, Isabela
Edad: 16
Kasarian: Babae
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: Katoliko
Pangalan ng Ama at Ina: Mario B. Socan at Maribel M. Socan
Edukasyon
Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay
Sekondarya: Isabela National High School
Primarya: Ilagan South Central School
44

Pangalan: Julia Gray B. Marquez


Address: 044 Ipil St. Marikina Heights, Marikina City
Number/Email address: julia081591@yahoo.com / 09165500004
Kurso: BSN
Personal na Tala
Kapanganakan: Agosto 15, 1991
Lugar ng kapanganakan: Mandaluyong City
Edad: 17
Kasarian: Babae
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: Roman Catholic
Pangalan ng Ama at Ina: Alfonso Marquez Jr. at Jocelyn B. Marquez
Edukasyon
Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay
Sekondarya: St. Scholasticas Academy of Marikina
Primarya: St. Scholasticas Academy of Marikina
45

Pangalan: Micah Zamin E. Jainani


Address: 19 Bonanza St. Rancho II Concepcion 2 Marikina
Number/Email address: 9344167 / pooh_812@yahoo.com
Kurso: BSN
Personal na Tala
Kapanganakan: Sept. 30, 1990
Lugar ng kapanganakan: Greenhills, San Juan
Edad: 18
Kasarian: Babae
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: Roman Catholic
Pangalan ng Ama at Ina: Andy Jainani at Ester Jainani
Edukasyon
Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay
Sekondarya: Miriam College
Primarya: Miriam College

46

Pangalan: Jhanalyn H. Dela Cruz


Address: 1776 B. Consuelo St. Sta. Cruz, Manila
Number/Email address: 09238419124/ jhana_dustin_08@yahoo.com
Kurso: BSN
Personal na Tala
Kapanganakan: Hulyo 25, 1992
Lugar ng kapanganakan: Manila
Edad: 16
Kasarian: Babae
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: B.A.C
Pangalan ng Ama at Ina: Jaime R. Dela Cruz at Everlyn H. Dela Cruz
Edukasyon
Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay
Sekondarya: Pamantasan ng Silangan
Primarya: Pamantasan ng Silangan

47

Pangalan: Alex Rhey V. Rogacion


Address: 1735 Kalimbas St. Sta. Cruz Manila
Number/Email address: arvr_alex@yahoo.com
Kurso: BSN
Personal na Tala
Kapanganakan: Agosto 28, 1991
Lugar ng kapanganakan: Manila
Edad: 17
Kasarian: Lalake
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: Katoliko
Pangalan ng Ama at Ina: Rizaldie Rogacion at Ma. Belen Rogacion
Edukasyon
Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay
Sekondarya: Lourdes School of Quezon City
Primarya: Lourdes School of Quezon City

48

Pangalan: Wyona Marie C. Young


Address: G42 K-ville THSE, Sanville Subd. Proj. 6, Ouezon City
Number/Email address: 09155759152 / yonnaaa@yahoo.com
Kurso: BSN
Personal na Tala
Kapanganakan: Dec 9 1991
Lugar ng kapanganakan: Quezon City
Edad: 17
Kasarian: Babae
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: Katoliko
Pangalan ng Ama at Ina: Warren T. Young at Judith C. Young
Edukasyon
Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay
Sekondarya: Mary Immaculate Academy of Quezon City
Primarya: St. James College of Quezon City

49

Pangalan: Regine H. Reboquio


Address: 14-061 Eastwind St. Brgy. Rizal, Makati City
Number/Email address: 091678602421/ phinkaholic_999@yahoo.com.ph
Kurso: BSN
Personal na Tala
Kapanganakan: Sept. 09, 1991
Lugar ng kapanganakan: Sta. Mesa
Edad: 17
Kasarian: Babae
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: Katoliko
Pangalan ng Ama at Ina: Nicolas A. Reboquio at Evangeline Reboquio
Edukasyon
Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay
Sekondarya: La Immaculada Concepcion School
Primarya: La Immaculada Concepcion School

50

Pangalan: Jason C. Aguila


Address: 3131-G Westside Apt. Nagtahan. Sta. Mesa
Number/Email address: jasonaguila760@yahoo.com
Kurso: BSN
Personal na Tala
Kapanganakan: 4/30/1984
Lugar ng kapanganakan: Guam, USA
Edad: 24
Kasarian: Lalaki
Nasyonalidad: Amerikano
Relihiyon: Katoliko
Pangalan ng Ama at Ina: Leonardo M. Aguila at Eden C. Aguila
Edukasyon
Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay
Sekondarya: EL Camino High School
Primarya: San Rafael Elementary School

51

MGA TALASANGGUNIAN
A. Mga Aklat
Lim, Manuel. 2000. Shortcomings of the Philippine Educational System,
Remedial Measures Adopted, And Proposed Solution.
Sevilla, Gadja C. 2003. The Philippines Yearbook: Education.
Singh, Edward. 1999. Student Problems in Southeast Asian Universities.
Estella, Chit. 2005. Lack of Nurses Burdens an Ailing Healthcare System.
Benguayan, Michael. 2003. Philippine Doctors and Nurses: Going, Going, Gone.
Ilby, Willkinson L. 2000. Strategies for Improving Teaching Strategies: A
Comprehensive Approach to Faculty Development.
Harms, J.Y. 2001. The Transfer Process as Viewed by Asians.

B. Mga Nalathala at Hindi-Nalathalang Tesis at Disertasyon


A.S.A et al. 2007. Isang Pag-aaral sa pananaw ng mga mag-aaral ng nursing sa
UERMMMC tungkol sa pagdami ng bilang ng mga propesyunal(Nars at Doktor)
na nagtatatrabaho sa ibang bansa. UERMMMC. Hindi Nalathala.
Anderson, Carole A. 2003. Barriers to Increasing Native Hawaiian, Samoan, and
Filipino Nursing. Nalathala.
C. Mga Sangguniang Nakalap Mula sa Internet

52

http://www.uerm.edu.ph/nursing/curriculum.html
http://www.ched.gov.ph/policies/CMO2008/CMO%20No.%205%20s.
%202008%20new.pdf
http://countrystudies.rs/philippines/34.htm
http://www.onlinenursingdegrees.org/theregisterednursepopulation.pdf
http://www.milkeninstitute.org/pdf/asia_philippines.pdf
http://www.adb.org/Documents/Books/Poverty-in-the-Philippines/chap6.pdf
http://www.census.gov.ph/data/sectordata/popproj_tab3r.html
http://mensnewsdaily.com/2006/06/28/brain-drain-hits-philippines/?
akst_action=share-this
http://www.varsitarian.com/detail.asp?
ArticleID=76020804&Sections=Editorial&id=1341&source=archive.asp&Archive
ID=7602
http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=226310&page=2
http://www.asianewsnet.net/news.php?id=1750&sec=1
http://www.pcij.org/stories/2005/nurses.html
http://nursingguide.ph/articles_archive-4/Nursing_News_Updates.html

53

54

55

You might also like